Chapter 5
Chapter 5
~*~
YZEL
~*~
"Talaga bang nahihibang ka na, Yzel? Uminom kang mag-isa pagkatapos ano? Nagpahatid ka sa lalaking hindi mo kilala? Ano ba naman, Yzel, paano na lang kapag may nangyaring masama sayo-"
"Wala nang gagawa ng assignments mo, wala ka ng makokopyahan kapag exam. Paano na lang ang future mo?" pagpapatuloy ko sa sentemyento ni Sky habang nakahawak sa noo ko.
Mula kanina nang sinundo niya ako sa bahay hangang makarating kami ng Academy ay hindi na siya tumigil kakadada. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa sinabi sa kanya.
At oo, mas concern siya sa future niya kaysa sa kalagayan ko!
"Isipin mo na lang Yzel, kapag may nangyari sayong masama hindi ka makakapasok sa school kasi ma-ho-hospital ka. Palagi na akong ma-ze-zero sa quiz kasi wala akong makokopyahan. Makokonsume si Mommy no'n, kaya Best, mag-ingat ka naman!"
Pagpapaliwanag niya habang hinahabol ako sa paglalakad patungo sa classroom namin. May pa hand gestures pa siyang nalalaman para mas lalong ma-emphasize kung gaano kalaki ang problema niya kapag nagkataon.
"Fine-" naputol ang kung anumang sasabihin ko dahil sa tilian ng mga babaeng nag-aabang sa kanya sa pasilyo na mas lalong nagpasakit sa ulo ko.
"Kyaaaaa! Notice me, Sky!"
"Akin ka na lang, Sky! I can be your guitar!"
"Sayang ang ka-gwapuhan mo kung kay Yzel ka lang mapupunta, Sky!"
Halos tumirik na ang mga mata ko sa kaka-irap dito habang nakapameywang. Sa tuwing nadaan kami dito sa first floor laging tilian ang bumubungad sa kanya at lait naman sa'kin.
Pagbuhulin ko kaya ang mga leeg nila nang matigil sa kalalandi? Nakaka-imbyerna sa umaga ang pagmumukha nila.
"This is for you, Sky." Napangiwi na lang ako nang lumapit ang isang freshmen at iniabot ang cookies kay Sky. Magiliw naman itong tinanggap ni Sky samantalang ang babae ay hindi mapakaling nakahawak ng mahigpit sa palda niya at nakakagat sa labi. Mukha siyang palakang naiihi sa ginagawa niya.
"Mukhang masarap 'to ah! Thank you for this, pretty lady." Napahikab na lang ako dahil sa sinabi ni Sky. Well, what do you expect from the oh-so-charming and nice guy daw? The only son and the future owner of St. Vincent Academy. Ang lalaking inlove sa music at may syotang gitara. Ayaw magka-girlfriend dahil mape-pressure raw ang gwapong mukha niya and unfortunately, he's my childish best friend. No other than Sky Vincent Abueco. Around of Applause!
Excited na excited siyang buksan ang box para matikman ang cookies nang may biglang umagaw nito sa kanya.
"He doesn't like sweets, dear." Sabi ng isang babaeng nakataas ang kilay at ibinalik ang cookies. She continously wags her hand while mouthing shoooo to the kid.
There you go bitch. Ang nag-iisang Cassy Blaire Andrade- the popular cheerleader, the SC President, ang reyna ng ka conyo-han at ang bidang-kontrabida sa buhay ni Sky.
Walang ibang magawa ang freshmen at ng iba pang pumapantasya kay Sky kung di ang pumasok sa kanya-kanyang classroom nang panlisikan sila ng mata ni Cassy.
Ilang sandali pa ay kaming tatlo na lang ang natirang nakatayo sa gitna ng pasilyo. Nilingon ko silang dalawa na nagpapatayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng masamang titig sa isa't isa. Pumalatak muna ako bago nagsimulang magbilang hanggang lima.
"Anong problema mo Blaire, ha? Ayon na, nasa kamay ko na! Bakit binalik mo pa?"
"Stop calling me Blaire! It's Cassy because I'm sassy! Okay?"
"Sassy? Asa ka pa! Kahit magpagawa pa ako ng mapa para mahanap kung saan banda ang sassy sa katawan mo hindi ko pa rin mahahanap 'yon kasi wala ka no'n!"
"Why you're always so rude to me ba? As if you're that gwapo!"
"Ako pa ba? Walang pangit sa lahi ng mga Abueco."
"Oh gosh! Still your parents didn't tell you yet that you're an adopted and they just saw you in a zoo?"
"Ikaw na pato ka baka hindi kita matantsa!"
"Shut up, Gorilla!"
Nakatunganga lang ako sa kanilang dalawa habang nakatakip ang mga kamay ko sa magkabilang tainga.
Si Sky na kulang na lang ihampas ang dalang gitara sa pagmumukha ni Cassy at si Cassy naman na kulang na lang ibaon ang suot na takong sa bunbunan ni Sky. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sanay na sanay na ako sa pag-aaway nila.
"Kung maglalambingan kayo pwede ba huwag sa harap ko?" Nakapikit kong sabi nang maramdaman ko ang konting pagkirot ng ulo ko.
"Yuck/Eww!" Sabay nilang sigaw na parang mas maasim pa sa mangga ang pagmumukha nila. Napahilamos na lang ako sa mukha ko, wala na talaga silang pag-asang magbati. At kaysa makonsume ako sa kanilang dalawa, nauna na akong maglakad.
Ngunit mas lalo pa yatang nadagdagan ang konsumisyon ko nang makatapak ako sa pintuan ng classroom dahil sa matitinis na sigaw ng mahaharot kong kaklase ang umalingawngaw sa apat na sulok ng room.
"Kyaaaaaa! There will be a transferee raw!"
"And I heard, he's a leader of Negative one!"
"Is this for real? My gosh, I need to retouch!"
Napatunganga na lang ako habang nakatitig sa kanila nang hindi sila magkandaugaga sa paglalagay ng kung anong kolorete sa pagmumukha nila.
Bakit ba kasi may mga ganyang babae? Nakakita lang ng gwapo akala mo naman kung ikamamatay nila kapag hindi sila nakatili! Saka, ano bang makukuha nila riyan sa gwapo? Sasaktan lang sila niyan, paaasahin, lolokohin, pwe!
At dahil hindi ko kinaya ang kaharutan ng mga kaklase ko, hindi ko na tinuloy ang pagpasok ko. Medyo nakaramdam naman ako ng gutom. Hindi kasi ako ng breakfast kanina, baka kasi makita ni Mommy 'tong bukol sa noo ko.
Speaking of, huwag na huwag lang talagang magkakamali ang tadhana na pagtagpuin kami ng kumag na 'yon! Dahil hangga't may bukol sa noo ko at sumasakit ang balakang ko hindi mababawasan ang inis ko at makakasakal ako!
"Oh, best? Anong hinihintay mo, grand entrance?" Tanong ni Sky nang maabutan akong nakatayo sa labas ng room. Nauna namang pumasok si Cassy na nakabusangot ang mukha.
Itinaas ko ang kanang braso at tumingin sa suot na relo. Fifteen minutes before time, kaya pa!
"Cafeteria muna ako." Paalam ko saka hinagis ang bag ko sa kanya at tumakbo papuntang cafeteria.
~*~
"Goodmorning, Ate Leng!" masayang bati ko kay Ate na nagbabantay dito sa Cafeteria. Ang bait niya kasi sakin, laging may pasobra 'yong fries na binibigay niya.
"Fries, hot choco and burger pa rin ba?"
"Yup!" masiglang tugon ko. Sino ba naman ang hindi makakabisado kung halos araw-araw 'yan ang ino-order ko? Ilang minuto akong naghintay sa counter bago iabot sa'kin ni Ate Leng ang lahat ng binili ko.
Naglakad ako sa pinakamalapit na table habang patuloy na inaamoy ang aroma na nanggagaling sa hot choco. Pagkaupo ko ay agad kong sinunggaban ang mga pagkain.
Makailang lunok na ako ng laway habang sinasawsaw ko ang fries sa hot choco. Marahan ko itong iniangat at ipinasok sa bunganga ko. Damang-dama ko ang pagkagat habang papikit-pikit pa nang malasahan ang manamis-alat na lasa. Muntik na akong mabulunan nang biglang tumunog ang bell hudyat para lisanin ko ang lugar na 'to dahil magsisimula na ang klase.
"Panira ng moment! Pwede bang five minutes pa?" Dabog ko habang dinadampot ang mga pagkain sa mesa.
Dali-dali akong tumakbo habang bitbit ko pa rin ang mga pagkain ko. Hindi ako pwedeng ma-late dahil ang bakulaw na si Ms. Alab ang teacher namin ngayon. Medyo napapaso pa ako dahil sa hot choco kaya hinihipan ko habang tumatakbo.
Patuloy lang ako sa pagtakbo nang may-"tabi!" sigaw ko sa lalaking sasalubungin pa yata ako. Kapag tinigil ko agad ang pagtakbo, malamang masusubsob ako.
"Miss, I just want to ask-"
"Nyeta! Tabi sabi!" sigaw kong muli ngunit huli na ang lahat dahil sumubsob ako sa matigas na dibdib niya. Kasabay nang pagkakasubsob ko ay ang pagbuhos ng hot choco sa bandang tiyan niya.
"Ouch- What the fuck?" Sigaw ng tanga sabay tulak sa'kin. Patuloy siyang nagmumura habang pinapagpagan ang namantsahang t-shirt. Sinabi ng tumabi! Bingi ba siya?
Umayos ako ng tayo at tinignan ang pagkaing hawak. Mabuti na lang nahawakan kong mabuti ang burger ko.
Teka, may kulang.
Oh my Gosh!
No!
"Ang fries ko!" Nanlulumo kong sabi habang nakatingin sa fries kong nalaglag sa lupa.
No, it can't be. Nakakaisang kagat pa lang ako, pero wala na! Wala na talaga.
"What's wrong with you?" patanong na sigaw ng hinayupak na siyang dahilan kung bakit pumapalakpak ang mga langgam ngayon sa sahig.
"Hindi ba sinabi kong tumabi-ka?" Pati burger na hawak ko ay nabitawan ko na rin nang iniangat ko ang aking ulo at nakita kung sino 'tong hinayupak na pahara-hara sa daan ko.
"Ikaw?" sigaw ko saka dinuro siya. Nanlalaki ang mga mata ko habang mariin kong kinakagat ang ilalim na bahagi ng aking labi.
Kasasabi ko lang kanina na huwag muling pagtatagpuin ang landas namin baka masakal ko siya at akalain mo nga namang nandito na siya sa harap ko.
"Ang kapal ng pagmumukha mong magpakita ulit sa'kin pagkatapos mo akong iwan kagabi! Gosh, gaano ba kaliit ang mundo at bakit kailangan tayong pagtagpuin ng ganito kabilis? Ang malas ko naman!" Sigaw ko sa kumag na nang-iwan sakin kagabi. Hindi ako pwedeng magkamali dahil hindi ko makakalimutan ang nakakabwesit na pagmumukha ng lalaking 'to.
"Who the hell are you?" inaantok na tugon niya saka tinabig ang hintuturo kong nakatutok sa mukha niya. "Look what you've done to my shirt, stupid." saglit siyang tumitig sa mantsa ng damit niya saka ibinalik ang nanlilisik na mata sa'kin.
Wow magic. Ano 'yon? Pagkatapos niya akong iwan nagka-amnesia siya? Huwag niya akong titigan ng ganyan, baka madukot ko ang mga mata niya!
"Hoy! Kumag ka-"
"Ms. Maracigan, arent you aware that it's already time?" Napatigil ako sa kung anumang sasabihin ko at napalingon sa likod ko.
Bumungad sa'kin ang mukha ni Ms. Alab na nakataas ang kilay. Ang sarap niyang sagutin na "bakit ikaw Ma'am, aware ka rin ba? Pareho lang tayong late ooh. Duh!" pero hanggang isip ko lang 'yan. Hindi ko kayang sagutin ang prefect of discipline at the same time physics teacher namin. Baka hindi pa naglabasan ang cards ay automatic na 75 ang grade ko.
"I'm Sorry, Ma'am, 'tong lalaki po kasing 'to pahara-hara sa daan!" At isa pa, ano bang ginagawa niya rito? Bakit nagpapasok ang guard ng isang nakakabwesit na outsider?
"Go to your room now! And you Mr. come with me."
"You gonna pay for this." Bulong ng kumag sabay bangga sa'kin at sumunod kay Ms. Alab.
Mukha mo, gwapo este impakto! How I wish na matisod ka, masubsob 'yang asungot mong mukha at malagutan ng hininga!
~*~
Nadatnan ko si Sky na nakasandal sa pintuan ng classroom. Marahan niyang pinapaling ang ulo niya habang sinasabayan ang musika na nagmumula sa nakakabit na earphones sa tainga niya.
"Tabi," saad ko habang hinihintay na alisin niya ang paa niyang nakaharang.
"Dati-rati, kapag nanggaling ka sa Cafeteria nakangiti ka. Anong nangyari, best?" Nagtatakang tanong niya habang nakaturo sa nakabusangot kong mukha ang daliri niya. Hindi ko siya pinansin sa halip ay dumeretso lang ako sa desk ko at nangalumbaba.
Sino ba naman kasi ang matutuwa kung makikita mo 'yung lalaking muntik ng pumatay sayo kagabi? Sana nga hindi sa damit niya nabuhos 'yung hot choco, dapat sa mukha niya sumapol!
"Ano ngang nangyari?" kalabit ulit ni Sky nang makaupo siya saka nangalumbaba rin sa desk ko. Ang lapit tuloy ng mukha namin sa isa't isa kaya tinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko.
"Huwag ka ngang makulit, mainit ang ulo ko ngayon." sagot ko sa kanya saka isinandal ang likod ko sa upuan. Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong nagkakagulo pa rin, nakisali na rin si Cassy sa mga babaeng nagre-retouch.
"Guys, parating na si Ms. Alab!" Sigaw ni Gilbert, ang dakilang taga-bantay. Halos madapa ang mga kaklase kong patakbong bumalik sa kani-kanilang silya ngunit naabutan pa rin sila ni Ms. Alab.
"May party ba rito at napakaingay ninyo?" dumagundong yata ang loob ng room dahil sa ginawang pagsigaw ng aming guro. Nagsiyukuan naman ang mga kaklase ko na akala mo kung sinong inosente na walang alam kung sino ang pasimuno ng pag-iingay.
"I'm sorry for being late, may inasikaso lang ako." Paghingi niya ng despensa ngunit nakataas pa rin ang kilay habang marahang pinapalo sa palad ang dalang pamaypay. Kapag teacher ang na-late nadadaan sa sorry, kapag kaming mga estudyante, kahindik-hindik na sermon ang aabutin. Ang fair ng mundo, sobra.
Sigurado akong ang kumag na 'yon ang inasikaso niya. Bawal kasi ang outsider sa Academy. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong ngumisi habang iniisip ang kahindik-hindik na sermon na inabot niya.
"Get in and introduce yourself." Halos lahat yata ay sabay na napaangat ang ulo at napatingin sa pinto dahil sa sinabi ni Ms. Alab at ang tahimik na classroom ay agad na napalitan ng tilian ng mga kaklase ko. Maging ang pagngiti ko ay napalitan ng pagmumura.
"Kyaaaaa! He's Khert Lawrynce Santiago!"
"The former team captain of St. Andrew!"
"One of the leader of Negative One! Kyaaa!"
Kulang na lang maglupasay sila, samantalang ako ay literal na napanganga. Napigil din ang paghinga ko habang pinoproseso ng utak ko ang nangyayari ngayon. "Shit. This is not happening, right?" hindi makapaniwalang bulong ko nang hindi inaalis ang titig sa kanya.
Nakapamulsa siyang nakatayo sa harapan at panaka-nakang nginunguya ang bubble gum sa loob ng bibig niya. Ang kanyang asul na mga mata ay diretsong nakatingin sa kawalan na tila ba inaantok.
"I think there's no use for introducing myself. Just call me KL, only KL." Taas-noo at maangas na pagpapakilala at isa-isang nakipagtitigan sa mga kaklase ko na parang sinasabi niyang "don't mess with me or else" hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa.
Kung makatitig akala mo naman kung sinong uhuging siga sa kanto!
"Do you really want to stand the whole period, Ms. Maracigan?" Bumalik ako sa wisyo ko nang marinig ko ang pagsigaw ni Ms. Alab na nakatayo sa harap ngayon.
Halos lahat-scratch that-lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa'kin dahil sa ginawa kong pagtayo habang nakanganga. Dahil sa pagkaasar ko ay hindi ko man lang naramdaman ang sarili kong tumayo.
"Im sorry." Nahihiyang tugon ko bago umupo. Siya ba? Siya ba ang tinitilian ng mga kaklase ko? Ano sila, bulag? Hindi naman kagwapuhan 'yan!
"Hindi raw kagwapuhan pero napanganga." Bulong ni Sky na halata namang sinadya niyang iparinig sa'kin. Nakabusangot ang mukha niya nang nilingon ko ito. Teka, nababasa niya ba ang iniisip ko?
"Gwapo lang ako, hindi mind reader. Narinig kong sinabi mo 'yon." Inirapan ko na lang siya bago ibinalik ang tingin sa harap.
Nakita ko namang papalapit sa direksyon ko ang kumag. Tumigil siya sa gilid ko at tinapon ang bag kong nakapatong sa upuan na katabi ko. Bwesit! "Anong problema mo?" asar na tanong ko.
"Upuan 'to. Magdala ka ng sarili mong cabinet kung gusto mong may paglagyan ka ng bag mo." Pabalang na sagot niya. Nanggagalaiting pinulot ko na lang ang bag ko at tumingin ng deretso sa harap kaysa makipagsagutan sa kagaya niyang kumag.
Sa dinami-rami ng upuan dito sa room dito pa talaga sa tabi ko ang pinili niya. Plano niya ba talaga akong bwesitin? Aba! Sinasabi ko, effective!
"Mr. Santiago, if you want to cope up in our lesson you need to have an andvance study since you transferred here in SV Academy in the middle of school year." Mataray na saad ni Ms. Alab saka tumingin sa'kin. Mukhang hindi ko gusto ang ipinapahiwatig ng mga titig niya.
"You can ask Miss Maracigan for help." Sinasabi ko na nga ba. Kapag ganyan makatingin si Ma'am ay may piplano siyang hindi maganda. Hindi ako makapapayag na maging tutor ng kumag na 'to.
"P-pero-"
"No buts!" Napatango na lang ako nang pinandilatan ako ng mga mata ni Ms. Alab. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para tumutol.
"Miss," napalingon naman kaming lahat kay Kumag nang bigla itong magtaas ng kamay. "I don't need anybody to cope up with the lessons I've missed."
Sa lahat nang lumabas na salita sa bibig ni kumag ay ngayon lang ako natuwa. Magpapasalamat na sana ako sa kanya kung hindi niya lang dinugtungan ang sinabi niya.
"I'd rather study alone than to be with this idiot." Humagalpak sa tawa ang mga kaklase ko samantalang naikuyom ko naman ang kamao ko. Bukas talaga ay maghahanda ako ng scratch paper at ipapalamon ko 'yon sa kanya.
~*~
A/N :
Jhaeyszel read as Jeyzel
Yzel read as Ayzel
Sky Vincent Abueco on multimedia!
#KimSooHyun Oppa <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro