Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

~*~
SKY
~*~

Nagmamadali akong tumakbo papunta ng room. Si Yzel naman kasi, hindi na hinintay matapos ang morning rituals ko.

At kapag sinabi kong morning rituals, ganito 'yon:

Mulat mata, kuha muta, amoy hininga- pwe!

Pasok sa banyo, stretching ng kaonti.

Ligo, Toothbrush, mouthwash, kahit na ano pang wash huwag lang feminine wash.

Tingin sa salamin, pogi sign.

Bihis, tingin ulit sa salamin, ayos ng buhok.

Then boom! Tapos na.

Labas ng kwarto, pasok ulit at syempre, tingin sa salamin.

Boom! Gwapo!

Kaya ngayon, mukha akong siraulong tumatakbo mula sa gate hanggang dito sa classroom.

"Ma'am naman! Wala pa naman pong partner si Chandy, sila na lang po 'yong ipares niyo, hihintayin ko na lang po si Sky." Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang malakas na pagtutol ni Yzel.

"Whooo! Salamat at narating ko rin 'tong pintuang 'to." Humahangos na tugon ko habang nakasandal sa pinto ng classroom. Umayos ako ng tayo nang mapansin kong lahat ng aking kaklase ay nakatingin sa gwapo kong mukha.

"Hi Ma'am, good morning." Bati ko kay Ma'am with matching kindat pa. Syempre late ako, dapat idaan sa charms.

"You can't get me by you're charms, Mr. Abueco. You're still late and it will deduct your score in todays activity."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Ma'am. Nagpatuloy ako sa pagpasok habang nakatingin kay Yzel na parang tinatarakan ang puso ko ng patalim dahil sa sama ng titig niya. Okay, ano na naman bang kasalanan ko?

Napakamot na lang ako sa batok ko saka umupo sa tabi ni Yzel. Pero wrong move yata ang pagtabi ko sa kan'ya.

"Humanda ka mamaya, Abueco." Napalunok na lang ako ng laway dahil sa banta niya.

~*~
YZEL
~*~

Nakakaasar! Sa dinami-rami ng makakapares 'tong Kumag pa na 'to! Bakit naman kasi ngayong araw pa naisipang magpa-late ni Sky? Humanda talaga siya mamaya, pagkatapos nitong activity.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano makipagkaibigan sa lalaking 'to. Ni hindi nga ako makaisip ng paraan kung paano siya malapitan nang hindi kami nagsisigawan. Naman kasi Yzel, ano ba 'tong pinasok mo?

Hindi ko rin alam kung dapat bang pasalamatan ko siya kasi niligtas niya ako sa mga manyak pero sa tuwing naaalala kong iniwan niya ako sa gitna ng madilim na daan ay nandidilim din ang paningin ko sa kanya.

Pabagsak kong inilapag ang notebook ko sa Physics. Kaharap ko ngayon ang pares kong kumag na hikab nang hikab. Pwede namang individual, may pa pairs-pairs pang nalalaman 'tong si Ma'am.

Ini-scan ko ang questionaires na binigay ni Ma'am sa'min, pero 'yong pares ko hindi nagalaw.

"Kung titig lang din ang gagawin mo, labas ka na lang." Sabi ko sabay irap at nag-crossed legs.

Naagaw ko naman ang atensyon niya. Tinitigan niya lang ako na parang bored na bored. Hindi niya ba talaga ako tutulungan?

Binuklat ko ulit ang papel na binigay ni Ma'am. Bakit parang nagiging doodle 'yong numbers sa paningin ko? Matalino naman ako pero ibang usapan na kapag may numerong kasama.

"Hindi mo masasagutan 'yan kung hahawakan mo lang." Bigla niyang agaw sa papel.

Sus, yabang! Napakunot ang noo niya habang binabasa ang problem na binigay ni Ma'am. See, ang yabang! Hindi rin naman pala marunong.

"#1 0.483 °C," seryosong sabi ni Kumag. Mental solving? Lokohin niya ang iba, huwag ako.

"#2 80.6 °C," sabi niya saka humikab pa. Nang mapansin niyang hindi ako nagalaw sa kinauupuan ko bigla niyang binaba ang papel saka tinitigan ako.

Papatalo ba ako? Syempre, hindi. Nakipagtitigan ako sa asul niyang mga mata habang nakataas ag isang kilay. Bakit ba kasi napakaganda ng mga mata ng lalaking 'to? Kung anong ikinaganda ng mata siya namang kabaliktaran ng ugali.

"Kung titig lang din ang gagawin mo, lumabas ka na lang." Napamaang ako sa sinabi niya. Antipatiko talaga.

Napako naman ang tingin niya sa ballpen na hawak ko at sandaling sinulyapan ako na para bang inuutusan niya akong magsulat na. Umirap lang ako sa kanya.

Ano ako, uto-uto para isulat 'yang mga pinagsasabi niya? Baka mamaya gumaganti lang 'to sa'kin dahil sa ginawa ko sa t-shirt niya para ma-zero ako, tapos papasa siya ng ibang papel na may pangalan lang niya. No way! Humalukipkip lang ako saka umiling.

Pumalatak siya saka inagaw ang papel at ballpen ko. Kumag talaga, hindi ba 'to nabilhan ni Tita Rency?

Ilang minuto lang ay binalik niya na sa'kin ang papel ng may sagot. Ito matindi, may solving at checking!

Kinuha ko agad ang scientific calculator at formulas na sinulat ko, pero sinong niloko ko? Syempre, sarili ko. Kahit naman kasi na may formula at scientific calculator ako, hindi ko rin naman alam kung paano to i-solve.

Muntik na akong mapabilib nang maalala kong hindi pala mapagkakatiwalaan ang lalaking ito. Tumingin ulit ako sa papel na hawak ko, maayos ang pagkakasulat at mukhang hindi naman gawa-gawa lang ang mga sagot na sinulat niya. Pero paano niya nagawa ng ganoon kabilis?

Ni hindi man lang siya gumamit ng calculator o kahit daliri man lang para magbilang, eh ako nga kahit daliri ko sa paa hindi ko pinapalampas kapag nag-aaddition ako. Hindi kaya-

Aha!

Tumingin ako ulit sa kanya na ngayon ay nakapikit na. Ngayon ko lang napansin na ang laki ng eyebags niya na parang magdamag siyang hindi nakatulog.

"Pst! Kumag," mahinang pagtawag ko. "Ilabas mo nga yang answer key mo riyan! Nakakahiya ka," bulong ko sa kanya.

Iminulat niya saglit ang kanyang inaantok na mga mata at agad ring ipinikit. Inaayos niya pa ang pagkakasandal niya sa upuan.

Aba! In denial ka pa ha. Inurong ko ang upuan ko nang mas malapit sa kanya saka sinumulan siyang kapkapan.

"What the hell are you doing! H-hey! Stop!" pero patuloy pa rin ang pagkapkap ko sa kanya. Lumuhod rin ako sa harapan niya dahil pati sa talampakan ng sapatos niya wala akong pinalampas! Aba syempre, sa panahon ngayon, dapat sigurista ka.

"Ilabas mo na kasi!" Ipapasok ko na sana ang kamay ko sa bulsa ng pantalon niya nang higitin niya ako papalapit sa kanya.

"I said stop it!" Gigil na tugon niya saka mas lalo akong inilapit sa kanya.

A-ang lapit ng mukha niya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Dapat ay matakot ako pero gandang-ganda talaga ako sa mga mata niya lalo na pag ganito kalapit. Mukhang nag-eenjoy ako este nababahing ako.

Kumurap-kurap ako.

at

at

at

Aa-

"Achooooo!"

"What the Fuck!" sigaw niya sabay tulak sa akin. Muntik na akong matumba mabuti na lang at napahawak ako sa upuan ko.

"Wahahahaha!" Tawanan ng mga kaklase ko na maging ako ay hindi ko rin mapigilang makisabay sa kanila.

"Hahahahahahaha!" kasi naman, KL Santiago, the famous bad-ass, binahingan ko. Beat that, Nigguh.

"Si KL oh, bentang-benta! Hahahaha. Nice one, best!" pang-aasar rin ni Sky saka kami nag-apir.

"OMG! Are you okay, KL?" The oa, Hazy to the rescue. Pinandilatan ko lang siya ng mata nang bigla niya akong inirapan.

"Panyo KL, oh." Sabi ni Chandy na inaalok ang panyo niya. Iniwas lang ni kumag ang mukha niya nang papahirin sana ni Chandy ang laway kong tumalsik sa mukha niya.

Tinitigan ako ng masama ni Kumag, syempre gano'n din ang ginawa ko. E sa nababahing ako! Kapag pinigilan ko 'yon, hindi na ako tatangkad! 'Yon ang sabi nila, kapag bumahing ka raw, tatangkad ka pa.

Walang pakialaman! Kanya-kanyang superstitious belief lang 'yan.

At dahil nga sa kaingayan namin,

"Everybody sit down!" sigaw ni Ms. Alab na namumula sa galit. Lumapit siya sa'min ni Kumag at kinuha ang papel na nakapatong sa desk ko. "Umalis lang ako saglit nagkagulo na kayo! The two of you, get out of my class, now!" nanggagalaiting tugon niya, halata rin ang paglinya ng ugat sa kanyang leeg. Halos malukot na rin ang papel namin ni Kumag na hawak niya.

Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako napalabas ng classroom. Ang galing!

~*~
SKY
~*~

"Class dismiss."

Agad akong nag-unat pagkatapos sabihin ni Ms. Cia ang mahiwagang salita na ikinapalakpak ng tainga ko.

Yahoo! Recess time, my favorite subject!

Hindi naman sa tamad akong mag-aral. Sus! Ako? Si Sky Vincent Abueco, pinakagwapong nilalang sa mundo, tamad mag-aral? Okay, Nevermind.

"Arg! Why Math can't grow up and just solve his own problem! It's giving me a hard time!" Rinig kong dabog ni Blaire, palibhasa kasi slow poke.

"Boploks ka kasi Blaire!" sabi ko saka sumipol-sipol.

Sa pula ng mukha niya ngayon, halatang naiinis na siya. Maliban kasi sa sinabihan ko siyang boploks, tinawag ko pa siyang Blaire. Ewan ko ba naman kasi sa babaeng 'to, ayaw magpatawag ng Blaire, pangalan niya rin naman iyon! Mga babae talaga, maraming kaartehan, mabuti pa ako pa-chill lang.

"Look who's talking. As if you're matalino!"

"Sus! Ako pa ba?" pagmamayabang ko.

"Sige nga, if you're matalino, what is the equivalent of Pi?" nakataas na kilay na tanong niya sa'kin. Talagang sinusubukan niya ako ha.

"Aba! Malay ko! kapag naman bumibili ako ng apple pie, banana pie, o kahit anong pie hindi ko naman sinusukat. Magmumukha akong tanga no'n Blaire!" proud na sagot ko.

Totoo naman! Huwag niyo akong pagtawanan ha, alam ko kung ano 'yong pie na tinutukoy niya, 'yan 'yong kapag ang topic niyo ay fraction.

'Yong hahatiin mo ang pie sa 1/3 1/4 1/2 1/8. Hindi ba, ganoon 'yon? Anong akala niya sa'kin, bobo? Sus! Ang dali-dali lang naman.

"Oh gosh! Are you for real?" Maka-irap naman akala mo kung ikinaganda niya, palibhasa kasi hindi niya matanggap na mas matalino ako.

"Sige, patunayan mong mas matalino ka sa'kin. Binigyan ko ng tatlong apple si Yzel, kinain niya ang isa. Ilan ngayon ang natira?" hindi niya to masasagot, pustahan pa.

"Of course, two!" kita mo na, tanga talaga.

"Syempre wala! Asa ka namang magtitira pa si Yzel. Alam 'yong pie pero bobo sa logic!" umiling-iling pa ako.

"You're so nakakabobo kausap! Diyan ka na nga!" sabi niya sabay walk out.

Gano'n ba kahirap tanggapin na mas matalino ako kaysa sa kanya? Kahit kailan asar talo talaga, parehong-pareho sila ni Yzel.

Ay. Oo nga pala. Nagdadalawang isip pa rin ako kung hahanapin ko si Yzel. Kung makapagbanta kasi kanina, tapos napalabas pa sila. Hindi pa pumasok sa second period kaya paniguradong badtrip pa rin 'yon hanggang ngayon at paniguradong ako ang pagbubuntungan niya.

Aish! Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Oy! Joke lang! tara na, punta tayo kay Yzel." Hinabol ko si Blaire, kailangan ko siya ngayon, Human shield. You know?

~*~
YZEL
~*~

Nagkandaduling-duling na ako kakalaro ng color switch ay hindi pa rin nalabas ng classroom sina Sky. Hanggang naiisip ko pa rin ang nangyari kanina, iisa at iisa lang ang conclusion ko.

Kasalanan ni Sky ang lahat!

Speaking of, kitang-kita ko ngayon kung paano siya magtago sa likod ni Cassy habang papalapit sa'kin. Si Cassy naman, mukhang walang kaalam-alam na gagawin siyang human shield ni Abueco.

"Hi, guys!" ngiting-ngiti ko silang binati.

"Sky is so mean, Yzel. He tukso me that I'm boploks daw." Agad na sumbong ni Cassy at padabog na umupo. Si Sky naman, pilit na ginigitgit si Cassy.

"Halika rito best, malawak pa ang space." Insert super lambing na pagkakasabi.

"A-he-he. Hindi na best, ayos na ako rito, maluwag pa naman. Hindi ba, Blaire?"

"Anong luwag? It's so sikip na kaya!"

"Makisama ka na lang!" magbubulungan na lang rinig ko pa.

"Dali na best, namiss kaya kita."

"Promise, hindi ka galit?" paninigurado niya.

"Ha? Ako, galit? Bakit naman?" Painosenteng sabi ko at dahil si Sky ay likas na uto-uto, wala pang limang segundo ay nakatabi na siya sa'kin. Hinawakan ko ng mahigpit ang librong hawak ko.

"Best!" nakangiting tawag ko.

"Ano 'yon best?"

"Hayop ka -*Aray! Kung hindi ka nagpa-late kanina -*Aray! Edi sana hindi kami -*Aray! Magkapares ng kumag na 'yon! -*Aray Yzel, awat na!" Sabi ko habang pinagpapalo si Sky patuloy naman ang pagsalag niya. Sa kapal ng librong hawak ko paniguradong masakit ang bawat tama no'n sa kamay niya.

Nakataas pa rin ang kamay ko na may hawak na libro habang nakatingin sa kanya na parang pagong na gustong ipasok ang ulo sa loob ng polo na suot nito. Samantalang si Cassy naman ay nakapikit ang isang mata habang ang isa ay nakadilat na pinagmamasdan kaming dalawa.

"Kung sumabay ka lang sana sa'kin kanina, edi sana dalawa tayong late, edi pares sana tayo." Mahinang bulong ni Sky na naka pout.

"Aba't- " hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagtunog ng bell.

"A-he-he. Tara na Best!" Sabay akbay sa'kin tapos hinila niya na rin si Blaire. Pasalamat ka ngayon Abueco!

"You know what, you and Ence look cute together." Halos madapa ako sa sinabi ni Cassy. Feeling ko magugunaw na ang mundo at hindi ko mawari kung bakit halos lahat sila ay pinapares kami ng kumag na 'yon.

"Mamaya pagkaligo mo, sabunan mo 'yang utak mo Cassy! Ang dumi na!" nagmake face lang siya sa sinabi ko. Napansin ko naman si Sky na natahimik bigla kaya binatukan ko.

"Aray! Huwag ka ngang nambabatok, Yzel. Minsan na nga lang akong mag-isip ganyan ka pa!"

Ohmo! Si Sky, nag-iisip? Grabe, kailangan kong sabihin 'to kay Tito Cloud mamaya, magpapaparty 'yon sigurado.

"Ano namang iniisip mo, aber?" Nakapameywang kong tanong sa kanya, nakataas rin ang isang kilay ni Cassy habang hinihintay ang sagot niya.

"Iniisip ko lang naman, paano kung magkagusto ka sa lalaking 'yon? "

Anak ng pusang hindi ma-ire naman! Minsan na nga lang mag-isip tong si Sky, palpak pa! Bago ko pa masampal ang bastos na bunganga ni Sky sumabat naman si Cassy.

"Well, I guess that's not impossible to happen. The more you hate, the more you love, hindi ba? A really cute couple if ever. Kyaaaaa!" Nakahawak siya sa pisngi niya habang tumatango ng marahan. Para siyang nakalipad sa alapaap dahil sa imaginations niyang nakakadiri.

Yuck! As in yuck! Not even in my nightmare.

Makipagkaibigan nga hindi ko pa magawa, maging couple pa kaya? Magpapabasbas ako sa simbahan mamaya para malayo ako sa masasamang elemento na dulot ng mga kaibigan ko.

Nauna na akong maglakad saka iniwan silang dalawa na parang baliw na nagbubulungan.

Alam na nga nila na napaka-init ng dugo ko sa kumag na 'yon tapos ima-match make pa nila? Hindi ba nila alam na ang pagma-match make sa'ming dalawa ay katumbas ng salitang World War III?

Napadaan muna ako sa locker ko para kunin ang libro ko sa Filipino. Nakasalubong ko ang grupo nina Aliyah na ang lapad ng ngiti sa'kin.

"Hi, Yzel!" Sa ngiti pa lang nakikita ko ng may plano siyang hindi maganda.

"Doon ka sa leader niyong tuko makipagplastikan, huwag sa'kin Hazy," bored na sagot ko. Hindi ko kasi ugaling makipag-plastikan saka nauumay ako sa pagmumukha niya.

"Oh look, I have something for you!" Nilabas niya ang isang cup ng hot choco mula sa likuran niya at nakangiti itong inabot sa'kin.

"Thanks but no- What the hell?" Sigaw ko ng bigla niyang binuhos sa'kin ang laman ng cup.

Shit! Sinasabi ko na nga ba.

"Perfect!" Saad niya bago ako tinalikuran. Nakita kong kumindat siya sa bandang likuran ko kaya lumingon ako.

There I saw ang bukod tanging Kumag sa mundo na nakasandal sa pader na may nakakabwesit na mukha na kung umasta ay parang walang kinalaman sa nangyayari ngayon.

Arg! Bwesit!

"Maghintay ka lang talagang kumag ka. Akala mo papatalo ako sa'yo!" Gigil na gigil kong pinupunasan ang blouse kong namantsahan dito sa loob ng CR.

"Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ako nakakaganti sa'yo!" sabi ko saka lumabas na ng Cr. Hindi na muna ako pumasok sa klase bukod sa thirty minutes na akong late ay kailangan ko pang manghuli ng hantik. Kung aanhin ko 'yan, malalaman niyo mamaya.

Kinuha ko ang cellphone ko saka ginamit na pang ilaw. Dito ako ngayon sa loob ng utility room, alam kong marami rito no'n at hindi nga ako nagkamali.

Aliw na aliw akong pinagmamasdan ang mga hantik na nakapila at nagmamartsa na hindi ko alam kung saan papunta. Kinuha ko ang supot na dala ko saka kumuha ng tatlong hantik. Tingnan ko lang ngayon kung anong panlaban mo dito, kumag ka.

"Hoy Best! Nawiwili ka na yatang magcutting. Kailan ka pa natutong gumanyan?" Sigaw ni Sky nang makita niya akong nakatayo sa pinto.

"Simula nang may dumating na Kumag sa buhay ko." Sabi ko saka pinapatay ng tingin ang nakayukong kumag.

Nice position. Mas mapapadali ang trabaho ko. Lumapit na ako sa desk ko habang nakakulong sa mga palad ko ang mga hantik

"Tulog to?" Turo ko sa bandang batok ni kumag at pasimpleng inihulog ang hantik doon. Nagkibit-balikat lang si Sky sa tanong ko. Umupo ako sa tabi niya na may malalapad na ngiti.

"Best? Alam ko ang mga ngiti na 'yan. Anong ginawa mong kalokohan?"

"Wala 'no! Masama bang maging masaya?" Tanong ko na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.

Maya-maya ay gumalaw si Kumag at kumamot sa bandang likuran niya. It's working! Nagsisimula na ang mga alagad ko.

"Shit!" Hangang sa tumayo na siya mula sa pagkakaupo at sunud-sunod na ang ginagawang pagkamot. 'Yong mga kaklase ko naman ay takang-taka sa kung anong nangyayari sa kanya.

"Damn it. O-ouch!" Namumula na siya ngayon at hindi niya alam kung saan ang una niyang kakamutin.

"What happened to you, KL?"

"Hey! Is there something wrong ba?" Agad na nagsilapitan sa kanya ang grupo nina Hazy. Dapat pala pati sila rin ay nilagyan ko.

He glared at me at nagpatay malisya lang ako, sobrang nag-eenjoy ako sa nakikita ko ngayon not until he take off his shirt.

Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata ko dahil sa view na nasisilayan ko ngayon.

Abs!

Absolutely 6 Packs. Napahawak ako sa leeg ko at bahagyang napalunok.

Idinako ko ang tingin ko sa hantik na gumapagapang sa dibdib niya pababa sa abs, ang swerte ng hantik- Pwe! Erase!

"Hot!"

"Kyaaaah!"

"Go! Take a picture of it!"

Namumula ang katawan niya ngayon dahil sa kagat ng hantik pero shit lang, pakiramdam ko ay mas namumula ang mukha ko dahil sa nakikita ko.

"Tsk! Porn!" Rinig kong sabi ni Sky saka tinakpan ang mga mata ko. Naman e, nanunuod ako! I mean-tinitignan ko kung ilan ang kagat ng hantik sa katawan niya! Tse!

"Let's take him to the clinic!" Rinig kong sigaw ni ewan ko, kasi nga may kamay na nakatakip sa mata ko.

"Now tell me, may kinalaman ka ba?" Tanong ni Sky nang tanggalin ang mga kamay niyang nakatakip sa mga mata ko. Sinagot ko lang siya ng isang malapad na ngiti at two thumbs up.

"Anong pumasok sa kukote mo best, ha?" galit na tanong niya.

"Kita mo 'tong uniform ko, Sky? Nakikita mo kung gaano ako ka dugyot ngayon? Dahil 'yan sa kanya!"

"Bakit ka pa kasi gumanti? Paniguradong hindi na matatapos ang away niyo!" Napakamot na lang siya sa ulo niya dahil sa ginawa ko.

"It serves him right." Then I smirk. Maunawaan sana ako ni Tita Rency kung bakit ko ginawa 'to sa anak niya.

Kung panahon ang kailangan para maghilom ang pusong sugatan, sa tingin ko panahon rin ang kailangan para humupa ang digmaan sa pagitan namin ni Kumag.

~*~

A/N:

Cassy Blaire Andrade on multimedia! Wotweeew! #PrettyIU

Chandy reads as: Tsan•Di

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro