Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2 - Talk

Desperate Seduction

~

KUSANG NAWALA ang ngiti ni Aiszel sa labi kinaumagahan ng pag gising niya ay wala na si Azil sa tabi niya. Her man left without even a single note for her. She just shook her head, pilit siyang ngumiti kahit na mapait iyon. Azil, took care of her last night, he comfort her and everything. Ang buong akala niya ay maabotan niya pa ang binata pag gising niya pero bigo siya.

Marahas siyang nagbuga ng hangin bago tumayo sa kama.

“Alexandra!” tawag niya sa ladyguard niya.

Kahit saan naman siya magpunta ay nakabuntot ito sa kanya at ang lima pa niyang bodyguards kaya hindi na siya magtataka kung narito rin ang mga ito sa unit ng mahal niya.

Limang segundo lang ang nakalipas ng bumukas ang pinto ng silid.

“Your Highness,” bati nito sa kanya. “Anything you wished for?!”

“Prepare the bathroom.” mariing utos niya.

“Done and ready, your majesty.” sagot nito.

Hindi niya na iyon pinansin at dumiretso na siya sa banyo. True enough, nakahanda na talaga ang pampaligo niya, nagkalat na ang rose petals sa malaking bathtub ni Azil.

She smirked. How she wished he was here to join her. Pinilig niya ang ulo niya at sinimulan ng maghubad. 

Relax Aiszel.. Relax. Remember you're a Queen. 

Matapos kalmahin ni Aiszel ang sarili sa bathtub, naka bathrobe siyang lumabas roon. Sinalubong siya ni Alex at ng dalawa pang babae, nakahanda na kaagad ang susuotin niya. Except from her undies, ang mga ito na ang nag suot sa kanya ng kulay itim niyang dress.

Her favorite color.

Black for evil bitch like her.

“The car is ready, your highness.” Alexandra said.

Hinawi niya ang kanyang buhok bago naunang lumabas ng unit ni Azil. May pupuntahan nga pala sila ni Rocky Costalles ngayon.

Rocky is her best friend, more like a brother since hindi naman niya matanggap ang bastardong anak ng Master. Rocky is also a Master of ET, panganay na anak ito ng isa sa mga Original Masters ng ET.

Hinatid siya ni Alex at ng ilan pa sa isang restaurant. Dito kasi nila kakausapin ang isa sa mga druglords na su-suplayan nila ng droga at armas. Aral na aral na ni Aiszel ang lahat ng tungkol dito, gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang ama at patunayan dito na kaya niya, kaya niya kahit na babae siya. Kaya niyang higitan ang pagiging Master nito. Kaya niyang pamunuan ang grupong sinimulan nito. Kaya niya dahil Reyna siya.

When Aiszel arrived at the finest restaurant, every eyes of the guests were on her. She just smirked and rolled her eyes. Alam naman niyang namana niya ang kagandahan ng ina but then, her features is more bitchier plus her badass yet classy attitude.

She scoffed when she saw some of  womens out there who's looking at her with so much envy.

That's right. Be envy fake bitches!

She flipped her hair. “Where the hell is Rocky?!” she asked without turning her gaze to Alexandra, she doesn't need to.

“Milady is looking for me huh?!” anang pamilyar na baritonong boses mula sa kanyang likoran.

Again, she doesn't need to turn her gaze, alam niyang si Rocky iyon dahil ito lang naman ay may lakas ng loob na akbayan siya. Like now, nakaakbay na ito sa kanya.

“You're late.” walang emosyong aniya.

“Sorry Milady, I—”

“Let's go. Different stares of fake bitches makes me feel so irritated.” she rolled her eyes.

“Fine. Lead the w—”

Tinitigan niya ng masama si Rocky, napailing naman ito bago nanahimik. Rocky knows her well, mula pagkabata nila ay kabisado na siya nito that's why they're really close.

Papasok na sana sila ni Rocky sa isang VIP room ng mahagip na pamilyar na bulto ng lalaki ang kanyang mga mata.

It's Azil,

Nakaupo ito sa isa sa mga tables na hindi kalayuan sa kanila. Nagtatagis ang bagang nitong nakatingin sa kanilang dalawa ni Rocky. Bumaling ang tingin nito sa babaeng kasama nito.

It's Ylyn Alfaro again. That ugly witch! Hindi pa talaga ito nadadala ano?!

Hindi alam ni Aiszel kung bakit bigla nalang siyang napatingin sa kulay pulang maliit na kahon sa mesa na inuokupa ng dalawa. Galit at bigat sa dibdib ang naramdaman ni Aiszel.

“You're a Queen Aiszel, Milady. Do not let any hoes bring you down.” bulong sa kanya ni Rocky.

She just smirked like she's not affected at all. “Let's go, Jung is waiting.” tukoy niya sa kikitain nila ngayon.

Nauna na siyang pumasok sa loob. She walks like a Queen. Napatanga pa nga sa kanya si Mr. Jung nang makita siya.

Tumayo ito at naglahad ng kamay sa kanya. “Nice to finally meet the Leader of the New Evil Torturers.”

Hindi niya tinanggap ang kamay nito, sa halip ay naupo na siya sa tapat nito.

She flipped her hair and crossed her legs. “I'm a Queen not a leader, always remember that Mr. Jung.”

“Right.” anito bago umupo. “You really can make a man's legs tremble.” kumento nito.

Pumasok na si Rocky at naupo sa tabi niya.  “Try to flirt with milady and I'll kill you.”

“Whoa!” Mr. Jung seems shocked. “You want to negotiate with me about D right?! You should be careful with your mouth.”

“Torturers talks dirty.” Rocky answered.

Tinapik tapik ni Jung ang lamesa at tila nilalaro ang daliri nitong nakapatong roon.

Wala naman sa loob ng silid na iyon ang utak ni Aiszel. Hinayaan niya na lang na si Rocky ang kumausap kay Jung kahit na panay niya itong nahuhuling nakatingin sa kanya. She kept on rolling her eyes to Jung, he's not even handsome. Jeez!

She shook her head and think of what she saw awhile ago. Did Azil proposed to Ylyn Alfaro?! Did he?!

Fuck! Hinampas niya ng malakas ang lamesa dahilan para matigilan ang dalawang nag uusap.

“What's wrong Milady??” nag aalalang tanong ni Rocky sa kanya. 

Hindi niya iyon pinansin, sa halip ay sumenyas siya kay Alexandra na lumapit sa kanya.

“You know what to do.” mariing utos niya.

Tumango ito sa kanya. “Yes, your highness.”

Binalingan niya ng tingin si Rocky. Iiling iling ito sa kanya, she just stared at him with a blank expression.

That Ylyn Alfaro is trying her patience.

HINDI NA pinatapos pa ni Aiszel ang walang kwentang meeting na iyon. Alam naman niyang papayag si Jung sa offer nila kahit na wala itong ka-kwenta kwentang kausap. Tsk! Pakiramdam ni Aiszel ay nag aksaya lang siya ng dalawang oras habang kausap si Jung although hindi naman siya ang kumausap rito. Rocky can do his job.

“You're going back to ETHQ?!” tanong ni Rocky sa kaniya matapos silang pagbuksan ng mga taohan nila palabas ng restaurant.

“Yeah. And you, go back to your wife.” sagot niya.

“Fine! Fine! Geez! So bitchy Milady.” sabi pa nito sa kanya. “You take care Milady.” he winked at her. 

Inirapan niya ito bago pumasok sa loob ng limo niya. Tahimik lang si Aiszel habang nasa loob siya ng mamahaling sasakyan. Mabigat at kanyang paghinga at malalim ang iniisip.

Buong byahe siyang tahimik dahil alam niya kung ano na ang naghihinatay sa kanya sa ETHQ.  At nang makarating nga sila roon, dumiretso siya sa torture room at umupo sa trono niya.

Naroon na ang babaeng iyon. Nakatali ang dalawa nitong kamay, basang basa ng tubig at tila hapong hapo.

“Ylyn Alfaro.” she uttered her name like it was the dirtiest word. “You dare to disobey me, huh?!”

Hindi siya nito sinagot. Alam na ni Alexandra ang gusto niyang mangyari kaya sumenyas ito sa isa sa mga taohan niya pa. Nakita niyang hinampas ng malakas sa likod si Ylyn gamit ang latigo.

She crossed her legs. “You now, I'm a very fine woman,” aniya. “but when I'm mad,” mariin niya itong tinitigan. “I'm an evil sadistic demon spawned bitch from hell! Now choose. Sa anong paraan mo gustong mamatay?!”

She needs to get this over with.

“H-hin-di k-ka n-niya m-mahal. A-akin s-siya.” hirap na hirap na anito.

Marahas siyang nagbuga ng hangin bago napahalakhak. “Oh God! Talagang matibay ka ha?!”

Binalingan niya si Alexandra, yumuko ito sa kanya bago iniutos sa iba pang mga taohan na ipasok ang mga bagong bisita.
Ylyn's beloved friends. Sasa and Shane?! She don't give a fuck!

Nakatalukbong ng kulay itim na tela ang mga mukha nito habang nakatali ang mga kamay nito. Nakita niya kung paanong nagulat si Ylyn sa nakita.

“Hayop! Pakawalan mo sila! Bakit mo sila dinadamay dito?!” Sigaw nito sa kanya.

“I already warned you, Alfaro. But you keep on seeing my man. What do you want me to with you and your friends?! Which torture  would you prepare. Maligo sa kumukulong tubig? Itulak mula sa itaas ng Queen's tower o ipalapa ko kayo kay Amana. Name it, Ylyn.”

Sinamaan siya nito ng tingin. “Napakawalang puso mo! Hindi ka tao! Demonyo ka! Demonyo!”

“Yes I know, I have a throne in hell, don't you know that?!” she laughed. “Kill the first one.” mariing utos niya kay Alex.

She bowed at her. “My pleasure, Your highness.”

She smiled, the evil one. Lumapit si Alexandra doon sa isa sa mga kaibigan ni Ylyn, pumapalag ang mga ito ngunit hindi makalikha ng ingay dahil matindi ang pagkakabusal sa mga labi ng mga ito. Tinutok ni Alex ang baril nito sa ulo ng isa. Titig na titig naman siya kay Ylyn. Siguro naman ngayon ay magtitino na ito.

“No! Please. Tama na!” she cried. “Huwag mo ng idamay pa ang mga kaibigan ko, lalayo na ko. Hindi na ako makikipagkita o makikipagrelasyon kay Azil. Please.. Just please, pakawalan mo na sila.” she begged.

Aiszel smiled in victory. “Great.” she smiled. “Ipapadala ko kayo sa malayong lugar. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo malapit kay Azil, Ylyn. Kung gusto mong manahimik ang buhay mo at ng mga kaibigan mo, lumayo ka dito.” tumayo na siya at handa ng iwan ang mga ito.

“Kahit na kailan, hindi mo makukuha ang pagmamahal ni Azil.” pahabol pa ni Ylyn sa kanya.

Tumaas ang sulok ng kanyang bibig bago naglakad palabas. 

Game over Ylyn Alfaro.

Paglabas niya ng torture room ay sakto namang palapit si C.A at ang pinsan nito, si Azil. Narito ito ngayon sa ETHQ.

After four? No, five years? Ngayon niya lang ulit nakita ang binata na pumunta rito sa ETHQ.
C.A bowed to her but Azil didn't.

“Where is Ylyn?!” diretsahang tanong nito sa kanya.

She just smiled. “I don't know and I don't give a fuck!” sagot niya.

“Helen Aiszel!” His voice almost warned her.

Hindi naman siya nagpatinag. “She's gone.” walang abog na sabi niya. “For real.”

Akmang magsasalita si C.A para pumagitan sa kanilang dalawa pero pinigilan niya iyon. She's mad. Pretty mad right now. How dare Azil to propose on that leech?! How dare him.

“What did you do?! When will you realize that we're over, Helen?! When?” halos lumambot ang boses nito sa huli.
Pilit niyang inignora ang sinabi ng binata at naglakad na siya palayo. Hindi pa man siya nakakalayo ng sobra ng tawagin siya ni Azil.

“We're over, Helen! We're over. Just let me fucking go!” asik nito sa kanya.

Galit na hinarap niya ang binata at tinutukan ito ng baril. “Don't try my patience, Azil!” she composed herself. She's  a Queen so calm down, Aiszel. “Trust me, I can dispose everyone who's trying to steal you, Azil.”

Dumilim ang mukha nito. “Let's talk.” mariing anito. “Privately.”

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro