chapter three
Sarena's POV
So ayon. Badtrip ako ngayong araw dahil meron ako. Kainis, tapos 'pag pasok ko pa sa school masisilayan ko na naman ang makinang na ipin ni czedrick da bugs bunny. E'di mas lalo akong nabadtrip 'di ba, huehue.
'Yon na nga, pumasok na 'ko sa school at napansin ko namang wala pa pala si czedrick. Buti naman. 'Pag nandyan kasi siya, feeling ko nawawala ako sa sarili ko eh. 'Di ko alam kung ako lang ba o dahil talaga 'to sa ipin niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hndi pa rin dumarating ang teacher namin sa english. Syempre napaka berigood ni sir. Hehehhe joke. Habang wala akong magawa, napatingin ako sa bintana at nakita ko si czedrick. Nandyan na pala siya.
Nang ngumiti siya ay napansin kong nagpa-brace siya. Wow naman, nag improve na 'yung ipin. Pero mas lalong lumaki. Ayan tuloy nabadtrip na 'ko kasi nakita ko na naman yung ipin niya.
"Uau naman czedrick!!! Nagpabrace na yung ipin niya~ yieee! Sarerick!!!" Nyeta? Anong konek ng 'sarerick' sa ipin niya? Kainis!
"Lah... hahahaha..." tawa ni czedrick. Psh. Laki talaga ng ipin. So big so bright.
So 'yon, matatapos na ang first period 'di pa rin dumating si sir. Syempre ang saya ko nun 'di ba. Pero epal talaga yung ipin ni czedrick.
Lumabas na muna ako ng classroom dahil walang kuwenta doon dahil puro ipin ni czedrick ang nakikita ko. Laki kasi eh.
Nagpunta muna ako ng canteen at saka bumili ng pagkain. Alangan namang mag cr ako doon 'di ba? Huehue joke lang, ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Siguro kasi dahil meron ako ngayon. 'Yon lang naman ang pwedeng maging dahilan aside sa ipin ni bugs bunny.
Nakapila ako ngayon sa bilihan sa lugawan. "Oy alis, paunahin niyo ang dyosang katulad ko huehue. Gusto ko sanang sabihin 'yan pero 'wag na lang, alam mo kung bakit?" Biglang sabi ni kathleng sa'kin. Nyeta nagulat naman ako doon.
"Oh bakit?"
"Kasi angganda ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA bye." Sabi niya at nagtawanan sila ni anshe saka umalis ng canteen. Kahit kailan talaga may sapak yung dalawang yun. Pero mas masarap sapakin yung ipin ni czedrick. Joke, hehe ang bad mo yna tang-yna ka eh.
Ako na sana ang susunod sa pila nang biglang may umepal na ipin na tinubuan ng mukha. Si czedrick. 'Pag siya 'di umalis dito tatapyasin ko gilagid niya para wala na siyang source ng ipin niya. Gigil eh, gutom na gutom na ako, hays.
"May pila po." Sabi ko sa kanya.
"Wala wala hahahaha..."
Sabihin niyo nga, ano bang tinira ni czedrick? Sarili niyang ipin? Tsaka ano bang nakakatawa sa mga sinasabi ko? Nyeta.
"Ay oo nga noh? Wala nga. 'Kala ko kasi meron." Sarcastic kong sagot.
"'Yan buti alam mo... hahahaha..." 'kala niya kasi nakakatuwa eh noh? Gutom na ako at 'di pa 'ko nakakapagbreakfast. Marami na ring nakasingit sa pila kaya wala na 'kong chance na makabili. At lahat ng 'to ay kasalanan ng ipin ni czedrick.
Umalis na lang ako doon at medyo napapahinto ako sa bawat hakbang ko kasi humihilab yung tiyan ko. Kainis naman.
Nabalitaan ko ring wala na rin palang klase sa sci, fil at stats. Sabi ni kathleng. Kaya daw gano'n kasi angganda niya. Nyeta 'di ba, joke ehehe. Pero 'yon nakakainis pa rin. Hays.
"Oy, yna... lah siya galit ka? Lah... sorry na..." rinig kong sigaw ni czedrick.
Luh 'kala mo naman talaga oh. Balakadyan.
"Uy lah. Para sa'yo talaga 'tong binili ko oh... sige na kunin mo na." Sabi niya at binibigay sa'kin yung binili niyang lugaw. Tinalikuran ko lang siya at tuloy tuloy na lumabas sa canteen. Wala na, wala na 'ko sa mood. Food is life kasi 'di ba? Lalo na't meron ako. Kainis.
"Dali na, nahihiya ka pa sa gwapong tulad ko noh? Okay lang 'yan yna... hahahaha..." assumero amp! Pero dahil gutom ako, kinuha ko yung binili niya sa'kin at saka siya tinalikuran ulit.
"Wow thank you ha..." sigaw ni czedrick. "You're welcome." Sagot ko sa kanya pabalik.
Ilang minuto lang 'pag tapos kong kumain, dumating si kathleng at althea sa room. Kagagaling lang din ata sa canteen.
"Oy guyseu! Alam niyo ba? Malamang hindi pa huehue. So ayon, nakita ko yung sarerick!!! Nag uusap kanina! OMG!" Parang nag usap lang eh, hay nako.
And then 'yon na naman, doon na naman nagsimula ang asaran.
Kahit na nakakain na ako ay sumasakit pa rin ang tiyan ko. Tiniis ko na lang at saka nagfocus dahil dumating na si ma'am, yung teacher namin sa math. Tang-yna nung mga lesson namin dito eh, yung feeling na mas gusto mo pang maexpose sa ipin ni czedrick kaysa maglesson sa math. Pero syempre joke lang 'yon, masakit sa mata yung mga so big so bright na ipin. Shine bright like a diamond huehue.
So ayon dahil wala akong pake sa math, 'di ko na ikukwento yung mga nangyari tungkol doon. Sunod sunod na namin inattendan ang mga klase hanggang sa mag uwian na.
Nabagabag ako sa malakas na boses na naririnig ko habang nag aayos ako ng bag. Wait, bag? 'Di ba si czedrick 'yon?
Bags bunny? HAHAHAHA nyeta.
Pero halata namang boses ni czedrick yung naririnig ko eh. Syempre, 'pag malaki yung ipin, malaki din ang boses. HEHEHE.
"Oy eian dali na, pautang ako ng 31 pesos." Pilit ni czedrick kina eian.
"Pwedeng yung 1 peso na lang. hahahahahahah." gaig talaga.
'Di ko na lang sila pinansin at saka inayos ang bag ko pati na ang locker kong napakalinis. Patapos na ako hanggang sa mamalayan kong kaunti na lang kaming nasa room.
To br specific, ako, si ma'am at si czedrick na lang ang nandito.
Ilang saglit lang ay umalis si ma'am. Aalis na din sana ako nang biglang may humawak sa pulso ko.
Nilingon ko siya. Ano bang problema ng ipin niya? "Bakit na naman?" Tanong ko kay czedrick.
"Pautang. Hahaha..." at nagawa pa niyang tumawa? Napakamasayahing bata naman talaga nito ni czedrick oh.
"Pautang mo ipin—-este mukha mo. Tigilan mo 'ko, 'pag ta's mo 'kong inisin kanina—-"
"Nagsorry na nga ako yna eh... sige na... please?" Ba't gan'to 'to?
'Pag mga ganitong galawan niya may nararamdaman akong kakaiba eh.
Nararamdaman kong ang laki talaga ng ipin niya. Hehe joke.
"Oo na magkano ba?" Iritadong tanong ko.
"Hindi naman pera uutangin ko eh..." eh ano?
Binigyan ko na lang siya ng isang "qingina-ano-ba-yon-qaqo-k-b-look".
"Pautang ng," tinignan niya ako nang masinsinan sa mga mata ko, "pautang ng pagmamahal, yna."
Shet.
Pautang...yna.
—-
[A/n]: supreme-at-morn hello eto na ud as promised hihi labyu enjoy mwaps
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro