Let's Ask Papa
Pinigilan ko nalang yung mag-isip pa ng kung ano ano at nagsimulang suklayin an buhok ko.
Pinuntahan ko si papa sa kanyang kwarto, mula sa labas maririnig pa na on yung aircon sa loob. Binuksan ko yung pintuan at natutulog pa si papa, grabe, ang himbing ng tulog niya.
Bigla akong lumundag sa kama niya. "Gising na papa, it's sunday, umaga na kaya rise and shine dapat!"
"Ano ba, Hera," Sabi ni papa at bumalik sa pagtulog.
"Pa, 9 am na, kaya gumising na kayo" Pinagpatuloy ko ang paglundag sa kama niya. Hindi siya nagsalita.
Natigilan ako sa paglundag dahil nakakapagod pala, ayaw niya gumising talaga.
Umupo ako sa kama niya. "Papa"
"O, ano?" Sabi niya ng nakaclose yung mga mata.
"Kayo po ba yung nag-interchange ng shirt at ng towel?"
"Anong shirt at towel na pinagsasabi mo?" Antok na antok yung boses niya.
Noon palang, alam ko na meron ng mga naninirahan dito na hindi ko nakikita. Hindi ko alam kung ghost ba sila, mga dewende, mga pusa o mga kung ano ano basta, alam kong nandiyan sila. Pero hindi ako natatakot sa kanila, mukha namang mabubuti sila eh.
*edited
All rights reserved 2014
Copyright Sweetporcupine
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro