Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DG 2

A/N: Short update lang po ito.

💖~ Ms J ~💖

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"People keep telling me that life goes on,

but to me, that's the saddest part."

~ unknown

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~







(Sam)


Nakarating kami ng bahay. Dating gawi. Tapos na ang maliligayang araw ko. Parang robot na lang uli ako. Uuwi, matutulog, gigising, papasok sa trabaho, paulit-ulit lang. Ganun lang palagi. Sanay na ako. Dumiretso na ako sa guestroom kung saan naging kwarto ko sa loob ng limang taon ng pagsasama namin ni Maybel,. Nagpalit na ako ng damit pambahay at pinuntahan ko ang anak namin. Simula ng kinasal kami ito na ang kwartong naging kulungan ng impit kong mga daing at panalangin. Panalanging kung kelan ako lalaya sa impyenong pinaglagyan nila sa akin. Impyerno unti-unting sumusunog ng pagkatao ko sa araw-araw.

"Daddy, you're home!" Ikinagulat ko ang masigla niyang pagtawag. Nasasabik ako sa kanya kahit hindi palagi, pero hindi ko yun pinapahalata sa bata. Wala naman siyang kasalanan sa ginawa ng nanay niya eh. Nakakaawa lang talaga. Don't get me wrong, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko lang talaga maiwasan at ganun ang nararamdaman ko minsan.

"How's daddy's little princess?" Tanong ko sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya.

"Daddy, mommy said you went to New York? How does it looks like? Do they have a lot of apples there? Are they really big?" Bilog na bilog ang mga matang nitong nakikitaan ng sobrang excitement. Labas din ang dimples niya. Magandang bata si Marinella, maputi. Wala siyang may nasunod sa akin maliban sa dimples ko. Kamukhang-kamukha niya ang kanyang ina. Maganda si Maybel, pero kahit kelan man ay hindi ko siya kayang mahalin.

"Yes, my princess. I went to New York and guess what?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Yun bang ngiting nagpapaalala sa akin na mga ngiti ni... abot hanggang mata.

"What, Daddy?" Nakangiti ang mga malalaki at kulay brown niyang mga mata. Pero okay na rin kasi sumasaya ako kahit papaano.... Kamusta na kaya siya? Hindi ko siya maalis sa aking isip. Sana namatay na lang din ako para tapos na ang paghihirap ko. Para wala na ang lahat ng ito.

"I brought you something." Inilabas ko yung maliit na kahon na dala ko kanina at ipinatong ko sa ibabaw ng kama niya. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita ang saya sa mga mata nito. Bigla ko uling naalala si Sarah. Mapangusap din kasi ang mga mata ni Sarah. Yun bang makita mo lang siya ng isang beses at kahit sandali lang ay alam mo na kung ano siya, sino siya at kung ano ang nararamdaman niya. Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko. Ugh!

"You did?" English speaking ang anak ko dahil yun ang gusto kong makasanayan niya pero hindi ibig sabihin na hindi siya marunong magsalita at umintindi ng tagalog. Syempre gusto ko lang maging iba siya sa lahat. Anak ko man siya pero alam ko rin namang hindi siya akin.

"Yes, I did. Daddy loves you that's why daddy will always bring home stuff for you. Open it now." Masaya na akong napapasaya ko siya. Hindi naman niya kasalanan yun eh. Biktima rin lang siya ng kalokohan ng ina niya at ng ama niya, katulad ko, biktima rin lang ako dito.

Naging masaya ang mga araw ko sa New York hanggang sa pabalik na kami ng Pilipinas. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko sa buhay. Hindi ko rin naman sinasadya na mahulog kaagad ang damdamin ko para kay Sarah. Ganito pala ang pakiramdam ng umibig na muli, parang noon lang, nung nabubuhay pa si Gale. Akala ko masaya na ako kasi may pamilya na ako. Akala ko okay na yung ganitong set-up. Mahirap pala lalo na't ngayon mo lang nagpatanto na pwede ka pa palang umibig na muli... ang masakit ay sa maling tao na, maling panahon pa. Sa panahong kasal na ako at nakatali na ang buhay ko, nakagapos na ang mga kamay ko. Sa panahong hindi na kami parehong malaya.

"Sam, pwede ba tayong mag-usap?" Bungad ni Maybel sa pintuan ng kwarto ni Marinella. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Nakatitig lang ako sa natutulog na anghel ng buhay ko. Hinalikan ko ang noo ni Marinella na palagi kong ginawa kapag tulog na siya. Tumayo ako at lumabas na ng kwarto.

Umupo ako sa sala para pagbigyan siya. Sa loob ng limang taon na magkasama kami, kahit na nung matapos kaming ikasal ay hindi kami nagsama sa iisang kwarto.

"Ano ang pag-uusapan natin?" Diretso kong tanong sa kanya ng hindi siya tinatapunan ng kahit sulyap man lang. Minsan akong tumingin sa kanya noon, ito ang nangyari sa buhay ko.

"Sam, kelan mo ba ako mapapatawad? Kelan mo ba ako mamahalin?" Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit sa tanong niyang yun. Bakit niya pa ba ako tinatanong ng tanong na ganyan? Alam naman na niya ang sagot.

"Why did you ask? As if you don't know that answer." Walang gana kong sagot sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng limang taon ay tiningnan ko siya ng mata sa mata. puno ng galit at puno ng panunumbat. Nakita ko ang takot at pangamba sa kanyang mga mata.

"For God's sakes, Sam, it's been almost 11 years. Can't you let it go?" Siya pa ang may ganang manumbat ngayon? Bakit? Ano sa palagay niya ang karapatan na meron siya?

"No, I can't! You shouldn't have asked, since you know the answer!" Diretso ang titig ko sa kanyang malilikot na mga matang nakakaramdam siguro ng konsensiya. Balewala na sa akin ang damdamin niya. Matagal na panahon ko nang pinagbigyan ang gusto niya, ang mga kapritso niya. Matagal ko nang tinitiis ang lahat. Ilang pa bang mga oportunidad sa pag-ibig ang dumaan sa aking harapan na hinayaan kong mawala dahil sa mga ginawa niya. Iisang pag-ibig lang naman ang gusto kong maibalik niya, si Gale.

"Sam, nahihirapan na ako. Kahit ba konti lang, hindi mo ako kayang mahalin?" Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang mawala na lang bigla sa pamamagitan ng mga titig ko sa kanya. Gusto ko rin siyang pagtawanan. Ang kapal ng mukha niyang mag-demand.

"Nahihirapan ka na? You're free to go. You can actually leave anytime you want. No one's stopping you, Peralta." Tumayo ako. Tapos na ang usapang ito. Magda-drama na naman siya. Wala akong panahon para sa mga ganitong bagay. Matagal na akong manhid. Matagal na rin akong patay. Isa akong patay na namumuhay kasama ng mga buhay. I only live to exist.

"Sam, that's not what I meant. I am asking you to love me, hindi ba talaga pwede? Nasaan na ang puso mo?" Alam ko na wala na akong puso. Pero sino ba ang magkakaroon ng puso kung ang mga taong nakapaligid sa iyo ay araw-araw kang pinapatay hanggang sa wala ka nang nararamdaman kundi pagkamanhid. Pareho lang kami. Wala din siyang puso.

"Maybeline, bakit mo tinatanong kung nasaan ang puso ko?! Dapat alam mo kung nasaan yun, di ba?! Ikaw naman ang tatanungin ko, nasaan ang puso mo noong ginawa mo yun sa kanya?! Sa pamilya niya?! Sa akin?! Nasaan ang puso mo nung ginawa mo yun sa amin?!" Alam kong hindi niya alam ang kasagutan sa tanong ko dahil alam kong wala siyang maisasagot doon. Ganito naman palagi ang kinalalabasan ng usapan namin. Magtatanong siya, sasagutin ko rin ng tanong. Kabisado ko na, kasi ganito din ang tanong niya sa akin nung nakaraan taong nandito ang mga magulang niya. Gusto niyang ipakitang ayos lang kami, pero hindi ko na kaya ang makipaglokohan pa sa kanila. Hindi ko na kayang makipagplastikan pa, kaya iniwan ko sila dito noon at umuwi ako sa probinsya para makasama ko sila Tatay at Nanay, kahit saan para kahit papaano ay gumaan ang loob ko, pero hindi rin, kasi wala namang alam sila Tatay, eh. Hindi ako nagkukwento sa kanila ng tunay na mga pangyayari. Mas mabuti na yung ganito, para wala na silang isipin pa. Tama nang ako na lang ang naghihirap pero minsan nga parang gusto ko nang sumuko at sumunod sa kanya, total wala na rin namang halaga ang buhay ko. Like I said, I only live to exist now.

"Sam, minahal lang naman kita kaya ko nagawa yun eh." So, may sagot na pala siya sa tanong ko.

"Ah, okay. Kaya pala nakaya mong pumatay ng tao para sa pagmamahal na yan. Pinakasalan na kita, Peralta, siguro naman tama na yun? Dapat nga ikatuwa mo na yun, di ba?" Tumalikod na ako sa kanya. Wala naman nang kabuluhan pa ang harapin siya dahil puro lang siya ang magiging usapan. Ang kanyang damdamin, ang kanyang paghihirap, at ang kanyang nakakapagod na buhay. Kelan ba siya matututong umintindi ng damdamin ng iba? Ng buhay ng iba? Ng kaligayahan ng iba?

Gusto niyong malaman kung bakit hindi ako naniniwala sa tadhana? Minsan na din akong naniwala sa tadhana na yan. Minsan na kasi akong nagmahal. Maliban kay Tatay at Nanay, meron na rin akong minahal ng sobra. Isa siya sa mga naging inspirasyon ko. Isa siya sa nagbibigay kulay sa buhay ko noon, pero dahil sa ganid na pagmamahal ng ibang tao ay nawala siya sa akin. Second year high school kami noon.

**Flashback**

"Grant, bakit ang kulit mo ngayon?" Tanong niya sa akin. Ang cute niya talaga. Kumikinang ang mga mata niya kapag nakangiti siya.

"Gale naman, grabe ka sa akin ha. Makulit agad? Di ba pwedeng masaya at excited lang?." Sagot ko naman sa kanya. Siya si Gale Baylon. Transferee sa school namin, taga-Visayas sila. Napadpad daw sila dito dahil sa paghahanap ng trabaho ng kanyang mga magulang. Maganda, mabait at matalino si Gale. Malambing din. May pulang balat siya na tumatakip sa kabuuan ng kaliwang pisngi niy pero hindi gaanong halata, wag lang pakatitigan ito at hindi kaagad mapapansin yun.

"At bakit ka naman masaya?" Hindi ko alam kung manhid ba ito o talagang inosente lang siya. Hindi ba niya napapansin na gusto ko siya?

"Masaya ako dahil nandiyan ka." Simple kong sabi sa kanya.

"Ginawa mo pa akong clown. Porke ba may balat ako sa mukha?" Natatawa pa siya. Ang ganda talaga niya.

"Oh come in, Gale, that's not what I meant. Wala akong pakialam diyan sa balat mo. And besides, that makes you more beautiful. Ang sa akin lang, masaya ako palagi kapag nakikita kita." Sabi ko sabay kindat. Namula ang kanyang mga pisngi, mas lalo mong mapapansin ang bahagi na may balat, mas lalo siyang gumaganda.

"Grant, hindi nga ako clown, ano ba!" Tatawa-tawa pa niyang sabi na mas lalong nagpapula ng mga pisngi niya.

"Gale, I like you. I think mahal na nga kita eh." Seryoso na ito. Wala nang atrasan. Nasabi ko na eh. Nawala ang ngiti niya.

"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Sino ka? Si Robin Padilla? Atsaka... b-bakit ako?" Nauutal man siya ay nabigla pa rin ako sa tanong niya. Bakit ganyan ang tanong niya?

"Bakit naman hindi ikaw?" Tanong ko sa kanya. Sana lang pareho kami ng nararamdaman.

"Grant, marami namang magaganda diyan. Bago lang ako sa school natin. Wag naman ako oh." Mas lalo akong nagulat sa pakiusap niya. Bakit ?

"Uhmm... Gale. Bakit mo naman nasabi na wag ikaw?" Tanong ko. Ang tanga ko rin magtanong eh 'no.

"A-ano kasi... G-grant, k-kasi ano..." Diyos ko po. Ang ganda niya kahit nakikita mo ang pagkataranta at pangamba sa bagong bagay na nalaman niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nanlalamig ito. Pinakaba ko yata siya ng sobra. Hindi naman yun ang intensyon ko eh.

"Gale, hindi lang kita basta gusto, mahal na nga yata kita eh. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Isa pa, ikaw talaga ang gusto ng puso ko eh." Please. Please. Please. Gustuhin mo rin ako. Mahal mo rin sana ako. Mahalin mo sana ako.

"Paano na si Kate?" Ano daw? Paanong nasama si Kate sa usapang ito? Pinakatitigan ko siya. Tinitingnan kong joke lang yun.

"What's Kate got to do with us?" Ano nga ba? Bakit siya napasama sa usapan namin?

"Di ba may gusto siya sa iyo?" Huh? Kelan pa? May Carlitos yun, at saka hindi naman siya ang gusto ko.

"What?! Ano naman ngayon kung may gusto siya sa akin? Gale, it is you that I like. At ano naman ang magagawa niya kung ikaw ang gusto ko? Kung ikaw naman ang mahal ko?" Maaaring natatakot lang siya. Mayaman at maimpluwensya kasi ang pamilya nila Kate. Sila lang naman ang pinakamayaman sa lugar na ito. Sila ang nagmamay-ari ng halos lahat ng sakahan sa bayan namin. "Ikaw nga diyan eh, kabago-bago mo dito dinadayo ka pa ni Carlitos mula sa bayan ng Sta. Ynez." Napatitig siya sa akin. Hindi siya siguro makapaniwala na sasabihin ko yun. Napatawa kaming dalawa sa tinatakbo ng usapan namin.

"Well, ang totoo niyan Grant, noong una ko pa lang kita sa iyo sa English class natin nagkagusto na ako sa iyo." Nahihiya niyang pag-amin. Pinamulahan siya ng pisngi. Mas lalong pumula ang balat niya sa pisngi. Ako? Para namang dinamba ng elepante ang dibdib ko sa sobrang kaba. Gustong tumalon ng puso ko palabas. Ang ganda-ganda niya talaga sa paningin ko.

"Talaga? Gusto mo rin ako?" Mahina siyang tumango. Kinabig ko siya at inakap. Matagal.

Simula ng araw na yun, nanligaw na ako sa kanya hanggang sa naging kami na ni Gale. Naging mas malapit kami sa isa't isa. Natapos ang second year ng walang problema. Buong summer kaming magkasama na tumutulong sa sakahan ng Tatay ko at Tatay niya. Naging mas mabuting magkaibigan ang mga magulang namin dahil sa amin. Nakakapag-picnic kami kasama ang mga magulang at kaibigan namin sa batis tuwing linggo pagkatapos namin magsimba sa umaga. Napaka-simple lang ng summer namin pero masaya kami dahil magkasama kami at kasama namin ang mga magulang namin. Kahit papaano ay nag-enjoy din sila at yun ang lalong nakapagpapasaya sa aming pareho.

Unang araw ng klase ng third year high school. Magkaklase pa rin kami. Section 1.

**End of Flashback**

"Sam! Please. Let's talk." Katok niya sa pinto. Nabulahaw ng pagsigaw ni Maybel ang aking pag-alala kay Gale.

"Maybel, I am tired from the trip and sleepy and really not in the mood to talk to you. Not tonight. Not ever." Ganun naman palagi kami. Mas mabuti na yung ganito dahil kung hindi ay baka maisumbat ko sa kanya ang mga bagay na nagawa niya sa akin, sa amin ni Gale.

Silang dalawa ni Carlitos ang may kagagawan kung bakit nasunog ang bahay nila Gale na dahilan ng pagkamatay niya at ng buo nitong pamilya, nasa kalagitnaan kami ng third year high school noon. Naging isang malaking balita ang lahat ng yun sa bayan namin pati rin sa mga karatig bayan ng Sta. Ynez, San Quintin at San Lazarus, isa pa ako sa naging suspect sa mga nangyari sa pamilya ni Gale. Limang gabing pagtulog sa malamig sa sahig ng kulungan sa bayan. Nakalaya lang ako ng may tumistigo na nung gabing mangyari ang pagkasunog at pagkamatay ng pamilya ni Gale ay wala ako sa bahay ng magpamilya dahil nasa peryahan ako ng gabing yun. Yun ang gabing nag-umpisa na ang part time job ko. Kung anong dahilan sa pagkamatay ni Gale ay hindi ko nalaman agad. Tamang-tama na libing ng pamilya nila ng makauwi ako.

"Sam, I just need to talk to you. Can we, please?" Alam kung nagiging manhid na ako ng sobra. Alam kong para na akong isang hayop kung ituring siya. Pero hayop din naman siya. Wag n'yo nang itanong kung bakit ko nasabi yun at wag n'yo rin akong husgahan. Wala kayo sa kintatayuan ko.

"Maybeline, napag-usapan na natin ito. Nakuha mo na ang gusto mo. Nakuha mo na ako. Pinakasalan na kita. Binigyan ko na ng pangalan yang anak mo. Ano pa ng gusto mo?" Walang kabuhay-buhay kong sabi sa kanya. Nakasara pa rin ang pinto ko, at hindi ko ito pagbubuksan.

"Damn it! Patay na siya for God's sakes, Sam. It's been more than ten years! MOVE THE FÜCK ON, GRANT!" Ano daw? Ano ang itinawag niya sa akin? Binuksan ko ang pinto at hinagip ko kaagad ang kanyang mukha ng isang kamay ko lang na ikinagulat niya kaya hindi siya kaagad nakakilos. Mabilis ko siyang naisalya sa dingding. Buong palad ko ay nakasalpak sa pagmumukha niya. Pasalamat siya at hindi leeg niya ang hawak ko ngayon.

"Ano ang itinawag mo sa akin?! Ha?!" Gigil kong tanong sa kanya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi mo ako pwedeng tawagin sa pangalan na yan?! Wala kang karapatan na tawagin ako sa pangalang yan dahil hindi ikaw si Gale! At wag na wag lalabas diyan sa marumi mong bibig ang pangalan ng taong pinakamamahal ko na pinatay mo!" Binitawan kong pasalya ang mukha niya. Alam kong nasasaktan siya pero wala akong pakialam. Patalikod na ako pabalik sa loob ng kwarto ko nang magsalita ulit siya.

"Sam, matagal na siyang wala. Matagal na siyang patay. Bakit hindi ka pa maka-move on?" Malakas din ang loob ng babaeng ito. Ipinipilit pa talaga niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na kahit ano pa ang gawin at sabihin mo ay hindi kita mamahalin. Nung mamatay si Gale ay namatay na rin ako. Namatay din ang puso ko pagkatapos mo siyang patayin! Kayo ni Carlitos ang may kasalanan. At noong inilibing siya at ang pamilya niya, inilibing din ang puso ko kasama nila." Napaiyak na lang siya sa kinatatayuan niya.

"Sam, hirap na hirap na ako. Hanggang kelan ko ba pagbabayaran ang sinasabi mong nagawa ko? Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Sam, hindi ko naman alam na gagawin yun ni Gale. Kung talagang mahal ka niya dapat ay pinaglaban ka niya!" Ano ang gusto niyang palabasin? Kasalanan pa ni Gale?

"Kasalan pa pala ni Gale ang lahat? Maybeline Kate Peralta, hanggang kelan mo isisisi sa ibang tao ang pagkakamali mo? Hanggang kelan mo babastusin ang alaala ni Gale? Hanggang kelan mo rin ako ikukulong sa relasyon na ikaw lang ang masaya? Na ikaw lang ang may gusto? Hanggang kelan ka magiging sakim? Gusto mo nang kasal di ba? Ibinigay ko na iyon sa iyo. Gustong mong panagutan ko ang anak mo? Di ba ginawa ko na rin? Kahit alam nating pareho na hindi ako ang ama niya. Hindi ako humingi ng kahit na isang kusing sa pamilya mo para sa kasal na yan. Ibinigay ng pamilya ko ang kasal na hiningi mo at ng mga magulang mo na kahit kelan ay hindi dapat nangyari, pero nangyari pa rin di ba? Kasal lang ang hiningi mo kaya kasal din lang ibinigay ko. Hindi na kasali ang puso at pagkatao ko doon. Kahit kelan ay hindi ko ito maibibigay sa iyo, hindi mo ito makukuha dahil wala na sa akin ang puso ko. Ibinigay ko ng buong-buo kay Gale ang puso at pagkatao ko. Wala akong itinira sa akin kaya wala kang makukuha kahit kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan ko. Nagsasawa ka na? Ako rin, sawang-sawa na. Napapagod ka na? Mas pagod na ako. Isa lang naman ang pwede mong gawin eh. Magpahinga ka na. Tapusin mo na ang palabas na ito nang pareho na rin tayong matahimik. Nang pareho na rin tayong maging masaya." Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamao at nagtagis ang kanyang mga bagang.

Ni minsan ay hindi ako tinablan sa mga ganyang asal ni Maybel. Kung noon ay natatakot ako sa kung ano ang pwede gawin ng mga magulang niya kanila Tatay at Nanay, ngayon ay hindi na. Tapos na ang pananakot nila. Tapos na rin ang paghahari-harian nila. Wala na silang kapangyarihan para gawin yun dhil wala na silang pera. Yun lang naman ang kinakapitan nila eh, ang yamang meron sila.

"Wala ka na ba talagang puso?! Konting pagmamahal lang naman ang hinihingi ko ay hindi mo pa maibigay?! Kahit konti lang, Sam. Kahit konti lang. Patay na si Gale, Sam! Matagal na siyang nailibing, for God's sake! Pati ba alaala niya ay karibal ko pa rin hanggang ngayon?!" Ang hirap kausapin ng taong sarado ang isip. Pabalik-balik na lang kami. Doon pa rin naman ang punta at kahit magsisigaw siya ay wala na rin itong kwenta sa akin. Wala na itong saysay. Walang epekto.

"Oo, kahit ang alaala niya. Alam kong matagal nang patay si Gale. Matagal na rin siyang nakalibing. Isang beses ko na lang itong sasabihin sa iyo, Mabel, kaya tandaan mong mabuti. Nung mamatay at ilibing si Gale, isinama ko na ring ilibing ang puso at pagkatao ko. Maybel, kahit na ano pang gawin mo, balikan mo man ang mga panahon na yun, hindi mo na rin maibabalik ang puso kong matagal ng namatay nang pinatay n'yo siya ni Carlitos. Alam kong kaya n'yo ako tinakot para pakasalan ka, idinamay n'yo pa ang mga magulang ko, ay dahil hindi ka kayang pakasalan ni Carlitos, dahil hindi ikaw ang mahal niya. Iisa lang ang babaeng minahal namin." Bakit kailangan niyang balikan ang kahapon. Gustuhin ko mang umahon ay hindi ko magawa dahil sa lalim at tagal ko na itong nailibing mahirap na ito para sa akin. Diyos ko, tulungan mo akong malampasan ko ang gabing ito ng hindi nakakapatay ng tao.

"Sam, matagal ko nang inihihingi ng patawad ang mga nagawa ko. Haven't I suffer long enough? Ano pa ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako? Please, Sam, tell me. Ano pa ba?" Magsumamo ka man sa harapan ko, umiyak ka man ng dugo ay huli na, wala na ang pagpapatawad para sa iyo.

"Gusto mong patawad kita? Gusto mong malaman kung sa anong paraan kita mapapatawad? Gusto mong malaman kung ano pa ang pwede mong gawin?" Susubukan ko lang. Baka ngayong gabing ito ay palayain na ako ng isang Maybeline Kate Peralta sa impyernong pinagkulungan niya sa akin.

"Kahit ano, Sam. Kahit ano gagawin ko, mapatawad mo lang ako. Kahit ano. Kahit mahirapan pa ako." Sabi pa niya. Sige nga. Baka ngayon ko lang muling makitang ngumiti ang langit sa akin.

"Kahit ano, Maybel? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Be careful what you wish for kasi baka hindi mo kayanin." Napanuyang sabi ko sa kanya, walang kabuhay-buhay akong ngumiti. Knowing Maybel, she won't go for it. She crossed the feiry hell to get what she wants, and she got what she wanted... a hell.

"Yes, Sam. Kahit ano. Gaano pa man kasakit yang hihingin mong kapalit, ibibigay ko, mapatawad mo lang ako." Pinahid niya ang kanyang mga luha at ngumiti pa siya sa akin.

"Okay, sige. Patatawarin lang kita sa loob ng isang kondisyon......" Pigil ang hininga niyang hinihintay ang isasagot ko sa kanya. "Palayain mo ako." Nakitang kong nalaglag ang kanyang panga at namilog ang kanyang mga mata, gulat na gulat siya sa sinabi ko. Namutla ang kanyang mukha. Sabi ko na nga ba eh. Mabuti na lang hindi ako umasa.

"Sam........" Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon. Tama na.

"Sabi mo kahit ano, di ba? Yan ang hinihingi ko, kalayaan mula sa iyo at sa impyernong kulungan na ito. Palayain mo ako. Kung sustento para kay Marinella ang kailangan mo, ibibigay ko yun sa kanya buwan-buwan, walang putol. May college fund na siya kaya hindi na kayo mahihirapan ng mga magulang mo na paaralin siya. Kung sa eskwelahan na pinapasukan ko siya mag-aaral ay magiging libre ang lahat. Iisa lang ang hinihingi ko sa iyo. Kalayaan ko lang. Iyo na rin ang bahay na ito kung gusto mo. Kung maibigay mo man sa akin yan katulad ng sabi mo ay baka mapatawad kita. Goodnight, Kate." Tumalikod na ako. Ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya. Narinig ko ang lakas ng kanyang pag-iyak sa harap ng sarado kong pinto.

Mula pa nung high school ay nakikita ko na siya, tama na. Kailangan ko ang mabuhay nang malaya at malayo sa kanya at malayo sa lahat ng mapait at masasakit na alaalang dinala nila ni Carlitos sa akin, sa buhay ko o sa pagkawala ng buhay ko.

Wala na ang iyak na naririnig ko sa may pintuan. Umalis na siya siguro. Alam kong naging bato na ang puso ko, Hindi ko iyon sinasadya. Alam kong naging masama ako sa kanya, pero tama na. Ilang taon pa ba ang hihintayin ko para makawala sa impyernong relasyon na ito? Ilang taon pa ba ang pagtitiisan ko. Minsan na akong umibig at nasaktan nang dahil sa kanya. Nagtiis na rin ako at nagtitiis pa rin hanggang ngayon. Para na ring nasa hukay ako. Sana namatay na rin ako kasama ni Gale.

Matagal na ngang patay si Gale pero siya pa rin ang hinahanap ng puso ko. Ngayon, si Sarah naman. Biglang ko siyang naisip. Ano ba ang meron kay Sarah? Bakit parang napakapamilyar ng nararamdaman ko para sa kanya. Ang mga matang yun, parang nakita ko na yun noon. Yung lambot ng mga labi niya at tamis ng mga halik niya, parang natikman ko na yun... parang katulad ng halik ni..... hindi. Hindi pwede. Hindi maaari.

Haaayyy! Ang buhay nga naman magpagbiro.... Ito na ba ang sinasabi nilang tadhana? Nah! Kapalaran pa rin ang pinaniniwalaan ko. Tadhana ang nagbigay ng sakit sa akin. Kapalaran ang nagbigay ng maginhawang buhay sa akin ngayon at sa mga magulang ko. Tadhana ang nagdala sa akin sa buhay-impyernong ito. Ito ang isa sa mga bagay sa buhay ko na hindi ko pinagsikapang makamit. Ang buhay na kung saan ay isa akong malayang bilanggo. Malayang nagagawa ang mamuhay ng normal sa abnormal na paraan pero bilanggo ako dahil sa hindi ko mabigyan ng laya ang aking pusong umibig sa iba dahil wala na ang puso ko sa akin.

Sinubukan ko namang mahalin si Maybel. Pinilit ko kahit parang may nakaharang sa lalamunan ko. Limang taon ko nang sinusubukan. Napatawad ko na rin sila ni Carlitos sa mga nagawa nila sa amin ni Gale noong nabubuhay pa ito. Pero bakit parang hindi siya kayang itibok ng puso ko. Maganda naman si Maybel. Matalino. Kaakit-akit. Mayaman. Pero hindi talaga eh, kahit ano pa ang gawin ko, hindi ko talaga kaya. Naging mabait na rin naman siya ngayon. Naging matapat naman siyang asawa sa akin, pero hindi talaga eh. Natuto siyang mamuhay ng simple dahil hindi ko hinayaang pumasok sa pamamahay ko ang karangyaan nila. Hindi ko kailangan ang yaman nila sa pamamahay ko. Kung gusto niyang tumira dito, matuto siyang magtrabaho sa loob ng bahay. Pero bakit hindi pa rin matanggap ng puso ko na mahalin siya? Bakit? Simple lang, dahil hindi siya si Gale.

Sana hindi maubos ang hangin ko sa baga sa kahuhugot ng malalim na butong-hininga. Pagod na ako, Diyos ko, pagod na pagod na ako. Bakit hindi na ito tumibok kahit minsan lang para kay Maybel, para hindi na rin siya nahihirapan? Bakit tumitibok pa rin ito para sa isang taong matagal ng wala? "Destiny? Nah. There's no such thing as destiny." Kita mo na puso, ang rasyonal ng aking pag-iisip na nagsasabi na walang tadhana, kaya tigilan mo na ito. Kapalaran ko mang ikasal sa napakamaling tao, pero hindi ito ang tadhana ko, kaya tama lang ako ng sinabi... WALANG TADHANA.









--------------------
End of DG 2

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
05.07.17

Destiny's Game
©All Rights Reserved
May 3, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro