Chapter 25
Chapter 25
~*~
YZEL
~*~
"What take you so long? I'm waiting here for almost one minute!" Bungad ni Ence nang makasakay na ako sa kotse niya. Anak ng minute! Para namang ikamamatay niya kapag pinaghintay siya ng isang minuto.
"Good morning din, Mr. Blue Eyes." Masayang bati ko saka tumingin sa mga mata niya.
Ang pagtitig ko sa asul niyang mga mata ang naiisip kong paraan para kahit papaano ay hindi ako masyadong mainis sa kanya. Pasalamat talaga siya at naging blue ang mga mata niya. Tinignan niya lang ako ng masama at muling ibinalik ang tingin sa daan.
"Why aren't you afraid with my glares? The nerve with you." Sobrang hina ng bulong niya pero hindi pa rin 'yon nakatakas sa pandinig ko.
"Oh my, Gee! I need air! KL is in front of me trying to kill me by his stares! Gosh! I can't help it anymore!" Sarcastic na sabi ko with feelings.
"Should I react that way then?" Nilingon ko siya na may nakakalokong ngiti sa labi. Bakas sa mukha niya ang pagpipigil ng inis dahil sa pag-igting ng bagang niya at pagguhit ng ugat sa kanyang leeg.
Nafu'frustrate ba siya kasi hindi ako tintablahan ng masasamang titig niya? Oh well, baka mas lalo pa siyang ma-frustrate kapag sinabi ko sa kanyang gustung-gusto ko ang mga mata niya. Mata lang ha, MATA. Capslock 'yan, para malinaw.
"You're unbelievable," 'yan lang ang nasabi niya habang umiiling. Hindi na rin ako muling nagsalita hanggang sa makapasok na kami sa loob ng Academy.
Ngayon ay nag-iisip na ako ng paraan kung paano bababa sa kotse ni Kumag nang hindi nakakaagaw ng atensyon ng mga estudyante. Huli na para sabihan siyang ipark na lang ang kotse niya sa wala masyadong estudyante dahil nakababa na siya.
Pinagmasdan ko si Ence habang naglalakad na palayo sa kotse niya. I am expecting that those flirts will shout KL's name at the top of their lungs, kasi naman required ang pagtili ng mga haliparot dito kapag nakakakita ng gwapo. Pero bakit para silang nagbubulungan? Out of curiosity ay bumaba na rin ako sa kotse niya.
Ang kaninang bulungan ngayon ay napalitan na ng pagkagulat at mapanglait na komento. Napapikit ako ng mariin dahil sa mga narinig ko.
"Oh my gosh! Bakit magkasabay sila ni KL?"
"That's Maracigan from 4A right? She's a flirt!"
"That is the bitch who punched Aliyah's nose."
"I thought hindi pa siya nakakamove on kay Jake, pero bakit nakikipaglandian na siya ngayon?"
"God! Si KL ba ang next target niya?"
"We should warn KL about this."
"Pero nakakatakot lumapit kay KL, girl."
Napalunok naman ako ng laway ko. Hindi sapat ang pasensyang inipon ko para pagtyagaan lahat ng pinagsasabi nila sa'kin. This patience is exclusive for KL only.
"Mind your own business, bitches! Baka gusto niyong magaya kay Aliyah?" singhal ko sa kanila. I really need to leave this place before I'll send them all to our school clinic.
Taas noo akong naglakad habang binibigyan nila akong mapanghusgang titig. Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko dahil sa ginagawa nila.
Nahagip naman ng mata ko si Cassy na kulang na lang ay lumuwa ang mata dahil sa nakita. Ginantihan ko lang siya ng I'll-explain-later-look pero hindi niya yata naintindihan ang nais kong iparating dahil patakbo siyang lumapit sa'kin.
"Share," utos niya na nakataas ang kilay habang naka-crossed arms.
"Dito talaga, Cassy?" pagmamaldita ko saka siya inirapan.
"Spill it, Yzel!" atat na sabi niya habang sumasabay sa paglakad ko.
"How long are you dating? Is he courting you? Why we are not updated about this?" sunod-sunod na tanong niya.
"My gosh, Yzel! I thought you hate him? How is he as a boyfriend? Is he sweet ba? Gosh! You're so lucky!" Halos hindi na tumigil kaka-ikot ang mata ko sa pinagsasabi ni Cassy. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya dahil alam kong hindi niya ako tatantanan.
"Kilabutan ka nga! Hindi kami nagde-date at lalong-lalo na hindi ko siya boyfriend."
"Then why—"
"Sshhhh! Manahimik ka muna, pwede?" Pigil ko habang nakalapat ang index finger ko sa labi niya.
"Ganito 'yon, humingi ng favor ang mommy niya sa'kin na tulungan siyang magmove-on. Pero hindi ako rebound, syempre. I will be just his friend na aalalayan siya, iintindihin 'yong kagaguhan niya, pakikisamahan siya sa ugali niya until he get better. Alam kong mahirap gawin kasi hindi ganoon kahaba ang pasensya ko at alam mo 'yon. At sana huwag mo ng ubusin ang pasensya ko sa mga nakaka-bwesit na tanong mo dahil ang hirap mag-ipon ng pasensya at baka ikaw ang mapagbuntungan ko." Huminga ako ng malalim pagkatapos kong magpaliwanag sa kanya.
"Understood?" dagdag ko pa saka tinaasan siya ng kilay.
"Yeah. But Yzel, making KL to be matino is quite hard to gawa. You know, KL is a handsome cold-hearted montster," komento niya.
"I know pero kakayanin ko." Sana nga makayanan ko.
"I doubt it. You know ba if what really happened in his past? There's another rumor about him na kumakalat again." Napaisip ako sa sinabi ni Cassy, ang alam ko lang niloko siya and I don't know the reason behind it, kaya umiling ako bilang sagot.
"Aside sa niloko siya ng ex niya wala na akong ibang alam." Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang classroom.
"KL betrayed by his friend, Blake. The ex leader of negative one. He make agaw KL's slutty girlfriend. That girl choose Blake over him and after that KL became a cold-hearted monster." Natigilan ako saglit sa sinabi ni Cassy. Masakit nga 'yon.
Ako nga pianagpalit sa pangit sobrang sakit na, siya pa kaya na trinaidor at inahas pa? Kaya pala naging ganyan kagaspang ang ugali niya.
Hindi na ako kumibo sa sinabi ni Cassy at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Medyo malapit na kami sa room nang may narinig kaming sumigaw. Nagtinginan muna kami ni Cassy bago tumakbo papasok ng room.
Nakita ko si Ence na naka kuyom ang kamao at nakayuko habang nasa tabi niya ang bumaliktad na teacher's table. Ano na namang nangyari?
"The next time you speak about me, make sure that I'm not around!" Halos mag-echo ang boses ni Ence sa loob ng room sa lakas ng sigaw niya. Bakas ang takot sa pagmumukha ng mga kaklase ko, maging ang mga lalaki namin ay nakayuko rin. Walang may lakas loob na magsalita at lapitan siya, well, except for Cassy.
"What happened?" Tanong ni Cassy nang makalapit siya kay Ence ngunit tinalikuran lang siya nito at diretsong naglakad papunta sa—sa'kin?
Tumigil siya sa harap ko at nakipagtitigan. Galit na galit ang mga mata niya na para bang gusto niyang ibuhos sa'kin lahat ng sama ng loob niya. Teka, baka iniisip niyang ako ang nagpakalat ng tsismis tungkol sa kanya? Hala. Wala akong kinalaman dito.
"W-wala akong ginagawa sayo. K-kararating ko lang." Bahagya akong napalunok at hinihintay ang susunod niyang gagawin. Maya-maya pa ay nilampasan niya rin ako. Akala ko ililibing niya na ako ng buhay.
"We're just talking about her Ex. We didn't know naman na nariyan pala siya. Nilait pa namin 'yong girl." Sabi ni Abigail na naiyak na sa takot, mga chismosa kasi.
"Narinig niya rin siguro na kinakaawaan namin siya kasi pinagpalit siya ng ex niya sa best friend niya. We also talked about his best friend's betrayal, we talked about Blake Fontanilla, the ex leader of Negative One," dagdag pa ni Arjean na ikinailing ng ulo ko.
Blake Fontanilla pala ang pangalan ng best friend niya. Wala siyang kwentang kaibigan, napakasama niya para gawin 'yon kay Ence. Kahit pa napaka-bwesit ng ugali ni Kumag ay hindi niya pa rin deserve na masaktan at lokohin ng ganoon.
Hindi bale, kapag nakasalubong ko 'yang Blake na 'yan, susuntukin ko siya para sa'yo, Kumag.
Kailangan kong puntahan si Ence ngayon kaya lumabas na ako ng room. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil sa dami ng tsismosa sa paligid. Pumunta ako sa likod ng building, nakita ko siyang paupong nakasandal sa malaking puno, nakapikit, namumula, nakakuyom ang mga kamao. Sa madaling salita nagpipigil nanaman siya ng galit niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, umupo ako sa harap niya, 'yong upong hindi sumasayad ang pwet sa lupa. Kinuha ko ang earphones sa bulsa ko at inilagay sa tainga niya.
Napamulat siya dahil sa ginawa ko. Nagtama ang mga tingin namin pero siya rin ang unang umiwas ng tingin at marahas na tinanggal ang earphones sa tainga niya, pero binalik ko 'yon.
"What the fuck are you doing?" Galit na sigaw niya at tinapon ulit ang earphones.
"Masakit talagang makarinig ng mga bagay na pilit mong kinakalimutan pero pilit din namang pinapaalala ng mga tao sa paligid mo. Magpanggap ka na parang walang naririnig, gaya ng pagpapanggap mong hindi ka nasasaktan." Seryosong sabi ko habang direktang nakatingin sa kanya pero hindi siya nakatingin sa'kin. Bagkus ay nakayuko siya na para bang binibilang kung ilang langgam na ang dumaan sa paanan niya.
"Shut up. I'm not hurt, I'm furious." Sabi niya habang galit na galit na binibigkas ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Nag-angat siya ng tingin at nakita ko kung paano mamula ang mata niya dahil sa galit at sakit. "Shut up because you don't know anything."
"Hindi mo maitatago sa galit na boses mo ang sakit na nakikita ko sa mga mata mo. Huwag kang mag-alala, magiging ayos ka rin. Babalik ka rin sa dati." Saka ko siya nginitian at pinulot ang earphones sa tabi niya.
"Oh, ipapahiram ko muna sayo 'to, effective yan. Subukan mo ha?"
Tumayo na ako para umalis. Alam kong sa oras na to kailangan niyang mapag-isa. Ngayon medyo naiintindihan ko na kung anong pinanghuhugutan at pinaglalaban niya.
Pareho lang pala kami ng pinagdadaanan, pareho lang kaming naloko at pinaniwalang hindi kami iiwanan. We're just standing in the same shoes but the only difference is he let anger to win over him.
Binigyan ko siya ng isang sulyap bago tuluyang umalis. Nakatitig lang siya sa earphones ko na hawak niya at nakita ko ang sunod-snuod na pagpatak ng kanyang luha.
Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya pero alam kong hindi niya gugustuhing may makakita sa kanya sa ganoong sitwasyon.
Ganyan nga, umiyak ka lang, iiyak mo lang lahat ng sakit at galit. Huwag kang mag alala, Ence. Hindi kita susukuan. Tutulungan kita, wala ng urungan 'to.
~*~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro