Chapter 28 - Truth
Desperate Seduction
@MyJaff
~
ILANG linggo matapos ang naging burol ng Reyna at Master ay naging matamlay ang buong ETHQ. Kapansin pansin ang laki nang pinagbago ng kanilang palasyo. Maging ang kanyang kapatid na si Haze, panay na lang itong wala at alam naman ni AIszel kung ano ang pinag kakaabalahan ng kanyang kapatid. Si Hellion.
Hanggang ngayon hindi pa rin nila matunton kung nasaan ang bastardong iyon, hanggang ngayon matinding galit pa rin ang dinadala nila dahil kagagawan ni Hellion ang lahat ng ito. Kung hindi lang dahil sa mga anak niya, malamang ay siya na ang naghahanap ng paraan para mapatay ang gagong iyon! Wala itong karapatan na mabuhay matapos ang ginawa nito sa pamilya nila. Walang utang na loob. Siguro ay sinusunog na ang kaluluwa nito sa impyerno dahil sa mga kasalanang nagawa nito sa kanila.
"Aiszel, hindi na naman umuwi si Haze, ilang araw na iyon baka napano na ang kapatid natin."
Lumingon siya kay Hanna, kapapasok lang nito sa kanyang silid at iyon na kaagad ang bungad nito sa kanya. She sighed heavily. "Someone is secretly tailing her, maayos ang lagay ni Haze." Lumingon siya sa kanyang kambal. "Kung hindi lang dahil sa kambal baka ako na ang pumatay kay Hellion. Ako mismo ang susunog sa kanya ng buhay."
"Queen, yung coronation."
"I'm not interested, Hanna." Mabilis na sansala niya sa kapatid.
Kamakailan lang kasi ay pinag uusapan na ang bagong hahawak sa ETHQ at dahil siya naman ang legal na panganay na anak ng Reyna at Master, siya ang gusto ng mga Legends na mamuno which is pabor naman sa kanya dahil ito naman ang pinag lalaban niya noong una pa lang. Pero iba na kasi ngayon, iba na ang sitwasyon niya ngayon at hindi na siya interesado sa tronong inaasam niya noon pa man. Iba na ngayon lalo na't may tatlong hari na siya, si Hari na asawa niya--hanggang ngayon ay wala pa rin tong kupas sa kalokohan nito-- si King Hades Asziz at si King Harison Aziel. Sila na ngayon ang buhay niya at ang gusto niya, sa kanila umikot ang mundo niya.
May isang bagay na natutunan siya sa mga nangyari sa buhay niya, hindi lahat ng gusto mo, hindi lahat ng bagay na nanaisin mo ay mapapasyo, maging ang taong pilit mong inaasam kasi may mas magandang plano para sayo. May darating na tamang tao para sayo. Hari, siya ang taong mas higit pa sa taong minsan niyang inasam na maging kanya. Hindi man niya inaasahan ang pagdfating ni Hari sa buhay niya pero malaking parte sa pagkatao niya ang binago nito at kailanman, hindi siya magsisissing si Hari ang pinili niyang mahalin. Yes, the evil Queen was fallen and she's proud of it. Really.
Nagpaalam na si Hanna sa kanya, saglit lang naman nilang napag usapan ang ilang bagay, buntis na naman kasi ang kapatid niya. Isa pa, gusto rin siya nitong pigilan sa plano nilang manirahan ni Hari sa Sicily. Gusto na kasi ng asawa niya na malagay sila sa tahimik. Malayo sa mundong kinagisnan niya. Malayo sa lahat ng bagay na mayroon siya. Doon, magkakaroon siya ng sariling titolo, magiging isa nga siyang Reyna pero may parte sa puso niya na hindi siya masaya. Para kanino ba talaga ang titolong iyon? Oo lumaki siyang tintratong parang Reyna pero iba pa rin pag ang kanyang ina, naging mapait lang ang kapalaran sa mga magulang niya at humantong ang lahat sa ganito.
Malaki man ang naging galit niya noon sa mga mgaulan niya pero iba pa rin ngayon, kung sana buhay pa ang mga ito, kung sana ang mga magulang pa rin niya ang namumuno sa ETHQ. Hindi. Hindi dapat namatay ang mga magulang niya. Hindi dapat isang pipitsuging bastardo lang ang nakapatay sa mga ito. Hindi pwede.
"Umiiyak ka na naman." Boses iyon nang kanyang asawa. "Hindi ba sinabi ko naman sayo na huwag kang iiyak sa harapan ng mga Hari natin? Matapang ka Helen, diba?" Minasahe nito ang kanyang balikat at marahang hinalikan ang kanyang tuktok. "Isipin mo na lang na tahimik na ang Reyna at ang Dad mo kung nasaan man sila ngayon."
"Paano sila matatahimik kung biglaan ang pagkamatay nila?" Dahan dahan siyang humarap sa asawa. "Hari, ang daming tanong na nabubuo sa isip ko. Ang daming what ifs dahil napakaraming butas ng pagkamatay nila. Hindi ako makapaniwala at hindi ko kayang paniwalaan."
"Kaya nga ako mismo ang gumawa ng paraan." Nilabas nito ang isang USB mula saa bulsa nito
Kaagad na kumunot ang noo niya. "Ano naman iyan?"
"Mahal kong Reyna, USB yan."
Napatampal siya ng noo at marahs na inagaw ang USB na hawak ng asawa at pinukpok iyon sa noo nito. "Stupid, I know USB ito, pero anong laman nito Harison?" She hissed at him.
"Porn." Mabilis na sagot nito na kaagad namang umayos nang titigan niya ito ng masama. "CCTV footage sa infirmary room ng Reyna noong araw na namatay ito. At the same time may kuha rin dyaan nung namatay ang Master ng EET."
"Anong nakita mo?" Bigla siyang kinabahan. Sinabi na nga ba niya at may butas talaga ang pagkamatay ng mga magulang niya.
Kinuha ni Hari ang hawak niyang USB at naglakad papunta sa mini office sa silid nila. Inayos nito ang laptop at saka kinabit ang USB. Wala namang kahina hinalang nangyayari sa loob ng silid ng infirmary bukod sa may pumasok na pamilyar na bulto ng lalaki sa loob niyon. Alam niyang si Hellion iyon, walang duda, tindig pa lang nito alam niyang ang hayop na iyon na ang nasa loob niyon.
"Look, my love." Hari paused the video.
Tumitig siyang maigi sa harapan ng monitor at ganoon na lang ang pagkagulat niya ng mapansin niyang may isa pang pumasok sa silid, hindi niya mwari kung ang ama niya iyon dahil hindi naman iyon nakita sa camera dahil parang na-cut na ang video na naroon sumunod na kasi ay ang pagbunot sa life supporter ng Mom niya.
"I checked the whole footages that day, malinis ang gawa sa lahat pero itong sa infirmary, pumalpak, may kulang sa lahat ng mga naganap sa araw na iyon at malaki ang possbility na buhay pa ang Reyna."
"What the fuck?"
"Later we can fuck my Queen." Pa-cool na sagot nito. Babarahin niya sana ang asawa niya nanag maglabas ito ng isang kulay brown na envelope sa may gilid na drawer. "Here."
Inabot ito sa kanya ni Hari, hindi siya nag dalawang isip na kuhani iyon at buksan. Kunot noo niyang bninalingan ng tingin ang asawa nanag makata niya ang laamn niyon. "DNA test?"
"Yes, Reyna ko." Mabilis na sagot nito. "DNA test iyan ng bangkay na nilibing natin noong nakaraan, bangkay ng Reyna."
Gusto niya sanang tanongin ang asawa niya kung bakit nito pina-DNA test ang bangkay ng Mommy niya pero sa halip ay binasa niyang maigi ang nakasulat sa puting papel na iyon at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita kung ano ang resulta. Kulang ang sabihing nagulat siya pero mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman niya ngayon.
"Negative..." Mahinang sabi niya.
Marahang ngumiti si Hari sa kanya. "Yes, Reyna ko. Negative. Buhay ang Reyna at nasisiguro ko iyon."
"Hari..." Her voice broke, she was never been emotional like this. Oh God! Sana totoo. "Hari..."
Pumwesto ito sa haraapn niya at kinulong ang kanyang mukha gamit ang mga palad nito. "I don't want to see you crying out of misery, I want you happy Reyna ko that's why I'm doing this at sa tingin ko kailangan nating patawarin si Hellion dahil malakas ang pakiramdam ko na plinano nilang lahat ni Demon Hades ang mga nangyayari ngayon." Seryosong anito. "Ang hindi ko lang maintindihan kung paano nila nagawa ang lahat ng ito? Anong dahilan at bakit kailangang humantong pa sa ganito."
"Buhay rin si M-master..."
"Buhay siya, ganoon din ang ginawa ko sa bangkay niya. Parehas na peje so I assume na buhay rin siya pero paano? Nabaril si Demon, damn! Si Hellion lang talaga ang makakapag paliwanag sa atin ng lahat ng mga nangyayari ngayon ."
"Bakit?" Napatayo si Aiszel at naglakad patungo sa isang drawer at kinuha ang kanyang baril doon. Kaagad naman siyang nilapitan ni Hari at inagaw iyon.
"Ano sa tingin mo ang balak mong gawin?"
"Tutulongan ko si Haze na mahanap si Hellion."
"Pagkatapos ano?"
"Papatayin ko siya dahil wala siyang karapatan na manipulahin kami at gamitin ang mga magulang ko!" Gigil na sabi niya.
Hinawakan ni Hari ang kanyang balikat. "Helen makinig ka, hindi si Hellion ang nakikita kong kalaban dito. Hindi ko ma-point out kung sino pero malakas ang kutob ko na isang taong malapit kay Hellion ang nasa likod ng lahat ng ito. Kailangan nating maghintay Helen."
"Ako makakapaghintay Hari, pero si Haze..." Ngumisi siya rito. "Kulang ang gilitan niya ng buhay si Hellion."
"Kapapanganak mo lang, Reyna ko. Hayaan mong ako ang kumilos para sayo. Sinisiguro ko na ibabalik kong buhay ang mga magulang mo basat ipangako mo sa akin na sasama na kayo sa akin ng mga bata sa Sicily."
Hindi niya malaman pero parang may kumurot na naman sa kanyang dibdib sa tuwing naririnig niya iyon. Lahat ng plano ni Hari na gusto niyang matupad para sa ikatatahimik nila, lahat ng plano nitong lumayo, ikinasasakit iyon ng dibdib niya pero hindi niya lang maamin dfahil alam niyang kumpyansa na ang asawa niya na sasama sila sa Sicily para roon mamuhay ng tahimik.
"Matatapos ang lahat ng gulong ito, Helen pero iyong pagmamahal ko sayo, hanggang sa kamatayan ko dadalhin ko. Mahal na mahal kita."
She smiled weakly as she accepted his kisses. God! Lunod na lunod siya sa pagmamahal para kay Hari to the point na kaya na niyang talikuran ang lahat.
NILAPAG ni Aiszel si Asziz sa crib ng kambal matapos niya itong mapatulog, napapansin niyang mas hinahanp hanap siya ni Asziz kesa kay Aziel dahil maka-Hari naman ang isang iyon. Ang pinagtataka lang ni AIszel sa tuwing tinititigan niya ang kambal parang may kung ano sa puso niya ang kulang, parang may malaking espasyo sa kambal na kailangang punan. Hindi niya maintindihan talaga ang bagay na iyon. Minsan nga, magigising siya sa himbing ng tulog niya dahil umiiyak ang kambal at kahit na anong gawin nila ni Hari hindi nila mapatahan ang dalawa, parang may hinahanap, parang may kulang dahil hindi ba't may kasabihan na may kakaibang connection ang mga kambal? Ano ang pinapahiwatig ng mga anak niya sa kanya?
Sinabihan niya ang mga guards nila na bantayang maigi ang kambal. Lalabas na muna siya para makibalita sa mga Legends. Na-discuss na kasi ng asawa niya sa mga ito ang lahat ng natuklasan nito kaya kumikilos na ang mga originals na tinutulongan naman ng bagong henerasyon ng torturers as much as she wanted to help, ayaw siyang payagan ni Hari na sumama sa mga lakad na iyon, ayaw nitong humawak pa siya ng baril.
Hindi tanga si Aiszel, alam niyang unti unti na siyang nilalayo ni Hari sa buhay na kinagisnan niya. Unti unt na siyang nilalayo ni Hari sa mga torturers.
Sa paglalakad ni Aiszel, nakasalubong niya ang Tita Robina niya. Napangiti siya ng magtama ang kanilang tingin ngunit kaagad namang nawala iyon nang mag iwas na naman ito ng tingin sa kanya. Yes, na naman. Napapansin niya magmula noong manganak siya ay iniiwasan na siya nito para bang may nakakahawa siyang sakit. Hindi niya maintindihan.
"Tita Robbie..." Aniya nang makalapit siya rito. Again, nag iwas na naman ito ng tingin kinutoban siya. "Pwede mo ba akong samahang uminom ng tsaa sa hanging garden?" This time, seryoso na ang boses niya.
Kaagad na namutla ang ginang. "Ano... kasi... Aiszel."
"I bet, hindi naman ako tatanggihan ng babaeng nagpaanak sa akin? Isipin mo na lang Tita na pasasalamat ito."
"Aiszel..."
"Sumunod ka." Her voice was full of authority.
Nauna siyang naglakad. Kahit kailan hindi pa siya nagkamali sa lahat ng mga naging kutob niya. May mali. May malaking mali sa panganganak niya, ngayon ay sigurado na siya matapos niyang masaksihan ang kinikilos ng babaeng nagpaanak sa kanya.
Naunang naupo si Aiszel, pinahanda niya sa mga taohan niya ang tsaa, titig na titig siya kay Robina Makalaylay Chui at hindi naman ito makatingin ng diretso sa kanya. Hinatid ng mga taohan niya ang tsaa, at mabilis na umalis sa harapan nila. Kinuha ni Aiszel ang kanyang tasa at marahang inihip ang usok.
"You know that you are one of my mother's bestfriend or should I say, sister. Ikaw ang tumulong kay Mommy kayo ni Tito Robin at alam kong parang anak mo na rin kami lalo na si Haze." Nilaapag niya ang tasa at saka sumandal sa backrest ng upoan, pasimple siyang sumilip sa ibaba, kung saan puro berde pa rin ang nakikita niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka makatingin sa akin Tita Robbie, tapatin mo nga ako..." Matalim niyang sinalubong ang mga mata nito. "Anong nangyari noong araw na nanganak ako? Alam kong naroon si Hellion nabanggit iyon sa akin ni Hari. Sabihin mo sa akin kung anong ginawa niya sa delivery room at bakit matapos ang araw na iyon sinimulan mo na akong iwqasan."
"Helen..." Marahan na tawag nito sa pangalan niya.
"Don't you dare lie to me Mrs. Chui, asawa ka man ni Jaguar Chui walang takot kitang dadalhinsa torture room para lang maikanta mo iyang tinatago mo." Nanlalaki ang kanyang mga mata sa galit at pagtitimpi.
"Ginawa lang iyon ni Hellion para iligtas ka maging sina Asziz at Aziel, kailangan niyang isakripisyo ang isa para mailigatas kayo." Nag umpisa itong humagulgol sa harapan niya. "I'm sorry, I'm sorry Aiszel."
"Anong pinagsasabi mo?" Nagugulohang aniya. "Anong sakripisyo??"
Malakas itong humagulgol. "Tatlo ang isinilang mo Aiszel, tatlo ang anak mo at hawak ni Hellion ang isa."
She gasped. What... Oh fuck! She can't say a word. What the hell is this?!
**
A/N: Last one then epilogue. Dedicated to NANA BANANA ASAWA NI SUGO hahaha
Enjoy reading torts! Comments kayo ha? Thank you much!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro