
CHAPTER 9 {('-﹏-';)}
LUNA P.O.V
"Luna naman," reklamo ni Mira.
Nagpapaawa ang hitsura nito. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagtutol sa binabalak niya.
"Ah, basta!" pagmamatigas niya.
Hindi na ito puwedeng tumutol dahil masisira ang timetable niya.
planado na ang lahat. Baka mapurnada pa ang mga plano niya kapag nagkataon.
Umungot ito na parang tuta. "iba na lang kasi ang hilingin mo sa akin, wag mo na akong idamay sa mga kalokohan mo."
Sa bahay na ng mga ito siya dumiretso kahit napakaaga pa. ipinamahala muna niya sa mga tauhan niya ang shop.
Ipinaalala niya kay Mira ang ipinangako nito sa kanya na gagawin nito ang kahit anong naisin niya basta samahan lamang niya ito sa pagpunta sa bahay ng papa nito para sa pagsalubong sa kuya nito.
"Hindi naman kalokohan iyong gagawin natin. This was destined to happen."
"Destined? eh, minamanipula mo ang sitwasyon," pagmamaktol nito.
"Ganon na rin yon," giit niya. "Medyo pangu-ngunahan ko lang ng kaunti pero doon na rin naman ang punta n'on. ayokong patagalin pa ang lahat mag magagawa naman ako para mapabilis ang mga pangyayari."
She knew she had to let fate do its work. Pero kung may magagawa siya, bakit pa nyq iaasa sa fate ang lahat?
Baka nga matuwa pa iyon sa kanya dahil mababawasan niya ang trabaho niyon.
Isa pa hindi na rin siya makapaghintay na mangyari ang dapat na mangyari ang dapat mangyari kaya siya na ang kumilos.
"Hay, luna, nababaliw ka na," pagmamaktol pang turan ni Mira.
"Sige na, anak," singit ng ninang niya na kapapasok lamang sa sala.
"pagbigyan mo na ang kinakapatid mo. bagay naman sila, hindi ba? mabait na bata naman si Grei," pangungumbinsi nito sa anak.at mangungunsinti nito sa kanya.
Nginitian nuya ito. natutuwa siya dahil kahit hindi ito naniniwala sa alamat ay kinakampihan parin siya nito.
"Yeah. si luna lang naman ang mabait, hindi" nakalabing sagot ni Mira sa ina.
"Okay lang," turan niya. "Hindi naman na ako bata."
sa huli ay wala narin itong nagawa.kundi pagbigyan ang hiling niya, lalo pa at nag-join forces na sila ng ninang niya sa pagkumbinsi rito.
Medyo close na pala si Mira sa kuya nito bago pa man magtungo sa states ang lalaki kaya hindi lalabas na kaduda-duda ang pagtawag ni Mira dito.
Hiniling ni Mira na dumaan ito sa bahay ng mga ito nang araw na iyon para i-welcome ito nang maayos.
idinagdag pa nito na ang nagsabi noon ay ang ninang niya.
Walang nagawa si Grei kundi sumang-ayon. may daraanan lamang daw ito bago tumuloy roon.
Tuwang-tuwa siya. Masigkang tinulungan niya ang ninang niya sa pagluluto bg special lunch para sa binata.
She was not into foreign cuisine but when it came to Filipino dishes, alam niyang may ibubuga siya sa pagluluto niyon.
Masarao siyang magluto dahil inobliga siya ng kanyang ina na matuto.
Hindi kasi sila kailanam nagkaroon nang katulong kahit kaya nilang kumuha.
Mas gusto ng mama niya na ito ang nag-aasikaso ng bahay nila.
Ipapatikim niya kay Grei ang masarap na luto niya para bumait ito sa kanya. "A way to a man's heart is though his stomach," ayon nga sa kasabihan.
Maaga pa kaya hindi sila nagmadali ng kanyang ninang sa pagluluto.
Si Mira ay nanonood lamang sa kanila at kalimitan ay nagkokomento sa ginagawa nila.
Nagpapangiti siya habang nagluluto. Excited na talaga siya sa pagdating ni Grei.
parang na-miss kaagad niya ito kahit nang nagdaang gabi lamang sila huling nagkita.
Kunsabagay, nagkasagutan sila nito kaya parang hindi maayos ang paghihiwalay nila.
tiyak ba magugulat ito kapag nakita siya roon. She would surely make this day unforgettable for him.
Balak niyang ikuwento na rito ang tungkol sa alamat at ang katotohanang sila ang katuparan ng alamatna iyon.
She expected him not to believe her at first. Iyon naman talaga ang inisyal na reaksiyon ng mga taong nakarinig ng mga kuwentong katulad niyon.
But she would definitely make him believe her story. Totoo naman talaga iyon.
Pagkatapos nilang magluto ay nag-ayos ba siya ng sarili. Hindi niya gugustuhing magmukhang katulong sa paningin ng destiny niya.
Naligo at nagbihis siya. May baon siyang damit.
"Kayo na ang bahal rito sa bahay, ha." bilin ng ninang niya. "Estimahin ninyong mabuti si Grei at nang sagutin ka kaagad, luna. Balitaan na lang ninyo ako mamaya."
"Aalis ka, Ma?" nakunot-noong tanong ni Mira. Siya man ay nagtataka dahil bihis na bihud ang ninang niya.
Kiming ngumiti ang ginang. "May lakad kasi kami ni Leandro." Ang Uncle Andrei niya ang tinutukoy nito. "Tinulungan ko kang si luna sa pagluluto."
"Mommy, ha? Nadadalas na yata yan." Nahihiyang ngumiti lang ang ginang. Bahagya pang namula ang mga pisngi nito. She could see she was happy.
Nang dumating ang uncle niya upang sunduin ang ninang niya ay naiwan sila ni Mira ba nakatanaw sa papalayong kotse nito.
"Naunahan ka na ni Ninang. Maghanap ka na rin ng boylet mo," sabi niya kay Mira.
"At magaya sa kabaliwang ginagawa mo? Di bale na lang."
"Bakit? Exciting naman itong ginagawa ko, ah." Pumasok na sila sa bahay at dumiretso sa kusina.
Inaayos na nika ang hapag nang marinig nila ang pagtunog ng doorbell. Bumilis anh tibok ng kanyang puso.
Hinayaan niyang si Mira ang magbukas ng pinto para kay Grei habang nag-aayos siya ng nga pagkain sa mesa.
She was so excited to see Grei that her heart thumped so widely. Namamawis din ang kanyang kamay sa subrang kaba.
Natataranta siya na baka may mali pa sa inihanda niya sa mesa. Baka hindi iyon magustuhan ng binata.
"I hope your mom won't mind me bringing a friend along."
Narinig na niya ang tinig ng lalaki na papalapit sa dining area. Inihanda agad niya ang napakaganda niyang ngiti.
"Oh, luna. you're here." Jenna was smiling widely at her. But her eyes showed indifference.
Halatang hindi niya gusto ang presinsya niya roon.
Na-freeze ang napakagandang ngiti niya ng pagbati ng makita ito. Napuno ng pagkainis at paninibugho ang kanyang puso.
Kung saan man galing iyon, hindi niya alam. Basta nagseselos siya.
"Inimbitahan din siya ni mommy na dito mag-lunch," paliwanag ni Mira.
Halatang hindi rin natuwa si Greu pagkakita sa kanya. He looked at her fiercely, and she could see utter distaste in his eyes. Somehow, that stare pained her.
"So, where's Tita Julie?" he asked.
"Kaalis lang," sagot niya. Masama na ang tingin niya sa mga magkaangklang braso ng mga ito.
Kung may kuryente lang ang tingin niya, napaso na marahil ang mga ito.
And right now, she wished her gazed could give them an electric shock para maghiwalay na ang mga ito.
"Yeah?" Halatang hindi ito naniwala sa sinabi niya.
"Ah, ang mabuti pa siguro'y kumain na tayo," sabi ni Mira na malamang ay naramdaman ang tensiyon sa pagitan nila ng kuya nito. "Nasaan pala ang juice, Luna? "
"Nasa kusina. Sandali lang." nagngingitngit na iniwan niya ang mga ito upang kunin ang juice sa kusina. Binuksan niya anh ref.
"What are you doing?"
Muntik na niyang mabitiwan ang pitsel ng juice nang marinig niya ang tinig ni Grei sa likuran niya.
"Wag ka ngang nanggugulat," naiinis na pakli niya.
Natigilan siya nang makita kung gaano ito kalapit sa kanya. His face was just a few inches away from hers.
She could actually feel his was breath fanning her cheek.
Dali-daling lumayo siya rito. "Bakit ba?"
"Pati kapatid ko idinadamay mo sa kalokohan mo," seryosong sabi nito.
Tinalikuran niya ito at inabala ang sarili sa pagkuha ng tray at mga baso. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," pagkakaila niya. Nanginginig ang mga kamay niya.
Naiinis na siya sa nagiging reaksiyon niya rito.
Halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso dahil lamang magkalapit sila nito. Ngayon ay nanginginig pa siya.
Natumba ang mga basong inaayos niya sa tray.
Sinubukan ni Grei na tulungan siya at dahil doon ay napapadikit ang kamay niya rito.
Lalo lamang tuloy natutumba ang mga baso dahil sa pagkataranta niya.
Lumikha iyon ng ingay. Ang akala niya ay mababasag na iyon. Mabuti na lang at hindi iyon nahulog sa sahig.
Tila kay lapit-lapit nito sa kanyang likuran. She was sure he could feel hee body quivering.
Nahigit niya ang kanyang hininga nang pigilan nito ang pagtatangka niyang ayusin ang mga baso. Dahan-dahang nilingon niya ito sa kanyang balikat.
There he was, standing so close behind her. Kung titiyad siya nang kaunti ay mahahalikan na niya ito.
Gusto niyang umatras pero pakiramdam niya ay napako na ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya. She couldn't move.
Mataman ang pagkatitig nito aa kanya. Kung hindi niya alam na hindi siya nito gusto, iisipon niyang minememorya nito ang bawat bahagi ng kanyang mukha.
parang naging maamo rin abg pagkakatitig nito sa kanya at gusto nito ang nakikita.
Napatingin siya sa mga kabi nito. They looked so soft and delectable.
Naalala tuloy niya ang halik na namagitan sa kanial nang nakaraang gabi. Noon lamang niya naranasan ang mahalikan ng ganoon.
Parang gusto niyang maranasan uli iyon. Kaunting tiyad lang ang kailangan niyang gawin at maglalapat na ang kanilang nga labi.
"Sa susunod, wag mo nang idamay si Mira sa mga kalokohang naiisip mo."
Napakurao siya nang marinig ang tinig nito. Parang napasonv kumayo siya rito.
Muntik pang mahulog ang hawak niyang baso sa biglang pagkilos niya.
Mabuti na lang at nasalo nito iyon. ito narin ang nag-ayos ng nga natumbang baso sa tray at nagsalin ng juice sa mga iyon.
Aftet this, he went inside carrying the tray in both hands as if nothing happen.
Naiwan siyang nakasunod lamang ang tingin dito at malakas parin ang kabog ng dibdib. Saka lamanv niya napagtantong pinipigilan pala niya ang kanyang hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro