Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6

~*~
SKY
~*~


"Ang kapal ng mukha niyang umupo sa tabi ko! Tapos ano? Itatapon niya pa ang bag kong nakapatong sa upuan na 'yon? Nakakapanggigil!"

Nakatingin lang ako kay Yzel habang asar na asar niyang pinagbubunot ang mga damo rito sa school ground. Kawawa naman 'yong damo.

Pero okay na rin 'yon atleast hindi na gagastos ang erpats ko para sa grasscut, ubos na kasi ni Yzel. Sa susunod kapag badtrip siya ay dadalhin ko ulit siya rito nang makatipid kami, crisis pa naman ngayon. Tama! Ang talino ko talaga.

Patango-tango ang ulo habang nag-iisip nang bigla kong maramdaman ang kamay ni Yzel na lumapat sa batok ko.

"Aray naman, Yzel! Makabatok ka riyan, kahit gwapo ako nasasaktan din ako!" pagmamaktol ko habang hinihimas ang nasaktang batok.

"Alam mong nagdadrama ako tapos ikaw dinaig mo pa 'yong asong pang-display sa kotse kakatango habang nakangisi riyan!" nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

Hindi porket badtrip siya dapat badtrip din ako. Iniisip ko lang naman kung paano ako makakatulong sa pamilya ko. Kinakawawa na talaga ako ni Yzel.

Napakamot na lang ako sa kaliwang pisngi ko saka bumuntong hininga.

"Bakit ba asar na asar ka riyan? Quits lang naman kayo." Napatigil naman siya sa pagbubunot ng damo dahil sa sinabi ko at nakataas na kilay na tinitigan ako.

"Hindi ba sinabi mo na siya ang nang-iwan sayo kagabi pagkatapos kamuntik ka ng atakihin ng phobia mo, mabuti na lang at tinulungan ka ni Kiro. Tapos sinabi mo rin na bago nangyari 'yon ay nasuntok mo siya. Tapos kanina, natapunan mo pa siya ng hot choco. E'di quits na." Mahabang paliwanag ko habang binibilang sa daliri kung ika-ilang ulit na siyang nakabawi.

Minsan kasi talaga bobo si Yzel, kaya kailangan ng mahabang paliwanagan. Mabuti pa ako, gwapo na matalino pa. Iba talaga kapag pinagpala.

"Oo nga 'no?" pasang-ayon niya habang nakatingin sa itaas na para bang may lobong biglang pumutok dahil nagsalubong na naman ang kilay niya.

"Teka, bakit parang pinapalabas mo na nag-iinarte lang ako, ha? Ako ang bestfriend mo rito, Sky! Dapat magalit ka rin sa kanya!" Nakatayo na siya ngayon habang nakameywang sa harap ko.

Kita mo na, nandadamay pa! Magsasalita na sana ako kaso may babaeng may matinis na boses ang nagsalita mula sa likuran ko at kahit hindi ko na lingunin, alam kong si Blaire 'yan.

"Hey! I've been searching you guys kanina pa. You're making me so pagod!"

Pagtingin ko kay Yzel nakangiti na siya pero agad naman 'yong napalitan ng nakakatakot na tingin na para siyang nakakita ng Lechon manok sa likod ko na gustung-gusto niyang sunggaban.

Paglingon ko nakita ko si Blaire hatak ang isang lalaki na may hawak ng box ng pizza.

"I bring KL here because he's so kawawa, he has no friends pa. Then those haliparot girls are chasing him, looks like they want to rape KL. So, hope you don't mind? And I already buy our food." Maarteng sabi niya habang itinaas ang mga pagkain. Feeling ko nagiging star na ang mga mata ko dahil sa dala niya. Burger, fries, pizza, chocolate shake. Food is life talaga tsong!

Ibinalik ko ang tingin ko kay Yzel na ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Tinalo pa ang letter C dahil sa pagkurba ng labi niya.

"By the way KL, this is Yzel and Sky." Pagpapakilala niya sa kaklase naming transferee. Tumayo ako bago tumango sa kanya na ginantihan niya ng bahagyang paghikab. Angas ng dating pero gwapo pa rin ako.

"Yzel," mahinang bulong ni KL habang nakayuko at nakapamulsa. Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin at binigyan ng matalim na titig si Yzel. Akala mo naman kung ikinagwapo niya 'yon.

Itong si Blaire naman, ang lapad ng ngiti, hindi man lang napansin na ang awkward ng sitwasyon ni Yzel. At dahil likas akong concern na kaibigan, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapalayas ang lalaking 'to.

"Ha-ha! Ang bait mo talaga Blaire! Ba't hindi ka magpatayo ng charity?" tanong ko kay Blaire habang pinandidilatan siya ng mata. Gusto ko sanang iparating sa kanya na paalisin niya na si KL dahil mukhang magpapatayan na sila pero hindi niya yata gets.

"Whatever, Vincent. Buy your own food! I've changed my mind, I won't give you na!" naaliw naman ako sa expression niyang pangiwi-ngiwi. Sa sobrang aliw ko gusto ko siyang ilibing ng buhay.

"Oh talaga?" paghahamon ko sabay hablot ng burger niya at kinagatan. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko at bago niya pa man ako mahampas ay tumakbo na ako palayo sa kanya. "Habulin mo ako, Blaire!" panunukso ko habang tumatawa.

Hindi naman siya nagpatalo, humabol rin siya na parang palakang naputulan ng paa dahil sa takong na suot niya.

"Hey! Give my burger back! I hate you!" sigaw niya. Saglit siyang tumigil habang hinahabol ang paghinga samantalang patuloy pa rin akong tumatakbo habang kinakain ang burger.

Medyo malayo na kami kina Yzel. Napatigil naman ako at tinanaw si Yzel na masamang nakatingin sa'kin.

Diyos ko, ilayo niyo po ako sa kapahamakan.


~*~
ENCE

~*~

"I already told you, we're not yet done." How I badly want to slit her throat right now. She has no idea how that shirt means to me. It was a gift I received from Shade then she just ruined it because of her damn stupidity.

"Kung 'yong kanina ang tinutukoy mo, quits na tayo! Alam mo bang hindi pa rin ako nakakamove on dahil sa pang-iiwan mo sa'kin kagabi, hayop ka!" she shouted at the top of her lungs while her hands are on her waist.

I immediately look back to check if someone heard her. What's wrong with this bitch? I acted as if we didn't cross paths yesterday to keep her away from harm but there she is devulging what happened.

"So ano? Naalala mo na ako, gago ka?" she angrily stated while pointing her index finger to me. I spat her hand that made her rampant.

"Move on because you're still here, alive and idiot. Stop saying nonsense and don't ever point a finger to me again if you don't want me to cut it off." Nagpipigil sa galit na saad ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay dinuduro ako. Bumuntong-hininga ako saka ipinikit ang mga mata, ilang segundo ang lumipas bago ko napagdesisyunang dumilat.

"My issue here is about what you have ruined. You don't know how much that shirt means to me."

"T-shirt lang 'yon! Hindi mo ikamamatay ang nabuhos na hot choco roon! Hindi mo ba alam na dahil sayo ay nasayang ang pagkain ko? Alam mo ba kung ilang milyong tao ang hindi nakakakain sa isang araw? Tapos ikaw, sinayang mo lang dahil pahara-hara ka sa daan! Hindi lang pagkain ang nasayang, pati rin pera ni Mommy! Hindi na nga siya nakakauwi ng bahay para lang magtrabaho nang may ipabaon sa'kin tapos ikaw pa ang may ganang umasta ng ganyan? How dare you!"

This girl is really unbelievable and annoying. I raised my fist to shut her but I just punched the wind instead of her big mouth. Good thing that I'm able to stop myself. Maybe I'm over reacting but that shirt is not only a shirt for me.

"What? Do you want to punch me? Go on! Alam ko naman na bukod sa mga mata mo ay wala ng iba pang maganda sa'yo! Ang sama ng ugali mo!"

"That shirt is fucking important to me. So can you just be sorry for the shirt and not for me?" nanginginig kong ibinibaba ang kamay ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang yata ako napikon ng ganito.

"You're kidding me, right?" She raised her eyebrow while giving me I-don't-give-a-fuck look. I was about to grip her arm nang biglang dumating ang kaibigan niya.

"Hey, Yzel! Why you're shouting? Are you guys fighting ba?" Sabi ng kaibigan niyang maarte na nagdala sa'kin dito sa school ground.

"Oy! Bro, kalalaki mong tao nasigaw ka." sabi naman no'ng lalaki niyang kaibigan na mukhang sinto-sinto. So, what's his point? I'm a gay?

"Ay hindi, Cassy. Naglalaro lang kami ng palakasan ng sigaw. You want to join us?" she sarcastically stated. "At huwag ka ng magtaka Sky, bakla kasi 'yan!" then she walks out. Great.

"What happened ba? Yzel is used to be friendly naman though she's a little bit pikon. Did you asar her, 'no?" I remain silent. I must control my temper or else I might do something terrible.

That idiot, Puro na lang kamalasan ang inaabot ko sa tuwing napapalapit ako sa kanya. Why she can't just say sorry for what she've done? She's really pissing me off and she's getting into my nerves.

I'm heading my way to our room when my phone vibrated. I sluggishly fish it out from my pocket.

1 message
Drey Supot.

I immediately tap it and type my password as I saw Drey's name on the screen.

"We got him." Then I let a playful smirk out in my face after reading the message.

~*~

YZEL
~*~

"Yzel!"

Nakakaasar, sobrang nakakaasar! Ang kapal ng mukha niyang utusan akong magsorry, e siya nga, hindi man lang nagsorry sa'kin! At isa pa, may tao bang nagsosorry sa T-shirt?

Nakakaloka!

Kahit yata baliw ay hindi kayang magsorry sa T-shirt. Kung magalit naman siya akala mo naman kung milyon ang halaga no'n, mukha ngang gawa ng grade one 'yon.

Hand marks? Gagawan ko na lang siya at ipapalamon ko sa kanya ng buo 'yong T-shirt. Bwesit siya!

"Hoy!"

At bwesit lang, bakit ko pa sinabing maganda ang mga mata niya? Mabuti na lang hindi niya napansin kapag nagkataon, iba ang iisipin no'n! Bakit pa kasi naging kulay asul ang mga mata niya? Hindi bagay sa masamang ugali niya.

"Saglit lang, Yzel!" Sa sobrang asar ko, huli ko na nang mapansin na may humahabol pala sa'kin. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya.

"Yzel! Ang liit mong tao pero ang laki mong humakbang!" hinihingal na sabi niya.

"Hayop ka! Alam mo na ngang napaka-awkward ng sitwasyon ko nakuha mo pang makipagharutan at iwanan ako?"

"A-he-he. Sorry naman best, nawala sa isip ko. Okay na rin 'yon, atleast my closure kayo!" pagdadahilan niya saka nginitian ako na parang natatae.

"Mukha mo! Huwag mo akong ma best-best diyan!" tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Sa tuwing naiisip ko ang pagmumukha ng kumag na 'yon ay agad na umiinit ang ulo ko.

Padabog akong umupo sa upuan ko at sinipa palayo ang upuan ni Kumag. Kamuntik pang matamaan si Sky na nakabuntot sa likod ko, mabuti na lang nakaiwas siya.

"Woah, easy!" Sabi niya pa at tinaas ang dalawang kamay niya. Huminga ako ng malalim saka umub'ob sa desk baka kasi si Sky ang mapagbuntungan ko.

Maya-maya dumating na si Sir Cymon, teacher namin sa Trigo. Nandito na 'yong teacher namin pero wala pa rin 'yong kumag. Hindi sa hinahanap ko siya, dahil sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi na siya bumalik. Sana lamunin siya ng lupa at hindi na muling iluwa.

"I'm not able to conduct our class today because we will have an emergency meeting. So just answer this problem and pass it tomorrow morning. You can take your lunch now, goodbye." nagmamadaling turan ni Sir Cymon at ibinigay ang mga papel sa class president namin.

Pagkalabas na pagkalabas ni Sir Cymon agad na nagsigawan ang kaklase ko na akala mo nanalo sa lotto. Iniligpit ko na lang ang gamit ko, dahil hanggang ngayon wala pa rin ako sa mood para makigulo sa kanila.

Nilingon ko ang dalawang katabi ko na si Sky at Cassy na nag-aaway na naman. At kaysa hintayin ko pang matapos sila, nauna na akong lumabas.

Mas mabuti siguro na umuwi muna ako ng bahay para matulog. Wala rin naman akong matututunan sa araw na ito dahil paniguradong buong maghapaon akong makukunsume dahil sa kumag na 'yon.

Naiisip ko pa lang ang pagmumukha niya ay gustung-gusto ko na siyang kulamin. Kung marunong lang sana ako. Hinding-hindi ako magdadalawang isip na gawin 'yon, ang kaso hindi ako marunong kaya sa panaginip ko na lang kakatayin ang kumag na 'yon.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda. Mabuti na lang ibinalik ng staff ng cafe ang cellphone ko, saktong si Sky ang tinawagan nila para kunin ito sa cafe.

Magpapatugtog sana ako para mabaling ang atensyon ko sa iba ngunit nabigla ako nang makita ang fifteen Missed Calls sa screen ng cellphone ko.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakaka-ilang missed calls na pala sa'kin si Mommy. Ete-text ko pa sana siya nang mapansin kong nag-message rin pala siya skin.

2 messages
Mommy

Why aren't you picking up your phone baby? After your class go to Burp Resto, ASAP. We're going to have lunch.

Lunch lang pala, akala ko pa naman kung anong emergency na. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang isa niya pang text.

"With the Santiagos, so don't be late."

~*~


A/N:

Happy Reading Taggers! Don't forget to tap the star button below. Haha.

Still, COMMENT IS REQUIRED. What can you say about DTAG? Share your thoughts! Hihi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro