Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

~*~
YZEL
~*~

"Kung ikaw ay masaya tumawa ka. Haha! Kung ikaw ay masaya tumawa ka. Haha! Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla, kung ikaw ay masaya tumawa ka. Haha!"

Masaya akong naglalakad ngayon habang pakanta-kanta papunta ng Academy. Hanggang ngayon kasi ay parang naririnig ko pa rin ang tawa ni Kumag.

Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, ang masayang mukha niya ang nakikita ko.

Gosh! Hindi ko akalaing gwapo naman pala talaga siya kapag nakatawa. 'Yong kulay asul niyang mga mata na halos hindi ko na makita dahil sa sobrang pagtawa niya. 'Yong mapuputi at pantay na ngipin niya na parang endorser ng close up, idagdag mo pa ang mas lalong pagbaon ng dimples niya sa magkabilang pisngi niya. Doon ko nga lang din napansin na may dimples pala siya, madalas kasi siyang nakabusangot.

Napakislot naman ako nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Dali-dali ko itong dinukot sa pag-aakalang si Kumag ang nagtext nang bigla kong maalala na hindi nga pala kami nagpalitan ng numero.

Hindi niya kasi ako sinundo kanina sa bahay. Halos kalahating oras akong naghintay sa tapat ng gate namin marahil ay nahihiya siyang magpakita sa akin kaya heto ako ngayon, naglalakad papuntang Academy. Siguro kung noon ito nangyari malamang ay umuusok na naman ang ilong ko sa inis.

Aba! Hindi birong maghintay ng thirty minutes, kung one minute nga ay halos ikamatay niya, ano pa kaya 'tong sa'kin na thirty minutes talaga. Okay, relax na ako baka kung saan nanaman mapunta 'to.

Huminga ako ng malalim saka inilagay ang password ng cellphone ko. Nagtagpo ang kilay ko nang makita ko ang magkasunod na text ni Cassy at Sky na iisa lang naman ang laman ng mensahe, "huwag ka munang pumasok, mag-absent ka nalang muna." Wala sa sarili kong binasa ito.

Seriously? Anong mayroon sa mga 'to at pinapa-absent ako? Siguro ay pinagtitripan ako ng dalawang 'to. Naku! Pati sa pang-ti-trip ay magkatulad pa, soulmate talaga sila. Hindi ko maiwasang bumungisngis habang ibinabalik ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Good morning, Manong guard!" masayang bati ko sa security guard na nakatokang magbantay sa front gate ngayon.

"Late ka na, mabuti na lang at may conference ang lahat ng faculty and staff ngayon." Sabi ni manong guard na ikinakamot ko na lang ng noo ko saka nagpatuloy sa pagpasok. Seryoso nga talaga ang dalawa sa pagpapa-absent sa akin dahil mukhang walang magaganap na klase ngayon.

Mag-te-text pa sana ako kay Sky kung nasaan sila nang bigla ko siyang makita na tumatakbo papuntang SV field.

"Sky!" Malakas na pagtawag ko sa kanya ngunit hindi man lang niya narinig, napasimangot tuloy ako.

"Habulin niyo dali, huwag niyong hayaang makalapit sa mini-stage!" rinig kong sigaw ng isa sa mga lalaki na humahabol kay Sky. Teka, ano bang nangyayari? Bakit siya hinahabol ng ka-team ng gago kong ex sa basketball?

"Miss, anong mayroon sa field?" tanong ko sa schoolmate ko na mukhang doon din yata ang punta.

"Ewan ko, kaya nga ako pupunta roon para malaman ko." Sarkastikong sagot niya na nagpataas ng kilay ko.

"Ah, ganoon ba. Sana ikinaganda mo yang pagtataray mo ha?" sagot ko pabalang saka tinalikuran siya at nagmartsa patungong field. Gaano ba kahirap ang pagsagot ng matino?

Medyo malapit na ako sa field kaya nakikita ko na ang napakaraming estudyante na nakapalibot sa gitna ng field. Makikita sa mukha ng mga estudyante ang excitement sa kung anuman ang ipapalabas mamaya sa dalawang malalaking screen na nakapwesto sa magkabilang gilid ng mini-stage na kung saan tiyak na makakapanood ang lahat.

Okay, mukhang wala naman nasasabi si Cassy sa'kin na magkakaroon ng ganitong activity.

Hmm. Hindi kaya—Oh my God!

Hindi kaya mag-po-propose na si Cassy kaya naman halos mamatay na si Sky kapipilit na makapunta sa gitna para pigilan ang binabalak ng soon to be wife niya? Kyaaaah! Kinikilig na naman ako! Sa sobrang excited ko ay tumakbo na ako palapit sa mga nagkukumpulang estudyante.

Sinubukan kong luminga-linga para hagilapin si Sky at hindi naman ako nabigo. Tumakbo ako papalapit sa kanya ngunit ang hirap dahil sa dami ng mga estudyanteng nababangga ko at ang sikip na rin dahil habang tumatagal ay mas lalo pang dumarami ang mga estudyante.

"Baka nakakalimutan niyong anak ako ng may-ari ng academy na 'to at kayang-kaya ko kayong alisin sa varsity at lalong-lalo na ang patalsikin ko kayo rito sa Academy!" Narinig kong seryosong tugon ni Sky na medyo nasa unahan at patuloy pa ring isinisiksik ang sarili para makalusot sa buong basketball team.

"Sky!" halos tinipon ko lahat ng boses ko para lang makasigaw ng ganoon kalakas at salamat naman dahil narinig niya na. Gulat siyang lumingon sa'kin at tiningnan ako na para bang sinasabing tangina, bakit ka pa pumunta.

"Ano bang nangyayari?" patanong na sigaw ko at patuloy na nakikipaggitgitan. Gusto kong i-confirm sa kanya kung tama ba ang hinala ko.

"Bakit ka pa pumasok, umuwi ka na!" Galit na sigaw niya saka tinalikuran ako at mas lalo pang nagpursigi na makalusot sa mga nakaharang sa kanya.

What the hell? Ano bang nangyayari? Ayaw niya bang masaksihan ko ang pag-iibigan nila? Ang daya naman.

"Attention here ladies and gentlemen!" Napukaw ang atensyon naming lahat sa boses ng babae na nagmumula sa itaas ng mini-stage. Nakapameywang siyang nakatayo sa gitna habang maarteng pinapaypayan ang kanyang sarili. Hindi pa rin naaalis ang bandage sa ilong niya mula sa pagkakasuntok ko sa kanya.

Teka, si Cassy ang inaasahan kong nakatayo riyan at hindi ang magiting na palaka na si Aliyah.

"Our most special guest is here! Please welcome, Jhaeyszel Fate Maracigan!" Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakaturo niya sa'kin kasabay ng pagtinginan ng mga estudyante sa direksyon ko at parang timang na nagsipalakpakan.

Pumikit ako ng mariin dahil mukhang mali ang hinala ko at nararamdaman kong may hindi na namang magandang mangyayari sa araw ko ngayon.

"Yah, Bitch! I'm giving you my last warning, I'm the SC President here so I have the power to give the punishment you deserve. And I'll make sure that you'll regret all of these. So, if I were you, I will stop this nonsense, Aliyah!" Matinis na sigaw ni Cassy. Ngayon ko lang napansin na nakagapos siya sa gilid ng stage at binabantayan ng mga alipores ng gaga. May kung anong itinusok sa leeg niya kaya ito nawalan ng malay.

"Cassy!" mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya ngunit hindi pa man ako lubos na nakakalapit ay may humarang na sa'kin at hinila ako palayo. "Bitawan niyo nga ako!" pagpupumiglas ko.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Sky para sana humingi ng tulong ngunit wala na siya sa harapan. Nilibot ko ang paningin ko ngunit tanging mukha lang ng mga estudyanteng nagbubulungan ang nakikita ko. Tumingin ulit ako sa gitnang bahagi ng field kung saan nakatayo si Aliyah.

"Hey, Yzel! Gusto mo na bang makita ang surpresa ko?" binigyan niya ako ng nakaka-imbyernang ngiti na ginantihan ko lang ng pag-ikot ng mata. Ibinigay ni Hazy sa kanya ang laptop at ipinatong ito sa mesa na nasa gitna ng mini-stage.

"Hope you like my presentation, schoolmates. I'm sure may bago na naman kayong pagpi-fiestahan. And for you ugly bitch, this is my sweet revenge para sa pagpapahiya mo sa'kin sa mall at sa pagsira ng ilong ko." Nanggagalaiting tugon niya habang tinuturo ang ilong niyang nadislocate yata.

Nagsimula na siyang kalikutin ang laptop niya at iniayos ang mga wires na nakakonekta sa dalawang screen. Hindi ko mapigilang kagatin ang hinlalaki ko dahil sa pagkainis at inaamin ko ring kinakabahan ako sa ipapalabas ni Aliyah.

Wala naman akong bahong itinatago para matakot pero iba gumalaw ang tukong 'to. Maya-maya pa ay may humila ulit sa'kin para mas lalo pang mapunta sa harap ng screen.

Nagsimula ng umilaw ang screen pagkatapos noon ay lumitaw ang mga salitang "Who's the real Jhaeyszel Fate Maracigan" sunod-sunod na naglabasan ang mga litrato ko noong panahong kalahi pa ako ni Betty Lafea sa fashion.

Oo sa fashion lang dahil kahit manang akong manamit noon ay hindi naman sabog ang buhok ko, hindi makapal ang kilay ko at lalong-lalo nang hindi ako nagsusuot ng makapal na eyeglasses. Ako lang yata ang manang na Diyosa sa mga panahong 'yon.

"Hahahaha! Gosh! This is so funny!"

"She's so manang pala. That's why Jake left her."

"Hahaha! Saang fashion inspired ba yan? Eww!"

"Ang cute ko pala noon! Sige pa Aliyah, magpalabas ka pa ng throwback pictures ko!"

Nakisabay pa ako sa tawanan ng mga estudyante sa paligid. Jusko! Akala ko naman kung anong revenge na, ito lang pala? Napakaisip bata talaga! Mas lalo pa nga yata akong naging proud dahil sa pagpapakita niya ng throwback pictures ko, ang cute ko kaya roon.

Nakita niya ang pagtawa ko kaya mas lalo pang tumaas ang kilay niya. Himikab pa ako para ipakita na ang lame ng ipinagmamayabang niyang revenge. Tatalikod na sana ako kaso biglang nag-iba ang nasa screen kasabay noon ay ang pagtahimik ng mga estudyante at panlalamig ko.

Halos matigil ang paghinga ko nang makita ko ang sarili kong nakaluhod habang nakahawak sa kamay ni Jake na kung saan nagmamakaawa para hindi niya iwan. Unti-unting bumalik sa isipan ko ang eksenang 'yon at hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko dahil alam ko na ang kasunod niyan.

Hindi pwede. Hindi niya pwedeng sirain ang pagkatao ko.

"Itigil mo yan, Aliyah!" buong tapang na sigaw ko habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Laking pasalamat ko ng pindutin niya ang pause button kasunod noon ay ang samut-saring komento ng mga estudyante na karamihan ay dismayado dahil sa pagtigil ng video.

"Ay sayang naman!"

"KJ!"

"Ituloy mo na!"

"Itigil mo 'yan kung ayaw mong kalbuhin kita!" Nakakuyom ang kamao ko habang humahakbang palapit sa kanya.

"Stay there, bitch. One more step and I will not hesitate to play this!" pagbabanta niya sa'kin kaya tumigil ako. Pinunasan ko ang luha ko at nakipagtitigan sa kanya.

"Itigil mo na 'to, please." Babae siya kaya sana alam niya ang pakiramdam na ganito. Sana hindi niya na ituloy pa. Sana maawa siya kahit alam kong imposible.

"Ano ulit 'yon?" malapad na ngiting tanong niya na para bang tinutukso ako.

"Please, stop!"

"I like to hear you begging! Isa pa nga." Saad niya ulit na tila pinagkakatuwaan ako. Inilagay niya pa ang kamay niya sa tainga niya para ipakita na gusto niya ulit marinig ang sinabi ko.

"Please, Aliyah, maawa ka." Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya. Tumango siya ng marahan saka inilapat ang daliri niya sa keyboard. Nakita ko ang pag-pop ng exit sa screen kaya nabuhayan ako ng pag-asa na hindi naman pala ganoon kasama si Aliyah ngunit pinindot niya ang no at saka ipinagpatuloy ang video. Damn her.

"Oh sige na, halikan mo na ako ngayon, kunin mo na pati pagkababae ko. Ma-satisfy lang 'yang needs na sinasabi mo, huwag mo lang akong iwan, Jake. Hindi ko kaya."

"You're hopeless, kahit ano pa ang gawin mo you will always be the plain and boring Jhaeyszel Maracigan."

Wala na akong ibang magawa kung di ang tingnan ang sarili ko sa screen na nagmamakaawa para hindi iwan. Nahihiya ako, ni hindi ko man lang binigyan ng pagpapahalaga ang sarili ko noon.

Hindi ko mapigilang mapaluhod, sobrang nanlalambot ang tuhod ko dahil sa nakita ko at sa mga mapanghusgang tingin na ipinupukol nila sa'kin ngayon. Parang wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanilang lahat.

"Gosh! Ang landi naman pala!"

"For sure 'yan din ang ino-offer niya kay KL."

"Ilang lalaki na kaya pinagbentahan niya ng sarili niya para hindi siya iwan? Eww."

Napatakip na lang ako sa magkabilang tainga ko habang patuloy na sinasabi ang, "tama na, wala kayong alam!" ngunit parang wala silang naririnig at patuloy pa rin nila akong hinuhusgahan.

Patuloy pa rin ako sa paghikbi ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang malakas na pagtama ng mineral bottle sa ulo ko kaya napaangat ako ng tingin. Nagmula 'yon kay Aliyah, hindi rin nagtagal ay nakigaya na rin ang ibang estudyante sa kanya.

"Bitch!"

"Malandi!"

"Desperada!"

Itinabon ko ang kamay ko sa ulo ko habang patuloy pa rin sila sa pagbato ng mineral bottle at crumpled paper sa'kin. Wala akong magawa, wala akong kakampi. Ngayon ko mas naramdaman na mag-isa na lang talaga ako.

"Mom, alam mo ba ang kasalukuyang nangyayari sa anak mo ngayon? Kuya, daddy kung sana nabubuhay pa rin kayo hindi niyo hahayaang mangyayri 'to." Mahinang pagtawag ko sa kanila na mas lalong ikinaiyak ko dahil alam kong hindi naman sila darating para tulungan ako.

"Ganyan ang bagay sa malanding katulad mo! Sa susunod, pipiliin mo ang kakalabanin mo!" mapunyaging saad ni Aliyah saka sila humalakhak. Patuloy pa rin sila sa pagtapon ng kung ano-ano sa'kin. Halos wala ring silbi ang pagsangga ng braso ko dahil natatamaan pa rin ako.

Kung ganito lang naman pala ang magiging resulta sa sobrang pagmamahal ko noon sa kanya, sana hindi na lang ako nagmahal pa. Bakit kasi sa maling tao pa ako napunta?

Deserve ko ba 'to?

Deserve ko bang mapahiya at masaktan ng ganito? Nagmahal lang naman ako ah.

"Ence, nasaan ka ba?" Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng tao siya ang hinanap ko. Basta kusa na lang siyang sumagi sa isip ko. Marahil ay nasanay ako na sa tuwing kailangan ko ng tulong ay nariyan siya.

Gusto kong tumakbo palayo ngunit sa tuwing sinusubukan kong tumayo ay may kung sinuman ang tumutulak sa'kin dahilan para bumagsak ulit ako sa lupa. Hindi ko na kaya.

"Ence, save me please." Mahinang bulong ko habang nakaluhod at nakatukod ang mga kamay sa lupa.

Puro masasakit na salita at mapangutyang tawanan pa rin ang naririnig ko sa paligid ko hanggang sa napalitan ito ng biglaang katahimikan kasabay noon ay ang pagtilapon ng isang bagay at pagkabasag nito.

Iaangat ko pa sana ang ulo ko para tingnan ang nangyayari ngunit biglang may humigit ng pulsuhan ko para itayo ako.

~*~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro