Chapter 35
Chapter 35
~*~
KIRO
~*~
"I've told you to get rid of that bastard then why the hell did you sent him to the hospital?" Nakapangalumbaba lang ako at marahang tinatapik ang pisngi ko habang pinagmamasdan si KL na nagpupuyos sa galit. Nakayuko siya habang nakapatong ang nakakuyom na kamao sa ibabaw ng round table kung saan nakapalibot kaming lima.
"Or do you want me to get rid of you?" Nabaling naman ang atensyon ko kay Drey na kanina pa pinaglalaruan ang baril na hawak. Matalim ang mga mata niyang nakatitig sa'kin saka niya hininto ang pagpapaikot ng baril at hinawakan ito ng mahigpit.
Marahan kong iniangat ang kamay ko para pahirin ang pawis sa noo ko. Kalmado lang akong tignan pero ang totoo ay parang naiihi na ako sa pantalon ko. Titig pa nga lang ni KL hindi ko na matagalan, paano pa kaya ngayong pati si Drey ay parang lalamunin ako ng buhay.
"Tsk! Dapat kasi sa motel na lang talaga ako pumunta at hindi na sana kita sinunod!" mahinang dabog ni Cyber na nakapatong ang pisngi sa mesa at pinanlilisikan rin ako ng mata kasabay ng pagsipa niya ng kaliwang paa ko sa ilalim. Sinipa ko rin siya pabalik dahilan para mapaungol siya ng mahina.
"Ganito na lang mga bro..." Lahat kami ay napalingon kay Aikee nang bigla niyang ituro ang kinakaing lollipop sa'min.
"Bakit hindi natin siya kunin ulit sa hospital at ibalik sa lugar na pinag-awayan niyo kanina? Tapos palabasin nating na-tokhang para hindi na kayo magtalo." Nakakatangang suhestiyon niya kasabay ng marahang pagwasiwas sa lollipop na akala mo naman napakagandang ideya ang sinabi niya. Kung may award lang sa pagiging tanga, panigurado kay Aikee na 'yon mapupunta.
Wala siyang ibang nagawa kung di magkamot ng ulo nang pinanlisikan namin siyang lahat ng mata. "Suggesstion lang naman," aniya sabay subo ulit ng lollipop.
Bumuntong-hininga lang ako at muling sinalubong ang nakamamatay na titig ng dalawa. Napalunok ako nang bahagya at umupo nang matuwid. Hindi dapat ako matakot sa mga titig nila, may kailangan akong malaman kaya bahala na.
"Ako ba talaga ang dapat alisin sa istorya o si Jhaeyszel?" Nakataas ang sulok ng labi kong tanong na mas lalong nagpatindi ng galit nila.
Napaupo ng maayos si Cyber habang gulat na gulat dahil sa sinabi ko. Halata sa mukha niya na pinagmunura niya na ako ngayon sa isipan niya. Si Aikee naman ay marahang lumingon sa'kin nang nakamaang at halos magdikit na ang kilay.
"What did you just said?" Hindi makapaniwalang tanong ni Drey at biglang hinampas ang kamay sa mesa. "You, don't ever—"
"Hindi ikaw ang inaasahan kong magbigay ng ganyang reaksyon, Drey." Napangisi na lang ako nang malawak nang ibaling ko ang atensyon sa kanya, "masyado ka naman yatang apektado?"
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa baril. Habang tumatagal ay parami na nang parami ang natatawag kong santo at pagpapanalangin ng tahimik sa isipan ko.
Nakipagsukatan ako ng tingin kanya at laking pasalamat ko na siya ang unang umiwas. Tumayo siya at naglakad palayo sa'min. Sinipa niya muna ng malakas ang pinto bago tuluyang lumabas. Hindi ko tuloy magawang alisin ang ngiti sa mga labi ko kahit na sobrang kinakabahan ako.
Salamat. Hindi matataniman ng bala ang katawan ko ngayon.
Wala naman talagang kinalaman si Jhaeyszel dito at wala rin akong intensyon na patayin siya. Hinding-hindi ko 'yon magagawa sa kanya at isa ako sa mga taong gagawin ang lahat para lang maprotektahan siya.
Gusto ko lang talagang isingit ang usapang 'to. Kating-kati na akong malaman kung anong sikretong tinatago ni Drey at kung anong totoong nararamdaman ni KL.
"Drop the act, Kiro. Stop acting foolish right now." Sita sa'kin ni KL na kulang na lang sunugin ako sa nagliliyab niyang titig. "Leave Jhaeyszel alone. Don't dare to touch her!" may pagbabantang saad niya. Sa pagkakataong 'to alam kong hindi magdadalawang isip si KL na gilitan ako sa leeg.
"Okay, okay! Chill lang tayo mga bro!" nakangiting pagsuko ko habang nakataas ang dalawang kamay.
Base sa reaksyon nilang dalawa, nakuha ko na ang kasagutang nais kong malaman. Hindi ko na kailangan pang ipagpatuloy ang pang-aasar sa kanila dahil baka ako na ang matuluyan.
"Now, can you answer my question?" nagtitimping tugon ni KL habang nakapikit ng mariin. Naghihimutok pa rin ang butsi niya dahil sinugod ko sa hospital kaysa sa punerarya ang lalaking gumawa ng kahalayan kay Jhaeyszel.
"Alam mo naman na hindi ako sumasalungat sayo ng walang sapat na dahilan, Kee." Kalmadong tugon ko. "You know my rules guys, hindi ko kayang pumatay ng tao. Naabutan ko pa siyang may pulso kaya wala akong ibang choice kung di dalhin siya sa hospital. Sana bago niyo kami pinapunta roon, sinigurado niyo munang patay na siya." pagpapaliwanag ko.
Hindi ako nagsisinungaling o nagpapalusot lang. Kung may papatayin man ako, walang iba kung di ang nagpasabog ng eroplanong sinasakyan ni Tisay.
Isang malalim na buntong-hininga lang ang sinagot sa'kin ni KL at ibinaling ang tingin kay Cyber.
"A-ano, A-aikee! Tara na, samahan mo akong bumili ng condom! Naubusan ako ng stock!" dali-dali itong tumayo para iwasan ang titig ni KL at hinigit si Aikee na tahimik na nakaupo sa gilid ko.
"Tanga ka ba, Cyb? Saan ka bibili ng condom ngayong alas dos ng madaling araw? Hugasan mo na lang tapos baliktarin yung gamit na. Matuto kang magtipid!" reklamo nito saka humalukipkip. Gusto ko mang humagalpak ng tawa ay hindi ko magawa dahil nakatitig pa rin ang pares ng nakakatakot na mata ni KL.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nakuha nito ang atensyon naming lahat kaya agad ko itong kinuha at ipinailalim sa mesa bago binuksan ang mensahe.
I need to tell you something. Meet me at box cafe, now.
Kumunot ang noo ko nang makita ang text ng isang unregistered number. Mukha yatang nagkamali lang ang taong 'to.
This is not a wrong sent, Kiro.
Basa kong muli sa kapapasok lang na mensahe. Mas lalo pang nangunot ang noo ko dahil sa mensaheng natanggap. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko nagawa pang pigilan si KL nang bigla niyang agawin ang cellphone ko.
"Who's this?" nagtatakang tanong niya saka iniharap ang screen ng cellphone sa'kin. Hindi namang magkanda-ugaga sina Cyber at Aikee na ilapit ang ulo para basahin ang mensahe.
"Chix mo yata, Kiro." Komento ni Cyber. "Tawagan mo lang ako bro kung kailangan mo ng tips!" taas-babang kilay na baling niya sa'kin.
"Hindi ko kilala 'yan." saad ko saka hinablot ang cellphone mula sa kamay ni KL. "Pupuntahan ko para malaman ko."
"Alone?" tumango lang ako bilang tugon. "No. I'll go with you," giit niya.
"Mas kailangan ka ni Jhaeyszel dito, bro." Pigil ni Aikee na ikinasang-ayon ko.
"Kanina lang ay halos patayin mo ako sa titig mo. Mahal mo talaga ako no, Kee?" pang-aasar ko.
"Go now, asshole!" asik niya at itinapon ang magazine sa'kin na nakapatong sa mesa. Ngumiti na lang ako at naglakad palabas ng pub.
Akala ng lahat si KL ang pinakamalakas pero ang totoo siya ang pinakamahina. Lalo na ngayon at nagpapadala ulit siya sa emosyon niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya kanina ang takot sa kung ano ang maaaring mangyari kay Jhaeyszel.
Nagmamahal na ulit ang gago, pagmamahal na magdadala sa kanila sa kapahamakan.
Binilisan ko ang paghakbang ko hanggang sa makalapit ako sa kulay kahel na Zenvo ST1 na nakaparada katabi ng itim na Audi ni KL. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may kamay na humarang.
"Shit!" Sigaw kong nanlalaki ang mga mata habang nakalagay ang kaliwang kamay sa dibdib. "Papatayin mo ba ako sa gulat, Drey?" binigyan niya lang ako ng inaantok na tingin bago humigit ng malalim na paghinga.
"Don't meddle with my business. I knew what you're trying to do. I knew that you want to know something."
Yumuko lang ako at palihim na ngumiti. Ibang klase talaga ang kakayahan ni Drey sa pagmamasid. Isang tingin niya lang sa isang tao, alam niya nang may binabalak ito.
"Hindi ko pa alam sa ngayon, Drey. Malabo pa sa'kin ang lahat pero may isang malinaw para sa'kin." Iniangat ko ang ulo ko at sinalubong ang pares ng maiitim na mata niya. Ngumiti ako ng malawak at bahagyang itinabingi ang ulo para mas lalo kong masilip ang mga mata niyang naniningkit sa galit na bahagyang natatakpan ng buhok.
"Base sa mga mata mo, hindi basta-bastang pagtingin ang nararamdaman mo kay Jhaeyszel kung di pagmamahal ng isang—augh!" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong tinulak at sinuntok. Mabuti na lang at hindi ako natumba sa ginawa niya, agad kong pinahid ang dugo na nagmula sa pumutok na labi ko.
"Shut the fuck up!" nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko at tinitigan ng matiim sa mata. "I'm begging you, Kiro. Don't try to mess with me because I will do anything just to protect her. I will not hesitate to kill even if it's you."
"I'll do everything to protect her too." namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Unti-unting lumuwag ang pagkakakwelyo niya sa'kin hanggang sa bitawan niya na ako. "But you can't stop me to know the truth."
Humakbang siya paatras at bahagyang tumango. Halatang pinipigilan niya ng sarili niyang suntukin akong muli dahil sa panginginig ng mga kamao niya. Habol niya rin ang kanyang panghinga habang nakatiim-bagang na nakatitig sa'kin.
"Go on, Kiro. I'll still have my ace." Tugon niya dahilan para magsalubong ang kilay ko. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti bago tumalikod at naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin habang pinagmamasdan ang likod niya. Maya-maya pa ay lumingon siya sa'kin at sinabi ang mga salitang halos magpatigil ng paghinga ko.
"Are you really an ally? I know what you're doing from the start upto now, Kiro Yatashi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro