Chapter 22
Chapter 22
~*~
YZEL
~*~
Agad kong ininom ang tubig na binili ko, pakiramdam ko ay made-dehydrate ako sa trigo. Umupo ako sa bakanteng upuan dito sa loob ng cafeteria habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko.
Pare-pareho kaming lutang habang sinasagot ang nakaka-bwesit na word problem na binigay sa'min ni Sir Cymon kanina. Wala naman akong mapagtanungang matino, absent si Kumag, matalino pa naman siya sa mga numero.
Ba't kaya siya umabsent? Ngayon ko pa naman sana sisimulan ang Oplan: Be friends with Kumag. Ano na naman kaya ang kagaguhang ginagawa niya ngayon?
"Yzel!" Agad akong napaangat ng ulo sa pagtawag sa'kin ni Cassy. Nakatayo siya sa pintuan ng Cafeteria habang kumakaway. Siguro ay katatapos niya lang ding sumagot.
"You look wasted." Komento niya nang tuluyan nang makalapit sa'kin. Sino ba naman ang hindi magiging wasted kung halos itaktak mo na ang laman ng ulo mo para lang makasagot sa pesteng surprise quiz na 'yon?
"Ni-rape kasi ako ng numero! Sinusumpa ko talaga ang nagpauso ng mahihirap na math problems na 'yan!" Pagmamaktol ko at mas lalo pang ginulo ang buhok ko.
"Yah! You should act like a lady now, Yzel. We're not kid anymore. You look like a pulubi because of your hair that is so magulo. You should know how to ayos now." Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Cassy. I just mouthed her whatever dahil patuloy pa rin ang pagtitig niya sa'kin na para bang ako lang ang nag-iisang dalaga na hindi marunong magsuklay.
Hindi pa siya nakontento katititig sa'kin at hinawakan niya pa ang baba ko na para bang inieksaming mabuti ang mukha ko.
"Still, you look pretty." Nakangiting tugon niya saka umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.
"I know right." Pagsasang-ayon ko sabay hawi ng bangs ko pagilid. "By the way, bakit ikaw lang ang pumunta rito? Hindi pa rin ba tapos si Sky?" natatawang tanong ko. Kung ano ang ikinabobo ko sa math, mas malala ang isip bata na 'yon.
"He's been avoiding me since kaninang umaga." Saad niya saka bumuntong hininga. Kung anong ikinalapad ng ngiti niya kanina ay siya ring ikinatulis ng nguso niya ngayon. "It's my fault, I shouldn't tell him," dagdag niya pa.
"Tell him what?" Tanong ko saka inubos ang natitirang tubig sa bote.
"That I like him."
"Pweeeee!" Agad kong naibuga ang tubig na ilulunok ko pa lang sana. Mabuti na lang at mabilis na nakaiwas si Cassy sa ginawa kong 'yon.
"Eww, Yzel! You're gross!" Maarteng saad niya habang pinupunasan ng tissue ang kamay niyang natalsikan. Binigyan ko siya ng weirdong tingin saka humagalpak ng tawa.
"Grabe! Joker ka rin pala, Cassy. Bentang-benta sakin 'yon!" Natigil ako sa pagtawa ko nang mapansin kong mas lalong tumulis ang nguso nya.
So, seryoso nga?
Lumapit ako at iwinasiwas ko ang kamay ko sa mukha niya. Hala! Hindi kaya nabulag 'to?
"What are you doing?" Nakataas na kilay na tanong niya sa'kin.
"Cassy? Gusto mo ba siya talaga? Paano mo naman na confirm?"
Hindi naman sa ayaw ko sa kanya para kay Bestfriend, hindi lang talaga ako makapaniwala. Aso't pusa kasi sila simula pa no'ng una. Pero sabagay, gwapo naman si best friend, talented pa. Kung sa academics naman, well I can say, talented nga talaga siya.
"I have a little crush on him noon pa and I think I like him more when he make ligtas me from those pangits and he gave me some comfort yesterday." Namumula niya pang sabi habang pinaglalaruan ang daliri niya. Ang cute kiligin ni Cassy.
"Kayo ha, lume-level up na! Anong ginawa niyo kahapon? Kaya pala hindi niyo ako naisipang i-text, nag-mo-moment pala kayo!" Panunukso ko at sinabayan ko pa ng impit na pag-irit.
"Gosh! Stop teasing, I'm kinikilig kaya! Tara na nga, the next class is about to start na!" Nauna na siyang tumalikod sa'kin. Grabe kung kiligin si Cassy, sobra kung mamula, tinalo pa ang napkin na may regla.
Bumalik na kami sa klase at naabutan namin si Sky na nakaub'ob sa desk niya at namumula ang tenga. Hanggang ngayon siguro ay hindi pa 'to nakakamove on. Kinikilig din 'to katulad ni Cassy.
"Ikaw best ha, luma-lovelife ka na!" Tinusok-tusok ko pa ang tagiliran niya pero mukhang hindi effective.
"Si Best, kunyari nagpipigil ng kilig. Binata ka na best!" Patuloy na tukso ko sa kanya saka pi-nat ang ulo niya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko nang maramdaman kong may kakaiba sa kanya.
Agad kong sinapo ang leeg niya. Kahit hindi ko na ikumpara ang temperatura niya sa katawan ko, halatang nilalagnat siya dahil sobrang init niya.
"Best!" Inangat ko ang ulo niya at mas lalo pa akong nataranta nang makita kong dumudugo ang ilong niya. God, I really hate blood! Pakiramdam ko ay binabaliktad ang sikmura ko.
"Hey, Cassy! Help me! Dalhin natin siya sa clinic." Si Cassy naman ay nataranta rin dahil sa sinabi ko.
"What happened? Oh my! Here, use my hanky!" Iniabot niya ang panyo kay Sky. Nang maramdaman niyang walang lakas si Sky para abutin ang panyo ay siya na lang mismo ang nagkusang punasan ang dugo sa ilong ni Sky.
Nagwo-worry ako pero hindi ko mapigilang kiligin at bumungisngis sa tabi. Ang sama ko na bang best friend?
"Guys! Help us!" Sigaw ni Cassy sa mga kaklase kong abala sa pakikipagharutan habang ako ay abala ring kinikilig sa likuran niya. Hindi na ako nakatulong.
Pinagtulungang buhatin ng mga lalaki kong classmate si Sky para dalhin sa clinic. Ang awkward naman siguro kung kami ni Cassy ang magbubuhat sa kanya. Ang laking tao niya kaya! Matagal bago kami nakarating sa clinic, pati 'yong mga kaklase kong lalaki ay nahihirapang buhatin siya, mukhang napapabayaan na yata siya ni Tita sa kusina.
Nang makarating kami sa school clinic ay agad siyang inasikaso ng nurse at dahil nga supportive best friend ako, iniwan ko silang dalawa para magka-moment sila ulit.
~*~
SKY
~*~
Nagising ako nang maramdaman kong may nakahawak sa noo ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at bumungad ang mukha ni Blaire na nag-aalalang nakatingin sa'kin.
"B-blaire?"
"Hey, are you fine na ba? Did your head really hurt? How do you feel right now? Answer me! I'm so worried na kaya!" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin habang palipat-lipat ang kamay niya sa pagsapo ng noo at leeg ko.
Kung alam mo lang Blaire, ikaw ang dahilan! Hindi mo ako pinatulog ng ilang gabi, pina-stress mo ang pinaka-gwapong nilalang sa mundo.
"O-okay na ako," maikling sagot ko. Nilibot ko ang paningin ko at isang tingin pa lang ay alam ko nasa school clinic ako dahil sa kulay asul at puting pintura. Idagdag mo pa ang mga charts tungkol sa paninigarilyo, dengue at filariasis.
Pero teka, paano ako nakarating dito? Kanina lang ay nasagot pa ako ng quiz, nakatulugan ko ba? Naku! Lagapak nanaman ang grades ko nito.
"You're driver will sundo you later. Just rest na lang muna, okay?" sabi ni Blaire. Hindi ko siya pinansin, bahala siya sa buhay niya.
Tatayo sana ako para kumuha ng tubig, nakakahiya naman kung uutusan ko pa siya at isa pa baka lagyan niya ng gayuma ang tubig na iinumin ko. Hindi na mapagkakatiwalaan si Blaire, lumalaki na ang topak niya sa ulo.
"Hey! What do you think you're doing ha? You're not magaling pa! Just lay down and sleep!"
"Okay nga lang ako." Inalis ko na 'yong pagkakahawak niya, kinikilabutan pa rin ako sa kanya. Baka mamaya hindi na siya makapagpigil at rape-pin niya na ako. Kami lang ang tao ngayon sa clinic, kailangan kong mag-ingat sa eng-eng na 'to.
"No, If you insist pa, I'll kiss you!" Nasisiraan na nga talaga ng bait ang babaeng 'to, kung ano-ano na ang pinagsasabi!
Hindi niya naman gagawin 'yan. Kaya nagpumilit pa rin akong tumayo, pero- p-pero bigla niyang hinigit ang kwelyo ko at inilapat ang labi niya sa l-labi ko.
Mahabaging langit! Ang mapupulang labi ko, inangkin niya nang basta-basta.
H-hindi na ako v-virgin.
Hanggang ngayon ay nakalapat pa rin ang labi niya sa labi ko. Naiistatwa ako, maging ang pagkurap ay hindi ko magawa. Maya-maya pa ay tinanggal niya na ito saka nakangiting humarap sa'kin.
Agad akong napatakip sa labi ko. My Virgin lips. How could she do this to me?
"I warned you already! I'm going to my next class na, Yzel will go here later. Get well soon, Crush." Masayang sabi niya saka lumabas ng kwarto ko. Pakiramdam ko hihimatayin ulit ako!
Bakit mo ako kailangang parusahan ng ganito Blaire? Awayin mo na lang ako ulit.
~*~
"Sky!"
Wala pa nga akong first girlfriend pero may nakakuha na ng first kiss ko.
"Hoy! Abueco!"
Ano na lang ang sasabihin ko sa future girlfriend ko? Wala na akong maipagmamayabang sa kanya. Sa kanya ko lang gustong ialay ang buong pagkatao ko, pero wala na. Winasak na ni Blaire ng ganoon na lang.
"Earth on Sky Vincent Abueco!"
"Shit!" Napamura ako nang may matinis na boses ang sumigaw sa kaliwang tainga ko.
"Minumura mo ba ako?" Nagulat ako nang makita ko si Yzel sa tabi ng kama ko. Kanina pa ba siya? Bakit hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya?
"H-hndi. Sorry, Yzel."
"Nag-kiss pala kayo!" Masayang sabi niya saka patalong umupo sa kama ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"P-pauso mo, Yzel." Sabi ko habang paikot-ikot ang tingin sa loob ng kwarto. Nagpapatay malisya.
"Anong ako? Ikaw nga riyan eh! Sabi mo pa nga, ehem! Ehem! *Move on Sky. Smack lang 'yon, smack lang 'yon. Aish! Blaire naman e!* Sino ngayon ang pauso ha?" halos mamatay na siya sa kilig habang paulit-ulit na ginagaya ang boses ko kanina. Halos humiwalay na rin ang pisngi ko sa mukha ko kakahila niya.
"Manahimik ka nga, Yzel." Saway ko sa kanya saka inalis ang kamay niya nakakurot pa rin sa pisngi ko. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pinaggagawa nila sakin ni Eng-eng.
"First kiss never die!" tukso niyang muli. Bumaba siya sa kama ko at kinuha ang prutas na nasa mesa.
"First love hindi first kiss! Tangek!"
"Gano'n na rin 'yon! Magpagaling ka agad nang makapasok ka na at makita mo si Smacky babe mo!" Binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti habang nagbabalat ng mansanas sa tabi ko.
"Asus! Ikaw nga riyan, hindi mo lang nakita si Santiago kanina, ako na agad ang pinagtitripan mo!" Ganti ko sa kanya. Wala na akong maisip na pambara kaya si Santiago na lang ang ginamit ko. Tutal alam ko namang asar siya roon.
Nakita ko namang napatigil siya sa pagbabalat ng mansanas at biglang namula ang pisngi niya. Oh, ano ka ngayon! Akala mo ikaw lang ang marunong manukso ha.
"Gusto mong isungalngal ko sa bunganga mo 'tong mansanas na hawak ko?" Kita mo 'to, ang lakas talagang mang-asar, pero kapag siya na, nagagalit agad.
"Grabe, hindi na naawa sa may sakit." Pagpapaawa ko saka ngumuso.
"Mukha kang pato, Sky. Tigilan mo 'yan." Saway niya sa'kin saka tinapunan ako ng balat ng mansanas.
"Sa nababasa kong libro, effective naman 'to!" Dabog ko saka mas ngumuso pa. Humiga naman ako habang nakapatong ang ulo sa dalawang braso ko.
"Talaga Sky? Nagbabasa ka? Oh my gosh! Magugunaw na ba ang mundo?"
"Ang sama mo sa'kin, Yzel!"
"Binibiro lang kita. Oh ayan, kainin mo." Saka niya inabot sa'kin 'yong mansanas na binalatan niya. Ubod ng sungit at engot pero sweet pa rin. Ang swerte lang ng magiging syota nito, nakakainggit.
"Sky, wala ka bang napapansin?" Seryosong bulong ni Yzel na nagdala ng kilabot sa'kin kaya napaupo ako ulit. Muntik pang matapon ang mansanas na nasa platito dahil sa biglaang pagbangon ko.
"Y-yzel, hindi m-magandang biro 'yan." Tugon ko saka siniksik ang sarili ko papalapit sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Saan ang mumu, Yzel?" Pabulong kong tanong habang palinga-linga sa paligid. Napapikit naman siya ng mariin saka napatampal sa noo niya.
"Kung wala ka lang sakit, babatukan talaga kita!"
"Ano ba kasing ibig mong sabihin?" tanong ko saka nag-pout ulit.
"Tigilan mo nga 'yang kakaganyan ng nguso mo!" Reklamo niya kaya tinakpan ko na lang ng mansanas ang bibig ko. Hindi ba ako cute tignan? Noong pri-nactice ko 'to sa salamin, bagay naman.
"Bakit hindi man lang kumalat 'yong aksidenteng nangyari sa'min ni Ence sa loob ng detention? Napansin mo ba kanina, maayos na 'yong pinto ng Detention room." Pabulong ulit na sabi niya sa'kin na akala mo naman ay may makakarinig sa amin, kami lang naman ang nandito ngayon. Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya.
Hmm, oo nga 'no. Sa dami ng tsismosa sa paligid ng Academy, imposibleng walang may nakaalam. Isa pa sangkot si KL dito, kagaya ko ay marami ring sumusubaybay sa bawat galaw niya. May kahati na tuloy ako sa pagiging heartthrob.
"Siguro ginawan ng paraan ni Dad." Sabi ko nang maalala kong pumunta pala rito si Daddy noong sabado.
"Kilala mo naman si Dad, ayaw niyang pinalalaki ang maliliit na issue at baka makasira rin kasi sa image ng Academy ang nagyari sa inyo kapag kumalat pa 'yon."
"Akala ko ba walang alam si Tito sa nangyari? Nagsumbong ka ba, Sky ha? Kaya ba wala si Ms. Alab kanina kasi pinatalsik na siya ni Tito?" Nanlilisik ang mga matang tanong sa'kin ni Yzel.
"Oy, Yzel! Napaka-judgemental mo ha! Si Ms. Alab na mismo ang nagsumbong kay Dad at himingi ng tawad, kusa rin siyang nagresign sa trabaho. 'Yon ang sabi sa'kin ni Dad."
"Ganoon ba," sabi niya saka napakamot na lang sa batok niya. "Kawawa naman si Ms. Alab." Kawawa? Buti nga 'yon sa kanya.
Ha-Ha-Happy Break Up hindi na tayo.
Ha-Ha-Happy Break Up wala na tayo.
Ha-Ha-Happy Break Up, break na tayo.
Ha-Ha-Happy Break Up sa'yo.
Sabay kaming napatingin ni Yzel sa phone niyang nakapatong sa kama ng biglang nag-ring ito.
Tita Rency Calling...
Hindi ko na natanong si Yzel kung sino ang tumawag dahil bigla itong napatayo habang nakalapat ang cellphone sa tainga niya
"Ano ho? Nasaksak?" Huh? Sinong nasaksak?
"Ok, Tita, papunta na po ako." Nagmamadaling dinampot ni Yzel ang bag niya sa tabi nito at itinapon sa loob ng bag ang cellphone niya.
"Best, sinong nasaksak?" Nag-aalalang tanong ko. "Si Tita Destiny ba?"
"Hindi. I have to go, Sky. Hintayin mo na lang si Kuya Edwin, malapit na raw siya." Nagmamadaling tugon niya at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Sino ba ang nasaksak? Bakit sobrang worried niya? Bukod sa mommy niya, ang pamilya na namin ang pinakamalapit sa kanila. May ibang tao na bang pinapahalagan si Yzel?
Bakit hindi ko man lang alam? Bakit hindi ko man lang napansin?
Hindi ako nagseselos ha. Huwag kayong judgmental!
K-kasi, bestfriend ko siya. D-dapat sinasabi niya sa'kin kasi dapat alam ko lahat.
Nakakatampo naman. May iba na siyang pinaglalaanan ng oras niya bukod sa'kin este sa'min.
"May sakit din naman ako! Ba't mas pinili niya akong iwan para doon sa kung sinuman 'yon!" Dabog ko saka tinapon ang natitirang mansanas sa loob ng bunganga ko.
~*~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro