Chapter 29
~*~
YZEL
~*~
"Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo ay palagi kang nakaupo sa lupa?" Itinigil niya ang pagpupunas sa maruming tuhod ko at tumingala sa'kin na may malalapad na ngiti sa labi.
Isang beses pa lang kaming nagkita ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang mga ngiting nakikita ko ngayon. I will never forget this man who saved me from that terrible night.
"K-Kiro," mahinang tawag ko sa pangalan niya sa pagitan ng paghikbi ko. Hindi ko akalain na siya ang darating para tulungan ulit ako.
"Tahan na, Jhaeyszel. Hindi ko na magagawa pang punasan ang luha mo dahil marumi na itong panyo ko." Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at ipinakita ang panyo niyang may disenyo na kerokeropee na ngayon ay marumi na nga. Pinunasan ko naman ang basang pisngi ko gamit ang kamay ko na ikinatawa niya.
"Pfft. Mas lalo kang dumungis." Napatingin naman ako sa kamay ko at doon ko lang napagtanto na marumi rin pala ito dahil sa ginawa kong pagtukod kanina sa lupa. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko ngayon at hindi makatingin ng diretso sa kanya.
Yumuko siya ng bahagya para magpantay ang mukha naming dalawa. Nakangiti pa rin siya sa'kin samantalang ako ay nakabusangot na nakaharap sa kanya.
Iniangat niya ang dalawa niyang kamay para hawakan ang mukha ko at pahirin ang luha na siguro ngayon ay mukha ng putik. Nakaramdam ako nang unti-unting pang-iinit ng magkabilang pisngu ko kaya napaatras ako nang bahagya dahilan para bitawan niya na ang mukha ko.
"S-salamat," nahihiyang tugon ko.
"Wow! Hindi lang pala si KL ang bagong target mo ngayon?" agaw pansin na sigaw ni Aliyah. Nakalimutan kong nandito pa nga pala ako sa field at napapaligiran ng mga mapanghusgang tao.
Bahagya akong sumilip dahil nakaharang si Kiro sa harap ko, nakita ko na nagkalat sa sahig ng mini-stage ang laptop at projector na nagkapira-piraso, siguro iyon ang tumilapon at nabasag kanina.
Taas noo pa ring nakatayo sa gitna si Aliyah habang nasa likuran niya ang kanyang mga alipores. Pare-pareho silang namumula sa galit habang nakataas ang kilay sa'kin. Napadako ang tingin ko sa gilid kung saan nakahiga ang walang malay na si Cassy at si—Sky?
P-paano siya napunta riyan? A-anong nangyari sa kanya?
"Ang landi mo talaga! Plano mo bang tuhugin ang lahat ng leader ng Negative One?" Muli na namang dumagundong ang boses ni Aliyah na siyang dahilan para magsimula na naman ang mga bulungan.
"I told you, he's also a leader of Negative one."
"I guess he's name is Kiro."
"The mysterious one."
Negative One? Kung hindi ako nagkakamali, 'yon rin ang gang na pinamumunuan ni Kumag. Ibinalik ko ang tingin kay Kiro nang magkasalubong ang kilay at nakakunot na noo.
"You heard them right." Kalmadong tugon niya habang kinakamot ang batok.
He's connected with Ence, does it mean—
"Yes, Kee called me that night to take you home. I'm sorry if I didn't told you right away. It was an order. " He sheepishly smiles while I'm listening to him open mouthed. Hindi pa man nagpoproseso sa utak ko ang mga pinagsasabi niya ay nagsimula na naman silang husgahan ako.
"Gosh, paano niya naakit 'yan?"
"Grabe, ibang level na talaga ang kalandian niya."
Nagsisimula na namang uminit ang mga mata ko. Hindi ba talaga nila ako titigilan? Naaasar ako dahil wala man lang akong magawa para maipagtanggol ang sarili ko. Hindi ako malandi at hindi ko kasalanan kung bakit ako tinulungan ni Kiro.
"Shh. Hold your tears back," napabalik ako ng tingin kay Kiro. Itinaas niya ang kamay niya at marahang tinapik ang ulo ko. Mas lalo tuloy akong naiiyak dahil sa ginagawa niya.
"Don't mind them, okay?" saad niyang muli habang nakangiti. Marahan akong tumango sa kanya saka humigit ng malalim na paghinga. Ibinaba niya na ang kamay niyang nakapatong sa ulo ko at muli niyang hinawakan ang pulsuhan ko saka pareho naming hinarap si Aliyah.
"Minsan ang mga salita ay mas masakit pa sa kutsilyong itinarak sa puso mo. Kaya siguraduhin mong kapag nagbitaw ka ng mga salita ito ay totoo." Makabuluhang wika ni Kiro na hindi lang yata si Aliyah ang pinapatamaan kung di ang lahat ng estudyanteng nakapaligid sa'min. Napansin ko naman na nagsiyukuan ang iba na para bang natatakot sa nakikita nila kaya hindi ko mapigilang mapalingon sa katabi ko.
Halos mapatalon ako ng makita ko ang walang kaemo-emosyong mukha ni Kiro habang nakatingin ng blangko kay Aliyah. Maya-maya pa ay biglang tumaas ang kabilang bahagi ng labi niya. Hindi ako sanay na makita siyang ganito, naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit niya sa wrist ko.
"What? You can't scare the hell out of me, son of a bitch!" matapang na sagot ni Aliyah na halata namang nanginginig ang boses niya.
"Huwag mo sanang ubusin ang pasensya ko binibini, baka hindi mo gugustuhin kapag ako na ang gumanti." Nakaramdam ako ng kilabot sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Kiro at ramdam kong hindi talaga siya nagbibiro. Tama nga ang sinasabi nila, huwag mong inisin ang taong masiyahin kung ayaw mong makatikim.
"Ano bang mayroon sa malanding 'yan kung bakit palagi niyo siyang pinoprotektahan. Bakit? Binigay niya na rin ba ang sarili niya sayo? Hindi na ako magtataka roon! Siguro ay masyado kang nasarapan sa kanya kaya ganyan ka makaasta!" namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kapag talaga nahawakan ko ang buhok niya ay hinding-hindi ako magdadalawang isip na kalbuhin siya!
Hindi na muling nagsalita pa si Kiro bagkus ay hinila niya ako paakyat ng mini-stage. Hindi naman nagpatinag si Aliyah samantalang ang mga alipores niya ay unti-unti ng humahakbang paatras.
"A-ano kayang gagawin niya?" rinig kong tanong ng isang estudyante. Ganoon rin ang tanong ko sa isipan ko. Nang tuluyan na kaming makaakyat ay binitawan na ako ni Kiro saka niya hinigit si Hazy.
"Please, don't hurt me. Sumunod lang naman ako sa utos niya." Nanginig ang kamay niya habang ipinagdaop ang palad na nagmakaawa kay Kiro. "Yzel, help me," baling niya sa'kin. Gustuhin ko mang ipadurog ang mga buto niya ay saka na lang siguro dahil uunahin ko muna ang tukong leader nila.
"Kiro," pigil ko sa kanya. "Bitawan mo na si Hazy, isa lang 'yan sa mga puppet ni Aliyah." Saad ko habang pinapatay sa titig ko ang tukong clown na nasa harap ko. Ngayong kaunting distansya na lang ang pagitan naming dalawa ay mas lalong nangati ang kamay ko para kalmutin ang pangit na mukha niya.
Susugurin ko na sana siya kaso biglang nagsalita si Kiro.
"Alam kong pagod ka na kaya hayaan mong ang kaibigan niya ang gumanti para sa'yo." Nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ngumiti muna siya sa'kin bago muling hinarap si Hazy na may blangkong mukha.
"Hindi ako nananakit ng babae, kaya maaari bang sampalin mo siya para sa'kin?" Turo niya kay Aliyah na ikinalaki ng mata naming lahat. Tututol pa sana si Hazy ngunit pinigilan niya ito. "Sampalin mo nang malakas kung ayaw mong gawin kong lumpo ang boyfriend mo na balita ko ay nag-aaral sa Xavier High." At wala pang limang segundo pagkatapos sabihin ni Kiro 'yon ay nasampal na ni Hazy ang magkabilang pisngi ni Aliyah.
"Damn you, bitch!" gaganti pa sana si Aliyah nang biglang hawakan ni Kiro ang kamay niya. "Get off, me!"
Mas lalo pang niyang inilapit si Aliyah sa kanya na halos magdikit na ang mga noo nila. Patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Aliyah habang hawak ni Kiro ang dalawang braso niya.
"I said, get off me, asshole!" sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Kiro at saka itinaas-baba ang kilay niya. Maging ako ay nawiweirduhan sa ginagawa niya. "Are you deaf? Get off me, bastard!"
"Okay," maikling tugon ni Kiro saka itinulak siya ng malakas. Napasinghap naman ang mga estudyante sa pagtilapon ni Aliyah. Sa sobrang lakas noon ay panigurado akong magkakaroon ng bali ang balakang niya.
"Umalis na kayong lahat kung ayaw niyong magaya sa kanya." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay halos hindi magkamayaw ang mga estudyante sa pagtakbo palayo sa field. Muntik na rin nilang makalimutan si Aliyah na nakasalampak sa sahig mabuti na lang ay binalikan siya ng kanyang alipores. Ilang sandali pa ay wala ng natirang estudyante maliban sa'min ni Kiro at nina-
"Sky! Cassy!" Sigaw ko habang patakbong lumapit sa kanila.
"Gumising na kayo. Sorry kung nadamay ko pa kayo," patuloy ako sa pagtapik sa mga pisngi nila. Hindi ko mapigilang maiyak, alam kong ginawa nila ang lahat para lang hindi matuloy ang binabalak ni Aliyah.
"Dalhin natin sila sa clinic!" lumingon ako kay Kiro na ngayon ay parang nakakita ng multo. Parang tinakasan ng dugo ang mukha niya habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig kay Cassy. Gustuhin ko mang magtanong kung anong mayroon kay Cassy kung bakit ganyan siya makareact ay wala na akong panahon pa para makipag-usyoso.
"Kiro!" tawag ko sa kanya na siyang nagpabalik sa wisyo niya. "Tulungan mo akong dalhin sila sa clinic." Lumapit siya at mukhang tinitignan ng maiigi ang kalagayan ng dalawa. Napaigting ang bagang niya at palihim na napamura.
"B-bakit?" kinakabahang tanong ko. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at humarap sa'kin ng nakangiti.
"Mas mabuting sa hospital na lang natin sila dalhin. Tatawag lang ako ng ambulansya." Hindi ko alam kung paano ako nagagawang pakalmahin ni Kiro sa pamamagitan ng pagngiti niya. Dapat sana ngayon ay natataranta na ako kung bakit kailangan pa silang dalhin sa hospital ganoon pa man ay tumango ako saka ibinalik ang tingin sa dalawang kaibigan.
Sinimulan kong tanggalin ang mga tali sa kamay at paa ni Cassy, namumula na ito ngayon dahil sa higpit ng pagkakagapos sa kanya pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin ko kay Sky na may pasa ang kabilang pisngi kaya marahan ko itong hinaplos.
"Sorry, sorry talaga." Mahinang sambit ko habang patuloy na umiiyak. Naawa ako sa mga kaibigan ko, pati kamalasan sa buhay ko ay nadadamay sila.
"Tahan na, hindi mo naman kasalanan," pag-aalo sa'kin ni Kiro. Patuloy niyang tinatapik ang likod ko kaya nakatulong din sa paggaan ng pakiramdam ko. Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansya at isinakay sina Cassy at Sky doon.
Mas minabuti naming sumunod na lang dahil may sasakyang dala si Kiro na naiwan sa labas ng Academy kaya kasalukuyan kaming naglalakad palabas ngayon. Nagpatiunang maglakad si Kiro samantalang ako ay nakasunod sa likuran niya, kung hindi siya dumating ay hindi ko na lubos maisip kung ano pa ang mangyayari sa akin-sa amin.
"Pakisabi kay Ence, salamat," mahinang bulong ko.
"Ha?" nakakunot ang noo niyang lumingon sa'kin at tumigil sa paglalakad.
"Kagaya rin ito ng dati, hindi ba? Inutusan ka na naman niyang iligtas ako, kaya salamat sa inyong dalawa." Nakangiting tugon ko kahit namumugto ang mga mata. Napakamot naman siya sa batok niya.
"K-kusa ko 'yong ginawa, Jhaeyszel." Nag-aalangan sabi niya na ikinamaang ko.
"A-ay, sorry. Akala ko kasi," napayuko na lang ako at hindi na itinuloy pa ang sasabihin. Nakakahiya, buong akala ko ay si Ence nag-utos sa kanya na tulungan ako.
"Pumunta ako rito sa Academy niyo para sana mamasyal lang kaso ito ang inabutan ko. Hindi pa nagsisimula ang kaguluhan kanina ay matagal na siyang nakatayo mula sa likuran mo kaya noong nagsimula nang magkagulo ay hindi na ako nag-abala pang mangialam dahil alam kong nariyan siya." Napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi ni Kiro at makailang beses na kumurap para pigilan ang muling pang-iinit ng mata ko.
Matagal na siyang nakatayo sa likuran ko? Ibig sabihin nakita niya ang lahat, pero bakit hindi siya lumapit?
"Hanggang sa dumating sa puntong sinasaktan ka na ay hindi pa rin siya gumagalaw at mukhang wala naman siyang plano para tulungan ka bagkus ay naglakad siya palayo kaya ako na lang ang kusang lumapit para tumulong." Agad akong nagpatiunang maglakad kay Kiro pagkatapos niyang magkwento dahil nararamdaman ko na naman ang muling pagpatak ng luha ko sa hindi ko mabilang na pagkakataon.
"B-bilisan na natin, k-kailangan tayo nina Sky sa h-hospital." Mahinang saad ko at mas lalo pang binilisan ang paghakbang. Hindi na umimik pa si Kiro malamang ay ramdam niyang umiiyak na naman ako.
Wala naman siyang plano para tulungan ka bagkus ay naglakad siya palayo.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko ng makaramdam nang kirot doon. Hindi dapat ganito ang maging reaksyon ko, hindi dapat ako masaktan dahil mas pinili niyang tumalikod kaysa tulungan ako dahil unang-una ay hindi niya naman ako tinuturing na kaibigan at lalong-lalong hindi niya naman ako obligasyon.
Pero bakit ganoon? Siya pa naman sana ang inaasahan kong tao kanina na tutulong sa'kin, pero sa buong panahon na ginagawa sa'kin nina Aliyah 'yon ay nakatingin lang siya sa'min. Siguro ay hinuhusgahan niya na rin ako, nandidiri rin siya sa'kin kaya hindi niya ako magawang lapitan. Marahil ay ganoon nga.
Parang ayaw ko ng pumunta ng hospital, parang gusto ko nang umuwi ng bahay, sumalampak sa kama ko at mag-iiyak buong maghapon. Sa sobrang pag-iyak ko ay halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko at hindi ko na rin namalayan na nakalabas na kami ng Academy.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang kukay kahel na Zenvo ST1 ni Kiro. Kahit na okupado ang isip ko ay hindi ko mapigilang mamangha dahil sa sobrang gara ng kotse niya.
"Maging ako ay hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka niya nilapitan. Siguro hindi ikaw ang taong magpapabago sa kanya. Tuluyan na siyang nawalan ng pakialam sa iba kaya mas mabuting tanggapin na lang natin na hindi na siya magbabago pa." Bago pa man ako malula sa kotse niya ay maamo akong tiningnan ni Kiro at ipinatong muli ang kamay niya sa ulo ko saka ginulo ng bahagya ang buhok ko.
"Siguro nga, siguro nga hindi na siya magbabago," nakayukong tugon ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kotse niya.
Hindi ako ang makapagpapabago sa kanya, ang saklap naman. Pero kahit na ganoon ay mananatili akong kaibigan niya kahit na wala siyang pakialam, kahit na ayaw niya. Kahit na masakit.
Sa tuwing naiisip ko ang ginawa niyang pagtalikod kanina ay hindi ko maiwasang lubusang masaktan, nagsisimula na akong isipin ang kapakanan niya pero siya kahit konting paki-alam ay hindi niya maibigay sa'kin. Nakakalungkot.
Nakakatampo.
Papasok na ako ng kotse ni Kiro nang biglang may humila sa kamay ko na sinabayan ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Come with me." Malamig na tugon niya na siyang nagpablangko ng utak ko.
~*~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro