Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Good Night, Lizelle

Usual yung day ko ngayon. It's 10 pm ngayon pero sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari kanina, usual lang naman eh, pagkatapos kong gisingin si papa, pumunta na kami sa baba para kumain. Since malaki na ako, ako yung nagluto, magaling ata akong chef noh, siyempre yun yun current course na kinuha ko eh.

Kung magtatanong kayo kung nasaan si mama, eh, bata pa lamang ako, hindi ko na alam yung sagot, ilang ulit kong tinanong si papa pero hindi siya nagsasalita.

Pagkatapos naming kumain ni papa ay nagbihis na kami dahil pupunta na kami sa church at pagkatapos namin sa church magrogrocery kami.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagbabasa ng libro nung biglang bumukas yung pinto. Hinintay ko na pumasok si papa since kami lang naman dalawa sa bahay diba, unless.

Hinintay kong pumasok si papa pero wala namang pumasok. Klinose ko yung book na binabasa ko at ilinagay ito sa ilalim ng unan ko. Tumayo ako para sarhan yung pinto.

Hahawakan ko na sana yung knob nung biglang sumira yung pinto. Sanay na ako, "Ah, baka hangin lang, malamig kasi yung panahon eh." Sinabi ko ito ng malakas. Alam ko naman eh, sanay na ako. Alam ko namang walang hangin dito kasi wala namang window na malapit sa pintuan ko eh at chaka lahat ng windows namin close at may curtains pa kaya imposibleng may pumasok na hangin at inopen yung close ko na door. Grabe naman yun siguro.

Hindi ko nalang pinansin, hindi naman big deal eh, alam ko namang hindi nila ako sasaktan, sa 15 years ko na naninirahan sa bahay na ito, tinutulungan naman nila kami at mabubuti naman sila eh.

Pinuntahan ko si Lizelle sa harap ng mirror. I patted her head at nag good night na ako sa childhood playmate ko, "Good night, Lizelle."

*edited

All rights reserved 2014

Copyright Sweetporcupine

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro