The Ending
Maraming police na nakapalibot sa bahay.
Papuntang umaga ngayon, 5:00am.
Nandito ako ngayon sa kama ko, nakabandage na yung nabali kong paa ko, binandage siguro ni Rohan.
Umupo ako sa kama.
"Nandito na si papa mo mamaya, tinawagan ko na siya." Nagsalita si Rohan. "Patawad, Hera kung hindi kita nailigtas ng maaga." Umiiyak ba siya? "Nahiwalay kasi ako sa katawan ni Curtis nung nasa panainip mo ako, pasensya na talaga." Nakaupo siya sa tabi ko.
"Rohan," Inilagay ko ang mga kamay ko sa cheeks niya. Umiiyak nga siya kahit walang luha. Nangangamoy na siya, naaagnas na ang katawan ni Curtis, yung balat niya, unti unti nang nangingitim.
He touched my hands, "Alam mo naman diba, na hindi na ako magtatagal sa katawang ito." Tiningnan niya ako.
Umiyak ako, tumutulo yung luha ko. Hindi ko alam kung ano ng mangyayari kapag nawala na si Rohan.
"Yung killer mo ngayon ay yung killer ko din pala noon. Narinig ko yung mga pag-uusap ninyo." He paused. "Kailangan niyong lumipat ng bahay, Hera. Sasanib lang siya ng sasanib sa ibang katawan at papatayin lahat sa bahay na ito."
Tumayo siya bigla."S-sandali, saan ka pupunta?"
"Aalis na ako sa katawan ni Curtis."
"Iiwan mo na ba ako?"Umiyak ako, hindi ko mapigilan yung paghikbi ko.
Linapitan niya ako. "Mahal kita, Hera, magtatagpo tayong muli, maaaring sa susunod na buhay." He kissed my forehead, the way I felt noon nung may nagkiss sa akin na parang wind sa kwarto ko.
I closed my eyes at naramdaman ko na bumukas at sumira yung pinto. Wala na siya.
*edited
All rights reserved 2014
Copyright Sweetporcupine
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro