Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

~*~
YZEL
~*~

To: Cassy'Sossy <3

Name: Jhaeyszel Fate "Yzel" Maracigan

Age: 17

Birthday: Sasabihin ko kapag reregaluhan mo ako! xD

Likes: All color blue stuffs! <3

Dislikes: Blood! </3

Describe yourself: Petite, long chestnut brown hair, with a natural curl sa dulo, and ooh—don't forget the bangs, fair skin, for short Dyosa.

Attitude: mabait ako, sabi nila.

Status: Bitter! Ampalaya!

Motto: Sometimes what's real is something you can't see.

**message sent!

Inilapag ko ang cellphone sa mesa pagkatapos kong ma-send kay Cassy ang info tungkol sa'kin.

Parang eng-eng naman kasi 'to si Cassy. Kilala niya naman na ako, magtatanong pa. September na ngayon at ilang buwan na lang ay ga-graduate na kami sa highschool kaya gagawa raw siya ng scrapbook—remembrance sa highschool life niya. Wala siguro siyang magawang matino kaya 'yon ang pinagkakaabalahan niya.

Ilang saglit pa ay umilaw ulit ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at binuksan ang mensaheng natanggap mula kay Sky. Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko nang mabasang hindi niya ako masasamahan ngayon dahil nagsusulat siya ng bagong kanta.

Padabog kong inilapag ang cellphone at nakasimangot na sumipsip sa frappe na inorder ko. Mukhang paninindigan ko ang pagiging single dahil mag-isa akong gagala ngayon.

Inikot ko ang tingin sa loob ng cafe na may disenyong Stitch mula sa dingding nito hanggang sa mga upuan at mesa. Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang mga taong busy sa pakikipag-usap, 'yong iba naman ay walang sawang sumi-selfie at foodfie.

Muntik na akong mabulunan nang dumako ang tingin ko sa entrance ng cafe kung saan nakatayo ang mascot ni Stitch.

Papasok ang isang lalaking nakayuko habang may nakalingkis na malanding ahas sa braso niya. I flinched nang makilala ko kung sino ang lalaking 'yon. It's Jake, one and only asshole Jake.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa, sariwa pa rin sa ala-ala ko ang kagaguhang ginawa nila sa'kin. Gosh! It's been three months since we broke up, pero masakit pa rin. Para bang may sampung bubuyog na tumutusok sa puso ko.

I was taken aback nang makita ko ang naka-zoom in na pagmumukha ni Aliyah the slutty snake sa harap ko. Mabuti na lang at hindi ko naibuga sa pagmumukha niya ang iniinom kong frappe. Tumayo ako para magpantay kami ng tingin at isa pa, hindi siya bagay na tingalain.

"Look who's here babe. Your lousy ex wearing a cheap shirt." Sabi ng malandi habang nakatingin sa shirt kong may print na chill, papunta sa shorts kong maiksi at sa converse shoes na suot ko at binalik sa mukha kong maganda.

Hindi na kasi ako nag-abalang mag-ayos kanina kasi kahit na ano namang suotin ko, alam kong maganda ako. Hindi na lang ako umimik sa tukong clown na kumakapit sa braso ni Jake.

"Jake," I muttered. I have this feeling that I want to hug him. God knows how I badly miss this guy.

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya, matagal-tagal rin nang huli ko siyang matitigan ng ganito. May ahit na sa kaliwang kilay niya na bumagay naman sa singkit niyang mga mata, medyo pumayat siya kung saan mas lalong na-emphasize ang jaw line niya. Ang ilong niyang matangos, ang labi niyang mapupula. Gwapo pa rin naman siya, 'yon nga lang ay isa siyang dakilang manloloko.


"Quit staring bitch! I didn't know after three months may pagnanasa ka pa rin sa boyfriend ko!" she said while emphasizing the word boyfriend. Umabante siya sa harap ni Jake, seems like she's guarding her property.

"Don't mind her Aliyah, come on!" sabi ni Jake saka dinaanan lang ako. Medyo nabangga niya ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. Akala ko gano'n din siya pero diretso lang siyang nakatingin sa likuran ko while wearing his bored expression. Ouch.

Wala na ba talagang spark?

"Why, Jake? The hell with you! Affected ka pa rin ba? Bakit hindi mo siya kayang harapin?" sigaw ni Aliyah sabay hatak sa braso ni Jake. Napipikon na ako sa babaeng 'to but there's a part of me na gusto kong sagutin niya ang tanong ng lintang 'to.

Aliyah is looking intently at him, ganoon din ako.

Do I still have an impact to you, Jake?

Do I still affect you? Sabihin mo lang,

magpapakatanga ulit ako.

"Affected? Are you out of your mind? It's just that nasusuka ako at hindi ko lang talaga maisip kung bakit ko pinatulan 'yan. Now, lets go!"

That's it. Pagkarinig ko nang sinabi niya ay automatic na gumalaw ang kamay ko at dumapo sa kanang pisngi niya.

"How dare you!" gigil na sabi ko habang pinipigilan ang mga luha ko. Dalawang salita, ang sakit.

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig para magising sa katotohanan na si Jake ay isang gago at ako ay isang tangang patuloy na umaasa sa kanya.

Leche siya! Gusto ko ring sampalin ang sarili ko dahil sa mga kagagahang naisip ko kanina pero bago ko pa magawa 'yon, naunahan na ako ni Aliyah.

"No! How dare you to slap my boyfriend! Tanggapin mo na lang kasi na wala ka nang pag-asa, huwag ka nang lumapit sa amin malandi ka, laspag!"

Uminit ang pisngi ko sa pagkakasampal niya pero mas uminit ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Hindi nagpakahirap ang mommy ko ng siyam na buwan para lang tawaging laspag ng babaeng 'to. Naghaluhalo na ang emosyong nararamdaman ko and I know any moment from now, sasabog ako.

Halos lahat ng tao sa cafe ay natigil sa kung anuman ang ginagawa nila at inaabangan ang susunod na eksenang gagawin namin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga taong nagbubulungan, kung ano man ang sinasabi nila, hindi ko alam! Bulungan nga, hindi ba?

Binalik ko ang tingin ko sa dalawang lecheng nasa harapan ko. Si Jake na masamang nakatingin sa'kin na parang sinasabing "don't make a scene" at si Aliyah na nakataas ang kilay habang nakangisi.

This bitch is crying for shame, so why not give it to her. Hindi pwedeng ako lang ang mapahiya dahil hindi ginawa ang salitang fairness para lang sa wala.

"First and foremost hindi ko mapapalampas ang panlalait mo rito sa damit ko. Ito, cheap? Baka gusto mong e-stapeler ko sa bunganga mo ang price nito. Second, hindi ako ang lumapit sa inyo, ikaw ang lumapit sa'kin dala ang insecurities at kadramahan mo. Lastly, ako, malandi? Ako, laspag? Wow!"

Huminto muna ako sa pagsasalita. Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa hanggang sa paa niyang parang luya saka binalik ang tingin ko sa mukha niyang ang sakit sa mata.

Binigyan niya ako ng dont-dare-to-spill-my-darkest-secret-or-else-look but I just gave her my sweetest smile. Too late to stop me, my dear, because I'm already on my boiling point.

"Bakit, ako ba ang nasa video scandal noong freshmen tayo? Sa pagkakatanda ko kasi Aliyah Nicole Velez ang pangalan ng babaeng 'yon at ikaw 'yon. Kaya excuse me ha, I don't want to waste my time to a jerk and a whore. Kaya tumabi kayo, dadaan ang tunay na virgin!" pagpapatuloy ko sabay flip ng hair.

Napasinghap naman ang mga chismosa sa paligid namin, 'yong iba naman ay pinagtawanan siya. Tinapik ko pa ang balikat ng malandi bago ko sila iniwang nakanganga. 

~*~

A/N:
How was the first chapter Taggers?

Comment inline for your violent reaction! LOL.

Jhaeyszel Fate Maracigan on the multimedia :) #SuzyBae~My pretty Bias <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro