Epilogue - CROWN
Desperate Seduction
Thank you so much torturers!
~
END. Tapos na ang lahat, tapos na ang gulo. Kasama na ni AIszel ngayon ang mga magulang niya at ang anak niyang babae. Si Arian Aisne ang nagpangalan sa kanyang anak na babae at wala namang kaso iyon sa kanya, Queen Helena Aisne, bagay na bagay sa anak niyang babae. Marapat lang iyon, isang Reyna rin ang anak ng Reyna.
Hindi pa nila actually napag uusapan ni Hari ang tungkol sa pagtira nila sa Sicily at kahit na anong pilit niyang tanggapin ang kagustohan ng asawa, may kung ano sa puso niya na ayaw lisanin ang lugar nito. Mabigat sa dibdib lalo na't may binubuo siyang bagong emperyo sa underground society. Pero may punto rin naman ang asawa niya na kailangan na nilang bumukod at malagay sa tahimik ang pamilya. Iba na ksi ngayon, may mga bata ng involve sa kanila at hindi naman niya gugustohing mapahamak ang mga bata.
Hindi na dapat siya maging selfish kung tutuosin, her era is gone, she needs to give way.
"Haze..." Tawag niya sa kapatid ng makita niya itong naninigarilyo sa rooftop ng Queen's tower. "A-anong ginagawa mo rito? Bukas na ng gabi ang coronation dapat ay nagpa-practice ka na."
Tinapon nito ang sigarilyong hawak. "I'm not trained for that," Lumingo ito sa kanya. "Ikaw buong buhay mo pinaghirapan mo ang tronong iyan at inaasahan mong sayo ipapasa ang pamumuno sa Evil Torturers, ayaw ko ng ganito kuntento na ako sa pagiging Torturer at isa sa Queen Demonic Trio. Hindi ko gustong mamuno kasi iyong gusto kong tao hindi naman ako gusto."
"Are you talking about your bodyguard?"
Mapait itong ngumiti. "I wasn't expecting na darating siya noong araw na iyon kasama ang buong pwersa ng FORTEZA Mafia, kung alam ko lang sana hindi ko pinugutan ng ulo ang babaeng iyon sa harapan nila, dahil doon mas lalo akong nasira sa kanya. Ano bang mali sa akin?" Her eyes were a little bit teary. "Maganda naman ako? My boobs naman ako? Isa pa, ilang beses na kaming nagrakrakan sa kama tapos team HOPIA pa rin ako sa kanya? Ano iyon gagohan?"
Lumapit siya sa kapatid at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "There's nothing wrong with you, Haze. Ang problema kasi sa ating mga babae, kapag gustong gusto natin ang isang bagay o isang tao nagiging desperada tayong makuha sila. We are eager to have them, nakakalimutan na nating mahalin ang sarili natin..." Bigla niyang naalala si Azil. "If you're chasing him, he'll always find a way to runaway, so stop and let him chase you it's his turn na, ikaw ang dapat hinahabol Haze, hindi ikaw ang naghahabol remember what happened to me and Azil."
Ngumisi ito sa kanya. "Hindi mangyayari sa amin ang nangyari sa inyo ni Azil, Queen. Wala talagang bayag ang gagong iyon at isa pa may pinanghahawakan na ako ngayon." Kumindat ito sa kanya. "Pupunta muna ako sa mga Forteza." Muli itong kumindat at nagsimulang maglakad palayo sa kanya, kumaway pa ito. "You are the real heiress, you deserve the crown."
Saglit naman siyang napangiti. She deserves it pero ayaw naman ni Hari na manatili pa sila rito. Hindi na siya selfish tulad ng dati, kailangan niyang unahin ang sarili niyang pamilya.
"HOW is he? Saan na siya ngayon nakatira?" Bungad ni Hari sa isa sa mga taohan niya matapos niyang ipahanap si Hellion, hindi niya pwedeng pabayaan ang kapatid. Ano pa man ang mangyari kapatid niya pa rin ito at tapos na ang laban sa pagitan nilang dalawa dahil siya na ang pinili ni Aiszel.
"Young Highness, your brother is in Pampanga with Miss Ylyn Alfaro, maayos po ang lagay ng kapatid mo may sarili naman po itong mansyon doon pero pansin ko pong kinukulong lang nito ang sarili at tanging si Miss Alfaro lang ang kinakausap."
He nodded his head. "Good to hear that he's okay at least may tinutuloyan siya ngayon at may nagbabantay sa kanya. Siguradohin niyong maayos ang lagay niya, mahirap na dahil sa susunod na linggo ay lilipat na kami sa Sicily."
Bahagya itong nag bow sa kanya at aalis na sana pero humarap itong muli at tila may nakalimutang sabihin. "Your Highness, nakalimutan ko pong sabihin na pinapatawag po kayo ni Master Demon Hades sa opisina nito."
Oh! He almost forgot. talaga naman kasing plano niyang kausapin sina Demon Hades tungkol sa pag alis nila ni Aiszel at ng mga bata dito sa ETHQ. Isang tango lang ang sinagot niya sa taohan niya at sinabing susunod na siya roon kaya nauna na itong lumabas.
Marami nang plano si Hari para sa mag iina niya. Kapag nakarating na sila sa Sicily ay mamumuhay na sila ng tahimik at maayos, magiging okay na ang lahat. Hindi na kailangang maranasan ng mga bata ang ganitong buhay at alam niyang sang ayon naman si Helen sa kanya sa pag lagay nila sa tahimik.
Dumiretso si Hari sa opisina ni Demon Hades, naabutan niya ang tunay na anak ni Queen Hzelesa sa loob kasama ang asawa nitong si Arian Aisne, kaagad siyang yumuko ng bahagya bilang pag galang, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon noon na magkaharap harap ng ganitgo kaya ngayon sisisguradohin niyang aayosin niya ang lahat.
"Sit down." Walang emosyong sabi ni Demon Hades sa kanya.
Walang imik na umupo naman si Hari sa visitor's chair sa harapan ng mag asawa. "D-demon? S-sir... Ahh, fuc--I don't know how to address you."
Bahagyang napahagikgik ang ginang sa sinabi niya na agad namang tumigil at sumeryoso ang mukha ng tumingin sila ni Demon.
"What?" Taas kilay na tanong nito sa kanila. "Hindi ka naman na anak ni Queen Hzelsa, ginawan mo na ng paraan ng Birth Certificate mo at lahat ng papeles mo, Ferezo na ang apelyido mo at hindi Rakovski kaya hindi na kayo magkaano ano ni Demon Hades. Oh! In fact, father-in-law mo na pala siya dahil pinakasalan mo ang panganay namin."
"My Queen..." May pagbabanta sa boses ni Demon Hades pero hindi naman natinag ang ginang.
"What? Don't tell me hahadlang ka pa sa kanila? Nakatatlong anak na kaagad sila ni Aiszel at lalaki pa ang dalawa, take note pinangalan pa sayo ang isa."
"At sayo naman ang isang babae."
"Malamang, ako ang nagpangalan sa baby na iyon, she will be the next Queen after her mother."
He cleared his throat. Nabaling naman sa kanya ang atensyon ng mag asawa. "About that, Queen Aisne, M-master Demon Hades..."
"Don't tell me you're planning to take away my daughter and my grandchildren?" Madilim na sabi ni Demon Hades. "Si Rendox nga hindi ko pinayagang kunin si Hanna at itira sa malayo, ikaw pa kaya? I know what's on your mind, boy! At hindi ko hahayaang ilayo mo sa akin si Helen at ang mga apo ko."
"Napag usapan na po namin ni Helen ang tungkol dito at pumayag na siya sa bagay na ito."
"Pero tinanong mo ba ang anak ko kung gusto niya?" Sabat naman ng Reyna. "Matagal na niyang pinaghandaan ang pagpapasa ng pamumuno sa kanya, bata pa lang siya hinangad na niyang pamunuan ang ET, ito ang madalas na pinaglalaban niya kay Demon Hades dahil akala ni Helen na kay Hellion namin ibibigay ang posisyong ito kaya nga siya galit na galit kay Hellion."
"Queen, huwag ka na munang masyadong magsalita, hindi pa hilom ang mga sugat mo." Paalala ng asawa nito.
She smiled. "Okay lang ako Demon love," Muli itong bumaling ng tingin sa kanya. "Ngayon Hari, tatanongin kita kung tinanong mo na ba siya kung GUSTO niya ba talagang umalis?"
"Si Helen, kilalang kilala na namin mula ulo hanggang paa, oo maaraing pumayag siya sayo na umalis at manirahan ng tahimik sa Sicily o kung saan mang bansa niyo gustohin." May kinuha ito sa isang drawer at nilapag ang isang kulay asul na clip folder sa lamesa nito. "It's almost finish."
"What's that?"
"See for yourself." Sagot nito.
Bahagyang inangat ni Hari ang katawan at inabot ang clip folder na iyon. He flipped the pages, sketch iyon at para bang hiwa hiwalay na blue prints. Sa bandang mga huling pahina ay puro mga printed na larawan na iyo9n.
"Bumubuo ng bagong emperyo ang anak ko, sa tingin mo ba gusto niyang takasan ang buhay na ito? She is a FULL blood torturer parang ang anak kong sina Haze at Hanna hindi nila kayang talikuran ang grupong ito."
"How? Paanong matatapos ang grupong ito kung walang aayaw?"
Ngumisi sa kanya si Demon Hades. "Hindi matatapos ang grupong ito Hari."
"Only the third generation can tear this apart, pangalawang henerasyon pa lang Hari."
"How do you say so?"
Ngumisi lang sa kanya ang Reyna. "Pag isipan mong maigi, hindi masaya si Helen sa desisyon mong umalis at isama sila."
Wala sa sarili si Hari nang lumabas siya sa silid na iyon. Paano nga kaya kung totoo ang sinawsabi ng mga magulang ni Helen? Paano nga kaya kung hindi naman talaga nito gustong umalis, paano na lang kaya kung napipilitan na lang si Helen sa gusto niyang umalis.
Tama naman ang gagawin niya hindi ba?
Pero kapalit niyon ay ang kaligayahan ng babaeng mahal niya. Kung kaligtasan lang din naman ng mga bata wala nang problema doon dahil sa dami ng mga loyal na taohan niya isama mo pa ang mga torturers.
Ano ba dapat?
KUNOT na kunot ang noo ni Aiszel nang hindi niya makita si Haze sa ballroom ng ETHQ. Nasaan naman kaya ang babaeng iyon? Napag usapan naman na nila na ito ang bagong maumuno sa ET at hindi siya pero ang loka loka tinawanan lang siya. Nababaliwa na yata ang isang iyon e. Malala na. Tsk! Inayos niya ang suot niyang kulay pulang gown, nahagip ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Hanna kasama ang asawa nito, nakasuot naman ng kulay dilaw na gown ang kapatid niya katulad din ng sa kanya. Ganito rin ang kay Haze, kulay itim nga lang ang sa bunso nila.
Hinawi niya ang kanyang buhok at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng bulwagan, hindi niya makita ang asawa niya. Nasaan naman kaya ngayon si Hari?! Ugh! Imposibleng kasama ng mga bata dahil nasa iisang silid lang ang mga anak ng torturers ngayon at may tatlumpong gwardyang nagbabantay at nag aalaga sa mga ito.
"Greetings to my favorite Queen on ET." Pilyong bati sa kanya ni Rocky.
She smiled. "Ngayon lang ulit kita nakita Rocky, ano naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
Ngumisi lang ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Napailing na lang siya, wala siyang pakialam sa kalokohan ng Rocky ngayon alam niya kung gaano kabrutalo ang ginagawa ng lalaking ito. Tsk! Malala na talaga ang mga Costalles.
Palabas na sana siya ng ballroom ng umakyat sa stage ang kanyang ama kasama ang kanyang ina. They're wearing a matching suit, yes, nakasuot rin ng suit ang kanyang ina and to tell you the truth, she's rocking that outfit talagang wala pa ring makakatalo sa ganda ng kanyang ina.
"Long live, torturers!!!" They all chanting, praising the Queen and the Master.
"Helen Aiszel, come here."
Bahagya pa siyang nagulat nang tawagin siya ng kanyang ama. Bakit siya? Ang unang tatawagin ang papasahan ng posisyon at dapat ay si Haze iyon. Napalingon siyang muli sa kanyang kapatid nag thumbs up ito sa kanya, sa kabilang banda ay nilingon niya si Haze na may hawak na namang sigarilyo, bumuga pa ito ng usok bago tumango sa kanya.
Where is Hari?
Parang magic ang tanong niyang iyon dahil ilang saglit pa ay nasa harapan na niya ang asawa, nakasuot ito ng kulay puting suit at mas lalong gumwapo sa kanyang paningin..
"Can I escort my Queen?"
"Hari..."
He smiled. "You deserve this my Queen. You're happy with this at alam mo namang kaligayahan mo lang ang hangad ko. Sabay nating po-protektahan ang mga bata at ang grupong ito."
Natutop niya ang kanyang bibig at saka inabot naman ng isang kamay niya ang nakamwestra na kamay ng asawa. She's happy really happy. Ang buong akala niya ay tuloyan na nilang lilisanin ang lugar na ito. Ang grupong pinaglaban niya, hindi nasayang ang pinaghirapan niya because she deserves the spot. She deserve the crown.
"I will always be your King. I will stay by your side and support you in everyway. I love you so much My Queen Helen Aiszel."
"Ditto..."
They will stick together.
Forever starts now,
Hari and Helen...
DESPERATE SEDUCTION
E N D
A/N: On going pa rin ang orderings ng Oshiri Oquendo book 😉 Join lang kayo sa group for more info. Thank you so much torts!
PS: ROCKY later 💙
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro