DG 10
~ ~ ~ ~ ~
Let today be the day you stop being haunted by the ghost of yesterday.
Holding a grudge & harboring anger/resentment is poison to the soul.
Get even with people...but not those who have hurt us, forget them,
instead get even with those who have helped us.
~ Steve Maraboli
~ ~ ~ ~ ~
I WENT home very weak, exhausted and drained. Hindi naman sa namimiss ko ang pakiramdam na ito, kasi ganitong-ganito din ang naramdaman ko noon nang masunog ang bahay nila, nung makipag-usap ako sa mga pulis, nung ikulong ako ng halos apat na araw, nung asikasuhin namin nila tatay ang lamay, ang libing, at ang 40 days nila, nung ituloy ko ang pag-aaral ko na parang robot na lang akong kumikilos araw-araw, nung gumradweyt ako ng high school na parang isang ordinaryong araw lang kahit pa ako ang naging valedictorian, nung makaalis ako ng Santa Catalina, at nung mag-umpisa akong magtrabaho ng kung anu-ano sa palengke ng Balintawak.
Naging barker din ako sa paradahan ng jeep at tricycle sa Monumento, pumasok na labandero sa weekeend sa may bandang Grace Park, naging tagahugas ng pinggan sa isang chinese restaurant sa Binondo. Tapos bigla ko na lang napansin na naging tahimik nang muli ang buhay ko. Tuloy-tuloy na ang pag-aaral ko dahil sa tulong ni Auntie Rhoda at Tito Brent. Nakita daw kasi nila ako sa paradahan ng tricycle nang minsang mapadaan sila ng Mc Arthur Hi-way papuntang Monumento. Natawagan nila ang Nanay kaya nalaman nila na nandito nga ako sa Maynila at kung ano-ano ang pinapasok na trabaho para lang makapagtapos ng pag-aaral.
Tapos na ang unos ng buhay ko dahil naging kampante na ako sa araw-araw ko. Trabaho sa University, pasok sa klase, balik sa trabaho sa school, balik sa klase, ganun palagi ang araw-araw ko tapos uuwi kinagabihan at magpupuyat para gawin ang mga homeworks at projects ko at matutulog kung may matitira pang oras para itulog. Nakasanayan ko nang mamuhay ng ayon sa pangangailangan ko o mas magandang sabihin na nakasanayan kong mamuhay ng ayon sa paghinga ko.
Naging maayos ang bawat semester hanggang sa nakagraduate ako bago sa mga ka-batch ko, dahil tinodo ko ang bawat semesters. Nag-umpisa ako sa 21 units nung freshman ako, tapos nag-crash classes ako. The following semester. Nang malipat ako sa university na ito, I enrolled 28 units pero hindi na ako umattend ng ibang classes kasi may grades na ako para doon at awa ng Diyos, credit naman, kaya ininrol ko na lang yun, then I did it all over and over again. Nag-crash classes uli ako.
Pati ang mga summers ay hindi ko pinatawad. I enroll the classes I crashed during the regular semester para pagdating ng first semester uli ay pwede na naman akong magcrash ng classes, hanggang sa nagulat na lang ako at pinatawag ako ng Dean of the Registrar.
I was at her office sitting there waiting for a judgement. Oo, judgement. Kasi pakiramdam ko hahatulan ako. Nakita kong pumasok si Tito Brent at Auntie Rhoda ng magkasunod, naisip ko, baka nga may nagawa akong mali. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip kung ano ang mga palpak kong nagawa at bakit ako pinatawag. Ni minsan ay hindi pa nangyari ito sa akin, ngayon pa lang kaya yung abot-abit na kaba at takot ay hindi ko maiwasan. Dati ko na ring naramdaman yung nung kinakausap ako ng mga pulis tapos bigla akong pinusasan at ipinasok sa loob ng selda. Kung hindi lang nakialam ang DSWD na nagkataong nandoon ay baka hanggang ngayon ay nandoon pa rin ako. Doon ko nalaman na bawal pala sa batas ang basta ka na lang nilang ikulong ng walang matibay na ebidensiya at isa ka pang minor de edad. I was only 16 then.
**Flashback . . . . .
Nagulat ako nung tinawag ako ng isang work scholar na katulad ko. Pinapapasok na daw ako sa loob ng opisina. Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo ko. Parang pakiramdam ko bibitayin na ako. Pakiramdam ko nag-aksaya ako ng oras para mag-aral ng todo para lang sa bandang huli ay bitayin ka. Bigla kong naisip, sana nag-girlfriend na lang muna ako ng kahit na sino lang para may masabing nagkagirlfriend ako tutal ang dami namang nagpapa-impress sa akin. Hindi naman sa pagyayabang, sabi ng iba kong mga kaklaseng lalaki, marami daw ang nagkakagusto sa akin, bakit hindi ko daw yun harapin at patusin, maliban na lang daw kung bakla ako kaya deadma silang lahat sa akin. Iisa lang naman ang palagi kong sagot sa kanila. Minsan lang akong umibig, at nung mamatay siya, namatay na rin ang puso ko. Noong inilibing siya, naisama na ring ilibing ang puso ko katabi niya. Natahimik silang lahat. Nashock pa nga yung iba. Ang lalim daw ng hugot ko. Biro pa ng iba, twelve feet bellow the ground daw ang hugot ko. Eh sa talagang malalim dahil literal na doon ito nanggagaling.
Mula noon ay hindi na nila ako ginulo. Sila na rin mismo ang nagsasabi sa mga babaeng nagkakagusto sa akin na layuan na lang ako. Isa si David sa mga yun. Naging sandigan ko si David sa maraming bagay. Doon ko lang naisip na okay lang pala na mag-share ng iniisip mo kahit paminsan-minsan dahil nakakagaan ng loob.
Kumatok ako. Hindi ko alam kung paano akong nakarating sa tapat ng pinto ng private office ni Dean Aguilar. Narinig ko ang "Come in!" Pinihit ko ang seradora at iniusli ko ang ulo ko para makita nila na ako ang kumakatok.
"Come in, Mr. Aranas. Sit down." Utos ni Dean Aguilar sa akin. Umupo naman ako sa silyang nakalagay sa gitna nila. Para talaga akong ibibitay. Nasa desk niya si Dean Aguilar. Sa harap naman niya si Tito Brent na nakaupo sa harap ni Auntie Rhoda tapos ako, eto nga, nasa harap nilang tatlo. Para kaming nasa harap ng square na lamesa, ang kaibahan nga lang ay medyo malayo ako sa kanilang tatlo.
"We called you here to let you know that you had accomplished all the required credits that needed to graduate your course." Panimula ni Dean Aguilar.
Noong una ay hindi ko maintindihan dahil nga iba ang concentration ng utak ko. Inihanda ko ang pagdedepensa sa sarili ko kung sakaling may nagawa man ako, pero nung ito na ang mga sinabi ni Dean, parang hindi kaagad naabsorb ng utak ko ang kahit anong salita. Nakatatitig lang ako sa kanila.
"Mr. Aranas! Are you okay? Why are you so quiet there?" Tanong ni Tito Clint. Dahil walang nakakaalam na kamag-anak ko si Auntie Rhoda ng mga panahon ito ay hindi ko siya pwedeng tawaging Tito.
"I-I am okay, Sir. I-I just didn't understand what Dean Aguilar had said at first. It was a little...." Tinigil ko ang sasabihin ko dahil hindi ko mahagilap ang words na gusto kong gamitin. Parang bigla akong namental block. Ang hirap pala ng ganito. Yung puno ka ng excitement pero parang kulang na kulang pa rin.
"Overwhelming?" Pagdugtong ni Auntie Rhoda. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang kakaibang tuwa at pagmamalaki.
"Yes. Overwhelming. Thank you, Dean Catigbac." Pagpapasalamat ko sa pagsalo niya sa akin. Mukha akong tanga na hindi mo maintindihan.
"We never thought a student who did what you did could maintain his grades and pass all the classes excelling in each everyone of them, without a single absent, submitted all requirement, projects, thesis, term papers and all that was asked by each professor. Maintained a 1.0 grade all throughout the semesters for less than four years, Mr. Aranas, wala akong masabi. Pinahanga mo kami. Pinahanga mo ang eskwelahang ito. Ikaw pa lang ang nakakagawa niyan. To think na nagtatrabaho ka pa dito sa mismong eskwelahang ito. Hindi mo binigo ang university sa pinakita mong pagpupursige. Talagang sinulit mo ang bawat sentimong ginamit ng university sa pag-aaral mo." Mahabang salaysay ni Dean. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. For the first time, napangiti ako.
"Po? Ano po ba ang ginawa ko?" Nagtataka kong tanong. Alam kong nag-e-explain siya sa akin. Naririnig ko ang lahat ng yun pero yung umpisa lang ng paliwanag ni Dean Aguilar ang tumatak sa isip ko.
"Hahaha! You are so funny when you are in shock." Natatawang sabi ni Dean. "What I'm saying is, nagawa mo ang mga bagay na hindi pa nagagawa ng ibang mga estudyante sa mga nagdaang taon at ngayon. Kahit nga itong si Director Clint Catigbac ay hindi nagawa yan noon eh. Pinagsabay mo ang pagtatrabaho dito sa university habang nag-full load ka tapos nakuha mo pang mag-crash ng classes. Aside from that, you are also working as a houseboy somewhere. Minsan nga tuloy napapaisip ako kung may death wish ka ba kasi parang gusto mo nang patayin ang sarili mo sa mga ginagawa mo. Para bang nagsisikap kang umunlad but at the same time, you just wanted to die. Minsan tingin ko sa iyo ay wala ka nang buhay. Para bang you just exist kasi kailangan. You are a walking dead." Nasapol ni Dean ang ibig kong gawin sa buhay ko.
Well, she's not wrong. I am here only to exist. I only share space with the living. I am a walking dead. Buhay nga ako pero patay na ako sa loob dahil wala na rin namang kabuluhan ang buhay ko. Pero bakit parang pinilipit ko pa rin ang huminga? Pinipilit ko pa rin mabuhay. Bakit? Para saan pa ba ang paghingang ito? Para kanino pa ba ito, gayung wala na siya. Wala na si Gale.
"I am so proud of you, Sam. Kahit siguro sila Ate at Kuya ay matutuwa sa iyo. Kailangan kong tawagan ang Kuya Berto at Ate Sol. Kailangan kong ibalita sa kanila ito. Ako na ang magbabalita dahil alam ko namang hindi mo gagawin yun, eh." Makahulugang sabi ni Auntie.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko at sobrang lungkot na nararamdaman ko, hindi ko na napansin ang mga pinagsasabi ni Auntie Rhoda. Ang tanging nasa isip ko ay kung nasaan si Gale? Na sana nakikita niya ang mga pinagdadaanan ko. Sana nakikita niya ako. At sana kunin na rin niya ako. "Ayoko na, mahal ko." Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong tumulo sa magkabila kong pisngi, naiyak na pala ako.
"Kuya? Ate?" Tinig ni Dean Aguilar na nagpabalik sa akin mula sa malungkot na pagmumuni-muni. Nagtataka siya bakit ganun ang sinabi ni Auntie Rhoda.
Napapitlag ako doon ngunit hindi ko sila gaanong pinagtuunan ng pansin. Naiyak ako sa isiping wala namang kabuluhan itong pinaggagagawa kong pagsisikap dahil maliban sa mga magulang ko wala naman na akong ibang paghahandugan nito. Wala na akong ibang mapagbibigyan ng aking diploma. Bakit ko nga ba ginagawa ang mga ginawa ko? Hindi na rin naman niya makikita ang mga pagsisikap ko. Wala na siya. Wala na si Gale.
"Dean Aguilar, wag na sana munang lalabas ang lahat ng ito dito." Dinig ko sabi ni Tito Clint. "Grant is the son of my sister-in-law, Soledad Apalit-Aranas, my wife's sister. Ayokong isipin ng mga tao at ibang staff na dahil sa amin kaya naging Suma cum laude si Grant." Dugtong pa ni Tito Clint. Dinig ko yun, pero wala naman na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Wala naman silang nagawa para sa akin. Lahat ng ito ay mga pinaghirapan ko na wala namang silbi dahil wala naman na akong pag-aalayan pa. Wala na ang mahal ko. Sila Tatay at Nanay na lang ang mapaghahandugan ko ng lahat. At kapag wala na sila Tatay, sino pa? Wala na si Gale.
"Anyway, let's talk about that later. Ako na mismo ang magkukwento sa iyo, Minda." Parang kinikilig pang sabi ni Auntie. Napangiti ako sa kanya. "Dali! Let's call Kuya Berto and Ate Sol. I am excited na talaga." Dugtong pa niya. Napailing si Dean Aguilar sa inasal ni Auntie. Para kasi itong isang teenager na nagpa-fangirling na hindi malaman kong saan ilalagay ang sarili.
"Hey, Grant? Why are you crying?" Tanong ni Tito Clint. Umiling lang ako. Ayokong magsalita dahil siguradong pipiyok lang ako at hahagulgol ng iyak. "You remember her don't you." Dahil sa sinabi ni Tito, hindi ko na talaga napigil ang sariling kong humagulgol.
Ang sakit-sakit. Alam mo yung pakiramdam na nagkaroon ka ng paper cut na hindi mo alam tapos natapunan ng suka o di kaya ng kalamansi? Yung sobrang hapdi dahil nasa dulo ng daliri mo ang sakit pero ramdam ng buo mong katawan? Mas masakit pa diyan. Para bang isang torture. Yun bang hindi na kontento yung taong sumaksak ng puso mo at ikinalawkaw pa ang punyal sa mismong pinagbaunan nito. Tapos hindi pa nagsawa, binuhusan pa ito ng sukang may halong katas ng kalamansi? Yun bang nauubos na ang hangin sa puso at baga mo pero hindi ka pa mamatay-matay? Higit pa dun.
"I'm sorry, Grant. Hindi ko maubos maisip ang sakit na nararamdaman mo ngayon dahil hindi ko pinagdaanan yan, pero sana naman maisip mo rin na kung nasaan man siya ngayon ay nasasaktan din siya na nakikitang kang nagkakaganyan at wala siyang magawa para maibsan ang sakit na yan. Sa palagay mo ba matatahimik siya sa kanyang kinaroroonan? Grant, life is sometimes unfair. Sometimes, He takes people away from you and make you go through such tough time para pagtibayin ka, para patatagin ka. Kailangan ka Niyang basagin para mabuo kang muli. Grant, kung ayaw mong gawin ito para sa iyo, kahit para na lang kanila Kuya Berto at Ate Sol sana, kasi nahihirapan din sila na nakikitang kang ganyan pero wala silang magawa. Wala kaming magawa para sa iyo. Grant, please be brave, kahit man lang sa alaala niya. I promise you, things will turn out fine in the end." Tito Clint was right. Pero hindi ko talaga mapigil ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit. Sobra akong nangungulila sa kanya.
Simula ng mawala si Gale, nawalan na rin ako ng ganang mabuhay. Bakit ba kasi ganito ang kapalaran ko. Ngayon, sabihin n'yo sa akin na may tadhana. Ngayon n'yo sabihin sa akin na paniwalaan ko ang tadhana. Malupit ang tadhana sa mga taong walang kalaban-laban. Kaya inyo na lang ang tadhana n'yo. Ito ang laro ng tadhana na hindi nakakatuwa. I hate destiny as much as I hate the people that took my love from me. I hated the games it played. I hate destiny's game. It sucks. Some of you understand me, right?
"Okay. Let's proceed to our agenda then." Bahagya pang tumawa si Dean Aguilar para maiba ang usapan at para na rin pagaanin ang mood dahil masyado yatang naging mabigat. Tahimik akong nagpasalamat. "As we sum up all your grades since the beginning," Patuloy niyang sabi. "Hindi naman kami nahirapan kasi puro uno ang grado mo. You're work here in the university at ang sa labas pa tapos nakuha mo pang sumali sa ibang mga extracurricular activities. All the teachers and professor agreed to make you the summa cum laude for this graduating class. You exceeded everybody's expectations. Grabe, Mr. Aranas, pinabilib mo silang lahat, kaming lahat. Ikaw pa lang yata ang nakakagawa nun." Mas lalong bumagsak ang mga balikat ko at mga luha nang marinig ko ang sinabi ni Dean. Hindi ko yun inaasahan. Masaya ako dahil nagtagumpay ako sa larangan ng akademya pero malungkot naman ako dahil maliban sa mga magulang ko ay wala naman na akong ibang mapaghahandugan nun. Wala na kasi siya.
Sumapit ang graduation ko na nandun ang Nanay at Tatay ko pati na ang T'yang Miling at T'yong Tonyo, ang Tito Clint at Auntie Rhoda, si David na anak ng kapatid ni Tatay na pumanaw na, ngunit hindi ako lubusang masaya dahil kulang, dahil wala siya.
Ito ang pangarap naming dalawa. Yung mag-aaral kami ng sabay. Yung papasok kami sa school kahit may anak na kami at magtatapos pa rin. Yung pareho kami ng kurso dahil yun ang gusto niya. Yung ga-graduate kami ng sabay. Magmamartsa ng sabay, kukuha ng award ng sabay kung sakaling may award, maghahanap ng trabaho ng sabay kahit na sa magkaibang school pa, pero sana kung pupwede ay makapagturo sa iisang eskwelahan lang. Magtataguyod ng pamilya na magkasama at tatanda ng sabay. Pero hindi na pala mangyayari yun. Maaga siyang kinuha sa akin.
**End of Flashback. . . . . . .
Nagtuloy ang buhay ko na parang wala nangyaring trahedya sa buhay. Nagtuturo ako sa isang high school sa Manila at sa isang Community College sa Marikina. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-apply sa university kung saan ako nag-graduate at nagtrabaho bilang work scholar nung malaman kong nag-retire na ang dati kong history professor at kasabay nun ay nangangailangan din sila ng part time na teacher sa Statistics at Literature dahil sabay pang nag-maternity leave ang dalawang professor. Awa naman ng diyos ay natanggap ako.
Nagulat na lang si Auntie Rhoda at si Dean Aguilar nang malaman nila na isa na ako sa mga professor ng university. Hindi alan ni Auntie na nag-apply ako dahil nasa European tour sila nung interbyuhin ako ng Dean for Human Relations at isa pang BOD member dahil wala din si Tito Clint. Sinadya ko ring wag sabihin sa kanila. Ayaw ko na may masabi pa ang ibang tao. Wala man akong pakialam sa sasabihin nila pero ayoko rin namang may marinig na hindi maganda. Mas mabuti na yun kesa naman isipin nila na nakuha ko ang trabaho dahil may kapit ako. Merong ilan-ilan na nakakaalam na pamangkin ako ng isa sa mga dean at isa sa mga board of direction pagkatapos ng graduation, pero dahil nakita nila kung gaano ako kapursigido sa pag-aaral ay hindi na nila napansin pa ang ibang haka-haka. Mas humanga pa nga yung iba dahil hindi ko ginamit ang lakas ng kapit na meron sana ako para umusad. Nagsariling-sikap ako para sa kapalaran ko.
Tahimik na talaga sana ang buhay ko kaya lang bigla na namang sumulpot sa tinitirhan ko ang mga magulang ni Kate na galit na galit at may kasama pang mga pulis at bodyguards. Kung paano nilang nalaman ang tinitirhan ko, is beyond me.
Binugbog ako ng mga bodyguards nila sa harap mismo ng mga pulis, ngunit wala man lang ginawa ang mga ito kundi ang ipihit ang tingin sa malayo. Tinakot, sinaktan, hinaras at meron pang pinagbantaan ako, ginulo sa trabaho. Umabot pa sa puntong naipasok ako sa ospital nang hindi ko nalalaman. Nagigising na lang ako na benda sa ulo, minsan sa katawan, minsan sa binti. Mabuti na lang at naaagapan ako palagi. Lahat na ng masama ay ginawa na nila sa akin, pati pa mga magulang ko nadamay pa sa pananakot nila.
Ilang buwan din na ganun ang ginagawa nila sa akin. Kung hindi lang dahil kay T'yong Tonyo ay hindi nila ako titigilan, ganun din sila Nanay, kaya bandang huli ay napilitan na rin akong pumayag na pakasalan si Kate kahit labag na labag sa loob ko dahil na rin sa takot na baka kung ano pa ang mangyari sa mga magulang ko. Alam ko kayang protektahan ni T'yong Tonyo ang mga magulang ko pero ang tanong naman ay hanggang kailan? May pamilya ang T'yong na kailangan din niyang pangalagaan at protektahan. Malaking bagay na nga na inampon ng T'yong si David, dadagdag pa ba kami ng mga Tatay na papasanin niya? Ako ang kailangang pumrotekta sa mga magulang ko kaya hindi ako pwedeng magpabaya.
Kung nakayang gawin ng mga Peralta ang mga bagay na yun sa akin, siguradong kaya din nilang gawin yun sa mga magulang ko at baka sa bandang huli ay gawin din nila yun kanila T'yong Tonyo, T'yang Miling at David. Hindi na kakayanin pa ng kunsensiya ko yun.
Nakita ko kung gaano karuming maglaro si Don Julio. Hindi sila patas kung lumaban kaya naisip ko na nakaya nga ni Kate na gawin yun sa pamilya ni Gale noon, sigurado akong magagawa niya rin yun sa amin ng pamilya ko. Maaaring hindi niya ako saktan pero ang ama niya ay kaya akong saktan at napatunayan ko na yun ng ilang beses pa, kaya sigurado akong sasaktan din nila ang mga Tatay at Nanay.
Anyway, yung tahimik ko na sanang buhay na kahit walang kulay, at least naman masasabi kong disente, ngayon ay hindi na. Matapos kaming ikasal ni Kate ay parang mas lalo akong namatay. Mas lalo akong nailibing ng mas malalim pa sa anim na talampakan. Naging mas mahirap sa akin ang huminga at mabuhay. Parang nawalan ako ng pag-asa na maging pag-aari ni Gale.
Kahit harapin ko pa ang katotohanang wala na si Gale, hindi pa rin matanggap ng puso at isip ko ang ediyang yun. Maging ang kamay ko ay ayaw ng mahawakan ng ibang babae, katawan ko pa kaya.
Ikinasusuklam ko magpahanggang ngayon na halikan siya kahit sa pisngi lang nung ikasala kami. Para kay Gale lang ang mga labi ko. Sabi nila wala na si Gale, mag-move on na daw ako. Eh ano naman ngayon kung wala na si Gale? Wala akong pakialam kung wala na siya at hahayaan ko ang puso kong patuloy na ibigin si Gale kahit na wala na siya, hindi uso sa puso ko ang pagmo-move on.
DALAWANG buwan na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin napuntahan si Gale sa Iloilo. Mas naging mahirap sa akin dahil nakakulong man si Kate ay gumagalaw pa rin ang mga tauhang nabayaran nila. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng pera pero parang ganun nga ang nangyari. Mas lalo akong natatakot na baka may masamang mangyari kay Gale at kay Raion bago pa magkaroon ng preliminary hearing. Maging ako man ay may mga natatanggap ding pananakot ngunit lahat ng mga natatanggap ko ay ibinibigay ko kay Attorney, at dahil doon mas lalong inipit ng korte si Kate. Mas lalong humigpit ang bantay niya. Maging ang abogado at mga magulang niya ay hirap din sa tuwing bibisitahin nila ito. Naniniguro lang. Kami lang ba ang dapat na mahirapan?
Umuwi sila Henry at Blue last month sa Iloilo para bisitahin ang mga magulang nila. Kagaya ng sabi ko hindi ako sumama, kailangan naming maging maingat lalo na at buntis si Gale ngayon. Mabuti na lang at naiintindihan ni Gale at Raion ang sitwasyon namin ni Ella dito sa Manila. Puro litrato, text, tawag at video call na lang ang nagagawa namin. Tahimik nga ang bahay ko pero mabigat pa rin ng araw-araw ko. Maging si Ella ay nakakaramdam na ng lungkot. Kaming tatlo na lang ni Manang Luz at paminsan-minsang pagpunta dito ni David sa bahay dahil may pinagkakaabalahan din ito.
Ilang linggo na lang at magsi-six years old na si Ella. Gusto ni Kate doon magbirthday si Ella sa visiting area ng Women's Correctional. Hindi ako pumayag. Nasisiraan na ba talaga siya ng bait? Hindi na ba niya inisip ang kapakanan ng anak niya? Hindi ba niya alam na hindi maganda yun para sa mental at emtional development ng bata? Maliban doon, ayaw naman talaga ni Ella na makita pa ang ina niya. Sa kanya na mismo nanggaling nung huli siyang bumisita doon.
"I don't want to visit you anymore. I don't like you and I don't it here." Mataray daw na sabi ni Ella sa ina, kwento ni Atty. Mijares. Sinaway pa nga daw niya si Ella pero simpleng "what?" lang isinagot sa kanya ng bata at dinugtungan pa ng "well, it's true." sabay irap pa daw nito.
Pinasamahan ko kasi siya sa abogado ko at sa abogado nila. Kasama si Manang Luz syempre. Mahirap na. Mas mabuti na yung may isa pang tao na makakarinig sa mga sasabihin niya sa bata. And besides, Kate signed a document saying she's giving up all her parental rights of Marinella Claire Peralta Aranas to me. Signed by us, both parties, our lawyers and notarized pa. Kung tutuusin ay may karapatan akong pagbawalan sa pagpunta doon si Ella. Gayun pa man ay pinadadalaw ko ang anak niya sa kanya. Let's face the fact, siya pa rin ang biological ng ina ni Ella. Kahit papaano ay iniisip ko pa rin na siya ang ina ng bata. Sa mura niyang edad, kilalang-kilala na niya ang kanyang ina mula ulo hanggang paa pati na ang kanyang mga lolo at lola, dahil doon ay ayaw ng bata sa kanila at tahasan yung sinasabi ng bata ng harap-harapan. Mas gusto pa nga niya ang mamirmihan sa bahay ng mga magulang ko, sa Lolo Bento (Lolo Berto) niya at Lola My Soul (Lola Sol), kapag nasa Santa Catalina sila ni Manang Luz.
Bahala na kung ano ang masumpungan ni Ella. Sa tuwing may gusto siyang gawin at iparating sa nanay niya, pinapatawag niya si Manang Luz sa aming abogado at ito na ang bahalang magparating sa abogado ng kanyang ina. Katulad na lang kahapon, sabado, ayaw niyang puntahan ang ina. Pinatawagan na naman niya kay Manang Luz si Atty. Mijares.
"Hello, Tito Attorney?" Sabi niya sa cellphone. Ganyang ang tawag niya kay Attorney. Narinig ko ang pag-agik-ik ni Manang. Maaaring nakatayo lang siguro si Manang sa tabi niya.
Palagi namang ganun eh. Hindi inaalis ni Manang Luz ang tingin kay Ella kapag magkasama silang dalawa lalo pa at nasa visitation sila. Ayaw ni Ella na iniiwan siya ni Manang Luz kahit sandali.
"Yes. Ella, is that you?" Tanong naman nang abogado ko. Kasama ko ngayong si Atty. Mijares. Inilagay niya ito sa speaker mode para marinig ko ang usapan nila. Narinig ko na humagikhik si Ella sa kabilang linya.
"No, Tito Attorney. This is Princess Ella of the Aranas Castle. Hihihi!" Pilya talaga ang batang ito. Napangiti si Attorney dahil doon. "Hi, daddy. I know you're there. I love you." Natunaw ang puso ko sa tinuran niya. Paanong hindi mo mamahalin ang batang ito? Para siyang si Gale sa lambing. Sana si Gale na lang ang naging mommy niya but unfornately, she's not.
"I love you, too, Princess." Simple kong sagot sa kanya.
"My apologies, your highness. How may I be of service?" Tumawa rin si Attorney. Napapailing na lang ako sa kakulitan nilang dalawa. Ganyang naman palagi. Kampanteng-kampante si Ella sa kanya. Matagal ko nang kilala si Attorney. Pre-law pa lang ay attorney na ang tawag ko sa kanya.
"Tito Attorney, I don't want to go see mommy tomorrow." Nag-iba ang boses nito. Parang naiinis na nagmamaktol. Kung hindi ako nagkakamali, nakanguso na naman ito ngayon. You can tell that she is dreading the visits.
"Why? Did Manang Luz told you not to?" Tanong ng abogado ko. Nakikinig lang ako at pinagmamasdan ko lang siya. Nakangiti naman ito.
"No! Why would she?" Panigurado akong aburido na naman ito. Kuhang-kuha niya ang pagkasuplada ng ina at yun ang iniingatan kong lumala kaya mas gusto kong mapasaakin si Ella. Na ako ang magpapalaki sa kanya imbis na ang pamilya ni Kate. "Tito Mijares, nobody has to tell me anything, not even my daddy. I just don't want to see her, that's all." Mataray ang tono ng pananalita niya. Alam kong napipikon na siya dahil Tito Mijares na ang tawag sa kanya nito at hindi na Tito Attorney na palagi nilang tawagan. Napailing na lang si Attorney. Kapag ganito na si Ella ay hinahayaan na lang niya ito dahil paniguradong si Manang Luz na naman ang kawawa.
Natapos ang usapan na yun na hindi napilit ni Attorney si Ella dahil nag-umpisa na itong umiyak. Naawa naman si Attorney kaya pumayag na lang ito. Tinawagan agad ang abogado ni Kate at sinabing nagtatantrum yung bata.
Lumipas ang tatlo pang linggo at hearing na namin para sa kaso ni Kate at para na rin, hopefully, diretso na sa annulment proceedings namin. Hindi ako nakatulog magdamag. Ang hirap. Hindi ako mapakali. Paano kung hindi ako pagbigyan ng korte? Paano kung hindi nila i-grant ang request annulment kahit na ang tibay ng mga grounds ko? Paano na si Gale? Paano na si Raion? Paano na ang magiging anak namin?
Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Sobra akong kinabahan. Wala pa man din akong bat dito. Pumasok sa kwarto ko si Ella na pupungas-pungas ng mata niya. Parang akong nabuhusan ng mainit at malamig na tubig ng makitang si Ella lang pala. Nakahinga ako ng maluwag. Mas lalo akong hindi inantok.
"Daddy, why do we have to go to court tomorrow?" Bungad niya sa akin sa inaantok na boses. Gumapang siya paakyat ng kama ko at tumabi sa akin. "Can they just have it without you?
"You don't have to come if you do not want to. You can stay here with Manang Luz or I can call your Ate Blue to take you to the mall tomorrow." Ngumiti siya sa akin at isiniksik ang ulo sa tagiliran ko.
"No. It's okay, daddy. I'll go with you. You will need your princess tomorrow. I want to hear how she did what she did to those people." May galit niyang sabi. "I just wish my Prince Raion will be there tomorrow and mommy Gale, too." Dugtong pa niya. Mabilis akong napalingon sa kanya.
"What did you say? What did you call Tita Gale?" Tanong ko sa kanya. This is not good. It's not time yet.
"Mommy Gale. I want her to be my mommy. She's nice and sweet, daddy. She's not what my mommy is." Naramdaman ko na lang ang paghikbi ni Ella.
"Oh, sweetie. Don't be too harsh on your mommy, okay. She just made a mistake in the past that is all. She's still your mommy." Parang tinik na humarang sa lalamunan ko ang mga salitang binitawan ko. Hindi ko maisip na pwedeng maging mabait si Kate. Well, naging mabait din naman siya ng panandalian bago pa ako pumunta ng New York.
"No, daddy! I hate her. She's mean to you and to Lola Luz. She's mean to Lolo Bento and Lola My Soul. I don't like her. She is also mean to my true daddy. I don't like them both." Tuloy-tuloy nang umiyak si Ella. Naawa ako at the same time parang kinabahan din.
Natatakot ako sa inaasal ni Ella. Alam kong maldita siya pero alam ko rin na mabait siyang bata. Pero syempre nandun pa rin yung tendencies niya dahil nga sa ina niya pa rin si Kate. Traits are traits, either way, mamamana din ito ng mga anak sa ayaw at sa gusto natin. Ayokong mas lalong sumama ang tingin niya sa ina niya dahil baka paglaki niya ay bigla na lang siyang sasabog katulad ni Kate. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit alam niya. Sinisikap kong wag niyang marinig ang mga usapan tungkol kay Kate, tungkol sa kaso, pero bakit alam niya ang halos buong detalye nito.
"Princess, where did you hear that? Who told you that?" Direkta kong tanong sa kanya. Humikab siya. Sandaling natahimik tapos nagsalita na
"Mommy told me when I ask her why is she in there. She told me that she did something bad long time ago and now it came back and she has to pay for it." Kwento niya. "She said that some people got hurt and died. She said she didn't mean to but she was just so mad that she had hurt them." Dugtong pa niya at naghikab uli. Nainis ako. Mas lalo akong hindi makakatulog nito sa kaiisip. Bakit kailangan pa niyang ikwento yun sa bata. Yan tuloy, na-curious na ang bata. Kailangan ba talaga niyang gawin yun? Ano ang mapapala niya? Ang simpatyia ng bata? Kailangan niyang tigilan ang ginagawa niya dahil kung hindi, siya rin ang sisira sa buhay ng anak niya katulad ng ginawang pagsira ng daddy niya sa kanyang buhay at yan ang hindi ko hahayaang gawin nila kay Ella. Hindi ko papayagan yun. Ako na ngayon ang legal guardian ni Ella at wala nang karapatan ang mga Peralta ayon na rin sa pinirmahang papeles ni Kate na pinirmahan din ng mga magulang niya. Wala na.
Nakatulog na rin si Ella sa wakas pagkatapos niyang magkwento ng tungkol sa ina. Nakaramdam na rin ako ng pagod at namimigat na ang aking talukap kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Mga ilang sandali pa.......
LUNES. Alas nueve ng umaga. Sa loob ng isang court room. Puno na ito ng tao nung pumasok kami ni Atty. Mijares. Nakita ko ang apat na estudyanteng naging kaibigan ko na rin; si Rica, Jene, Cherrie at Mimi. Nandun sila Nanay at Tatay. Si Auntie Rhoda at Tito Clint. Nandun din ni sila T'uong Tonyo at T'yang Miling at David. Nagulat ako dahil nakita ko rin sila Nanay Iska, Tatay Berto, Mamang Fely at Papang Tiks. Nandun sila. Given naman talaga na sisipot si Henry at Blue, pero ang mga magulang nila at ang mga magulang ni Gale? Hindi ko ito inaasahan. Hindi na sila dapat pang pumunta dito, delikado. Gayun pa man ay hindi na ako kumibo. May iilang tao pang nandun na sa mukha ko na lang nakikila. Nahagip ng paningin ko si James, nandito din si James. Ngumiti ako sa kanila. Tumayo si Blue at si Henry para lumipat sa pupwestuhan namin ni Ella. Pinauna kong pumasok si Manang Luz sa pew at pinasunod ko si Ella kasama si Blue, kasunod na rin si Henry at umupo na rin ako sa tabi nila sa pinakabungad ng pew. Napansin ko rin ang mga magulang ni Kate na tahimik lang isang pew kapantay ng pinwestuhan namin. Tahimik man ang mga ito ay makikitaan ng kapalaluan ang Don habang ang donya naman ay tahimik lang na nagdadasal. Hawak nito ang isang rosaryo. Tahimik kaming lahat. Walang imikan. Walang kibuan. Walang tinginan. Hindi ako lumingon kahit kanino simula ng umupo ako. Si Ella, tahimik din lang at diretsong nakatingin sa harapan.
Maya-maya pa ay inilabas na nila si Kate mula sa kabilang pinto kung saan makikita mong nakaposas pa ito. Maayos naman ang suot niyang damit. Alanganin siyang ngumiti sa akin ngunit hindi ko ito tinugon. May dalawang pulis sa magkabilang gilid niya. At isa din ang naiwan sa may pinto. Nakapwesto na rin ang court recorder sa isang gilid sa harap ng witness stand para marinig niyang malinaw ang bawat salaysay ng mga nagsasalita. Siya pa rin yung recorder nung close hearing ni Carlitos. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong may dalawa palang pulis din na nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto. Bago kami pumasok kanina ay nakakita din ako na may pulis sa labas ng pintong ito. Nung humarap ako sa harapan, doon ko lang napansin na may dalawang pulis din pala na nakatayo sa judge's chamber sa likuran ng upuan ng judge. Lahat sila ay kompleto at armado. Seryoso ang mga mukha. May mga sampung tao ang nakaupo na sa juror's box. Sa pintuan na kung saan nakapwesto ang bailiff ay may isa ding pulis. Maya-maya lang narinig ko nang nagsalita ang bailiff.
"Tumayo po tayong lahat. Tahimik lang po tayo. Ito po ang silid-hukom ni Judge Capili." Anunsyo niya. Tumayo kaming lahat at lumabas sa pinto ng judge's chamber si Judge Capili. Lalaki pala siya, seryoso at may matapang na tingin. Napansin kong ngumiti si Don Julio at lumingon pa sa akin. Para akong sinuntok sa tiyan sa tindi ng kabang naramdaman ko sa nakita kong klase ng pagngiti na namutawi sa kanyang labi. May iba itong pakahulugan. Parang hindi maganda ang mangyayari. Sana mali ang iniisip ko. Sana mali ako. Sana lang talaga.
"Magsiupo ang lahat." Basag-pansin ng bailiff. Naupo na kaming lahat. Nakaupo na rin ang hukom.
Nag-umpisa ng maglatag ng kanya-kanyang pambungad na salita ang aming mga abogado. Sa introduction pa lang ng mga ito ay makikita mo na maipapanalo ni Atty. Mijares ang kaso ko. Tinawag na ang mga testigo na naaayon sa mga ebidensiya isinalang namin laban kay Kate.
Unang-unang si James. Kaya pala nandito siya. Isinalaysay niya ang mga nalalaman niya tungkol sa babaeng kamukha ni Gale na nakikita nila noon sa Santa Ynez. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya si Gale kahit pagbalibaligtarin ang mundo, kaibigan niya rin ito at halos walang oras na hindi kami magkakasama noon kahit na nawala ang balat nito sa mukha ay hindi pa rin angbwgo ang hitsura nito. Nag cross examine ang abogado ni Kate. Natawa ng ilang beses ang mga taong sa gallery kung saan nakaupo ang publiko o ang mga observers, kami. Hindi ito isang close court. Naging high profile ang kaso dahil sa "estado" nila sa buhay. Gusto lang nila ng publicity at umaasa ang ama ni Kate na makakuha sila ng simpatiya sa publiko. Napailing na lang ako. Hahayaan ko sila sa gusto nila. Mabuti nga yun para malaman din ng publiko kung anong klaseng tao ang mga Peralta.
Sumunod sa witness stand ay si Mimi, taga San Quintin, at ang ama nito. Isinalaysay nilang pareho ang mga kalupitang natanggap ng kapatid at bayaw nito sa kamay ni Kate at ng pamangkin niyang kaibigan ko at kaibigan din Gale, habang naninilbihan pa ang mga ito sa kanila bago pa sabay-sabay na naglaho na parang mga bula.
May dalawang tao pang tinawag para isalaysay ang mga alam nila tungkol sa sunog at sa pagkawala ng buong pamilya ng driver ni Kate. Kinross examine ito ng abogado nila. Lahat ng mga tanong na ibinato ng abogado ni Kate sa mga witnesses na nakuha ni Atty. Mijares at bumabalik sa kanila at napapagtawanan sila ng mga publikong naroon. May mga taga radyo at TV din na tahimik lamang na nakikinig at nakikitawa kung nakakatawa. Napapailing lang ako. Ilang beses pa ba na kailangan silang mapahiya?
Nagulat ako ng tinawag sa witness stand ang ina ni Gale. Nakita ko ang pamumutla ng mukha ni Kate at ng mga magulang niya. Nagbulungan ang publiko dahil sa reaction niya at ng mga magulang niya. Ipinasalaysay ni Attorney ang mga nangyari sa kanila ng gabing yun at kung ano ang pinagmulan at kung ano ang ginawa ni Kate sa kanila, kung bakit nandun si Kate at paanong nagsimula ang sunog. Ikinuwento ni Nanay Iska ang mga nangyari ng gabing yun ayon sa kanyang natatandaan. Naiyak si Nanay nang muling niyang balikan ang alaalang yun na halos labing isang taon na nilang pilit na kinakalimutan. Pero sa pagkakataong ito ay ilalabas na niyang lahat ang sakit, hinanakit, takot at galit na idinulot sa kanila ni Kate. Ang mga panahong lumampas para makilala ng apo nila ang ama nito. Tinanong ni Atty. Mijares kung kilala ba nila ang ama ng anak ni Gale.
"Ginang Francisca Baylosis, kilala n'yo po ang ama ng apo n'yong si Raion?" Tanong ni Atty. Mijares.
"Opo." Siguradong sagot ni Nanay na may kasamang pagtango pa habang nagpupunas ito ng luha. Ngumiti siya kay Attorney.
"Maituturo n'yo po ba sa korteng ito kung sino ang ama niya?" Tanong uli ni Atty. Mijares. Mas tumamis ang ngiti ni Nanay at tumingin sa akin.
"Ayan po siya sa harapan. Si Samuel Grant Aranas po." Sabi ni Nanay habang itinuturo ako. Ngumiti ako sa kanya. Narinig ko ang malakas na bulungan sa loob ng korte.
"May katibayan ba kayo na siya nga ama ng batang inyong sinasabi?" Tanong ni Atty. Mijares.
"Opo. Kung makikita n'yo lang po ang apo ko, kamukhang-mukha po talaga ni Grant. Gwapo na at may nag-iisang biloy din sa pisngi katulad niya at kasing talino ng kanyang ama ang apo namin, your honor." May pagmamalaking saad ni Nanay na nilingon ang husgado. Nangilid ang luha ko, malas man akong masasabi pero sinuwerte ako sa departamentong yan.
"Di bale po, Mrs. Baylosis. Mapapatunayan po natin na anak nga po ni Mr. Aranas ang apo n'yo." Malambing at puno ng respeto na sabi ni Atty. Mijares. "Your Honor, dahil na rin po sa tulong ng mga magulang ni Gale Baylosis, ang ina ng batang sinasabing pinagkaitan ng karapatan, oras at pagmamahal ng isang ama dahil sa kagagawan Ms. Maybeline Kate Peralta, nakakuha po kami ng blood sample para maisagawa ang isang DNA test bago pa po naglaho na parang bula si Ms. Baylosis dahil sa pagbabanta ng nasasakdal." Naputol ang iba pang sasabihin ni Attorney dahil humarang ang abogado ni Kate.
"I object, Your Honor. It's all a hearsay. No proof at all." Mayabang na sabi ni Atty. Carpo, ang abogado ni Kate.
"Your honor, we have proof in our hands that says otherwise. This is not only a hearsay, your honor, because we have a video that shows Ms. Peralta went to the university and confronted Prof. Sarah Cordova, which whom at that time is suffering from amnesia called retrograde. A student was able to take video of the said confrontation. I was very surprise that none of them, neither the defendant nor the plaintiff, saw the said video since it was uploaded on youtube with 3M views and about 1.6M hateful comments from netizens against the accused." Nakita kong pinulot ni Atty. Mijares ang isang electronic device at isang folder. Panandaliang natahimik ang ang buong korte. Pinagmamasdang maigi ng judge ang papel na hawak at pagkatapos ang electronic device naman ngayon. Naglagay pa siya ng earphone. Matagal niya itong pinakatitigan. Nangunot ang noo niya sa pinanonood. Kung ano man yun, sisiguraduhin kong mahahanap ko ito sa youtube.
"Let's put this on for all to see." Sabi ni Judge Capili. Ipinasa niya ito sa clerk na nasa tabi niya. Napansin ko ang matalim na tinging ipinukol niya sa pamilya ni Kate.
Panandalian kaming naghintay hanggang nakita namin ito sa overhead TV. Nagulat ako sa nakita ko. Eto yung linggo bago ang semestral break, bago kami tumulak papuntang Iloilo. Kaya pala mabilis na umuo si Gale. Napakawalanghiya talaga ng babaing ito, hindi na nakontento sa mga masasama niyang ginawa noon, ipinagpatuloy pa niya ngayon. Nanginginig ang laman ko dahil sa nakikita ko at naririnig kong pinagsasabi niya. Ang hindi ko lang din maintindihan ay bakit hindi sinabi ni Gale sa akin kahit noong si Sarah pa siya. Mabuti na lang at hindi niya ito sinaktan maliban sa pagtulak niya sa balikat ni Gale at hindi naman gaanong kalakasan. Ugh! Pero kahit pa, hindi pa rin niya dapat kinanti si Gale.
Masama ang tingin ko sa kanya. Gusto ko siyang sugurin sa kanyang kinauupuan. Gusto kong gawin sa kanya sa harap ng mga ito ang ginawa niya kay Gale. Gusto ko siya ipahiya. Lumingon siya sa akin at nakita niya ang galit sa mga mata ko. Napayuko na lamang siya. Yan ganyan nga, mahiya ka. Matakot ka. Dahil gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya para maparusahan ka. Para maghirap ka. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng sakit, pagdurusa at pagtitiis na dinanas namin ng pamilya ko at ng mag-ina ko. Ibabalik ko sa iyong lahat. Pangako ko yan.
Marami pa ang mga ebidensiyang ipinakita ni Attorney. Napapangiwi ang judge sa tuwing babanat ng "Objection, your honor" si Attorney Carpo, ganun pa man, kinakabahan pa rin ako kahit puro "overruled" ang sagot ng judge maliban sa isang "sustained", dahil iba ang mga tinginan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay magkakilala ang pamilya nila. Pero ipagdadasal ko na lang na maipanalo ni attorney ang kasong ito, dahil kung maipapanalo namin ito, maipapanalo rin namin ang annulment request ko.
"Despite of the evidence that is presented today against my client, we feel that there's the need to see more grou....." Hindi pa man natatapos ang sinasabi ng Atty. Carpo nang biglang bumukas ang pinto ng court room at iniluwa nito ang namimintog na si Gale, kasama ang anak naming si Raion at sa likod nila nakasunod si Atty. Mendez. Ang ganda niya. Ganito din siguro siya kanganda nung ipinagbubuntis niya si Raion. Mamula-mula ang pisngi niya at may kislap ang kanyang mga mata. Mabilis kong tinitigan si Ella. Nakatingin lang ito, nakangiti ngunit walang kibo, ganun din si Raion at parang hindi sila magkakilala. I was thinking, am I missing something here? Sinulyapan ko si Kate, pinaghalong takot at kaba ang nakikita ko sa mga mata niya. Namumutla siya na parang nakakita ng multo. Kanina lang sa video nakita ko kung gaano siya katapang na parang alam na alam niya na buhay talaga si Gale sa paraan ng pagkakasigaw at pamamahiya niya kay Sarah. Tapos ngayon, ano?
"Hi, daddy." Naluha ako nang binati niya ako. Hinaplos niya ang pisngi ko at inakap niya ako. Nakita ko ang pagsinghap ni Kate. Tumulo na ang luha niya, namumutla pa rin at alam kong nanginginig ito ayun na nakikita kong porma niya. Umupo sa tabi ni Atty. Mijares si Gale at sa kabila naman niya ay si Atty. Mendez. Sa tabi ko naman piniling umupo ni Raion. Pinagitnaan namin siya ni Ella. Napaka-behave ng dalawang bata, parang hindi sila magkakilala. Nakakagulat silang pareho, at the same time, nakakawala ng concentration. Parang may kung ano na hindi ko alam. Binalewala ko na lang muna.
"Council, may I know who came in?" Tanong ni Judge Capili. Tumayo naman si Atty. Mendez at yumukod bilang pag-acknowledge ng tanong ng judge.
"I am Atty. Arturo Mendez, the lawyer for Ms. Kassandra Gale Baylosis also known as Sarah Olivia Cordova, not by choice." Pakilala nito.
"Everybody, please approach the bench." Utos ng judge. Tumayo ang tatlong abogado at lumapit sa harapan ng judge. Nag-usap-usap sila. Nakikita kong parang galit ang abogado ni Kate. May pagtutol na galing sa kanya. Natahimik silang panandalian at lumapit sa lamesa si Atty. Mijares, may kinuhang folder at ibinigay ito sa judge. Kung ano man yun ay hindi namin alam dahil hindi namin naririnig ang pinag-uusapan nila pero nakita kong tumahimik si Atty. Carpo. Tiim-bagang itong nanahimik. Halatang galit at hindi kumporme sa kung ano man ang sinang-ayunan ng judge. Tahimik lang kami. Nakikita ko pa rin si Kate sa gilid ng aking paningin. Tahimik lang siyang nakatingin sa kanyang kamay. Panaka-naka niya kaming ninanakawan ng sulyap. Hindi man lang ako makaramdam ng awa kahit konti. Bahagya akong nagulat ng tinapik ni Atty. Mijares ang balikat ko. Mabilis akong napatingin sa kanya. Tapos na pala silang mag-usap.
"Sam, kung ano man ang lalabas sa usapang ito, wag na wag kang magsasalita. Ituloy mong wala kang alam." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako at tahimik lang nakikinig sa mga mangyayari. "Pagkatapos ni Gale sa witness stand ay tatawagin ka nila. Basta tandaan mo lang ang mga pinag-usapan natin ng mga nakaraang araw. Naihanda na kita sa maaaring itanong ni Carpo sa iyo during the cross examination. Tandaan mo, susubukan niyang masira ang credibility mo." Pagtatapos ni Atty. Mijares. Tumango ako at ngumiti ako sa kanya.
"Ms, Baylosis, please approach the stand." Sabi ni Judge. Tahimik namang tumayo si Gale. Lumingon muna kay Kate bago ito tuluyang umupo sa witness stand. Walang kakaba-kaba. Hindi mo man lang makikitaan ng kahit kaunting takot o kahit na anong bahid ng emosyon. Kahit ang mga mata niya ay blangko. Parang katulad din lang ng dati noong una ko siya nakilala, parang hindi kami magkakilala. Parang pareho kaming estranghero sa isa't isa. Tumulo ang aking luha.
"Tell me about yourself." Utos ng Judge. Tumungo siya at ngumiti sa judge.
"Ako po si Kassandra Gale Baylosis. But a few months ago, bago ko pa malaman na buntis ako, bago pa bumalik ang alaala ko, ang tawag nila sa akin ay Sarah Olivia Cordova. Yan po ang pangalang ibinigay sa akin ni Rogelio Carlitos Santillan." Saad ni Gale. Napakakalmado niya. Nakakahanga.
"Ms. Cord... I mean, Ms. Baylosis. Congratulations sa iyong pinagbubuntis. I bet Carlitos, I mean Mr. Santillan is very happy that finally he's having his own child from you." Mapang-uyam na sabi ni Atty. Carpo. Ngumiti ng tipid si Gale at nag-bow sa kanya. Bahagyang napatda ang abogado. Napailing uli ako. Ilang beses pa bang masusupla ang lalaking ito bago pa siya tumigil.
"Thank you, Attorney." Simpleng sagot ni Gale.
"Naaalala mo na ba ang nakaraan?" Tanong nito.
"Opo." Diretso. Simple.
"Talaga bang nagka-amnesia ka?" Anong klaseng tanong yan? Bakit ganun ang tanong niya?
"Opo." Simpleng sagot ni Gale.
"Paano mo masisiguro?" Tiningnan siya ni Gale. Hindi ito nagsasalita, basta nakatitig lang siya. Kinakabahan ako hindi para kay Gale kundi para kay Attorney. Maaaring nagka-amnesia si Gale ng matagal pero kilala ko ang mga titig na yan. Yang ang mga titig na ibig sabihin ay makuha ka sa tingin. Muntik akong napatawa kung hindi ko lang naalala na nasa court room kami ngayon.
"Attorney po ba kayo?" Natahimik si Atty. Carpo sa tanong ni Gale. Napangiti ang abogado dahil sa tanong niya. Napagtanto niya ang ibig mangyari ni Gale.
"Touché." Sagot naman ng abogado. Wala ngiting lumalabas mula kay Gale. Sinulyapan niya lang si Atty. Mendez. Tumayo ito at may iniabot sa judge.
"Your Honor, we have a complete medical record of Ms. Baylosis from the local hospital since 2006 to the present with the new physician. A sworn written statement from her previous physician was signed, dated and notarized. Another sworn written statement from Mr. Santillan himself, signed, dated and notarized as true and valid, stating his involvement in hiding Ms. Baylosis from Mr. Aranas upon the request of Ms. Santillan, the accused, back in 2006. He also had stated in this signed sworn written statement that Ms. Peralta killed her driver, her nanny and their daughter, which was later on found and thought of as the Baylosis family after the fire, while Mr. Santillan took Ms. Baylosis to the hospital nearby, he register her as Sarah Olivia Cordova and later on taken to Makati Medical Center. Ms. Peralta later on came to meet up with Mr. Santillan and told him that he better hide Ms. Baylosis from Mr. Aranas or she will make sure that Ms. Baylosis will never see the light of day." Biglang humagulgol si Kate. Nasukol na siya. Wala na siyang magagawa dahil lahat ng mga sinabi ng mga witnesses ngayon, maging ang pahayag ni Nanay Iska at Tatay Berto ay angkop sa pahayag ni Carlitos. Laglag ang balikat ng abogado ni Kate. Wala na siyang magagawa pa maliban na lang kung hindi umayon ang judge. Nagbulungan ang publiko sa mga nangyayari sa loob ng court room na ito. Paniguradong makikita ito sa night time news.
"Stop! Stop! I can't take it anymore!" Nag-umpisang maghisteria si Kate. Natakot ako dahil alam ko kung paano siya magwala. Kinuha ko ang pansin ng abogado ni Gale. "Yes! I admit it. I killed my yaya and my driver and their daughter! So what?! They are all useless to me. All I wanted was her, dead!" Napasinghap ang publiko sa sinabi ni Kate. Siya na mismo ang naglagay sa sarili sa loob ng kulungan. Nakahinga ako ng maluwag at bahagyang napangiti. Ngunit bigla rin akong naalerto. May hindi tama. Ito ba yung kanina ko pa iniisip? Si Gale. Kailangan ko siyang mailabas dito. Ayon sa mga testimonya ng lahat, ganitong-ganito ang nangyari noon.
"Atty. Mendez! Get Gale out of there!" Mahina man ang pagkakasabi ko ay parang pasigaw pa rin yun. Narinig yata ng bailiff dahil mabilis itong naglakad patungo kay Gale at inalalayan itong palapit kay Atty. Mendez. Mabilis akong tumayo para sana lumapit sa kanya ngunit pinigil ako ni Atty. Mijares at pasimpleng inilingan. Nakita ko nang hawakan ni Atty. Mendez ang braso ni Gale ay inilapit ito sa pintuan sa likod niya, ang bailiff's room. Sumampa si Raion sa pasimano na kung tawagin ay bar, para mapalapit sa ina. Nagulat na lang ako ng ganun din ang ginawa ni Ella. Mabilis din na sumunod si Henry at Blue kay Ella at hinayaan lang sila ng bailiff. Pagkatapos ay sumara na ang pinto.
Nilingon ko si Kate na nagwawala pa rin. Inaawat ng ina at ama niya ito para mapakalma. Nakita niyang wala na si Gale sa witness stand ay mas lalo itong nagwala. Nakuha niya ang baril ng isang pulis na nasa tagiliran niya at itinutok niya iyon sa mga magulang ni Gale. Napatda at napasinghap ang lahat. Maging ang mga magulang niya ay hindi alam ang gagawin. Tumakbo akong palapit at tumayo sa harapan ng mga magulang ni Gale na mas lalong nagpagalit ng kanyang mga mata. Diyos ko po, parang nasa pelikula lang kami.
"Is this how you wanna end this, Kate?" Kalmado kong tanong sa kanya. "What have they done to you for you to be this furious?" Tanong ko uli. Nagbago ang expression ng mga mata niya pero hindi pa rin nito ibinababa ang baril. Nakatutok pa rin ito sa akin.
"Inagaw ka ng anak nila sa akin!" Matinis niyang sigaw. Basag ang eardrum ng mas malapit sa kanya.
"Inagaw? Kelan, Kate? Kelan nang-agaw si Gale sa iyo?! May inagaw nga ba, Kate? Do you even hear yourself?" Mahinahon ko pa ring tanong sa kanya. Ganito talaga siguro kapag delusional na ang tao, wala nang naririnig na tamang katuwiran.
"Akin ka lang, Sam! Akin ka lang!" Isang malakas na putok ang narinig ko. Panandalian akong nabingi. Malakas na sigawan ang kasunod kong narinig, bigla ay katahimikan. Nilingon ko ang mga magulang ni Gale. Ayos lang sila. Wala silang tama ng bala. Pero bakit ganun ang tingin nila sa akin. Bakit takot at awa ang nakikita ko sa kanila? Tumingin ako kanila nanay. Nakita ko ang malakas ng pag-iyak niya. Yakap-yakap siya ni Tatay. Nilingon ko ang mga taong naroroon, pati na rin ang sampung tao na nasa jury box. Lahat sila nakatingin sa akin. Awa, sindak at paghanga ang nakikita ko sa mga mata nila. Bakit? Anong meron?
Bigla ay parang nakaramdam ako ng init at hapdi sa ibabang bahagi ng aking kanang balikat. Tapos parang biglang naging malagkit. Tiningnan ko ito. Dugo. Yun ang nakita ko. Dugo. Nabaril ba ako? Tiningnan ko si Kate. Tinging nagtatanong. Wala na sa kamay niya ang baril, hinanap ko ito, nasa sahig na. Umiiyak siya at may sinasabi. Hindi ko naiintindihan. Biglang ang lahat ay natahimik. Nakikita ko silang natataranta na parang di mawari, pero wala akong marinig. Isang putok lang yun pero bakit parang bigla akong nabingi. Naramdaman kong may humawak sa tagiliran ko. Nakita ko si James. Bakit masakit ang balikat ko. Nabaril nga ba talaga ako?
"Pars, hold on. Darating na ang ambulansiya!" Sigaw niya. At nahulog na lang ako sa pagkakahawak niya. Nagdidilim na ang paningin ko. Naramdaman ng katawan ko ang sahig.
Bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang ang hina ko. Bakit masakit ang balikat ko. Narinig kong sumigaw uli si James.
"Hulihin n'yo siya at siguraduhin n'yong mabubulok ang babaeng yan sa bilanguan!" Tapos sandaling katahimikan. Tunog ng mga yapak lang ang naririnig ko. Konting bulungan. Hikbi. Iyak. Narinig kong tinatawag ang pangalan ko. Ano ba ang nangyayari bakit di ko maibuka ang mga mata ko?
"I'm sorry, Sam! Di ko sinasadya!" Boses yun ni Kate. Umiiyak siya. Napakasakit ng himig ng iyak niya pero hindi ko maramdaman sa puso ko ang hinanakit niya? Mas nararamdaman ko ang sakit ng balikat ko.
"Tumahimik ka, Kate.! Hindi sinasadya?! Lahat na lang ba ng masasaktan mo ay hindi mo sinasadya?! Lahat na lang ba ng mapapatay mo ay hindi mo sinasadya?! Baliw ka!!" Dinig ko sa boses ni James tinding galit at halatang pagpipigil nito. Gusto kong makita ang mga nangyayari. Pero bakit parang hindi ko maibuka ang mga mata ko. "Ipagdasal ng lahi mo na walang masamang mangyayari kay Samuel, dahil kapag nangyari yun, sisiguraduhin naming hindi ka matatahimik at ang pamilya mo! Tandaan mo yan! Ilayo n'yo sa amin ang babaeng yan pati na ang pamilya niya habang may respeto pa kaming natitira sa batas!" Yun na ang huling kong narinig na sabi ni James. Ingay na uli ng mga yabag ng paa ang narinig ko, tapos mga hikbi at iyak.
Narinig ko ang malakas na paghampas ng kung ano sa lamesa. Narinig ko ang mga katagang "order in the court!" na paulit-ulit. Ano ba ang nangyayari? Tapos parang ang layo na nila sa akin. Alam kong hindi pa ako umalis na kinalalagyan ko pero bakit parang ang layo na ng mga boses nila. Halos hindi ko na marinig maliban sa tunog ng martilyo. Bakit may panday? Bakit may karpintero. Saan ba galing yang namumukpok na yan?
"Sir, stay with us." Sabi ng boses lalaki na hindi ko kilala. Doon ko lang narealize na ako pala talaga ang tinamaan ng bala. Kaya pala bigla akong nanghina. Kaya pala biglang nanakit ang balikat ko. Kaya pala may nakita akong dugo kanina. Kailangan kong lumaban para sa sarili ko. Para kay Gale. Para kay Raion. Para kay Ella at para bagong naming baby. Hindi ako pwedeng magupo nito. Hindi ako pwedeng mawala. Hindi ito pwede. Hindi ngayon at hindi rin bukas. Lalaban ako. Lalaban ako!
"His pulse is dropping!" Mahinang sigaw ang naririnig ko. "Sir! Sir! Stay with us, Sir!"
"His temperature is dropping. Oxygen level is down..........."
--------------------
End of DG 10
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.25.17
Destiny's Game
©All Rights Reserved
May 3, 2017
Owtor's Nowt: Sorry sa tagal. Eto na po ang chapter 10. Ano po sa palagay niyo ang mangyayari? Please voice out your comments, paki vote naman po. Tapos paki-share na rin para masaya.
Eto na.
💖~ Ms J ~💖
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro