Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DG 3




" i made a choice to finally let go,

because I can't stand the pain,

it's time for my last tear to fall

and smile again. "

~unknown

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~



(Sam)



WALANG TADHANA.

Ganun ba talaga? Wala ba talaga? Oo, ganun nga. Wala. Wala talagang tadhana? Akala lang ng karamihan na meron pero ang totoo ay wala, wala. Wala! Kaya nga mas mabuting paniwalaan na wala talagang tadhana.

Kapalaran? Yun, meron pa nun. Mas dapat nating paniwalaan na may mararating ang tao sa kapalaran lalo pa kung sasabayan ng pagsisikap kesa diyan sa sinasabing tadhanang yan.

Bitter? Hindi naman ako bitter. I just strongly believe that life is not going anywhere kung iaasa lang natin ang lahat sa tadhana.

Tahimik na ang bahay. Mabuti pa ang bahay na ito ay tahimik lang, nakatigil sa iisang lugar, payapa. Hindi umaalis. Hindi lumulingon sa iba kahit pa ang katabi nito ay mas malaki at mas magara pa kesa sa kanya. Kahit na mala-mansyon ang dating ng kalapit-bahay at matayog ang makapal na pader hindi ito nagrereklamo. Nakatigil man sa iisang lugar ay hindi naman nakakulong kahit pa nga may mataas na bakod. Hindi nakagapos. Hindi kontrolado. Hindi mala-impyerno.

Mabuti pa ang gripo namin tuluy-tuloy lang ang daloy ng tubig kahit kadalasan ay kinokontrol ng water district ang rasyon nito. Mabuti na lang at magaling ang water system ng subdivision namin dahil tuluy-tuloy lang ang agos at siguradong masagana ang supply para sa lugar namin.

Mabuti pa ang mga halaman na nakapalibot sa bahay na ito na kahit konti lang ang dilig mo ay maganda at namumulaklak pa rin. Nakapagbibigay ganda at halina sa mga nagdaraan. Napapasaya ang nakakakita nito dahil sa ganda ng sibol ng mga talulot sa umaga at ang iba ay nanghahalina sa ganda ng pamumukadkad nito.

"Oh, bakit gising ka pa, hijo?" Napadpad ako sa kusina para kumuha ng tubig nang masalubong ko si Manang Luz.

Si Manang Luz ay isang biyuda na taga kabilang baryo sa probinsiyang pinanggalingan ko. Bata pa lang ako ay kilala ko na siya. Siya ang palagi kong takbuhan kapag may problema akong hindi ko masabi kanila Tatay at Nanay.

Siya ang naging sandigan ko nung mga panahong wala akong matakbuhan dahil sinukol ako ng pamilya ni Maybel. Nang nabiyuda si Manang ay kinuha ko siyang kasama dito sa bahay bago pa man ako ipinakasal kay Maybel.

"Hindi ako dalawin ng antok, Manang." Siya lang ang nakakaintindi sa akin at sa mga pinagdadaanan ko dahil maging ako mismo ay hindi ko na rin maintindihan minsan ang sarili ko at ang mga nangyayari sa akin.

"Patawarin mo na kasi. Hindi ka makakaahon sa sakit at hirap ng kalooban kung hindi ka magpapatawad." Makahulugan niyang sabi.

Sa mga ganitong salita ni Manang Luz ako mas lalong nanghihina. Para akong bumalik sa pagkabata na gusto lang maglupasay at umiyak.Tumulo ang aking luha dahil hindi ko alam kung anong klase pang pagpapatawad ang pwede kong gawin o kung kaya ko na bang magpatawad.

"Pinatawad ko na ho siya, sila. Matagal na po, kinalimutan ko na rin ho ang mga nangyari." Sagot ko kay Manang Luz. "Pero bakit ganun po? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makalaya? Manang, hirap na hirap na po ako." Nanlulumo kong dugtong.

Sa mga pagkakataong ganito ko lang naibubuhos ang lahat ng sama ng loob at sakit na nadidito sa puso ko.

"Maaari ngang napatawad mo na sila. Maaari ngang kinalimutan mo na ang sakit na idinulot nila sa iyo, pero ikaw ba, pinatawad mo na ang sarili mo? Hindi mo na ba sinisisi ang sarili mo sa pagkawala ni Gale, ng anak n'yo at pati na rin ang pagkakadamay ng mga magulang niya?" Bakit ganito si Manang magtanong? Alam naman na niya ang sagot sa mga iyon.

"Manang, alam mo naman na di ba?" Ganito kami palagi kung nag-uusap. Kung hindi tungkol kay Marinella ay tungkol sa trabaho. Kung hindi naman tungkol sa trabaho ay tungkol naman sa kahapon. At kung hindi tungkol sa kahapon ay ang tungkol sa bukas na walang kasiguraduhan. Depende kung ano ang situasyon ng araw na yun. Hindi ko naman na kailangan sabihin kay Manang Luz kung ano ang nararamdaman ko dahil siya mismo ang nagsasabi sa akin kung ang bumabagabag sa akin.

"Alam mo, Samuel, patawarin mo na ang sarili mo para makalaya ka na sa kung ano man ang nandiyan pa sa puso mo. Sige na, anak. Patawarin mo na si Samuel Grant Aranas. Panigurado ko sa iyo, magiging malaya na siya sa kahapon at magiging handa na siyang humarap sa bukas. Para na lang sa anak mo." Ang mga ngiti ni Manang Luz ang pinaka malapit sa matatamis na ngiti ni Nanay na sa tuwing matatapos kaming mag-usap ay nagiging magaan ang pakiramdam ko.

"Matagal ko nang pinatawad ang sarili ko, Manang. Matagal ko na ring inilibing ang kahapon ko kasama ni Gale. Pero ang masaklap, Manang, naisama ko rin yatang inilibing ang puso. Tumitibok na lang ang puso ko huminga at mabuhay na parang patayat hanggang doon na lang yun." Sagot ko kay Manang Luz.

"Sam..." Sambit ni Manang na hindi ko pinansin.

"Hindi ko kayang mahalin si Maybel. Gayun pa man ay pipilitin kong tratuhin siyang kaibigan. Mahal ko rin si Marinella dahil anak ko siya, kahit na alam kong hindi siya akin." May katagalan kaming natahimik ni Manang.

Nakaramdam ako ng banayad na pagtapik sa aking likod, si Mamang Luz. Ngumiti siya sa akin. Para namang nakabawas ng bigat ang ngiti niya dahil hindi na gaanong mabigat ang dibdib ko.

"Sige na, hijo. Matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Matutulog na rin ako. Mas lalong lumakas ang ulan. Sige na. Ako na ang papatay ng ilaw dini." Tumango ako sa kanya. Inakap ko siya at nagpasalamat.

Ngiti lang palagi ang ibinibigay niya sa akin, sa mga ngiting yun ko nakikita si Nanay. Sa mga ngiti niyang yun nakakakita ako ng konting kalayaan. Sa mga ngiti niyang yun nakakalimutan kong isa akong bilanggo sa buhay na hindi ko pinili.

Bumalik na ako ng kwarto ko at nahiga. Kitang-kita ko sa aking binata ang madilim at maitim na kalangitan at manaka-nakang pagkidlat. Ang ganda talaga ng madilim na langit, lalo pa't umuulan.

Diyan sa dilim na yan nagtatago ang lahat ng nilalaman ng puso ko, ng isip ko, ng kahapon ko. Sa dilim na yan nagtatago ang katotohanang wala na ang dati kong buhay. Ang buhay ko na puno ng sigla, may kalayaan at masaya.

Ang dating kislap na dala ng mumunting bituin sa bawat kong pangarap ay wala na. Nangarap akong mamuhay ng simple at maligaya sa piling ng tunay na minamahal. Pangarap na sa piling lang ni Gale ko makakamtan, ngunit paano? Haaayyy.

Lumakas pa yatang lalo ang ulan. Kaya pala walang kabitu-bituin kaninang naghahapunan kami ni Marinella. Pag-akyat ko kanina pagkatapos namin mag-usap ni Manang Luz ay simpleng ulan lang na may banayad na pagkulog at manipis na kidlat, ngayon ay iba na. May bagyo na naman sigurong parating.

Parang buhay ko lang, walang tigil ang paghagupit ng bagyo sa akin. Walang humpay ang pagbalatay ng malalakas ng kidlat at makabasag pandinig ng kulog. Para akong hinihigop ng kadilimang nasa harapan ko ngayon.

Isang malakas na kulog ang yumanig sa isang alaalang matagal ko nang nailibing kasama niya. Dumaan ang isang matalim na kidlat sa harapan ko na siyang nagbalik sa akin sa kahapon.



**Flashback**

"Grant, ilan ba ang gusto mong maging anak?" Nagulat ako sa tanong ni Gale. Nakayuko lang siya at patuloy sa paggawa ng aming project.

"Oh, bakit mo naitanong? Saan naman nanggaling yan? Hindi pa nga ako nagpo-propose sa iyo, anak na agad?" Panunukso ko sa kanya na alam ko namang hindi niya ikagagalit pero siguradong ikaiinis niya.

"Eeeiiii!! Wag ka ngang inis. Nagtatanong lang eh. Sige na, sagutin mo na ako." Napakaisip bata talaga ng babaeng ito, yun naman ang minahal ko sa kanya. Napaka-inosente niya. Napakatotoo ng puso niya.

"Oh sige na nga. Sinasagot na kita. Hindi mo na ako kailangan pang ligawan ng matagal at pilitin." Sabi ko sa kanya na ikinapangunot ng noo niya, nag-iisip. Slow din ito minsan eh.

"Nasaan ang sagot mo?" Tanong niya sa akin ngunit tinitigan ko lang siya pilyong nginitian.

Ilang saglit pa bago niya nakuha ang biro ko sa kanya. Hinampas niya ako ng notebook na hawak niya, napag-isip-isip niya siguro na binibiro ko na naman siya.

"Ikaw talaga, nakakainis ka! Puro ka kalokohan!" Singhal niya sabay hampas ng isa pang beses bago ako tinalikuran at nagmaktol.

"Hahaha. Aray ko naman. Hindi ka na mabiro." Patuloy kong siyang kinukulit. Namumula kasi ang mga pisngi lalo na ang kanyang balat niya, lalong tumitingkad yung kulay kapag ganun. Ang cute niyang tingnan.

"Samuel Grant Aranas! Umayos ka nga! Iiwanan kita dito!" Inis niyang sabi sa akin na kahit nakasinghal siya ay malambing pa rin ang dating nito.

Magmamaktol na naman ito. Pero okay lang, weekened naman na eh, walang pasok bukas. May dalawang araw ako para suyuin siya. Ang cute niya kapag ganitong nagagalit na siya, nanunulis ang nguso niyang mapupula. Napaka-natural ng kulay nito. Parang ang sarap halikan.

Nasa may batis-batis kami ngayon sa pagitan ng baryo kung saan ang eskwelahan namin at ng baryo kung nasaan ang bahay namin at bahay nila. May tulay ito sa di kalayuan na gawa sa pinagsapin-sapin na kawayan bilang tawiran.

Dito kami madalas pumunta kasama ng mga kaibigan namin pagkatapos ng eskwela bago kami umuwi sa aming mga bahay. Dito din kami gumagawa ng aming mga homeworks at projects kasi hindi kami gaanong kita doon. Dito din kami minsan nagre-review kapag may test o exam. Kadalasan, kami lang ni Gale ang pumupunta dito.

Kailangan naming isumite sa lunes ang project namin sa biology, kaya puspusan na ito. Dapat na naming tapusin ito ngayon para hindi na kami gahulin sa oras. May plano pa naman kaming mag-picnic sa linggo pagkatapos magsimba na kasama ang mga magulang namin.

Bahagya na kaming nagseryoso at natahimik na nga kami habang nagdidikit ako ng iba't ibang dahon sa isang bond paper, siya naman ang nagsusulat ng descriptions at benifits nito sa tao, insekto o hayop. Wala kaming typewriter kaya sulat kamay lang. Di naman namin kayang magbayad sa bayan ng magta-type nito para sa amin.

Ilang sandali pa ay makaramdam kami ng mumunting patak ng tubig. Uulan pa yata. Nagmadali na kaming magligpit dahil paniguradong aabutin kami ng malakas na ulan at mababasa itong project namin. Baka ulitin pa namin ito kapag nabasa ito ng ulan.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi pa man din kami tapos magligpit. Napansin ko ang biglang pagtaas ang tubig sa batis. Paniguradong natakpan ng tubig ang kawayang tulay kaya hindi na kami makakatawid. Delikado pa man din ang malakas na agos ng ilog sa tag-ulan.

Nabasa man kami ng kaunti ay mabilis naman naming naisalba ang aming project kaya ayos lang. Hindi naman lubusang nabasa ang mga gamit namin maliban sa suot naming damit.

Mabuti na lang at may maliit na bahay-sakahan sa hindi kalayuan kaya doon na muna kami,nagpapatila ng ulan, baka sakaling maya-maya lang ay huminto na ito at bumaba na rin ang tubig sa ilog.

Mabuti na lang at may dingding papag ang bahay-sakahan ni Mang Domeng. Maayos din ang bubong at walang tagas.

Yung inaasahan naming pagtila ay hindi nangyari, bagkus ay mas lalo pa yatang bumuhos ng may kalakasan ang ulan at sa kasamaang palad ay dumidilim na rin. Paniguradong aabutin na kami ng umaga dito. Malamang, bukas na kami nito makakauwi.

Bukas na rin lang ako magpapaliwanag sa mga magulang niya, ganun na rin sa mga magulang ko. Mas mabuting magpalipas na lang ng gabi at ng unos sa kubong ito kesa sa suungin namin ang agos ng tubig sa tulay at baka pareho pa kaming mapahamak ni Gale. Makagagalitan kami pero ligtas naman kami.

"Gale, dito ka na muna sa tabi ko. Halika na. Baka nilalamig ka na eh." Lumapit naman siya sa akin. Hindi naman siya nanginginig talaga pero halata mong nilalamig siya. Nawala ang pagtatampo niya.

Nagkalkal ako ng mga karton na nakaipit sa pagitan ng papag at kawayang dingding.

Ang alam ko, pinasadyang ipagawa ni Mang Domeng ang pahingahan na ito, dahil sakahan niya ang nasa likod nito at hindi kalayuan sa batis para painuman ng kalabaw niya at para makapaligo na rin siya bago umuwi sa kanila.

Minsan na rin kasi akong tumulong sa pag-aani ng palay para sa kanya kaya alam ko na may mga gamit dito kahit papaano. Wala naman kasing loko-loko dito sa lugar namin na magnanakaw ng mga ganitong bagay. Tahimik ang maliit naming bayan.

Inilatag ko ang karton sa ibabaw ng papag para hindi naman gaanong malamig kapag nahigaan na. May nakita akong malinis kumot na katamtaman ang laki na nakasuksok sa poste ng payag. Nakalimutan sigurong iuwi ni Mang Domeng ang kumot na ito. Paniguradong nakagalitan na naman yun ni Aling Ditas.

Pwede na siguro ito para kay Gale. Ibinigay ko ang kumot sa kanya. Pinahiga ko na siya at pinatulog. Mas mabuting matulog na lang kami para hindi kami makaramdam ng gutom mamaya. Mabuti na lang nakapag-banana cue kami kanina bago nagsimula ng aming project.

"Grant, ayaw mo pa bang matulog? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong niya sa akin habang nakahiga sa kabilang parte ng papag at ako naman ay nakaupo naman sa kabilang dulo.

Talagang napakalambing at napakamaalalahanin ni Gate. Sino ang hindi ma-i-in love sa kanya?

"Sige lang, Gale. Matulog ka na, babantayan na lang kita." Sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya. Mahirap na.

"Uy, halika na rito, tumabi ka na lang dito sa akin. Malamig eh oh. Baka mamaya magkasakit ka pa diyan." Ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang boses kaya umipod ako ng konti palapit sa kanya at humiga na rin. "Uyy. Halika ka na dito." Patuloy niyang pagtawag sa akin. Napagbuntong-hininga na lang ako at umusal ng dasal bago lumapit at tumabi sa kanya.

Hindi ako makatulog dahil nasa tabi ko siya. Kahit na sabihin natin na santo man ang isang tao, tabihan ito ng isang diyosa sa ganda na katulad ni Gale ay matutuksong talaga.

Nilingon ko siya na dapat sana ay hindi ko ginawa. Nababanaag ko pa rin ang ganda niya kahit na madilim na ngayon at walang bituin. Walang gaserang magbibigay ilaw sa amin. Madilim man ang langit ay kita ko sa mata niya ang pagmamahal at pag-aalala at ang isa pang damdamin na hindi ko sigurado kung ano.

Lumapit ako para halikan siya sa noo nang mapadapo ang tingin ko sa kanyang mga labi. Nawala ang lahat ng kinikimkim kong pagpipigil. Mas lalo siyang gumaganda sa bawat paghagupit ng kidlat sa karimlan, kitang-kita ko ang kakaibang sinasabi ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano yunay hindi ko rin mainitndihan pero parang hinihigop ako nito papalapit ng papalapit sa kanya.

Dinampian ko ng halik ang kanyang mga labi. Banayad sa simula. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryenta, kakaibang sensasyon. Hanggang sa lumalim ng lumalim ang halik na yun. Init, lamig. Tuwa, kilig. Naghalo-halo damdaming ngayon ko lang naranasan.

Hindi ako sigurado kung ano itong bagong pakiramdam na sumisibol mula sa aking puson paakyat sa aking puso at ngayon ay pababa na naman sa aking kaibuturan. Inulit ko ang ginawa kong paghalik sa kanya. Ganun pa rin ang naramdaman ko ngunit parang mas sumidhi ito.

Pinakramdaman ko si Gale kung magagalit siya sa ginawa ko. Hindi siya nagalit. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Nakikita ang apoy, init, sabik... o isip ko lang ang gumagawa nun? Muli ko siyang siniil ng halik, gumanti siya.

Kung gaano kadalas ang pagbugso ng ulan at paghagupit ng kidlat na sinabayan kulog ay ganun din kadalas ang pagbugso ng kakaibang damdamin sa tuwing ilalapat ko ang aking mga labi sa labi niya.

Hindi ko alam ang ginagawa ko pero bakit parang alam ng mga labi ko ang gagawin niya. Hindi ko na pinaghiwalay pa ang mga labi namin. Naramdaman ko ang pusok ng pagtugon niya sa aking mga halik.

Naramdaman ko ang malamyos na paggapang ng kanyang kamay sa aking dibdib. Unti-unti itong pumalibot sa aking batok na parang mas pinaglalapit ang aming mga labi. Ipinikit ko na lang ang aking mata.

Naramdaman kong muli ang sidhi pagganti ni Gale sa mga halik ko, hanggang sa mas naging malalim ito na parang may hinahanap, may inaarok. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap at alam kong ganun din siya.

Pakiramdam ko ay parang may apoy na nanggagaling mula sa kaibuturan ko na kailangan kong apulahin at kung hindi ko ito gagawin ngayon ay maaaring matupok ako. Ang init na ng katawan ko, mainit din ang balat ni Gale. Nababaliw na ako.

Nang gabing yun ay pareho naming naisuko ang aming mga sarili sa isa't isa. Hindi lang minsan namin pinagsaluhan ang init na dala ng malamig ng gabing hatid ng malakas ng ulan na iyon, naka-ilang ulit din naming gawin yun hanggang sa napagod na kami pareho at hinihila na kami ng sobrang pagod at antok.

Halos mag-uumaga na rin nang magbihis kaming dalawa pabalik sa aming mga uniporme. Kinuha ko ang karton na may bahid ng aming kapusukan at itinapon ito sa likod ng kubo. Hinayaan kong lunurin iyon ng malakas na patak ng ulan.

Bumalik ako sa tabi niya at umupo. Iniunan ko ang kanyang ulo sa aking binti at hianplos-haplos ko ang kanyang buhok. Nakita kong pumikit siya na may ngiti sa mga labi. Pumikit na rin ako at napangiti. Ganun pala yun?

"Mahal na mahal kita, Grant." Bigla niyang sambit na nagpamulat ng mga mata ko. Akala ko tulog na siya.

Umupo siya at matamis na ngumiti sa akin. Tinitigan ko ang magaganda niyang mata na naaninag ko sa dilim at nginitian siya. Muli ko siyang inakap at hinalikan sa labi, tinanggap niya ito ng buong puso.

Itong araw na ito, nasiguro ko sa sarili kong siya na nga. Siya lang, wala nang iba. Si Gale lang. Simula ngayon, siya na ang ngayon ko, ang bukas ko at ang buhay ko.

"Mahal na mahal din kita, Gale. Palagi mong tatandaan yan kahit na anong mangyari. Mahal na mahal kita at pananagutan kita. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang ako'y nabubuhay." Hinalikan ko siya sa noo at inihiga ko na siyang muli sa aking hita.

Inayos ko ang maliit na kumot ni Mang Domeng para itakip sa kanya ng maayos at pumikit na rin siya. Isinandal ko ang sarili ko sa dingding na kawayan at pumikit na rin.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakatulog pareho. Nagising na lamang kami sa ingay ng mumunting bulong-bulungan ng iba't ibang tinig. Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita ko sila Nanay at Tatay na nakatayo sa maliit na bintana katabi niya si Mang Berto at Aling Iska na mga magulang ni Gale. Nandoon din si Mang Domeng na may-ari ng kubo kasama si T'yong Tonyo na kapitan namin at ang mabait niyang asawa, si Aling Miling. Sa likod ni Mang Domeng ay ang T'yang Rhoda na dati naming principal.

"Nay. Tay." Gulat kong sambit. "Gale? Gale? Gale. Gising na, umaga na." Mahina kong pagyugyog sa kanya.

"Ahmn... umaga na?" Tanong niya. Kinakabahan ako dahil baka kung ano ang masabi ni Gale, kaya mabilis akong nagsalita.

"Oo. Umaga na. Nandiyan na sila Tatay. Wala na rin yung ulan." Dahan-dahan ko siyang itinulak patayo.

"Tay. Nay." Gulat niyang sambit. Tumingin siya sa akin at tumingin siya sa mga magulang niya.

"Hay, salamat naman at ligtas kayong dalawa. Akala namin natangay na kayo ng agos ng batis." Sabi ni Mang Domeng. Nakahinga kami pareho ng maluwag dahil hindi sila Nanay ang unang nagsalita.

"Inabot po kami ng lakas ng ulan habang tinatapos namin ang mga projects namin." Itinuro ko yung gamit namin na nakalagay sa gilid ng papag sa likod ni Gale. "Bigla rin po ang pagtaas ng tubig. Ito pong kubo ni Mang Domeng ang pinaka malapit sa amin kaya dito na po kami tumigil. Sigurado po kasi akong tumaas na ang tubig inabot na po yung malalaking bato doon at lumakas na rin po ang agos ng tubig. Pasensiya na po kayo kung napag-alala namin kayo." Mahaba kong paliwanag. Ako na ang sumagot para sa aming dalawa ni Gale.

Matiim lang na nakatingin si Nanay sa akin, hindi naman siya galit habang wala naman akong kakaibang napapansin sa aking ama at sa mga magulang ni Gale. Tsaka na kami magtatapat. Wag na muna ngayon, may ibang tao.

**End of Flashback**



Isang malakas at nakakabulag na hagupit ng kidlat ang muling dumaan sa aking harapan ang pumukaw sa aking pagbabalik-tanaw. Napaluha ako. Tanging alaala na lamang niya ang aking hawak. Alaalang unti-unti nang lumalabo ngunit ang sakit ay ganun pa rin katindi.

Kailangan ko na ba talaga siyang bitawan? Kahit kailanman ay hindi ko siya maaaring makakalimutan dahil hindi ganun kadali yun. Si Gale ang naging kahapon ko at buhay ko. Kung hindi man siya kinabukasan ko ay ayos na rin sa akin pero siya pa rin ang buhay ko.

"PROF! Hello, Prof!" Nagulat ako sa biglang pabagsak na tunog sa harapan ko. "Ano ba ANG nangyayari sa inyo, prof? Simula ng bumalik kayo galing ng New York palagi na lang kayong tulala." Si Henry, ang aking ever-so-trusted-assistant, pabagsak niyang inilagay sa harapan ko ang mga folder na naglalaman ng mga thesis ng mga estudyante ko.

"Ano yun, Henry? May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito sa harapan ko na kung tutuusin ay may pinagagawa ako sa kanyang ibang bagay.

"Prof, kanina pa kita kinakausap pero nakatutok ka lang diyan sa laptop mo." Sabi niya at tumuwid ng pagkakatayo. "Prof, kung hindi kita kilala, iisipin kong may nakilala kang magandang chicks doon sa New York at marami kayong kuhang picture at yan ngayon ang tinitingnan mo kaya ka nangingiti diyan." Ano ba ang pinagsasabi ng pilyong ito. Ang aga pa para ako kulitin ng isang ito.

"What are you talking about? What pictures?" Isinara ko ang folder na naglalaman ng photo gallery ko.

Tama si Henry, pinagmamasdan ko nga ang mukha ni Sarah. Hindi ko lubos-maisip kung saan ko siya nakita, kung saan ko nakita ang mga matang yun, kung saan ko nakita ang mga labing yun.

"Mr. Java, instead of goofing around here in front of me, why don't go back to what I ask you to do and get it done." Utos ko sa kanya. Hindi ako istrikto kay Henry dahil hindi ko naman siya dapat na pag-istriktuhan. Propesyunal na kumilos ang batang ito, matalino, may kusang loob, kaya hindi ko na siya kailangan pang gabayan.

"Prof, kaya lang ho ako nandito sa harapan n'yo kanina pa ay dahil nandiyan po si Dean Catigbac sa labas, kailangan yata kayong maka-usap. May kasama." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Inis kung sambit. "Kanina pa ba niya ako hinahanap?" Dugtong ko pa.

"Prof, kalma lang. Relax. Kaya ko nga sinasabi sa iyo ngayon dahil kanina po, tulala kayo." Paliwanag niya. Binato ko siya ng masamang tingin.

"Pilosopo!" Singhal ko sa kanya na ikinatawa niya lang. Sisantihin ko kaya ang mokong na ito.

"Mukhang hindi naman nagmamadali si Dean Catigbac at mukhang hindi galit. May kasama siyang magandang chikababes." Napatayo ako ng mabilis at mabilis ko rin siyang nakutusan. "Aray naman, Prof." Dugtong pa niyang nakangiti din.

"Anong chikababes? Puro ka kalokohan. Papasukin mo na si Dean at baka pareho tayong masigawan. Babawasan ko ang allowance mo." Pagbabanta ko sa kanya. Nag-peace sign siya sa akin at tumalima naman agad.

Ilang sandali lang at narinig ko na ang mga yabag nilang papalapit sa office ko. Bumukas ang pinto at bumungad uli si Henry, nakasunod si Dean Catigbac at... Sarah?

"Shit! Bakit siya nandito? Bakit siya kasama ni Dean? Ano ang ginagawa niya dito?" Utak, relajate! Hindi ko akalain na makikita ko siya uli nang ganito kabilis. Agad-agad. Iniisip ko pa lang nadito na agad? Puso, kalam. Aatakihin ka. Teka.... Puso? Buhay ka pa? Tumitibok ka? Tumibok kang muli?

Napapailing na lang ako sa takbo ng isip ko. Kung kelan ako tumanda at tsaka naman ako naging ganito ka-love struck.

"What?! Love struck?! Where the hell did that come from?" Nag-o-overdrive ang utak ko, pati tuloy puso ko ay nadadamay. Napaka-irasyunal nito.

"Professor Aranas, are you okay?" Pambabasag ni Dean Catigbac sa naglalakbay kong diwa. Nakangiti si Dean? Bakit?

"Oh, Dean, I'm sorry. I may still be tired from my trip." Pagrarason ko. Hiling ko lang sana bilhin niya ang dahilan ko.

"You may still have some jetlag. Tatlong buwan ba naman ang itinigil mo doon, magkaka-jetlag ka nga. Akala ko nga nakahanap ka ng mamahalin doon and you will end up not coming back here." Muntik akong mabulunan sa sinabi ni Dean. May tama. May anghang. May suntok. May kaba. Napansin kong ganun din ang naging reaksyon ng kasama niya.

"Ms. Cordova, are you okay." Baling-tanong ni Dean sa kanya. Mabilis itong tumango.

"Yes, Dean. I'm okay. I think I need water." Yun lang ang nasabi niya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin simula ng una niya akong makita kaninang pagpasok nila. Napangiti ako.

"Henry! Will you please get Ms..." Sinadya kong ipabitin ang pangalan niya. Kunwari ay nakalimutan ko ang pangalan niya. Nakakatuwa ang reaction niya. Mabilis siyang napalingon sa akin at pinanliitan ako ng kanyang magagandang mga mata na parang galit na hindi mo mawari. Pinamumulahan siya ng mukha.

"Ms. Cordova." Sagot ni Dean Catigbac.

"Ah, yes. Thank you, Dean." Baling ko kay Dean Catigbac. "Water for Ms. Cordova please, Henry." Pagtatapos ko.

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Henry. May kislap ng pang-iinis at panunukso akong nakita dito. Hindi ako kumibo. Hindi ako nagpahalata pero alam kong maaaring namumula na ang mukha ko ngayon dahil nag-iinit na ang aking mga tenga.

"Oh, where are my manners, please sit down. Let me turn up the AC really quick." Paanyaya ko sa kanila sabay turo ng dalawa upuan na nasa harap ng lamesa ko at lumihis ako para ayusin ang aking thermostat.

Prof, Dean, ito po ang tubig." Saad ni Henry. Iniabot niya angbote ng mineral water. "What can I do for you today, Dean Catigbac, Ms. Cordova?" Nakangiti kong sabi, nakatingin ng diretso kay Dean Catgibac. May ngiti sa mga labi ng pinaka istriktong tao na nakilala ko simula pa noong high school pa lang ako.

Oo. Principal namin si Dean Catigbac sa high school noon, tapos naging assistant superintendent siya noong nasa third year high school na ako. Tiyahin ko rin siya, nakababatang kapatid siya ni Nanay. Umalis siya sa bayan namin nung maging superintendent na siya, tapos noon hindi ko na alam.

Nagkita na lang uli kami nung nag-apply ako ng scholarship dito sa mismong university na ito at kumuha ng entrance exam, kauumpisa niya pa lang maging Dean dito noon.

Palagi siyang nasa labas ng opisina niya kapag wala siyang ginagawa. Umiikot-ikot siya at nagmamasid ng kalakaran ng mga estudyante sa labas na parang pastol ng mga tupa.

Tamang-tama naman na naghahanap ako ng part time na trabaho para may maipangtustos ako sa mga kakailanganin ko sa boarding house na tinitirhan ko noon dahil ayokong humingi kanila tatay at nanay. Naipasok niya akong student assistant dito. Parang katulad din ni Henry ngayon.

"Professor Aranas, Ms. Cordova here, will be teaching here for a semester. The university decided to make promising professors and/or teachers to experience the quality of teaching in big campuses like ours and some other campuses in other places. Gusto din ng administration na maranasan din nga mga professor and/or teacher ng malalaking campuses natin ang way of teachings and living sa mga maliliit na campuses para mas maging effective ang pagtuturo nila at para malaman din ng mga ibang propesor ang hirap ng kabilang panig. Parang immersion." Patuloy na pagsasalita ni Dean habang salitan ko silang tinitingnan.

Tahimik lang itong nakikinig at nakatingin lang ng diretso si Sarah nang hindi man lang ako tinatapunan ng kahit na katiting na sulyap. Parang may mumunting sakit na gumuhit sa aking puso. Ano yun?

Sakit na katulad ng naramdaman ko nung minsang nakita kong kausap ni Gale si Carlitos, nung time na hinaplos ni Carlitos ang braso ni Gale na puno ng pagmamahal, nung araw na hinawakan ni Roger ang kamay ni Sarah sa airport, at nung mawala si Gale sa akin nang lubusan.

"Prof, here is the water for Dean and Professor Cordova." Agaw pansin ni Henry. May dala-dala uli itong tatlong bote ng mineral walter. Kasunod na niya ngayon ang secretary ni Dean na si Ms. Paraiso na may dala-dalang mirienda. Mirienda?

"Pakilagay na lang diyan sa ibabaw ng center table, Henry." Utos ko dito. "Thank you, Ms. Paraiso for helping Henry." Baling ko sa secretary ni Dean.

"No, problem, Prof. Dean Catigbac had me help Henry." Nakangiti niyang sabi. Nasabi ko na ba na nagkakagustuhan itong dalawang ito pero parehong torpe?

"Professor Aranas, I will leave Ms. Cordova in your expert hands." Muling pagsasalita ni Dean. "Tour her around the campus. She needs to be familiarized with the campus. Take her to your classes. Have her observe your teaching ways and techniques." Nangingislap ang mga mata ni Dean habang sinasabi niya ang mga iyon. Nakakapanibago. "Or maybe, take her for dinner later after work and discuss the matter." Dugtong paniyang pareho naming ikinagulat.

"Dean!/Dean?" Gulantang niyang sambit sabay sa akin.

"Oh, hush! You two are all grown up. You are not kids anymore. Siguro naman kaya n'yo nang alamin kung paano mong maibabahagi ang paraan ng iyong pagtuturo ng maayos kay Ms. Cordova ang mga bagay na alam mo, dahil in two months, ikaw naman ang ipapadala ko sa campus nila." Walang humpay na pahayag ni Dean Catigbac na ikinagulat ko.

"What!/What!" Pareho naming sambulat. Ano ang kalokohang naisip ng administration maglaro ng switch-a-role? Bakit?

"Dean?" Agaw pansin ko ng makabawi ako sa pagka-shock. "What's the main reason or purpose of this mechanics? Bakit kailangan gawin yun? Paano ang mga maiiwan naming mga estudyante?" Wow, Aranas. Estudyante ba talaga ang iniisip mo? Hindi kaya umiiwas ka lang kay Sarah dahil natatakot kang mahulog sa kanya dahil may asawa na ito? O natatakot kang mapalitan si Gale diyan sa puso mo? Yang tataa?!

"Sam, hindi ko alam ang plano ng university administration. Dean lang ako dito. Ipinatutupad ko lang ang plano nila. Experimenting stage pa lang naman ito eh. Kaya nga kayo ni Ms. Cordova ang naisip nilang gagawing guinea pigs dahil pareho kayong extraordinary professor, mga matatalino. Yung passion n'yo sa pagtuturo ay nakikita sa mga estudyante n'yo. Hindi lang naman kayo eh. Meron din ibang mga professor ang gagawa nito. Gagawin din ito ng mga affiliated universities and colleges natin. We want our graduates to succeed in life and what better way to do it? Eh di sa ganitong paraan. Instead na exchange students program ang i-push natin, exchange professor na lang... it is more beneficial to all students rather than just one, parang ganun. Para malaman din ng mga professors and/or teachers ang hirap ng malayo sa kinasanayan. Pagbigyan n'yo na ang administration. The president wants to see how it goes. If maging successful ito this semester then like I said, pipili uli sila ng mga bagong deserving na teacher and/or professor na gagawa ng ginawa n'yo." Mahabang paliwanag ni Dean. Tinitigan ko siya. Gusto kong makita sa mga mata niya ang katotohanan sa mga salita niya, ngunit seryoso ito at walang kakurap-kurap din niya akong tinitigan. What do you want from me, Dean?

"Sam, wala akong ibang pwedeng irekomenda mula sa school natin kundi ikaw dahil kilala kita mula pa sa pagkabata. Determinado kang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng nakakarami kahit ikaw na ang magsakripisyo." Alam kong ako lang ang nakarinig ng huli niyang sinabi at alam ko rin ang ibig niyang sabihin. "Pareho lang kayo ni Ms. Cordova ng pinagdaanan sa buhay. Parehong galing sa hirap na nagsumikap na marating ang kinalalagyan ngayon. Hindi nagpagupo sa hagupit ng buhay bagkus hinarap ang bukas at pangarap kaya alam kong magiging effective kayo sa project na ito. Nakita ng respective universities n'yo na pareho kayong determinado na gawin ang lahat para sa nakararami. Think about all the students that would benefit from this program. Think about the parents who're expecting their children to succed in school and in life. Think about what you can do to make a difference in their lives. Yung mga nalalaman mo at yung mga nalalaman ni Sarah, pwede ninyong pagsamahin. Malay n'yo, makagawa kayo ng mas magandang paraan para mapabuti pa ang pagtuturo at mas maging effective pa ang mga katulad ninyong professors. With that said, maaari din nating maisama ang mga high school teachers natin sa program na ito. Kaya sige na, pagbigyan n'yo na ang school admin." Dagdag paliwanag at pang-iengganyo ni Dean. Hindi ko alam kung tama ba ito o hindi eh.

Hindi ako pwedeng maging masyadong malapit kay Sarah. Hindi kami pwedeng pagsamahin na kami lang sa iisang lugar lalo pa't kami langdalawa, masusunog kaming pareho. Hindi ito pwede. Hindi talaga pwede. Alam kong hindi lang ito simpleng libog, dahil gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Iiniisip ko nga na baka mahal ko na siya. Doon pa lang sa New York sinabi ko na yun sa kanya. Sinabi niya rin sa aking mahal niya rin ako.

Ano ang mangyayari sa amin kapag pinagsama kami ng matagal? Paano ang kanya-kanya naming pamilya? May asawa ako, may asawa siya. Haaaahh! Paano ba ako tatanggi kay Dean Catigbac na hindi niya malalaman ang namagitan sa aming dalawa ni Sarah. Shit, Sam!!!

"Dean, hindi naman po sa ayaw ko ang programang ito, pero sigurado po ba kayo na kami ni Professor Aranas ang pagsasamahin n'yo?" Nagulat ako sa tanong ni Sarah. Nabasa ba niya ang nasa isip ko. Hinihintay kong tumingin siya sa akin pero hindi niya iyon ginawa.

"Sarah, sigurado ako. Siguradong-sigurado ako. I pulled so many strings para mapagsama ko kayo sa iisang campus." Madiin at seryosong sabi ni Dean Catigbac. But then I realized something with what she had said.

"Pulled some strings? Why, Dean? Why do you have to pull some strings?" Tanong ko sa kanya, tinatantiya ko siya. Bigla siyang humarap sa akin, ngumiti siya ngunit gumuhit naman ang mumunting guilt sa kanyang mga mata. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Ahh... uhmm... kasi.... Sam, I pulled some strings for her. Yeah, that's right. I pulled some strings for her para mapapayag lang ang kanyang Dean na ipahiram siya sa atin for this project and in return, ikaw naman ang ipapadala doon. Hindi kasi sang-ayon ang Dean nila sa programang ito. Pero nung sinabi ko na after the program duration here, we'll switch it up." Pinandilatan niya ako.

"Ms. Cordova, may you please excuse us. I need to speak to Sa-- I mean, Professor Aranas in private." Hindi na hinintay ni Dean ang sagot ni Sarah, basta na lang niya akong hinila ako ni Dean palabas ng office ko.

Kinaladkad niya ako, kung matatawag nga na pagkaladkad yun, sa katabing pinto kung saan opisina naman ni David Aranas, malayo kong pinsan sa side ni Tatay. Bakante naman ito dahil minsan lang ito gamitin ng magaling kong pinsan. Nakita ko pang pinagtitinginan kami ng iilang estudyante na nakalat sa hallway. Nandoon din si Henry at Ms. Paraiso nag-uusap, natigilan sila at nagkatinginan.

"Ano po ba ang nangyayari, T'yang? Bakit ako talaga?" Tanong ko sa kanya nung kaming dalawa na lang.

"T'yang ka diyan, babatukan kita eh." Saad niya, sinamahan pa ng pag-amba. "Samuel, bata ka palang kilala na kita. Alam mong alam ko ang mga pinagdaanan mo pati na rin ang mga nangyayari sa iyo nitong mga nagdaang taon. Sam, you need this to get yourself busy and out of misery. Baka dito sa project na ito makita mo ang mga bagay na matagal mo nang hinahanap o iniiwasan. Baka sa project na ito matagpuan mo ang matagal nang nawala sa iyo." Sabi ni Dean Catigbac. Nalilito ako.

"Auntie Rhoda, hindi nga pwede na kami ang maging magpartner sa project na ito, sa program na ito," Yes, I call her Auntie kung kaming dalawa lang dahil ayaw niya ng T'yang. Yun ang gusto nilang mag-asawa.

Siya at ang kanyang asawang si Uncle Brent ang kumupkop sa akin dito sa Manila. Sila ang tumulong sa akin na maabot ko kung ano ang meron sa akin ngayon.

"Sam, bakit ayaw mong maging partner si Ms. Cordova? Magaling siyang professor. At pareho kayo ng major. Pareho kayo ng forte. Higit sa lahat, pareho kayong matalino." Giit niya. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano at para saan ang project na ito.

"Auntie, hindi po kasi pwede eh. Tsk! Hindi talaga pwede." Napapakamot na lang ako ng ulo ko. Makulit din kasi itong si Auntie eh. Hindi ko alam kung paano kong ipapaintindi sa kanya na naaasiwa at nahihiya ako. Wala akong mukha maihaharap sa kanya pagkatapos ng mga pinagsaluhan namin.

"Samuel Grant, magtapat ka nga sa akin. Bigyan mo ako ng isang napakabigat na dahilan para ipa-drop kita sa programa na ito, and then, ipaliwanag mo sa Uncle Brent mo at sa harap ng board of directors kung bakit." Nakapamewang na siya. At ayoko ang kalalabasan ng usapan na ito lalo pa't nasasama na ang pangalan ng asawa niyang si Uncle Brent.

Si Uncle Brent ang presidente ng university, and you know what will happen to me. Isa silang mag-asawa sa dahilan kung bakit patuloy kong ginagalingan ang aking trabaho. Ayaw ko silang mapahiya. Ayoko ring mapahiya ako.

"Auntie? Ano 'to, emotional blackmail?" Natatawa kong sabi pero alam niyang naiinis din ako.

"Hoy, Samuel Grant Apalit Aranas, wag mong ibahin ang usapan baka mapilitan akong sabihin sa nanay mo ang mga nangyayari sa iyo dito." May himig pagbabanta na sabi niya. Emotional blackmail nga. Mas lalong ayokong malaman ni Nanay at Tatay ang lahat. Di baleng si Uncle Brent na lang ang harapin ko, wag lang sila Nanay at Tatay.

"Ayan na naman tayo eh. Auntie, I'm 28, I am old enough to be treated like a kid." Reklamo ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Eh di umayos ka, Samuel. Wag kang mag-inarte na parang bata ka pa. At wag mong iniiba ang usapan! Ano ang mabigat mong dahilan kung bakit ayaw mo? Aber?!" Alam kong naiinis na siya, dahil maliban sa pangungunot ng noo at pagtaas ng isa niyang kilay, nakapamewang na siya at tinatapik pa niya ang paa sa sahig. Umamin ka na kasi, Sam! Ngayon ka pa ba mahihiya sa kanya? Well.... here it goes.

"Hindi sa ayokong pumayag na maging kaparte ng program na ito, ayoko lang maging partners si Sar--- si Ms. Cordova kasi nahihiya ako. Naiilang ako." Alam kong pinamumulahan na naman ako ng mukha dahil mainit na ang aking tenga, as usual.

"Maiilang? Ano ang ibig mong sabihin, Sam?" Tanong niya. Alam ko ang tinatakbo ng utak niya. "Did you guys meet in New York?" Tanong niya. Tumango ako at yumuko.

"Yes, we did." Pag-amin ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Did you..." Hindi niya matuloy ang kanyang gustong sabihin. Naintindihan ko yun.

"I'm not gonna lie, Yes, we did. Auntie, I'm sorry. Ut I am not sorry. Hindi ko sasabihing hindi ko sinasadya at nadala lang kami sa bugso ng damdamin dahil pareho naman naming ginusto yun. Aware kami sa consequences ng ginawa namin in our own way. And even if she didn't say she's married, I didn't say I am either. And I know it was wrong." Pagrarason ko na alam kong baluktot naman. Hindi tama ang ginawa ko dahil alam ng lahat na may asawa ako, well, at least they doubt na may asawa ako at ganun din siya. Morality wise, nasunog na kami sa impyerno.

"Sa papel, Sam. Sa papel lang kayo kasal." Pagtataas ng boses ni Auntie Rhoda. "Wag tanga Sam. Alam ng buong bayan yan." Dugtong pa niya. Hindi ako kaagad nakasagot.

"Still, Aunite. This is wrong. So wrong." Pagpipilit ko dahil yun ang tamang pag-iisip na sana ay ginawa ko bago pa nangyari ang hindi dapat na nangyari.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masamang konsentihin kita pero sige na lang, kokonsentihin na kita. Just this time, kunwari ay wala akong narinig, wala akong alam. Alam ko naman na hindi maganda ang nakaraan sa pagitan ninyong tatlo ni Rogelio at Maybeline ng dahil kay Ga---- haayyy... Tapos eto na naman. Tatlo na naman uli kayo, yun nga lang si Sarah na at hindi na si..." Napapahilot na lang si Auntie sa kanyang sentido. Hindi pa rin talaga mabanggit ni Auntie ang pangalan ni Gale.

"Auntie, kung siya ang napili ng school niya, pwede namang si David na lang ang kunin ng university natin. Magaling na professor si David at pareho lang kami ng mga tinuturo at paraan ng pagtuturo." Paliwanag ko sa kanya at sabay suggest na rin kay David. He's my cousin after all, alam kong magaling talaga siya, sobrang palabiro lang. "Siya na lang, Auntie." Dugtong ko.

"No. Hindi ko papalitan ang kahit sino sa inyo ni Sarah. Alam kong magaling si Dave, pero Sam, this is it, this may be what you've been waiting for." Ano daw? Nagulat naman ako sa lakas ng excitement ni Auntie.

"Anong ibig mong sabihin na, 'This is what I've been waiting for?'" Tanong ko sa kanya. Nakakapanibago si Auntie Rhoda. Kilala siyang istriktong tao, pero bakit parang kakaiba siya ngayon?

"Sam, ito na yun. Ito na ang magpapalaya sa iyo sa sakit ng kahapon. Ito na ang tutulong sa iyo para makalimutan mo na si Gale." Bakit parang nasaktan ako sa sinabi ni Auntie. Alam naman niyang hindi ko pwedeng kalimutan si Gale.

Mahal na mahal ko si Gale kahit wala na siya. Wala ako nung mangyari ang trahedya para mailigtas siya kaya ito ang paraan ko para kahit sa alaala man lang ay alam niyang mahal ko pa rin siya.

"Auntie, you know I can't do that. Hindi lang si Gale ang nawala sa akin." Ano ba itong nararamdaman ko. Nasasaktan akong isipin na maaari ko ngang makalimutan na si Gale. Pero natutuwa din akong isipin na hindi galit si Auntie that I cross the line between immorality and moral values.

"Samuel Grant Apalit Aranas," Bagsakan talaga ng niong pangalan dito? "Just do what the board and the administration wants. Do the program and wherever this may lead for both of you, tsaka na natin harapin yun. One semester, that's it. Just one semester. Ako na ang bahala kay Maybel. It's about time na harapin na niya ang alam niyang matagal ng mali. And besides, secure na sila Ate at Kuya sa probinsiya. Si Kuya Tonyo at Kuya Nanding na ang bahala kay Rogelio." Mahaba niyang pahayag.

Teka, may alam ba siya na hindi ko alam? Bakit nasama ang mga kapatid niya at ang Tatay ni Dave? Magkakapatid sila Kapitan Tonyo, si Auntie Rhoda at Nanay. Pare-pareho silang Apalit at pinsan naman ni Tatay ang T'yong Nanding na tatay ni David. Aranas naman ito.

"Ano naman ang kinalaman ni Kapitan at ni T'yong Nanding dito?" Kapitan pa rin ang tawag ko sa kanya. Nakasanayan na eh.

"Alam kong hindi lang si Gale ang nawala sa iyo noon, nawala din ang mga magulang niya na naging malapit na rin sa iyo at isa pg mahalagang nilalang. Hindi na mahalaga ang ilang bagay. This may be out of our codes of ethics that was taught to us as teachers. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa point na ito." Nahihilo na ako sa kapapabalik-balik ni Auntie sa harapan ko.

"Sam, gagawin mo ito whether you like it or not. Submit your report to my office before the end of today. Take Sarah with you." Yun ang huli niyang sinabi at umalis na ng officeni David. Ni hindi ko nga alam kung nandito ba si David sa office niya ngayon o wala.

"Henry, don't let any student bother Professor Aranas and Professor Cordova. I need their reports before the end of the day." Narinig ko pang bilin niya sa assistant ko.

Naiiling akong sumunod sa kanya pagkatapos niya akong talikuran. Nasalubong ko si David paglabas ko ng pinto ng office niya. Nakakunot ang noo niyang tingin sa akin na parang nagtatanong kung ano ang ginawa ko doon at bakit mataas ang boses ni Auntie Rhoda.

Itinaas ko lang ang aking kamay sa kanya at kumaway. Tumango naman siya sa akin at tumuloy nang pumasok sa office niya. Sumunod na ako ng tuluyan kay Auntie Rhoda pabalik sa office ko.

Nakita kong nakaupo pa rin si Sarah sa kung saan namin siya iniwan, sa visitor's chair sa harap ng mahogany desk ko. Kumilos ba siya? Tumayo ba siya kahit konti lang. Hindi ko na natiis ang sarili ko.

Total alam naman na ni Dean bakit pa ako magkukunwari. Isinara ko ang aking pinto at lumapit ako sa kanya. Tumayo lang ako sa harap niya. Siguro nagulat siya at naguguluhan dahil nag-angat siya ng nagtatakang tingin at tumititig lang siya sa akin. Hindi na ako nag-atubili pa. Inabot ko ang kamay niya at itnayo siya at mabilis inakap.

Alam kung nakatingin si Auntie. At maging si Henry ay nagulat sa pagpasok nila kaya itinulak niyang palabas si Ms. Paraiso para hindi siguro nito makita kung ano ang nangyayari sa amin dito sa loob ng private office ko.

Bahagya ko siyang inilayo sa akin para makita ko ang mga mata niya, kung ano ang sinasabi nito. Naguguluhan ako. Ang dami kong nakikita. Pagkalito. Pagkasabik. Pagmamahal. Pag-asam. Saya. Lungkot. Lahat na yata.

"Excuse me." Sabi ni Auntie at umalis na. Kasabay ng paglapat ng pinto ang paglapat ng labi ko sa mga labi niya. Mabilis lang. Dampi.

Hinawi ko ang ilang hibla ng naligaw na buhok na nakaharang sa maganda niyang mata at iniipit ko iyon sa likod ng kanyang tenga. Hindi ako magsasawa na tingnan ang kanyang magagandang mga mata. minsan ko ng nakita sa buhay ko, minahal ng bata kong puso, at pamilyar na pamilyar sa akin. Pero syempre imposible yun dahil alam ko na patay na siya.

Hindi ko pwedeng isiping si Sarah at si Gale ay iisa dahil ang pamilya ko ang nagpalibing ng pamilya nila. Kami ng pamilya ko ang nag-asikaso sa burol ng mga ito at hindi ko iniwanan ang sunog na katawan ni Sarah khanggang mailgay siya sa loob ng ataul.

Hindi ko na kaya pang tiisin ang pangungulila ko kay Sarah. Gale, patawad, mahal ko. Hindi kita kakalimutan dahil bahagi ka ng buhay ko. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, pero kailangan ko nang mabuhay na muli. Sana mapatawad mo ako, aking mahal.

Sa sobra kong pagkasabik kay Sarah ay siniil ko siyang muli ng mainit na halik. Matagal. Halos maputol ang pareho naming hininga.

"I miss you, Sarah."

"I miss you, too, Sam"


















--------------------
End of DG 3

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
05.27.17

Destiny's Game
©All Rights Reserved
May 3, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro