Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26

~*~
YZEL
~*~


"Hey, Vincent! Don't turn your back at me! How can we practice if you keep on iwas?"

"Makakasayaw ka pa rin naman kahit nakatalikod ako, Blaire, arte!"

Kanina pa sila nagbabangayan dito sa music room, vacant time kasi kaya naisipan nilang mag-practice.

Oo. Nila lang, hindi namin.

Malapit nang mag-uwian ngayong hapon ay hindi pa rin pumapasok si Ence, hindi ko alam kung nandoon pa rin siya sa likod ng building. Simula nang iwan ko siya roon ay hindi na ako nagtangka pang silipin siyang muli. Kumusta na kaya siya?

"Aray, Blaire! Bakit ka ba nangbabatok? Gusto mong tirisin kita, ha?" Napatigil ako sa pag-iisip kay Kumag dahil sa biglaang pagsigaw ni Sky na akala mo naman naipit ang hintuturo sa pinto.

"What do you think of me? A lice?"

"Bakit hindi ba? Mukha kang kuto, kuto na nanghahalik!"

"If you're not going to shut up, I'll kiss you again!"

"Lumayo ka sa'kin, masamang espirito!"

Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan sila ngayon. Si Sky na nakapormang cross ang drumstick samantalang si Cassy naman ay nakangusong hinahabol siya, mukha silang tanga.

Aliw na aliw sila sa pinaggagawa nila samantalang ako ay hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang kalagayan ni Kumag. Kinuha ko na lang ang notebook at ballpen ko para aliwin ang sarili ko.

"Sky Vincent + Cassy Blaire," mahinang basa ko sa sinulat ko. Kasalukuyan kong tinatapik ng ballpen ang noo ko habang nag-iisip ng magandang combination ng mga pangalan nila.

= Kyssy. Crash out!

=Caky. Ano 'yon, pantalon?

=Censsy. Ang bantot!

=BlaiCent.

Waaaaa! Tama, BlaiCent! Ang cute!

"Best oh!" Tawag ko kay Sky habang pinapaypay ang papel na hawak ko. Pinakita ko 'yong doodle ko sa kanya na may lettering na Blaicent.

"Tantanan mo nga ako, Yzel!" Sabi niya sabay tapon ng papel sa mukha ko, buti na lang nadampot ko agad.

"Sungit! Cassy, sayo na lang!" Nang nakita naman ni Cassy. Ayon! Ang lapad ng ngiti, kulang na lang ay umabot ito sa bunbunan niya.

"Kyaaaaah. It's so ganda, our names are so bagay pala. I'll keep it! Thanks, Yzel!"

"Well, genius kasi ang nag-isip. Oh siya, alis na muna ako para makapag-bonding kayo." Kinindatan ko pa si Cassy bago umalis. Si best friend naman kulang na lang ibato sakin 'yong cymbals na nasa tabi niya, binelatan ko lang siya.

Pa-sway-sway lang ang kamay ko sa gilid habang naglalakad habang nagha-humm ng paborito kong kanta—Pansamantala.

Mangilan-ngilan na lang din ang mga estudyanteng nakakalat, karamihan sa mga naglalakad ay pabalik na rin sa mga classrooms nila. Tiningnan ko ang wrist watch ko, five mintues na lang ay magsisimula na ang klase namin sa Filipino pero imbis na pumunta sa classroom ay tinungo ko ang daan papuntang likod ng building.

Kailangan ko nang puntahan si Ence ngayon. Sapat na oras na ang binigay ko sa kanya para makapangmuni-muni siya at maayos niya ang lumuwag na turnilyo sa ulo niya. Baka kasi ako na naman ang mapagbalingan ng galit niya kaya dapat may magandang pambungad ako sa kanya kapag nagkaharap na kaming dalawa.

Ano kayang magandang gawin para maaliw ko siya? Hmm.

Ayain ko kaya siyang mag-bar hopping?

No! hindi na ako uulit, diyan nagsimula ang lahat ng kamalasan sa buhay ko.

Star Gazzing?

Uhh, sinusumpa ko nga pala ang mga bituin.

Movie marathon?

Ayaw ko siyang patambayin sa kwarto, baka lumabas siyang bulag dahil baka hindi ko mapigilang dukutin ang mga mata niya at idisplay ng tuluyan sa kwarto ko. At isa pa, puro Cd ng barbie at disney princess lang ang mayroon ako.

Nakakaasar, wala man lang akong maisip.

~*~
SKY
~*~

Ang lakas talagang mantrip ni Yzel, kaya nga sinama ko siya rito para hindi ako ma-awkward, pero wala naman siyang ibang ginawa kung di tuksuhin kami tapos iniwan niya pa ako sa conyong babaeng 'to.

"Vincent, what characteristics do you like in a girl?"

"Practice na nga tayo." Kinuha ko ang gitarang nakapatong sa mesa pero inagaw niya 'yon sakin. Naman Blaire, alam mo ba 'yong salitang awkward ha?

Iyon tayo ngayon.

"You're so daya. Answer me first, besides, it's a part of getting to know each other, right?" Nakangisi pa niyang sabi at base sa ngisi niyang 'yan, alam kong hindi niya ako tatantanan.

"Una, gusto ko yung nagtatagalog, marunong mag-bake, masungit, sweet, topakin, masayahin, simple, laging nandiyan na kahit anong mangyari hindi ako iiwan, gusto ko 'yong—"

"You're describing Jhaeyszel." Komento ni Blaire sa sinabi ko. Napatitig tuloy ako ng diretso sa kanya.

Siguro 'yong katulad lang sa characteristics ni Yzel ang gusto ko, hindi naman totally na si Yzel talaga. Best friend ko kaya 'yon kaya kapag naghanap ako ng syota gusto ko kagaya niya rin para kapag pinakilala ko na, wala ng problema sa kanya kasi katulad sila ng ugali, mapanglait pa naman ang bubwit na 'yon.

"Do you like Yzel?" Seryosong tanong niya na nagpatawa sa'kin.

"Siraulo ka ba, Blaire? Best friend ko 'yon since birth. Kapatid na nga turing ko sa kanya."

"I'm glad to rinig that from you. I don't need to get jealous to Yzel pala," nakangiti niyang sabi. Tumalikod ako saka pinagpipindot ang keyboard, kunyari busy. Ang hilig niya talagang gawing awkward ang paligid.

"Fall for me and not with Yzel, Sky. I'll make everything to make you love me and I'm really serious about what I'm talking."

"Blaire, ano ba. Ayan ka na naman!" saway ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko. Binawi ko naman ang mga kamay ko saka tinago sa likuran ko.

Pakiramdam ko talaga transgender 'tong si Blaire. Mas mabilis pa siyang dumiskarte kaysa sa'kin. Talo niya pa ang lalaki sa pinaggagawa niya kaya nakaka-turn off.

"I can see that you like her." Sabi niya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Sino? Si Jhaesyzel ba? Hindi nga sabi!

Hindi nga ba?

Hindi. Hindi pwede!

"But please, don't dare to fall for her. If you'll do that I might get hurt and get mad with Jhaeyszel. I know my self too well. I'll do terrible things when I'm inlove. I'm possessive you know." Hindi ako nakapag-react sa sinabi ni Blaire. Pinagbabantaan niya ba ako?

Anong gagawin niya kapag nagkagusto ako kay Yzel? As if naman na sasaktan niya si Yzel, matagal ko ng kaibigan ang eng-eng na 'to at alam kong mabait siya, hindi niya magagawang saktan si Yzel. Kung sakali mang gawin niya 'yon nandito naman ako para protektahan ang best friend ko.

Siguro nasasabi niya lang ang mga 'to ngayon dahil— d-dahil s-seryoso talaga siyang g-gusto niya ako.

"But don't worry because I'm gonna make sure, you'll fall inlove with me and not with anybody else." Masayang tugon niya saka niligpit ang mga gamit niya at lumabas na sa music room.

Napasandal ako sa keyboard habang pinagmamasdan siyang naglalakad palabas. Hindi ko alam kung doon ba sa sinabi niyang gusto ko si Yzel o sa sinabi niyang mahuhulog ako sa kanya kaya ganito kabilis ang tibok ng puso ko.

Ngayon pa lang natatakot na ako.

Natatakot ako na baka dumating 'yong araw na may masaktan akong ibang tao o masaktan ko ang sarili ko. Kasi kahit ako mismo hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung anong nararamdaman ko.

~*~
ENCE
~*~

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta tayong mall!" Nakapameywang siya at nakataas ang isang kilay niyang sabi habang nakaharang sa pinto ng kotse ko.

Kanina pa talaga ako naririndi sa pangungulit niya sa'kin, mula sa likod ng building hanggang dito sa parking lot ay wala na siyang ibang sinabi kung di ang mag mall.

Bar ang kailangan ko ngayon, hindi mall. Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis ko, konti na lang talaga, papatulan ko na 'to.

"Go with yourself." Inis na sagot ko saka ko siya tinabig at pumasok sa kotse ko. Nakita ko naman siyang tumakbo papunta sa passengers seat. Takot niya lang na iwanan ko siya rito.

"Eh! Tara na kasi!" Mukha siyang tangang pinagpapadyak ang paa niya sa loob ng kotse ko.

Damn this annoying childish brat! Kanina pa mainit ang ulo ko huwag na sana niyang dagdagan pa baka mabalibag ko siya.

"Ence! Sige na Puh-lease?" Napantig ang tainga ko dahil sa muli niyang pagtawag ng Ence sa'kin.

"How many times did I tell you, don't call me Ence." Humigpit ang hawak ko sa manibela, kapag hindi pa 'to tumigil, tangina lang makakasapak talaga ako ng babae.

"Ence, madami ng natawag na KL sayo.  Huwag mo ngang ibahin ang topic! Sige na, punta na tayong mall, dali na, Ence." Huminga ulit ako ng malalim at itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Naramdaman ko namang tumagilid siya paharap sa'kin.

Pucha, kapag hindi niya pa tinigilan ang kakatitig sa'kin ng ganyan paniguradong mababangga kami.

"Take your eyes off me, bitch." Giit ko nang hindi siya nililingon. Tumingin ako sa rear mirror ng kotse ko at nakita ko siyang nakayuko na nakapout at pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Feeling niya cute siya para gumanyan?

Binalik ko ulit ang tingin ko sa daan pero hindi ko mapigilang lingunin ulit siya. Sakto naman paglingon ko, nakatingin ulit siya sa'kin, muntik ko nang maapakan ang preno dahil sa gulat.

"Sige, iuwi mo na lang ako sa amin." Malungkot na saad niya at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Naririnig ko rin ang paulit-ulit na pagbuntong-hininga niya.

Wake up, Ence. Don't let that idiot hypnotize you again. Avoid looking at her eyes, Ence. Damn you! Don't get affected to her drama!

"Shit," lihim na mura ko saka iniliko ang kotse sa daang papunta sa mall.

~*~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro