Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Then and Now(part 2)

"Ah, Magnanaka--!!!" narinig nilang sumigaw ang kanilang ama.

Nagising ang bunso at biglang tumayo ang panganay at ang ina, dali-dali nilang pinuntahan ang kanilang ama. Sa ilalim ng pinto ng Master's bedroom ay makikitang bukas ang ilaw at parang may shadow na naglalakad sa loob.

Natatakot silang dalawa, wala silang dalang armas o kutsilyo man lang at malayo sa kanilang kwarto ang kusina.

Nagtinginan silang dalawa. Mangiyak-ngiyak na ang ina, natatakot siya baka kung ano na ang nangyari sa kanyang asawa sa loob ng kanilang kwarto.

Binuksan ng binata ang pinto at nagulat siya sa kanyang nakita, ang kanyang ama ay nakabigti sa ibabaw at patay na. Nakita ito ng kanyang ina at bigla itong sumigaw at nahimatay. 

Hindi makapaniwala ang binata sa nakita niya. Bigla siyang nagalit, poot at galit, gusto niyang patayin ang kunsinumang gumawa nito.

Sunod na narinig niya ang kanyang kapatid, "Kuyaaaaa!!!" Dali-dali niyang pinuntahan ang kanyang kapatid sa kwarto. Wala siyang nakitang tao, ni hindi niya nakita ang kanyang kapatid.

Tumingin siya sa sahig at may nakita siyang dugo, maraming-maraming dugo.

Huli na ang lahat ng malaman niya na ang dugo ay kanya.

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro