DG 1
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
You don't find love, it finds you.
It's got a little bit to do with destiny,
fate and what's written in the stars.
~ Anais Nin
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
(Sam)
Minsan kasi ang buhay ng tao ay parang laro lang yan ng taguan pong at ng habulan o di naman kaya ay laro ng patintero. Ngayon, kung ikaw ang taya, eh di ikaw ang maghahanap, sila ang magtatago. Sa habulan naman, minsan ikaw din ang maghahabol at sila ang hinahabol mo. Sa patintero naman, ikaw yung haharang ng kalaro mo na hindi pwedeng makalampas sa linya na iginuhit mo at wala kang choice kundi ang pumirmi.
Kadalasan naman iba ang taya at ikaw naman ang magtatago at sila ang maghahanap sa iyo o di kaya ikaw naman ang tatakbo at sila naman ang maghahabol sa iyo. Kadalasan din naman ay sila ang haharang sa iyo at kahit na anong gawin mo ay hindi mo ito malampasan.
Pasensiyahan na lang kung may isang mas mautak kesa sa iyo at maunahan ka sa "base" o di kaya may magpapagalaw ng lahat ng nataya mo na, at ang masakit pa sa lahat, kahit na anong gawin mong pagsisikap ay merong isang tatayo sa harap mo, haharangin ka, at wala kang magagawa dahil wala kang kakayahan at wala kang kapangyarihan o kakayahan para magwagi.
Ang ending, ikaw uli ang taya, ang api, ang kawawa. At kapag tuluyan kang minalas, natapos na lang laro ay ikaw pa rin ang taya, ikaw pa rin ang naghahanap, at hindi ka na makausad pa sa kinalalagyan mo. Ang saklap.
Paano naman kung napaloob ka sa isang sitwasyon na hindi ka naman kasali sa laro pero bakit parang pakiramdam mo ay kailangan mo ng maghabol, maghanap at humarang at sa parehong pagkakataon ay gusto mong tumakbo at magtago ng walang haharang sa iyo? Oh, di ba?
Ang masaklap pa ay hindi mo naman ginusto ang mapasok sa ganoong sitwasyon, pero napasok ka pa rin. Ano ang gagawin mo ngayon? Eh di wala. Wala nga ba? Paano kung meron pero hindi mo pa pala alam dahil inilihim ito sa iyo? May paraan ba para matuklasan mo ito?
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa akin. Sino ba ang nagsabi saakin na pasukin ko ang ganitong buhay? Wala naman di ba? Wala nga ba? Sino ba ang nag-utos sa akin na magpagago? Wala din naman, di ba? Wala nga ba?
Sabi nila ganun daw basta tadhana na ang nag-utos, hindi mo daw talaga kayang iwasan, at hindi mo kayang takasan. Maiwasan mo man daw ang utos ng iyong mga magulang pero hindi ang utos ng tadhana. Eh di ba ang tadhana ay katulad din yan ng kapalaran? Hindi lang yan basta-basta nahuhulog sa kandungan ninuman, kundi hinahanap yan, pinagtyatyagaan, pinaghihirapan pinupuhunanan ng luha at pawis at higit sa lahat, pinagsisikapan yan.
Kahit nga taguan pa yan, habulan man o patintero man, at kung nakapalaran kang manalo ay mananalo ka. Pero kung ang kapalaran mo ay matalo ka, kakainin mo ang lahat ng alikabok sa lupa at magdurusa ka ng habang-buhay. Kaya ako? Hindi ako naniniwala diyan sa tabhana-tadhana na yan.
Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Mas naniniwala ako sa pagsusumikap, hindi ko naman kasi mararating ang kinaroroonan ko ngayon kung hindi ako nagsikap sa pag-aaral. Kung hindi ako nagtiyaga na magpuyat gabi-gabi para makuha ng matataas na marka sa klase. Wala ako dito ngayon kung hindi libo ang kaulayaw ko sa buong magdamang. Hindi ako aabot sa ngayon kung hindi ko pinagsikapan at pinaghirapan na maiahon sa kahirapan ang mga magulang ko at ang sarili ko, kaya ngayon eto, hawak ko na ang kapalaran ko. Nasaan doon ang tadhana? Eh di wala. Kaya walang tadhana, dahil ang tadhana ay para lamg sa mga walang pangarap sa buhay. Walang uunlad kung walang magsisikap.
"Prof, pinasasabi pala ni Dean Catigbac, next week na daw po yung symposium sa New York at ikaw ang gusto nilang umattend." Sabi ng sekretarya ng aming university dean.
"Yeah. Yeah. Ilang araw nga uli yon?" Tanong ko. Tinaasan lang ako ng kilay ng supladang sekretaryang mana sa amo niyang masungit. "Did I say something wrong?" Tanong ko uli.
"Prof, are you high? Anong ilang araw? Prof, mag-i-stay ka doon ng dalawang buwan." Pinamewangan pa ako ng babaeng ito.
Hindi naman sa pamimintas, itong babaeng ito na may taas na 5'2" ay parang pocket size na babae na pwedeng magkasya sa isang pokemon ball. Bahagyang may katabaan ang pangangatawan nito pero may hugis naman nasa tamang mga lugar at medyo may kaliitian ng kaunti ang ilong. Medyo may kakapalan din ang mga labi nito na pinatungan pa ng mas makapal na pulang-pulang lipstick, pinamewangan ako? Sa pakiramdam ko nga ay inuubos niya ang isang buong lipstick sa isang araw para ma-achieve niya ang ganyang kulay. Mahal na Panginoon, patawarin nyo po ako sa pamimintas ko sa taong kaharap ko.
"Prof. Prof!" Nabalik ako sa realidad ng pinitik niya ang kanyang mga daliri sa harap ko. "Okay lang po kayo, prof?" Tanong niya.
"Uhm... Yeah. Yeah. I'm okay. I'm fine." Sagot ko siya na parang nataranta.
"May problema po ba kayo sa biyahe n'yo?" Tanong niyang muli sa akin. Mabilis akong umiling.
"No. No. No problem. Nakalimutan ko lang na next week na pala yun." Next week na nga pala. Mabuti na lang at naihanda ko na rin naman ang course outline para sa magsa-sub sa akin for the next three months. Pero bakit ko ba nakalimutan?
"Okay. Nasa secretary n'yo na po yung passport, visa, round trip tickets at ang hotel reservations n'yo. Nandun na rin po kay Mr. Java pati na iyong pocket money n'yo." Tumango lang ako sa kanya at simpleng ngumiti.
"Maraming salamat, Ms. Paraiso." Sabi ko sa kanya at umalis na ako. Hindi ko na nakita pa ang expression ng mukha niya.
Alam n'yona na kahit gaganyan-ganyan lang 'yang si Ms. Paraiso, siya yung pinakamabait at pinakamaasahan ni Dean at ng ibang mga professor dito. Matalino siya, maabilidad, may kusang palo at hindi siya lalamya-lamya, at higit sa lahat, hindi siya tsismosa. Kaya walang sinabi yung ibang magaganda at seksing staff ng unibersidad na ito sa kanya. Kinapos man siya ng bahagya sa kagandahang panglabas ay may bait at kakaibang talino naman tinatago si Ms. Paraiso. Kaya bawi na rin siya dahil yun ang nagpaganda sa kanya.
"Prof, hinatid na po ba ni Ms. Sungit ang mga kakailanganin n'yo next week." Sabi ni Henry na sekretayo ko. Oo, lalaki ang secretary ko. Mas gusto ko 'yang ganyan. Walang malisyahan dahil wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Mas importante sa akin ang mga magulang ko.
"Maraming salamat, Henry." Simple kong sagot sa kanya.
"Prof, saan n'yo po ako gustong magtrabaho for the next two months?" Tanong nito. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang mga dapat niyang gawin.
"Dito ka lang hanggang sa makabalik ako. Tuluy-tuloy ang tanggap mo ng allowance from me. When my students come here at wala silang madadatnan ay mahirap din naman yun para sa kanila. I need you to make schedules with them, like tutorials and stuff, kung anong oras ako pwedeng makontak. Pwedeng skype or video call. I need them to get the same help kahit wala ako. Yung sub ko nga pala ay si Dave. Nandito lahat sa folder na ito ang para sa kanya para sa loob ng tatlong buwan." Bilin ko sa kanya. Biyernes na kasi ngayon at sa martes ang alis ko. Hindi na rin ako papasok sa lunes para makapagpahinga ako. Uuwi pa ako kanila Nanay at Tatay sa probinsiya para makapagpaalam ng maayos.
"Sir, tatlong buwan? Akala ko ba dalawang buwan lang? Baka mamaya niyan makalimutan na namin ang hitsura n'yo sa pagbalik n'yo dito." Mapilyo talaga si Henry, tsaka pa lang niya napansin na tatlong buwan akong mawawala. Pero nakakasundo ko yan. Siya yung male version ni Ms. Paraiso, Pareho din silang kinapos sa larangan ng... alam n'yo na. Pero pareho silang matalino, maabilidab at mabilis ngunit malinis magtrabaho.
"Yes, the conference is two months pero lulubusin ko na hanggang three months, para naman makapamasyal ako sa Statue of Liberty, Museum of Art, Museum of Natural History, yung 9-11 Memorial... I wanted to explore those places in real world para hindi lang sa libro ko sila nakikita at sa pagbabalik ko, magiging mas efficient akong Literature and history professor. At gisto ko ring puntahan ang Smithsonian sa DC" Sabi ko sa kanya.
Ganyan kami ni Henry, minsan nga mukha kaming mga tanga dito. Sa kanya ko rin nalaman na suplado pala ang tingin sa akin ng mga estudyante dito sa university pero hinayaan ko na lang. Hindi ko na binago. Mas mabuti na yung ganun para walang gulo. Walang basta-basta makakalapit sa akin sa unless it's course related.
"Prof, wag kalilimutan ang science. Magaling ka rin kaya doon. Kaya nga kayo ang pinadala sa conference na ito para i-represent ang school natin." Hindi ko alam kung sipsip ba itong batang ito o bolero... o talagang mabuka lang ang bibig. Torpe naman pagdating sa babae.
"Tss!" Napapailing kong tugon. "Umuwi ka na nga. Ako na ang bahala sa sweldo mo sa loob ng tatlong buwan. Alam na rin ni Dean Catigbac na ito ang opisinang gagamitin ni Dave Aranas sa loob ng tatlong buwan kahit na nandiyan lang sa kabila ang office niya. Alam na niya kung ano ang pwede at hindi niya pwedeng galawin dito, at kung hindi ka sigurado dahil kilala ko rin ang pinsan ko, may iniwan akong listahan dito sa loob ng folder na ito. I-xerox mo na lang yan at bigyan mo siya ng kopya." Iniaabot ko sa kanya ang folder na para kay David. Inabot ko ang attache case at jacket. Uuwi na rin ako.
Si David Aranas ay anak ng nag-iisang kapatid na babae ni tatay sa pagkadalaga na hindi sinadyang maloko ng lalaking minahal at tinakbuhan lang siya nang malalamang nagdadalantao na ito.
"Sige, prof, ingat kayo doon. Maaga na lang po akong papasok sa lunes para maabangan ko po si Sir David. Ipapa-xerox ko muna ito doon sa main office." Sabi niya sa akin at iwinagayway pa ang papel na kung saan nakasulat ang listahan ko.
"Bakit sa main office pa? Anong nangyari sa copier natin dito?" Sabi ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng opisina ko.
"Prof, naka-shut down na eh. Hindi ko naman akalain na may ipase-xerox pa kayo." Oo nga naman. Napapailing na lang ako. Naku, kung hindi ko pa alam.
"Sige na. Gawin mo na yan ng maka-uwi ka na rin bago ka pa abutan ng gabi sa kalsada." Utos ko sa kanya. Sumisipol pa itong lumabas ng opisina ko.
Umuwi ako at inayos ko na ang aking mga gamit. Dinobol check ko na rin kung lahat ba ay nandito na. Uuwi muna ako sa probinsya. Aalis ako ng madaling araw para nandun na ako pagkapananghalian at iwas traffic na rin. Ibinuhos ko ang buong dalawang araw na kasama nila Nanay at Tatay. Maayos naman na ang mga buhay nila. May tindahang maliit si Nanay at may dalawang baboy na inaalagaan si Tatay. Hindi na nagbabanat ng husto si Tatay ngayon sa sakahang inuupahan namin dati. Malaya na siyang nakakagising kung anong oras niya gustong gumising at nakakatulog na siya sa oras na naisin niyang matulog. Nadadala na niya si Nanay sa kung saan nila gustong pumunta.
Minsan nasabihan ako ni Nanay na wag nang magpadala ng pera sa kanila dahil yung kinikita niya sa tindahan ay sapat naman daw sa kanilang dalawa ni Tatay. Umoo na lang ako para wala ng pagtatalo. Ipinagbukas ko sila bangko na buwan-buwan ko pa ring nilalagyan dahil hindi na sila bumabata. At least kahit papaano ay may madudukot sila kung sakaling kailangan nilang magpagamot.
Madaling araw ng lunes umalis ako sa amin. Tamang-tama dadarating ako ng Manila pagkapananghalian. Paniguradong hapon na ang dating ko sa bahay nito dahil sa traffic sa Edsa. Habang nasa sasakyan ako ay napa-isip ako sa kantang pinakikinggan ko, yung lumang kanta na You Are My Destiny? Yun kasi ang pinatutugtog sa FM ngayon. Mahilig kasi ako sa mga kantang luma kagaya ng ganyan, nakakapagpakalma sa akin. Naisip ko lang, totoo nga ba ang Destiny? Kung totoo yun, bakit may mga taong nasasaktan? May mga taong nakukulong sa mga relasyon na hindi naman nila ginusto? Bakit may mga taong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin? Hanggang kelan nga ba maglalaro ang destiny sa buhay ng tao? Sino naman kasi ang nagpa-uso ng salitang destiny?
Sakali ako, paglaruan ng destiny? Isa lang naman ang sasabihin ko eh. Nasaaan ka noon? Noong kaya ko pang makipaglaro sa iyo? Nasaan ka noong kailangan kong marating ang kung anong meron ako ngayon? Di ba wala ka? Kaya hindi ako naniniwala sa iyo. Hindi kasi ako tanga, hindi ako bobo, at hindi ko rin paiiralin ang puso ko dahil matagal na itong patay.
First call. All passengers of Philippine Airlines Flight 102 to Los Angeles, you are ready for boarding.
Malayo-layong biyahe ito. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ako naghangad ng mas sobra pa sa kung anong meron ako. Hinangad ko lang na maiangat ko ang buhay ng aking mga magulang. Hinangad ko lang na wag nang mahirapan sa pagsasaka si Tatay. Dati-rati, sa TV ko lang nakikita ang airport. Dati-rati sa sine ko lang nakikita ang loob ng eroplano. Dati-rati, ang isip ko lang ang lumilipad. Pero ngayon, dahil sa pagsisikap, tiyaga at sipag, nandito na ako sa airport, makakasakay pa ako ng eroplano, at maililipad pa ako nito sa kailangan kong puntahan. Mabuti na lang at nag-aral akong mabuti dahil makikita ko na kung ano talaga ang hitsura ng New York. Makakarating ako sa lugar na ito hindi dahil yun ang itinakda ng tadhana. Makakarating ako sa New York dahil nagbunga ang mga pinaghirapan ko, ang mga pagsisikap ko, dahil nagtiyaga ako, dahil nagpursige ako. Ako ang gumawa ng kapalaran ko. Ako ang nagtakda ng tadhana ko. Kaya ang totoo niyan, tao ang gumagawa ng kapalaran at ng tadhana nila, mapapag-ibig man o mapahanap-buhay. In short, walang tadhana, walang destiny. Kapalaran ang meron.
Thirteen and a half hours of flight mula Manila hanggang Los Angeles, California. Dalawang oras at kalahating layover bago ang flight papuntang New York. Tapos limang oras at kalahati na naman na uupo sa loob ng eroplano. Halos mag-aalas siete na ng gabi nang maglanding ang eroplano. Maya-maya lang madilim na, may kalamigan dito. Mabuti na lang at nagdala ako ng medyo makapal na jacket.
Ahh... sa wakas, New York. Malamig ng konti pero hindi pa naman winter, fall pa lang. Tapos na rin ako sa mga kinailangang immigration checks and clearance. Inilibot ko ang tingin ko paglabas sa arrival area. Ayon ang sundo ko.
Mr. Samuel Aranas
Yang ang nabasa kong nakasulat sa karatula na hawak ng isang amerikano. Pinagbilinan ako ni Henry na wag ko daw ilalagay ang mga dokumento ko sa bag, kung pwede daw ay bumili ng maliit na pouch na kakasya ang mga passport, ticket, ID at pera ko para maikwintas ko daw ito. Kaya ayun, imbis na ako ang bibili, siya na ang nagbigay sa akin. Sabi niya, kahit America daw ang pupuntahan ko, uso pa rin daw ang mga snatchers dito. Kaya ang ginawa ko, inilagay ko lahat ng pwedeng magkasya sa maliit na pouch na ito, pati na yung ID ko sa University namin. Hindi na nga ako nagdala ng pitaka. Iniwan ko iyon sa bahay at hindi na rin ako nagdala ng alahas kundi itong lumang relo na bigay pa ni Tatay nung naggraduate ako ng high school at ang singsing na bigay niya sa akin. Kupas na kasi hindi naman ito ginto pero ayos lang kapalit ito ng ibinigay ko sa kanya noon, bilang pangako namin sa isa't isa.
Pinagsikapan ni Tatay ang regalo niyang ito. Pinag-ipunan niya ang pambili nito, kaya kahit luma na siya at outdated na nga daw sabi ng mga estudyante ko ay isinusuot ko pa rin. Ilang beses na ngang nasira ito eh, pinapa-ayos ko lang palagi, nagmamakaawa na nga yung taga-gawa ng relo. Papagpahingahin ko na raw ito. Kahit na hindi pa ito gumana ay isusuot ko pa rin kasi mahalaga ito sa akin, dahil ito ang naging sandalan ko nung mga panahong gusto ko nang sumuko sa pag-aaral, sa pakikipaglaban sa buhay, sa pag-abot ng aking pangarap, sa pagharap sa kapalaran. Simbolo ito nila Tatay at Nanay.
"Mr. Aranas?" Tanong ng isang puting lalaki na malapit ng makalbo. Siya yung may hawak ng karatula at May tinitingnan din siya sa kamay niya at titingin din sa akin. Magandang lalaki at matangos ang ilong, nakasalamin ng may kakapalan at mukhang mataas ang antas sa buhay. Mukhang may pinag-aralan.
"Yes, Sir. I am Samuel Aranas." Matipid kong sagot at kaunting distansiya sa pagitan namin. Malay ko ba naman kung sino ito.
"I am Mr. Wilford Huntington III. I am the head facilitator of these whole event. Welcome to New York." Pakilala niya sa kanyang sarili. "This is Bryan Wilcox. He will be your assistant for the two months that you'll be here. He will assist you in anything you need him for. There will be someone to switch with him on the weekends if you want that and you may ask Mr. Wilcox to stay the weekends, too, if he's available. Welcome to America, Prof. Samuel Aranas." Marami pa siyang sinabi. Pero basta ang natandaan ko lang kaagad ay assistant ko daw ito. Sige na nga. Ayoko sanang magkaroon ng assistant dito dahil hindi ko sila kilala. Hindi ko sila pwedeng pagkatiwalaan. Ibang lahi kasi ang mga ito. Hindi sila si Henry. Nakakatakot din pala. Mas mabuti na rin yung nag-iingat.
"Sir, for our itinerary tomorrow, breakfast at 7:00 am, then followed by the assembly in the convention hall and that will last about almost all day, but if you want to leave and grab something for lunch, you may, too, if not, just ey me know. Then dinner at 7:00 pm or 8:00 pm, whichever you prefer. Then it'll be free time after that til the next morning." Articulate din ang batang ito. Mukha naman siyang seryoso din.
"How old are you?" Tanong ko sa kanya kasi mukhang bata pa ang pananalita niya pero mukha na talaga siyang mamang tingnan.
"I'm 21 years old, sir." Nakangiti niyang sagot sa akin. Makislap ang mga mata, yung ngiti niya talagang umabot sa mga mata nito.
"Do you still go to school?" Simpleng tanong lang pero at least kahit papaano ay makikila ko siya ng kaunti.
"Yes, sir." Masigla at nakangiti niyang sagot pero hindi man lang umabot sa kanyang mata ang ngiti na yun. Parang ako.
Nag-aaral pa daw siya, second year college. Patigil-tigil nga lang. Isa daw siyang foster kid. Namatay daw ang nanay niya nung bata pa siya dahil binaril daw ito ng high sa drugs na boyfriend. Hindi naman daw niya alam kong sino ang ama niya dahil hindi rin naikwento ng ina nito. Hindi rin daw niya alam kung may kamag-anak pa ang ina, basta nung mabaril ang mommy niya, child services na daw ang kumupkop sa kanya at nagpalipat-lipat na siya ng foster homes hanggang sa umabot siya ng 18. Nakakaawa naman ang batang ito. Working student daw siya, kaya kahit na anong racket ang i-offer ng university na pinapasukan niya ay kinakagat niya para sa extra credit katulad ngayon at kahit papaano ay may extrang allowance daw na ibinibigay sa kaniya. Sa university na rin daw siya nagtatarabaho para hindi mahirap kumuha ng off time. Mukha naman siyang mabait, masipag at matalino.
"Sir, I have to go. I'll see you in the morning." Bumabay na lang siya sa akin at umalis na. Nilock ko na ang pinto. Bukas ay sa kabilang university naman kami pupunta tapos dalawang state college at tatlong prep school naman sa mga susunod pang mga linggo.
Huwebes na. Nakadalawang linggo na pala ako dito. Federal holiday ng America ngayon kaya walang pasok. Ito yung kadalasang tinatawag nilang 4-day weekend. Napag-alaman ko na pwede pala kaming lumabas kahit hindi namin kasama ang assistant na naka-assign sa amin. Naisipan kong pumunta ng Central park at maaaring sa Statue of Liberty na rin. Unahin ko na daw ang Statue of Liberty kasi kailangan pa daw kaming sumakay sa cruise ship bago makarating doon. Tapos central park sa hapon papuntang gabi, hindi naman kalayuan ang hotel na tinutuluyan ko. Pero mag-ingat lang daw ako lalo na pagdating ng gabi sa Central Park.
Bumili ako ng ticket para sa cruise na papuntang Statue of Liberty. Maliit na backpack lang ang dala ko. Casual ang suot ko para hindi gaanong pigil ang aking galaw. Nagsuot din ako ng makapal na jacket dahil may kalamigan dito sa New York lalo na sa gabi. Ngayon lang ako magiging ako. Ngayon lang ako makakahinga. Ngayon lang ako makakalaya. Ang sarap pala ang pakiramdam na maglakad ng may laya. Masarap pala ang walang ginagawa, walang iniisip at walang pinakikisamahan. Matagal ko na ring hindi nagagawa ito. Mabuti naman at ako ang napiling representative ng pamantasan namin na mapunta dito.
"Ouch!" Dinig kong sabi ng isang maliit na boses sa tagiliran ko. Hindi ko napansin na may tao pala malapit sa akin at nabangga ko pa yata.
"I'm sorry, Miss. I didn't see you." Paghingi ko ng paumanhin sa babae.... Teka, babae pala yun. Akala ko bata. Maganda siya. Morena man siya pero light lang ng kaunti. Maganda ang mga mata niya. Medyo makapal ang labi niyang mamula-mula at parang ang sarap halikan. Ano ba itong pinag-iisip ko. Professor ako dapat matino akong kumilos at mag-isip. Pero hindi eh, kasi parang kilala siya ng puso ko. Parang kabisabo ng puso ko ang babaeng ito.
"Oh, It's okay. It is my fault anyway. I wasn't looking. I'm sorry." Nakangiwi man dahil sa sakit ng pagkakaapak ko ng paa niya na hindi naman sinasadya ay naaaninag mo pa rin ang konting ngiti. Napahiya tuloy ako dahil maging ako man ay hindi tumitingin sa paligid ko.
"It's okay. It is not all your fault. I should've been more careful when I am around people and accidents bound to happen." Nakakaakit talaga ang mga labi niya. Totoo ba 'tong inisip ko? Ang tagal na rin bago ko maramdaman uli ang pamilyar na tibok ng aking puso. Para itong tinambol ng pagkalakas-lakas.
"Okay. What if we both have a cup of coffee inside the ship's lounge?" Inaaya ba ako nito? Papayag ba ako? Nakalimutan ko, nasa America na pala ako. walang pipigil sa akin. Walang nakasunod.
"Okay. No problem." Sabi ko naman sa kanya. Maganda siya. Mukhang magkaedad lang kami. "After you." Dugtong ko pa. Nakarating na kami sa lounge at umorder agad kami ng dalawang kape.
"Hi, I'm Sarah. Sarah Cordova." Pakilala niya sa sarili. Teka Cordova? Di ba Filipino last name yun?
"Hi, I'm Sam. Samuel Aranas." Pakilala ko sa kanya. Ngumiti siya. "Are you a Filipina by any chance?" Tanong ko. Ang cute ng reaction niya. Para siyang batang nagulat pero may galak sa kanyang mga mata dahil kumislap ito.
"Yes. Yes, I am. What about you, are you Filipino, too?" Nakangiti niyang tanong. Bakit ganun na lang siya kaganda? Bakit para akong nahihigop ng bawat pagkibot ng mga labi niya at sa bawat kisap ng mga mata niya. Bakit parang pamilyar na pamilyar ang mga matang yan? Bakit parang ang gaan ng puso ko sa kanya?
"Guilty." Simple kong sagot. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Ang sarap malunod sa mga titig niya. Nakakapang-akit ang tingin niya pero hindi sadya. Natural lang. Natural na pamilyar. Parang nakita ko na ang mga ngiting yan dati. Yung mga mata niya parang nakita ko na yan noon.
Nagkaalaman na pareho kaming pilipino. Pareho din kaming literature at history majors at pareho kaming professor. Pareho kami ng pamantasang pinapasukan, ang pinagkaiba lang namin ay magkaiba ng campus nga lang. Sa probinsiya siya ako naman ay sa Maynila.
Marami pa kaming napag-usapan. Halos pareho kami ng hirap na pinagdaanan. Walang panahon para sa sariling kaligayahan dahil katulad ko, ipinangako ko rin ang kaligayahan ko sa mga magulang ko, sa iba at sa pagtuturo. Nagsikap din siya naghirap para marating ang kanyang kinaroroonan. Yung apat na oras na tour namin ay halos hindi na kami napaghiwalay pa. Mas na-enjoy ko ang tour ng dahil sa kanya. Palabiro siya. Palangiti. Nakakahawa nga eh. Pero minsan, nakikita kong may kung anong lungkot ang mga mata niya. Panandalian lang naman pero mawawala din, tapos babalik. Parang may kulang. Parang may nawawala.
Napag-alaman ko na 24 years old siya. Matanda lang ako ng dalawang taon. Simula noon palagi na kaming magkasama. Napag-alaman ko rin na pareho ang apartelle na tinutuluyan namin. Kaya simula nun ay palagi na kaming magkasabay kahit sa pagkain. Sabay na kaming nag-aalmusal kasama ang mga assistant namin, maging tanghalian ay ganun din, maliban na lang sa hapunan, dahil sinasadya naming magpahuli para kaming dalawa na lang. Naging malapit kaming masyado sa isa't isa.
"Sam, inaantok na ako, pwedeng dito na lang ako matulog?" Tanong niya sa akin. Kinabahan ako. Natatakot akong may mangyari sa amin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayahan kong i-kontrol ang sarili ko, pero ayaw ko rin naman siyang umalis. Parang gusto ko rin kasing may mangyari sa amin. Ewan ko ba.
"Pwede. Diyan ka na lang sa kama ko at dito na lang ako sa recliner." Meron kasing recliner sa kwartong ito.
"Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang dito? Queen size naman ang kama, eh. Kasya na siguro tayo dito." Napaka-inosente niya o talaga lang malaki ang tiwala niya sa akin.
"Hindi ka ba natatakot na katabi ako?" Ewan ko ba kung bakit yung ang tanong ko sa kanya. Kung ano man ang mangyari sa amin dito ngayon at paninindigan ko naman kahit mahirap. Ipinikit ko nang madiin ang aking mga mata.
Sa sandaling panahon na magkakilala kami at araw-araw na magkasama ay nahulog na talaga ang loob ko sa kanya. Palagay ko nga mahal ko na siya. Kaya, oo. Kung may mangyari man sa amin, kahit gaano pa kahirap at kahit gaano pa kagulo, susuungin ko yun para sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman uli ito.
"Hindi. Bakit naman ako matatakot? Bampira ka ba?" Nakangiti lang siya sa akin na parang nanunukso. Ngumiti din ako sa kanya.
Inayos ko ang higaan. Pinahiram ko siya ng pajama top ko dahil balingkinitan naman siya at mas mataas ako ng di hamak, kahit hindi na niya suotin ang pang-ibabang parte ng pajama ko dahil parang isang daster na iyon sa kanya.
Pumasok na siya banyo at ginawa na niya ang dapat niyang gawin. Hinanda ko na rin ang aking susuotin na pantulog. Hindi ko napansin ang paglabas niya ng banyo. Nakita ko na lang siyang nakaupo na sa kama at natatakpan siya ng twalyang pinahiram ko sa kanya. Pumasok na rin ako sa banyo at ginawa ko ang mga dapat kong gawin pati na rin ang pagsisipilyo. Lumabas na rin ako ng matapos.
Nagulat pa ako at parang namatanda dahil sa ganda ng tanawin na nasa harap ng bintana. Bagay na bagay sa kanya ang pang-itaas ng pajama ko. Kita ko ang kanyang mga legs. Makinis ito. Sinaway ko ang aking sarili. Naalala ko siya. Maraming taon na ang nakalipas. Kung buhay lang sana siya.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa likuran niya. Napakalalim ng kanyang iniisip, gayun pa man ay napaganda pa rin niya. She has a unique and captivating beauty, the beauty that I can't get enough of.
"I was just thinking, bakit ngayon lang tayo nagkita? If it's not because of this training/symposium, hindi tayo magkikita." Bakit nga ba? Umaattend din naman ako ng mga seminars namin. Minsan nga naipapadala ako sa iba't-ibang campuses ng aming pamantasan, pero ni minsan ay hindi kami nagkitang dalawa.
"I don't know. All I know is that I am happy right now dahil sa dinami-dami ng pwede mapuntahan na training ay dito pa sa New York ay dito pa tayo nagkita" Hinaplos ko ang kanyang braso. Sumandal siya sa akin ng patalikod. Ikinagulat ko ang ginawa niya ngunit hinayaan ko na lang.
Parang sinadya ang porma ng dibdib ko sa hulma ng katawan niya. Mula sa kanyang likuran ay iniakap ko ang aking mga kamay at braso sa kabuuan niya. Naramdaman ko ang mga brasong niyang umakap din sa mga braso ko at pa-ekis na pinagsalikop ang aming mga kamay.
"Sam....." Pinihit ko siya ng marinig ko mahinang pagtawag niya sa akin. Walang sabi-sabi ay biglang kumidlat at konting kulog. Uulan pa yata.
"Sarah, okay lang ba kung halikan kita?" Dapat lang na magpaalam. Hindi ko kasi alam kung pareho lang ba kami ng tingin at nararamdaman para sa isa't-isa pero iba na rin kasi ang ipinapakita ng mga mata niya.
"Sam...." Sabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang sanay na ako na yun ang dapat kung gawin sa kanya. Hinalikan ko ang gilid ng kanyang ulo na malapit sa tenga. Ginawa ko uli yun sa may bandang leeg sa ibaba ng tenga.
"Hmmmm....." Ungol niya. Bigla akong na-excite. Ganito pala ang pakiramdam kapag gusto din ng katawan mo. Ganito pala yun. Parang katulad lang noon. Katulad nung siya ay nabubuhay pa.
Pinag-init namin ang umuulang gabi na nababalot ng lamig dito sa New York. Para kaming mga gutom at uhaw. Para kaming sabik sa tawag ng laman. Maiinit ang mga haplos na hindi namin mapigilan. Init na hindi naman nakakasunog ng balat ngunit natutupok nito ang aming katinuan. Paulit-ulit yun. Hindi namin alam pareho kung saan namin kinuha ang ganoong lakas at kakaibang enerhiya, hanggang sa nakatulog na kami nang halos maliwanag na dahil sa sobrang pagod ngunit panatag at kontento kami sa mga nangyayari sa amin, sa pinagsaluhan namin. Mabuti na lang at sabado kinabukasan.
Simula ng gabing yun ay palagi na kaming magkasama. Palagi na naming pinagsasaluhan ang malamig na gabi sa New York para painitin yun. Simula rin ng gabing yun sa lobby na lang kami ng hotel sinasalubong ng aming mga assistants. Minsan kasi sa kwarto ko siya natutulog, minsan naman ay sa kwarto niya ako natutulog.
Time really flies when you're having fun.
Mabilis na natapos ang tatlong buwan. Huling linggo na namin dito sa New York. Nag-extend din pala siya ng isa pang buwan para makapamasyal ding katulad ko. Hindi namin pinag-uusapan kung magkikita ba kami sa campus namin o sa campus nila. Basta ang alam lang namin ay ang ngayon. Hindi ang bukas kundi ang ngayon lang. Hindi na kami lumabas ng kwarto kung hindi man lang kami kakain, minsan ay hindi na rin kami nakakakain. Hindi rin namin alam kung bakit ganun pero basta parang ang pakiramdam namin ay hindi na kami magkikita pang muli.
Inamin ko sa kanyang mahal ko na siya at ganun din siya sa akin. Umiyak kaming pareho ng gabing iyon. Magkaakap lang kami. Nasasaktan akong makita siyang umiyak. Nasasaktan ako, bakit? Kasi mahalo ko si Sarah katulad ng pagmamahal ko sa kanya nung nabubuhay pa siya.
---------
John F. Kennedy airport.
Huling mga oras namin sa New York. Magkahawak kamay kaming halos ayaw pakawalan ang isa't isa hanggang sa eroplano. Nakarating kami ng LAX- Los Angeles na magkasama pa rin kami. Tahimik lang kadalasan, konting usapan, kamustahan lang. Simpleng tanungan. Mahabang titigan at mahuhulog na naman sa pag-iyak. Napagtitinginan na kami ng mga tao ngunit wala kaming pakialam sa kanila at wala rin namang may gusto sumita sa amin dahil nakikita siguro nilang pareho kaming nasasaktan.
Anim na oras at kalahati din kaming walang ginawa kundi harapin at akapin ang lungkot na aming nararamdaman. Ilang oras na lang ay makakarating na kami sa aming uuwian.... nang magkahiwalay.
Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising lang ako nang i-announce ng piloto na malapit na kaming lumapag at kailangan na naming suotin ang aming mga seat belts. Ginising ko siya at ikinabit ang seat belt sa kanya at ganun din ang ginawa ko sa akin. Iniakbay ko uli ang aking braso sa kanya at muli siyang kinabig. Hinalikan siya sa sentindo at tahimik na sumandal.
------------
Tom Bradley International Airport. LAX, Los Angeles, CA.
Nasa loob na kami. Alam ko nagugutom na siya, ayaw niya lang magsalita dahil sa tuwing sinusubukan niyang magsalita ay nahuhulog yun sa pag-iyak kaya hinahayaan ko na lang siya. Giniya ko siya papuntang food court dahil hindi kami pwedeng lumabas sa airport. Umorder ako ng para sa aming dalawa. Sa tatlong buwan kaming magkasama ay nakabisado ko na ang mga gusto niyang kainin. Tahimik kaming kumain hanggang sa natapos kami.
Narinig ko na ang pagtawag sa flight namin. Iginiya ko na uli siya para sa pagpila. Mas lalong lumungkot ang kanyang mga mata na sinabayan ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Mas bumigat naman ang aking dibdib dahil alam ko, sa pagbabalik namin ng Pilipinas ay tapos na rin ang kung anong meron kami. Hindi ko yata kakayanin yun. Hindi na yata kakayanin ng kapirasong bahagi na natitira sa puso ko na sa pangalawang pagkakataon ay mamatay itong muli. Yun na lang ang meron ako ang kapirasong itinira ko para sa sarili ko. Nagulat kaming pareho ng nilapitan kami ng isang nakatatandang babae.
"I pray that you two find the happiness that your heart have been looking for." Maputi siya kahit na may edad na ay maganda pa rin siyang tingnan. Parang hindi siya amerikana dahil may kakaiba siyang accent. Pareho kaming napangiti ng mapait sa kanya. Hinaplos niya ang balikat ko at ang pisngi ni Sarah. "Stay strong and keep the faith." Yun ang huling sinabi ng babae. Hinaplos niyang muli ang pisngi ni Sarah at nginitian ito. Tinapik niyang muli ang balikat ko at matamis na ngumiti sa akin bago tuluyan nang umalis. Napaakap si Sarah sa akin at tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Hinayaan ko rin lang ang aking luhang masagana at malayang umaagos.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya makslioas ang ilang sandali, nasa ere na kami. Tatango lang siya bilang sagot niya.
Ganun lang. Tapos sasandal na uli siya sa akin. Tapos makikita ko na lang na nagpupunas siya ng luha niya.
"Sam, bakit ganun?" Tanong niyang hindi ko masagot, dahil hindi ko rin alam ang sagot. Bakit nga ba?
"Hindi ko alam, Sarah, basta ang alam ko lang mahal kita. Mamatay man ako ngayon ay masaya akong mawawala dahil ngayon alam ko nang marunong pa rin pala akong magmahal. Mamamatay akong may pinagbigyan ako ng kapiraso ng pusong natira sa akin. Tandaan mo, Sarah, Mahal na mahal kita. Kahit saan pa tayo mapunta, mahal na mahal kita. Wag mong kalilimutan yan." Yang ang pinakamahabang salitang lumabas sa bibig ko sa loob ng kulang-kulang 48 hours.
"Sam, pangako ko sa 'yo, hindi ka makakalimutan ng puso ko. Ikaw lang ang tanging mamahalin nito at wala nang iba. Mahal na mahal din kita, Sam." Tugon niya sa akin at sumandal na lang siyang muli sa dibdib ko. Inakbayan ko siya mahigpit na kinabig palapit sa akin. Nakatulog kami ng kahit konti sa eroplano. May sampung oras pa ang natitira para samantalahin namin na magkasama.
------------
Ninoy Aquino International Airport. Manila, Philippines.
Huling beses ko siyang hinalikan bago kami lumabas ng eroplano para pumila sa customs at immigrations clearance. Hindi na kami nagkibuan pa pagkatapos nun. Baggage claim area, para namang sinasadya, magkatabi pa kaming nakatayo at naghihintay ng aming mga bagahe. Tumingin ako sa kanya at siya namang tingin niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at gumanti din siya. Parang piniga ang puso ko sa lungkot nakita sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang harapin at akapin pero pareho naming alam kung bakit hindi pwede. Unang dumating ang bagahe niya. Kinuha niya ito. Lumingon siya sa akin at malungkot na ngumiti at umalis na. Kinuha ko na rin ang sa akin nakasunod ako sa kanya ng mga ilang tao lang. Hindi ko na lang siya titingnan. Sinasaktan ko lang ang aking sarili.
Sa labas, sabay pa rin kaming nakarating. Walang tinginan. Walang kibuan. Nakikita ko siya sa gilid ng aking paningin. Tahimik lang siya. Diretsong nakatingin. Pero alam kong nakikiramdam, nasasaktan at nalulungkot din siya. Kitang kita sa mga mata niyang namamaga. Isinuot ko ang aking aviator ganun din siya.
"Hi, mahal!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki na papalit sa direksyon namin.
"Hi, sweetheart. Kanina ka pa ba?" Tanong naman babaeng lumapit sa akin.
Parang bigla akong sinampal ng alaala ng isang kantang palagi kong pinakikinggan noong high school pa ako. Tutuwang-tuwa ako sa lyrics na iyon dahil parang kakaiba. Napag-isip-isip ko pa nga noon na sobra taba at likot ng imagination ng composer ng kantang yun. yun yong kanta ni Rupert Holmes na 'Terminal'. Mula sa baggage claims at bago pa ako dumaan sa last check ng aking bagahe, naglaro sa aking ang isip ang lyrics nito.
You awoke the sleep of my life
From gray into red
Made the weary wonder of Wall Street
Rise from the dead
Could have held up budding my entire life
But I had to get home
To the kids and the wife...
Natigilan ako sa takbo ng kanyang ito. Parang tinamaan ako ng isang malaking bato sa dibdib. Sapol na sapol ako.
Maraming opinion tungkol sa kantang ito, pero para sa akin, simple lang. Parang nabuhay ang matagal ko nang patay na puso para muli itong ibalik sa hukay kung saan ito dapat na naroroon.
"Mr. Aranas! Ms. Cordova! Magkasama kayo?" Nagulat akong tanong ni Dean Catigbac. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka at tumingin din ako kay Sarah ng blanko. Ibinalik ko ang tingin ko kay Dean Catigbac at binati ko siya. Magkakilala sila?
"Hello, Dean. Good afternoon po. Nag-abala pa kayong sunduin ako." Sabi ko.
"Prof. Aranas, it's no big deal. Pinakiusapan din kasi ako ng Dean ng campus ni Ms. Cordova na salubungin din siya para ipaalam na may lunch meeting bukas ng tanghali, for faculties and staff only." Nakatingin lang ako kay Dean ng walang expression. "Oh my, where's my manner. Ms. Cordova, this is Professor Samuel Aranas. He's one of our best. Mr. Aranas, this Professor Sarah Cordova, our sister campus' best." Pakilala niya sa amin. Nagkamay kami. Tipid siyang ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng kanyang mga mata dahil sa dilim ng kanyang sunglasses.
"This is Roger Santillan, my husband. Roger, this is Dean Catigbac. She's the dean of our main campus here in Manila." Nagulat ako. May asawa siya? Bakit siya pa? Parang sinuntok ang puso ko. Ang sakit.
"This is Ms. Maybeline Peralta, my wife." Pakilala ko sa babaeng katabi ko. Alam ko, May asawa din ako. "Dean, nice seeing you. Mr. Santillan, nice meeting you. Ms. Cordova, a pleasure to meet your acquiantance. Hope to see you again at the meeting." Makahulugan kong sabi. Yumukod ako sa kanilang tatlo at nag-umpisa ng maglakad palayo. Habang papalayo ay parang unti-unting namamatay ang katiting kong puso, muli ay nawalan na naman ito ng buhay.
"Uhm... sweetheart! Wait for me." Sigaw nitong nakasunod sa akin. Hindi ko siya nilingon at dire-diretso lang ako sa kotseng naghihintay na sa akin. Si Henry ang nagda-drive.
"Welcome back, Prof." Bati niya sa akin na nginitian ko lang ng simple.
Bago pa ako tuluyang nakasakay sa kotse ko, sinulyapan ko muna si Sarah ng sandali. Malungkot siyang nakatingin sa akin ngunit binawi din niya agad iyon. Malungkot at laglag balikat ding nakatingin ang kanyang asawa sa kanya. Nalilito ako. Nakita kong nakangiting nakatingin si Dean sa akin at sa kanya. Mapait akong ngumiti sa kanya at ganun din ang ginawa niya sa akin ng muling nagtama ang aming mga mata. Tumingin din ang asawa niya sa akin na may pait at pagsisisi sa mga mata nito. Bakit? Si Maybel, may luha ang kanyang mga matang napayuko na lamang. Bakit? Anong meron? Hindi ko maintindihan.
Bakit sa dinadami pa ng taong mapapangasawa ng pangalawang babaeng minahal ko, si Santillan pa talaga. Palagi na lang bang ganito? Bakit may luha sa mga mata ni Maybel? Nalulungkot ba siya dahil may mahal na itong iba?
--------------------
End of DG 1
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
05.04.17
Destiny's Game
©All Rights Reserved
May 3, 2017
Check them out.
Yellowjazz mchay101 mysticprincess888 NorikoTheGhost DonRomanTCo saltik_26 altruistgemini wandermagz jam7575 ejiev_2000
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro