Chapter 23
Chapter 23
~*~
DREY
~*~
"Talaga Daddy? Uuwi kayo ni Kuya ngayon?"
"Yes baby girl. Actually paakyat na kami ng rooftop ng kuya mo, naghihintay na ang private plane na sasakyan namin."
"Yehey! Akala ko kami lang ni mommy ang magce-celebrate ng 7th birthday ko. Natanggap ko na nga po pala 'yong birthday gift na pinadala niyo sa'kin Daddy, pero ang pag-uwi niyo po rito ni Kuya ang pinaka the best!"
"Nambola pa. Oh, sige na. Maya-maya ay nariyan na kami ni kuya Jade mo. Goodbye my princess, always remember that Daddy loves you so much."
"I love you too, Daddy, pakisabi rin po kay Kuya Jade na sobrang love ko po siya." Natapos na ang pag-uusap nila kaya muli niyang ibinaling ang atensyon niya sa'kin. Nakangiti na siya ngayon, 'di tulad kanina na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya dahil sa kalokohang ginawa ko sa anak ng ka-business partners niya. Masyadong maingay kaya pinatulog ko sa pamamagitan ng pagsuntok.
"Sana ang pagiging basagulero mo ay magamit mo sa pagprotekta sa kapatid mo, Jade. Huwag mo sanang hahayaang mapahamak siya, sila ng mommy mo." Saad niya na kitang-kita ang sobrang pagmamahal niya para sa kapatid ko na ni minsan ay hindi ko nakita sa kaniya at kay mommy ang ganoong klaseng pagtingin para sa'kin.
Naiinggit ako pero hindi ko magawang magalit sa kapatid ko dahil siya lang ang nagpapakita nang totoong pagmamahal sa'kin. Siya lang ang nagpaparamdam sa'kin na mahalaga ako sa pamilya kahit anak lang ako sa labas.
Oo, isa lang akong pagkakamali na pilit ginagawang tama ni Jhay. Anak ako ni Daddy mula sa pagkabinata, nabuo ako habang magkasintahan pa rin si Dad at ang mommy ni Jhay. Sa madaling salita bunga ako ng isang tukso.
"Kahit hindi niyo na po sabihin ay talagang gagawin ko 'yon para sa kanya." Seryosong tugon ko. Sa murang edad na trese anyos ay alam ko na ang nakaambang kapahamakan sa mundong ginagalawan namin. Isa siyang politiko at the same time CEO ng sarili naming kompanya— Infinite Victory.
"Sana hindi ka magtanim ng sama ng loob sa'min ng mama mo, Jade. Kung paano ka namin itrato at ang kapatid mo. Lalaki ka, ikaw ang inaasahan namin ng mommy mo sa lahat, sa pagbantay sa pamilya natin pati na rin sa negosyo. Kailangan naming maghigpit sa'yo para hindi ka malihis ng landas." Natapos ang mahabang paliwanag niya sakto naman na siyang pagbukas ng pinto ng elevator. Bago kami lumabas ay hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko, lumuhod siya sa harap ko para magpantay kami ng tingin.
"Mahal kita, Jade. Huwag na huwag mong kalilimutang mahal ka rin namin ng mommy mo." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Iyon ang unang beses na sinabi sa'kin ni daddy na mahal niya ako. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang mata ko pero bago pa man umagos ang nangingilid na luha ay hinawakan ni daddy ang mga kamay ko saka hinila na ako palabas.
Mahal kita, Jade. Huwag na huwag mong kalilimutang mahal ka rin namin ng mommy mo.
Kay sarap pakinggan. "Mahal din kita, Dad." Pero bago ko pa man nasabi 'yon ay biglang umalingawngaw ang malakas na putok na nagmumula sa isang baril. Sigurado ako.
Napayuko ako habang nakatakip ang mga kamay ko sa magkabilang tainga. Nagpalinga-linga ako upang hanapin kung kanino at saan nanggaling iyon.
"D-dad. Ano pong nangyayari?" Natatakot na tanong ko kay Daddy. Hindi niya ako sinagot kaya nilingon ko siya, doon ko lang napansin na may dugong lumabas mula sa bibig niya kasabay ng pagbagsak ng katawan niya sa bandang gilid ko.
Nakadapa siya kaya kitang-kita ko ang pag-agos ang pulang likido mula sa likuran niya, hirap man ay sinusubukan niyang makabangong muli ngunit siya'y nabigo. Nakaangat ang isa niyang kamay na tila ba inaabot ako.
"J-Jade," hirap na tawag niya sa'kin. Nanatiling lang akong nakatitig sa kanya habang nanginginig.
Muling umalingawngaw ang isa pang putok at tinamaan nito ang ulo ni Daddy. Doon na rumehistro sa isip ko ang kasalukuyang nangyayari. Umiiyak akong lumuhod sa harap niya saka niyakap siya ng mahigpit.
"D-dad, huwag mo akong iiwan! Uuwi pa tayo, gumising ka Dad!" Patuloy na pagtapik ko sa pisngi niya nagbabakasakaling imulat niyang muli ang mga mata.
"Daddy! Kahit huwag mo na po akong mahalin mabuhay ka lang, Dad! Huwag mo kaming iiwan, Daddy!"
Wala akong ibang nagawa kung di ang tawagin siya at umiyak. Wala akong ibang nagawa kung di ang tingnan ang lalaking tumatakbo palayo sa'min. Wala akong ibang nagawa kung di ang umiyak habang nakayakap sa ama kong duguan.
Isa lang akong hamak na trese anyos, walang alam kung di ang makipagsuntukan at makipagbasag-ulo ngunit hindi ko man lang nailigtas si Dad. Ni hindi ko man lang naisipang habulin ang lalaking bumaril sa kanya.
Naduwag ako, natakot.
"Isinusumpa ko Dad, ipaghihiganti kita. Hahanapin ko ang may gawa sayo nito, papatayin ko siya. Papatayin ko siya sa paraang sobra pa sa ginawa niya sa'yo!"
~*~
"Mga bro! Nakita kong gumalaw ang mga daliri ni Drey!"
"Talaga, Aikee? Bakit hindi pa rin siya dumidilat?"
"Cyber, tigilan mo nga 'yang kabubuklat ng mata niya!"
"Kiro, baka kailangan na nating itapat ang tainga niya sa malaking sound system para magising?"
"Y-your loud v-voice is enough to w-wake me up, idiots." I said in a husky voice.
"Drey!" I winced when the two dumbass shouted in unison as I open my eyes. I'm refering to Aikee and Cyber though. Kiro is still calm while checking on me through his looks while KL is—
"Where's KL?" Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at hindi pa rin mahagilap ng mata ko ang pagmumukha niya. Mas malubha ba ang kalagayan niya kaysa sa'kin? The last thing I remember before I fainted was he got stabbed.
"Kung nag-aalala ka sa kanya, huwag na. Paniguradong nagmumura na 'yon dahil tinigil na ni Tita Rency ang pagbibigay ng pondo sa Little Angel." Napailing na sagot ni Aikee. "Sana ay magawan niya ng paraan." Dagdag niya pa na halatang nag-aalala para sa mga batang inaalagaan ng Little Angel.
"Can you please stop what you're doing, Aikee? It makes me feel more dizzy." Sita ko sa kanya dahil paroo't parito ang paglalakad niya na mas nakadagdag sa pagkahilo ko. "We know KL, he have his ways." I assure him.
"But Tita have her crazy ways too. Mas nakakabaliw pa ang mga plano niya kaysa sa mga babaeng gustong maikama ako." Pagsalungat ni Cyber sa sinabi ko na nagawa pang isingit ang pagka-fuck boy niya.
Anyways, Tita Rency is really desperate about her plans, I thought it's just another dare game for her.
I know it's not just a stupid match make for her to cross the line, I know there's more reason and plans behind her action. The question is, what it is? Why is she doing all of these? I don't want to doubt her because she's KL's mother but I just can't.
I close my eyes and take a deep sigh. I need to relax my mind, I need to think wise.
"Kumusta ang dalawang araw na tulog, bro? Nanaginip ka ba ng bebot na nakahubad kaya parang ayaw mo nang magising?" Nagulat ako sa sinabi ni Cyber, hindi dahil sa pagiging manyak niya kung di dahil sa sinabi niyang dalawang araw akong tulog.
"Bro, ba't ka naiyak habang tulog? Iniwan ka ba no'ng bebot na nakahubad sa panaginip mo?" Aikee asks foolishly.
I clenched my fist as I remember it again. That nightmare never stop haunting me. This is what I hate about sleeping, I always remember his death, I always remember how coward am I for not fighting. I remember how useless am I for not doing anything to save him, shame on me.
"May masakit pa ba sayo, bro?" Kiro ask as he handed me a glass of water. Finally, naisipan na rin nila akong abutan ng tubig. I take a sip before answering him.
"Nothing. I just feel nothing." Literally I feel numb, I can't even feel the glass I'm holding right now.
"Hindi pa ring tuluyang naaalis ang lason sa katawan mo. They call it SKIP or the Sleeper Killer Potion. Target nitong sirain ang utak mo, 'yong tipong hindi na naayon ang iniisip mo sa ginagalaw mo. Kapag nasobrahan ka nito ay para ka na lang tulog ngunit buhay, gumagalaw at kayang pumatay, mangyayari lang ito kapag umabot ka ng isang linggo na hindi pa rin nagigising." Paliwanag ni Kiro habang hawak ang isang boteng naglalaman ng berdeng likido.
"Is that the SKIP?" He nodded as I asked him.
"Napulot ko 'to noong nakikipaglaban tayo, marahil ay nahulog ng isa sa mga ugok. Nagawan ko siya ng antidote pero hindi ganoon ka-epektibo dahil hanggang ngayon ay may natitirang lason pa sa katawan mo, pero kay KL wala na, kasi kaunting lason lang naman ang pumasok sa katawan niya."
"What if I'll try to drink it again?"
"Hindi na pwede, Drey. Hindi ko pa alam ang side effects ng antidote na 'to baka mas lalong lumala ang kondisyon mo kapag sinubukan natin ulit." Napainom na lang ulit ako ng tubig dahil sa sinabi niya. Hanggang kailan ako magiging ganito?
Kailangan ko nang gumaling. Kailangan kong alamin ang bawat kilos niya, kailangan ko siyang bantayan.
"Aikee, OP yata tayo rito. Exit na tayo!"
"Oo nga, Cyb. Pang-computer lang ang utak ko, hindi rin ako maka-relate."
Bulungan ng dalawa bago lumabas ng kwarto ko. Lumapit nang bahagya si Kiro at seryosong nakatingin sa'kin.
Mukhang ang paglabas ng dalawa ang hinihintay niyang pagkakataon para makapagtanong ng maayos.
Panigurado akong gusto niyang malaman ang lahat para makalkula ang pangyayari at hindi nga ako nagkamali.
"Sabihin mo sa'kin lahat. Simula hanggang dulo."
Ininom ko ang natitirang tubig sa baso at nagpakawala ng buntong hininga.
"If that case is related to Jhaeyszel, I'll help you but if it is just all about you, then I'll go ahead. And I think it's the latter." I saw the annoyance to KL's eyes as I tap his shoulder and leave him.
I put my hands inside my pocket while remembering her face.
She has a cute dark brown eyes with a long eye lashes, pointed nose and a pinkish lips. She looks messy because of her hair and bangs but I find it cute.
Her sweet angelic voice that made me stopped for a while—that made me crave for more. I want her to speak, I want to hear more from her.
Jhaeyszel Fate Maracigan. You're adorable but naive. You got yourself into a big trouble but you doesn't have any idea about it. You must stop fooling around with KL before it's too late for you— before it's too late for me.
"Naayos na po namin ang Detention room, Sir. Malinis na rin ang loob nito." Tahimik akong nagmamasid sa mga galaw ng tao sa loob ng academy habang nakasandal sa malaking puno. Masyado silang abala para mapansin ako. May plano naman talaga akong sundin si KL, gusto ko lang talaga siyang bwesitin.
Nagsimula nang umalis ang dalawang lalaki pagkatapos itong abutan ng bayad. Nakapagtataka, bakit kailangan nilang mag-ayos ng nasirang room sa dis-oras ng gabi? Ito na ba ang sinasabi ni KL na kakaiba?
"Sir Cloud, nalinis na po namin ang CCTV footage. Wala na pong ebidensyang natira."
"Good." Maikling tugon ng lalaking nasa 50 anyos ang edad, nakasuot siya ng itim na Tuxedo. Panay rin ang sulyap niya sa cellphone na parang may hinihintay na tawag. Maya-maya pa ay inilapat niya ito sa tainga niya.
Bahagya itong lumapit sa punong kinalulugaran ko kaya agad akong nagtago sa malaking pasong katabi nito. Nakatulong rin ang malalagong sanga at dahon ng halaman para maitago ako ng mabuti.
"Veronica."
"Kumusta, Cloud?"
"Napakalaking gusot nitong ginawa mo sa paaralan ko."
"Nagagalit ka ba sa'kin, Cloud? Baka nakakalimutan mo, ako ang dahilan kung bakit bukas pa rin ang walang kwentang paaralan mo."
"Nakulong mo na sila sa detention room at muntik ng mamatay ang inaanak ko. Nakauwi na sila ngayon, salamat dahil hindi isang ordinaryong estudyante lang si Santiago, kapag nagkataong namatay si Maracigan marurumihan ang pangalan ko. Hindi ko talaga lubos na maintindihan kung anong gusto mong mangyari!"
"Wala kang pakialam doon."
"Nagawa ko na ang gusto mo. Sana tantanan mo na ang pamilya ko."
Natapos na ang pag-uusap nila, umalis na rin ang lalaking nagngangalang Cloud. Sigurado akong si KL at Jhaeyszel ang nakulong sa detention room. Kaya pala magkasabay silang umuwi ngayon.
Sino si Veronica? Ano ang binabalak niyang gawin?
Kailangan kong makausap ang matandang lalaking 'yon. Kailangan niyang sabihin sa akin ang lahat, ngunit hindi pa man ako nakakatayo mula sa pinagtataguan ko ay may naramdaman na akong pagtusok sa leeg ko at bigla akong nawalan ng malay.
"Nagising na lang akong puno ng tali ang katawan, nakagapos rin ang kamay at paa ko. Pakiramdam ko ay nawala rin ang buong lakas ko para lumaban pa sa kanila. Kinuha ni Zed ang cellphone ko at tinawagan si KL kaya ako nakahingi ng tulong."
"Cloud Abueco ang may-ari ng Academy. Veronica Alab, prefect of discipline ng Academy." Panimula ni Kiro habang nakalagay ang kamay sa ilalim ng baba niya. Ganyan na ganyan siya kapag malalim ang iniisip.
"Kung prefect of discipline lang ang Veronica na 'yon, bakit nagagawa niyang kontrolin ang may-ari ng paaralan?" tanong ko.
"Gaya ng kwento mo, may utang na loob si Sir Cloud sa kanya. Hindi niya gusto ang binabalak nito pero wala siyang choice kung di ang sumunod."
"He's protecting his family and I think Veronica is threatening him." Sabi ko saka umupo mula sa pagkakahiga, inalalayan naman ako ni Kiro.
"Malakas ang Kutob ko na hindi si Veronica ang may pakana ng lahat ng ito. Mayroon pang mas mataas na nagko-control sakanya at ang taong 'yon ay konektado sa Devil's Horizon," dagdag ko.
"Pareho tayo ng kutob, Drey. Gumagaling ka na, hindi na palpak ang mga conclusions mo!" Puri niya sa'kin at pabirong sinuntok ang braso ko.
"At kapag nakilala ko kung sino siya, papatayin ko siya," seryosong tugon ko. Muntik nang mamatay si Jhaeyszel dahil sa ginawa niya, muntik na silang mapahamak ni KL.
"Magpagaling ka muna, bro. Imbestigahan natin ng sabay 'to." Tumayo na siya sa kama ko at naglakad papunta sa pinto.
"I have one favor, Kiro." Napatigil siya sa pagbukas ng pinto at humarap sa'kin. Nakatitig siya ng diretso sa mga mata ko at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Don't tell it yet to KL"
"Iyan din sana ang hihingin kong pabor sayo. Baka kasi kapag nalaman niya mas lalong magkagulo." Saad niya at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Sana lang, sana lang mali ang hinala namin ni Kiro. If ever we're right, everything will get worst. And I'm afraid of what I'm capable to do just to protect her.
~*~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro