CHAPTER 11 {ლ('ڡ'ლ)}
GREI P.O.V
Natatawa na lamang si Grei habang pinapanood si luna sa pagkain. true, she was a great cook, but she was messy eater. Mas marami pang sauce na napupunta sa damit mito kaysa nakakain nito. Napailing-iling siya.
Totoo na masarap itong magluto. iniinis lamang niya ito kanina kaya sinabi niyang medyo matabang ang isang dish na niluto nito. But the truth was he really liked the food she prepared earlier.
Sa makailang ulit, kumuha ito ng table napkin at pinunasan ang sauce sa palibot ng bibig nito. Kung may panlasa lamang ang table napkin na iyon, baka nagpasalamat na ang mga iyon kay luna dahil sa dami ng sauce na pinupunas nito roon. Mas marami pang natikman ang mga iyon kaysa sa dalaga na siyang kumakain.
"You know, Grei, your dish is good. pero masyadong sauce itong pasta mo," nakangiwing sabi nito "talaga bang ganito ito?"
Doon na siya natawa. Hindi siya nainsulto sa sinabi nito. Naa-amuse pa nga siya. She was the type og girl who spoke her mind. It was cute. She was cute. Huwag lamang itong tutupakin ay magkakasundo sila.
"Kung hindi ka makkain ng maayos wag mong pilitin," aniya.
"Ayoko nga." hinila pa nito ang plato nito papunta rito na animo aagawan ito. "Ikaw ang nagluto nito kaya uubosin ko'to."
Humiling kasi sa kanya na ipagluto ang mga ito para sa dinner. Pinagbigyan niya ito. pasta ang specialty niya-favorite niya iyon- kaya iyon ang naisipan niyang iluto.
Kaya pala kanina ay nag-react si luna nang makitang kumuha siya nang pasta. Nhulan malamang nito na italian dish ang iluluto niya. Pero hindi ito nag protesta kaya ang akala niya ay walang problema rito.
Kung sinabi nito iyon ng maaga, sana ay ibang dish nalang ang niluto niya. Hindi niya gusto na hindi ito makakain dahil hindi nito gusto ay pagkain.
She continued eating. He watched her fondly as she wiped the sauce away from her mouth. Saglit na napatitig siya roon. Her lips were pinkish and looked soft. Well, they really were soft. Napakalambot ng mga labi nito at ramdam na ramdam nito iyon nang matikman niya iyon nang nakaraang gabi.
It was a wonder why she kissed him then.
Nagulat talaga siya sa ginawa nito. Pero natikman parin niya ang tamis ng mga labi nito sa kabila ng pagkagulat niya. So instead of pulling away, he kissed her more. It felt so good. he didn't want to let go of her lips were if not for Marissa's reaction. Saka lamang siya natauhan sa ginagawa, at kasabay niyon ay ang panghihinayang.
There was something about the kiss that made him feel strange and good. He liked that kind of feeling. it was made him crave for more. it felt so good. He never felt that when he was kissing someone else-not even Daliah.
"Kuya Grei, wala ka na bang balak bumalik sa states?" tanong ni Mira.
Bumaling siya rito. "Bakit? pinababalik mo na ba ako roon? Kauuwi ko lang, ah," biro niya.
"Wala lang," nagkibit-balikat na sagot nito. "Sabi kasi ni mommy, May business ka raw doon."
It was true, but it was not solely his. Kasosyo niya ang dalawang kaibigan niya sa pagtatayo ng isang software company sa states. he wasn't really interested in business. he was an architect . kaya kahit saan pa siya mag-settle ay walang problema sa kanya. Isa pa, nagpapahayag na si Mico-ang kaibiganniya at kasosyo sa negosyo- na bilhin ang share niya. Hindi pa lamang siya makapagdesisyon.
"Babalik ka sa states?" tanong ni luna. Nasa anyo nito ang pagkabahala. she was obviously not in favor of the idea. Kung sasabihin niyang "oo" ay malamang na ito ang unang-unang magpoprotesta.
Hindi talaga niya maintindihan kung anong nakita nito sa kanya at parang obsessed na ito.
"You don't have to go back, Grei." anito. "nandito ang kapalaran mo sa pilipinas. Nandiyan sa kuwintas na'yan." tinuro pa nito ang kuwentas nila.
"luna, talaga," singit ni Mira, "baka magka-cancer si kuya Grei."
luna just pursed her lips. Saglit na natigilan ito, pagkatapos ay nagtuloy sa pagkain. Mukhang may gusto may gusto pa itong sabihin subalit mas pinili nalang na itikom ang bibig.
gusto niyang manibago rito. Normally, hindi ito patatalo at sasabihin parin ang nais nitong sabihin. Now, she stayed silent.
si Mira naman ay nagpakuwento ng mga ginawa niya sa states. Ilang traon din kasi siyang namalagi sa ibang bansa kaya matagal silang hindi nagkita.
Tumatawa pa ito sa mga jokes niya. Mukhang nakapag-adjust na ito at hindi na naiilang sa kanya. Komportableng nakikipagbiruan narin ito sa kanya.
"Ano'ng oras na?" biglang tanong ni luna.
"Ten," sagot ni Mira. "Bakit?"
"Two hours," she whispered. Nevertheless, her voice reached his ears. Payak na ngumiti ito. "Wala lang."
Midnight? ano naman ang mayroon sa hatinggabi? Maya maya nagulat sila ng kapatid niya ng mag paalam na si luna na mauuna nang umuwi. She was definitely acting strangely. Hindi naman ito ganoon kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro