Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

~*~
YZEL
~*~

Lagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo
Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin, ang sigaw ng puso

Ilang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo

Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?

Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?

Kailaaaaaan? Kailaaaaaan? Kailaaaaaan ang dating tayo.

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa gitnang harapan ng bar kung saan may tumutugtog na banda. Pakiramdam ko ay sa'kin nila inaalay ang kantang 'yon.

Pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. Saglit akong tumingala, pinipigilan ang pagpatak ng nagbabadya kong luha.

After I compose myself ay nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob ng bar at dumiretso sa counter para kumuha ng maiinom. Kung nagtataka kayo kung paano ako nakapasok kahit minor lang ako, well, it's Cassy's Iceburg bar. Regalo ito ng kanyang mga magulang noong 18th birthday niya.

"A glass of vodka, please." Ani ko nang makarating sa bar counter.

Medyo nag-alinlangan pa si Eric, 'yong bar tender na isalin ang alak sa basong kinuha nang makita niya ang mukha ko. Hindi ko mapigilang umirap sa kanya saka humalukipkip.

"Bibigyan mo ba ako o tatawagan ko si Cassy para tanggalin ka sa trabaho?" dagdag ko pa. Napakurap naman siya sa sinabi ko at agad na binigay sa'kin ang alak.

Hindi ko mapigilang mapangiwi nang malasahan ang mapaklang alak sa'king dila hanggang sa maramdaman ko ang init nito sa'king lalamunan. Alam kong malalasing agad ako nito dahil hindi naman talaga ako umiinom. Gusto ko lang talagang ilabas ang sama ng loob ko kaya ginagawa ko 'to ngayon.

"Walang kwentang mga lalaki," bulong ko at pabagsak na inilapag ang baso, mabuti at hindi nabasag. "
Isa pa, Eric," utos ko ulit.

"Ma'am, tama na po, baka mapano kayo niyan." Nag-aalalang tugon niya na nagpa-ikot ng mata ko. 'Yan! Ganyan ang mga lalaki, akala mo concern, inu-uto ka lang pala.

"I said, give me more! Are you deaf?" wala na siyang nagawa kung di ang bigyan ako pagkatapos ko siyang singhalan.

Tinungga kong muli ang alak na binigay ni Eric at walang sawang umorder. Mga lalaking puro sakit sa ulo! Mga paasa, kung makapagbigay ng promise akala mo SONA.

"Umiiyak na naman po kayo, Ma'am." Napahawak na lang ako sa pisngi ko dahil sa sinabi ni Eric. Hindi ko namalayan tumutulo na naman pala ang mga luha ko.

"The hell you care." Sagot ko saka iniub'ub ko ang ulo ko sa countertop at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob.

Naglalakad ako sa hallway ng school namin habang paisa-isang may umaabot ng roses at maliliit na teddy bear sakin at may idea na ako kung sino ang may pakana nito. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang nakatayo sa dulo ng hallway habang may hawak na isang rose at human size teddy bear sa tabi niya.

"Hey, teddy! Say Hi to your Mommy Esel." Kausap niya doon sa teddy bear, sira ulo talaga.

"Everyone! See that girl? Her name is Forever because she's my forever! Did you get it?" sigaw niya sa mga estudyanteng nakapalibot sa kanya. "So dude, back off! Because she's mine and will always be mine!"

Medyo nahihiya na ako sa ginagawa niya, pero nangingibabaw 'yong kilig. Hindi ko mapigilang mapahawak sa magkabilang pisngi kong nang-iinit. Dati pinapangarap ko lang 'to pero ngayon, ito na. Nangyayari na sa akin.

"Hey you, lady!" sigaw niya at lumakad papalapit sa'kin.

"How I wish I am able to marry you now but I promise I will be the man who will send you to the altar, I don't want to lose you, so please hold on tight. Happy one year, twelve months, three hundred sixty-five days, six hours, twenty-eight minutes, fifteen seconds of love, baby Esel. Huwag kang magsasawa sa akin ha? I love you." Yumuko siya para sana halikan ako sa labi pero pinagilid ko ang mukha ko at hinalikan ko ang pisngi niya.

"I love you, Bae."

~*~

Nakatambay kami ngayon ni Jake sa labas ng bahay namin. Nakaupo ako sa hood ng kotse niya, samantalang siya ay nakahiga.

Tumingala ako sa langit, napakaraming stars ngayon, full moon pa.

"I hope you're not the same with the moon, Bae." Nasabi ko na lang bigla. Lumingon ako sa kanya, tumingin naman siya sa'kin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "That will leave me when the day comes."

"Before I'll leave you, mauubos muna ang mga bituin sa langit pero kapag nawala 'yan, asahan mong babalik pa rin ako." Sagot niya at umupo sa tabi ko habang nakatitig sa mga mata ko.

"Baby Esel?" he called while caressing my cheeks by the use of the back of his hand .

"Hmmm?" tugon ko at tumingin sa mga mata niya, bumaba naman ang tingin niya papunta sa labi ko.

"Can I kiss you on the lips now?"

"J-Jake," nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong lumayo. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa ginawa ko.

"You know, more than one year na tayo, pero kahit smack lang, wala." Frustrated na sabi niya saka bumuntong-hininga.

"I always kissed you on the cheeks naman, hindi ba? Isn't it enough for you? You know naman na-"

"Yeah.Yeah. Yeah. Go inside now, uuwi na ako." Pagpuputol niya sa sinabi ko saka bumaba, hindi niya na ako inalalayan na makababa rin. Hinabol ko siya at niyakap.

"Are you mad? Please, don't," paglalambing ko. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko at binigyan ako ng isang simpleng ngiti saka pumasok na sa kotse niya.

Five days? Three weeks? One month? Yeah, one month ng nagiging cold sa akin si Jake. Kapag nagte-text minsan lang at ang tipid pa like: Hi, K, Ah, Ge. Kapag tatawag ako laging number busy tapos hindi niya na rin ako dinadalaw rito sa bahay.

Ika-14 months na namin ngayon ni Jake kaya naman babawi ako. I will surprise him! Excited na nga ako, nagpatulong pa ako kay mommy para ipagluto siya ng paborito niyang menudo.

"Bebe girl, inilagay na ni Mommy mo sa Tupperware 'yong dadalhin mo kay Jake bago siya umalis. Byaheng forever na kayo ni Jake, keep it up!" panunukso ni Ate Chicsy saka humagikhik.

"Ate Chicsy talaga oh, sige na ate! Aalis na po ako." Paalam ko saka nag-flying kiss.

Nagpahatid na ako kay manong sa condo ng aking Bae. Medyo kinakabahan pa ako, I fix my self muna. Tumingin ako sa salamin baka nagulo 'yong nakaponytail kong buhok o kaya may kusot 'yong t-shirt ko at konting pagpag ng jeans then I press the buzzer.

Isa, dalawa, tatlo? Hindi ko alam kung nakailang pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Imposible namang wala siya rito kasi tinanong ko naman kanina kung nasaan siya, sabi niya nasa condo niya raw siya.

Kaya inilagay ko na lang 'yong code baka nakatulog lang siya. Then viola! The door is open.

Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa'kin ang mga nakakalat na damit. Nakakapanibago, hindi naman burara 'tong si Jake. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita hanggang sa makarating ako sa kwarto at banyo, still no sign.

Palabas na ako ng kwarto niya nang may marinig akong konting ingay na nagmumula sa kusina. Agad akong lumabas kasi sigurado akong si Jake 'yon at hindi nga ako nagkamali.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, ang alam ko lang parang nadudurog ang puso ko.

Si Jake may kahalikang ibang babae, half naked ang puta. Sarap na sarap habang pinapapak ni Jake ang leeg niya. Mga Hayop!

"W-wait, hmm. Jake, b-baka magalit 'yong girlfriend mo." Pigil ng babae kay Jake habang hindi alam kung saan ibabaling ang ulo niya.

"Ano ka ba, huwag mong pansinin yung losyang na 'yon!"

Impit na tumawa ang malandi dahil sa sinabi ni Jake. Sa sobrang inis ko tinapon ko 'yong Tupperware na hawak ko sa kanilang dalawa. Tumama 'yon sa likod ni Jake dahilan para mapaigtad siya sa sakit.

"Aray!" daing niya. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita niyang ako ang nagtapon sa kanya.

"Jhaeyszel!" Lumapit siya sa'kin at akmang hahawakan ang kamay ko pero tinabig ko iyon.

"Gano'n na lang 'yon? Gano'n na lang ba 'yon, Jake? Ano sumagot ka! Para lang sa kiss, ipagpapalit mo ako sa tukong 'yan?"

"Please, huwag dito. Mahiya ka naman!" hinigit niya ako sa braso papunta sa sala. "Aliyah, put your clothes on, umalis ka muna." Nilingon niya ang malandi na kasalukuyang pinupulot ang mga damit saka tumakbo sa kwarto ni Jake. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Ako pa talaga ang dapat mahiya?

"Ang kapal ng mukha mo para gawin sakin 'to, Jake! Gago ka!" Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya pero tinabig niya lang ako kaya napaupo ako sa couch.

"Ano ba! I also have my needs at hindi mo kayang ibigay 'yon! Even just a fucking kiss hindi mo pa nga maibigay! Ano ba 'yang labi mo, dyamante?"

"Ang babaw naman no'n Jake. Ipagpapalit mo 'yong mahigit isang taong pagsasama natin sa lintek na needs na 'yan? Jake naman, please. Huwag mong gawin sakin 'to!"

"Im sorry."

"Oo, pinapatawad na kita Jake, huwag mo ng gagawin ulit 'to ha? Mahal na mahal kita." Sabi ko na halos nagmamakaawa na. Tumayo ako para sana yakapin siya pero bigla siyang umatras.

"No, it's not that. I'm Sorry, but I think we should end this." Parang nabingi ako sa sinabi niya. Medyo matagal bago ako nakapag-react at nang ma-realize ko kung anong sinabi niya, tumawa ako nang malakas.

"Patawa ka talaga, Bae! Ang hilig mo talaga sa surprises." Tapos tumawa ulit ako na parang tanga.

"Jhaeyszel, I'm serious. Hindi na ako masaya sa'yo. Nakakaumay na, wala man lang akong benefit sa relationship natin. At isa pa ni hindi nga kita maipagmayabang sa mga barkada ko, tingnan mo nga 'yang suot mo!"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang minamaliit ako. Feeling ko tuloy lahat ng self confidence na tinipon ko naglaho bigla dahil sa mga titig niya.

"Ano bang mali sa suot ko, Jake? Desente naman to, ayaw mo ba nito? Babaguhin ko para sa'yo, sabihin mo lang." I took his hand pero agad din naman niyang binawi.

"Sige na, halikan mo na ako ngayon, kunin mo na pati pagkababae ko. Masatisfy lang yang needs na sinasabi mo. Huwag mo lang akong iwan, Jake. Hindi ko kaya!" pagmamakaawa ko. Lumuhod ako sa harap niya habang nakayuko.

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang mga pinagsasabi at pinaggagawa ko pero wala na akong pakialam. Ayaw kong mawala sa'kin si Jake. Hindi ko kakayanin.

"You're hopeless. Kahit ano pa ang gawin mo, you will always be the plain and boring Jhaeyszel Maracigan."

"J-jake," tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Tumingin ako sa mga mata niya na ngayon ay hinuhusgahan ako. Na para bang pinaparamdam niya sa akin na ganoon lang akong klaseng babae. Hindi ako makapaniwalang umiling at paulit-ulit na kumurap para pigilan ang pag-iyak ko.

Oo nga naman. Ako na parang manang, ako na ayaw magpahalik ay handang isuko ang virginity para lang sa isang gagong lalaki para hindi iwanan. Ang laki ko nga namang gaga.

"Alam mo kung ano 'yong mas masakit? 'Yong pinaniwala mo ako na ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo but all this time, iyan lang pala ang tingin mo sa'kin." Hindi makapaniwalang tugon ko. "Jake, minahal mo ba talaga ako?" I waited for him to answer and he just smirk.

All this time, pinaniwala niya lang pala ako sa lahat ng kasinungalingan niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng init sa ulo ko, nanginginig ang kalamnan ko habang pinagmamasdan siyang nakangisi.

Hindi na ako nakapagtimpi at sinampal ko ang kaliwang pisngi niya. Hindi pa siya nakaka-recover sa ginawa ko ay sinampal ko naman ang kanang pisngi niya. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga sa nararamdaman kong galit.

Ikinuyom ko ang aking kamao, akala niya siguro ay susuntukin ko siya kaya hinawakan niya nang mahigpit ang dalawang kamay ko. Ngumisi ako bago ko iniangat ang tuhod ko at sinapol ang pinakaiingatan niya.

"W-what the f-fuck!" daing niya. Halos mapaluhod siya sa sahig habang hawak ang junjun niyang namimilipit sa sakit.

"Kulang pa 'yan," garalgal na boses na saad ko. Humigit ako ng malalim na paghinga bago ko siya tinalikuran.

Naglakad na ako papunta sa pinto ng condo niya habang patuloy na pinipigilan ang pag-agos ng mga luha ko pero bago ako tuluyang lumabas lumingon muna ako sa kanya.

"Ang labo mo, Jake. Akala ko ba hindi ka katulad ng moon? Hindi pa naman nauubos ang stars sa langit, pero bakit iniiwan mo na ako ngayon? Moon din ako, moontangang umaasa sa mga pangako mo."

I almost break my voice kaya agad akong tumalikod at tumakbo palayo kasabay ng sunud-sunod na pagbagsak ng mga luha ko.

Maybe I'm brave enough for not crying in front of him but damn this feeling. I'm really dying inside.

"Jake, ang daya-daya mo! Nasaan na 'yong pangako mo? Alam mo bang pinanghahawakan ko 'yon hanggang ngayon? Bakit hindi mo 'yon tinupad Jake, ha?"

Iyak lang ako nang iyak. Parang pinupunit ang puso ko ng paulit-ulit, naninikip na rin ang dibdib ko kasisinok ko.

Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak dahil sa mga ka-shitang tumatakbo sa isip ko.

"Damn it!" Halos tumulo ang sipon ko sa gulat nang may sumigaw sa bandang gilid ko. Lumingon ako sa katabi kong lalaki na halos magtagpo ang kilay.

"Broken ka rin ba?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha na parang bata.

"Mind your own business!" sigaw niya sa baso. Sa baso naman kasi siya nakatingin, hindi sa'kin.

"Kasi ako, broken. Niloko niya ako, iniwan, pinagpalit. Ngayon nga kinakahiya niya na ako." Humarap ako sa kanya saka hinawakan ang magkabilang braso niya para iharap din siya sa'kin. Bastos kasi, kinakausap tapos ayaw tumingin.

"Take your hands off me!" may sinabi siya pero hindi ko na maintindihan, basta ang alam ko lang naiiyak na naman ko.

"Bakit ganyan kayo, ha? Hindi niyo lang nakuha ang gusto niyo nang-iiwan agad kayo sa ere. Akala niyo ba hindi masakit umasa sa mga pangako? Ang sakit kaya, sobrang sakit!" Sumbat ko sa kanya sa pagitan ng paghikbi ko.

Tinignan ko ang buong mukha niya habang patuloy na kumakawala ang mga luha sa mga mata ko. Nakakunot ang noo niya, magkasalubong din ang kilay niya, nakakatakot ang mga titig niya pero ang ganda ng kulay asul niyang mga mata na gusto kong dukutin at i-display sa kwarto ko tapos ang labi niya-

Napalunok ako nang bahagya ng laway ko k-kasi p-parang naaakit ako sa labi niya.

Hindi ko namalayan nakahawak na pala ako sa mukha niya habang nakatingin pa rin sa mga labi niya na para bang may nakasulat na "Free Kiss" hanggang sa unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya para halikan siya.

~*~

A/N:
Keep scrolling for the next chapter, Taggers!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro