Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Reasons

"Tama! So May tanong ka pa ba?" Ako naman yung tinaasan niya ng kilay.

"Bakit mo sinaniban si Curtis?" Nagulat siya siguro sa tanong ko kaya nawala yung charming smile niya at yumuko siya.

"Para sa iyo."

"Anong ibig sabihin ng para sa 'yo, hindi ko gets."

"Actually dalawa yung dahilan kung bakit sumanib ako sa katawan ni Curtis." Tumingin siya sa akin. "Una, naaalala mo ba yung mahiwagang pagngiti sa iyo ng mailman at yung tingin niya sa iyo?"

"Oo, ano na naman ba ang kinalaman ng mailman dito?"

"Habang tumitingin siya sa bahay, narinig ko siyang nagsasalita sa sarili. I think isa siyang psychopath."

"Ano ba yung narinig mo?"

"Sabi niya, ikaw daw yung isusunod niya."

"Wait. OMG! Isusunod niya kay Curtis?"

Yumuko ulit siya. Mukhang may care talaga siya sa akin.

"Hindi! Hindi Pwede, ayokopang mamatay! Hindi niya ako pwedeng patayin ng ganoon ganoon  nalang!"Umiyak ako, yung feeling bang may gustong pumatay sa iyo. Ayokopang mamatay.

"Shhh.. huwag kang umiyak." Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko, niyakap niya ako habang umiiyak ako at narinig ko siyang nagwhisper, "Kaya nga nandito ako eh."

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro