CHAPTER 8
Chapter Eight
Welcome To Our World
Patuloy na umikot ang akin tiyan habang walang tigil sa paghakbang palayo sa lugar na naging tahanan ko ng ilang taon. I was exhausted. My feet was getting weak in each step, but I couldn't stop. Ni hindi ako pwedeng manghina dahil kailangan kong marating ang itinuturo sa akin ng relong ibinigay sa akin ni Milev bago kami maghiwalay.
The sun was rising. Ilang oras na akong tumatakbo at naglalakad sa madilim at delikadong gubat pero wala pa ako sa kalahati.
Humigpit ang kapit ko sa hawak kong snow ball. It was the only thing I saved for myself before I lost everything again.
Pinilit kong pigilan ang mga luha. There was no time for weakness in times like this. Ang sabi ni Milev, kung saan man ako pupunta ay magiging ligtas ako. She said she will meet me there. Hindi ko man alam kung paano dahil hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyayari at bakit kailangan niyang sunugin ang lahat pero wala akong magawa kung hindi ang sumunod. Hindi ko pa man alam ang totoo at eksaktong ginagalawang mundo ni Milev ay alam kong kailangan ko ang lahat ng mga natutunan ko sa kanya para mapabilang doon.
I didn't shed a tear. Ilang kilometro pa nang paglalakad ay nabuhayan ako ng pag-asa nang makarinig ng lagaslas ng tubig.
Maliwanag na ang paligid nang marating ko ang ilog. Hindi ko na napigilang mapaluhod nang makalapit dito at pagkatapos ay walang sabing sinalok ng mga palad sa tubig upang makainom. I did it until I felt full. Hindi ko kasi alam kung kailan pa ulit ako makakahanap ng ilog na pwedeng inuman. Sa tantiya ko rin ay dalawang araw pa akong maglalakad bago marating ang lugar na itinuturo sa akin ng mapa.
I cleaned myself and sleep a bit. Nang magising ay uminom ulit ako bago nagpatuloy sa paglalakbay. My body was exhausted. Mabuti na lang at marunong akong gumawa ng sariling pana at manghuli ng pagkain sa gubat kaya kahit paano ay naka-survive ako sa unang gabi.
The snow ball was the only entertainment I had. Iyon lang ang tanging bumuhay sa natitirang pag-asa sa aking puso at nagbigay ng lakas upang magpatuloy.
Kahit na nag-aalala ako para kay Milev dahil wala na kaming komunikasyon ay umaasa pa rin akong sa dulo nito ay makikita ko nga siya. I may be strong compared to who I was before she took me in but I don't think I can live without her. Marami pa akong dapat na matutunan sa kanya at siya lang ang tanging makapagbibigay sa akin no'n. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko at wala ng iba.
I continued with my journey. Lakad-takbo ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. I killed five snakes and eaten four birds on my way until I finally had a glimpse of the place where my watch was pointing me to.
Halos mabitiwan ko ang aking pana at snow ball nang matanaw ang mala-palasyong kulang puting kastillo sa ibaba ng burol na aking kinatatayuan. It was situated at the middle of thousands of hectares of green lands. Ilang beses akong napalunok at pagkatapos ay wala sa sariling sinulyapan ang relo dahil baka mali lang ito pero doon talaga ako itinuturo.
The place looks heavily guarded from where I was standing. Lumihis ang mga mata ko patungo sa kanang bahagi kung saan naroon ang kalsada. There were tons of heavy armored trucks going back and forth. The place looked peaceful, but there was so much more to it. Hindi ko maipaliwanag. Gayunpaman, wala akong nagawa kung hindi ang tuntunin iyon pero wala pa ako sa kapatagan ay nalaglag na ang puso ko nang sunod kong nakita ang mga armadong lalaking agad na humuli sa akin. I was quick to run away but it was too impossible to escape them!
They blindfolded ang tied my hands. Wala akong ginawa kung hindi ang magsisisigaw kaya binusalan rin nila ang aking bibig.
I was so scared for my life again. Alam kong mali ang lahat pero wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang aking pagkatalo. Na ang lahat ng mga pinaghirapan namin ni Milev ay mapupunta lang rin sa wala at ito na ang tamang panahon para tuluyan akong sumuko sa kamatayan. I've already outrun death multiple times but it was finally time to lose.
Am I ready? No. I don't think I deserved to die after what I've been through but it is what it is. I've learned that life could be full of surprises and sometimes those surprises will never be in our favor.
Nakatagilid ako sa umaandar na sasakyan habang nasa sahig. Ang mga kamay ko ay nasa aking likuran, like someone who got kidnapped and about to die.
Wala akong nagawa kung hindi ang maiyak na lang. Hindi ko na nabilang kung gaano ako katagal nagdasal para sa mga huling hininga ko sa mundo. I wasn't expecting anyone to save me anymore. Inasahan ko nang mamamatay ako sa lugar kung saan ako dadalhin ng mga ito pero kahit na tanggap ko na ang aking kamatayan ay nagpatuloy pa rin ako sa pagpiglas nang ilabas nila ako sa sasakyan.
The men who captured me was left with no choice but to carry me because I was giving my best to resist them.
"Pakawalan n'yo ako! Bitiwan n'yo ako!" paulit-ulit ko iyong isinigaw matapos nilang tanggalin ang busal sa aking bibig pero bumanda lang ang aking mga salita sa silid na pinagdalhan sa akin ng mga ito.
The echo of my voice made me deaf. Bago pa ako mapaluhod sa sahig ay tinanggal na nila ang aking piring. I was about to shout again, but I felt my voice left me when I saw Milev standing perfectly in front of me.
Lalapitan ko na sana siya pero hindi ko nagawa dahil sa kanyang hitsura. I was expecting her to look like me or even worst, but there was no sign of hardship in her presence. On the contrary, she was looking flawless and beautiful just the way she is.
"M-Milev..."
Isang titig niya lang sa isang lalaki ay agad na itong tumalima upang tanggalin ang mga tali sa aking kamay. Pagkatapos no'n ay iniwan na kami ng mga ito sa isang silid.
"I'm glad to see you alive."
Nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. Wala akong naisagot. Hinayaan ko siyang sipatin ang aking kabuuan. Unlike her status, I was dirty, weak, hungry and I smell awful.
She glanced at a chair but I didn't move to where I was standing.
"A-anong nangyayari? Sino ang mga 'yon? Nasaan ako?"
Imbes na makitaan ko siya ng simpatya o kung ano mang awa para sa akin dahil sa napagdaanan ko ay tanging tagumpay lang ang nakita ko sa kanyang mga mata. She then sat on the chair and lit a cigarette. Walang pakialam niya iyong hinithit sa aking harapan habang ang isang kamay ay nakahalukipkip.
"Is this some kind of joke, Milev? Pinaglalaruan mo ba ako?"
She puffed her cigarette and blows its smoke again, not minding my question. Naikuyom ko ang mga kamao dahil doon. She was clearly playing with me. Kung ano man ang nangyari, tiyak na ang lahat ng napagdaanan ko ay balewala sa kanya. That made me mad.
"Hindi mo ba alam na muntik na akong makagat ng mga ahas sa gubat na 'yon?! Halos mamatay ako sa gutom at mapagod kakatakbo para lang hindi masaktan ng mga animal do'n tapos laro lang pala ang lahat para sa 'yo? You burned our house and played with my emotions! Now answer my questions!"
"I just gave you a taste on what it's like to be me." napalunok ako sa malamig niyang sagot.
Gusto ko siyang sigawan pero tila naputol ang aking dila nang ibalik niya sa akin ang matalim na titig at pagkatapos ay nakaigting ang pangang nagpatuloy.
"I don't owe you anything, Dominika. I am your mentor and not your fucking friend. I am supposed to play with your emotions to test your capabilities because that stupid thing will always make you weak, do you fucking understand me?"
Napaatras ako sa kanyang pagtayo at paghalukipkip palapit sa akin.
"I'm surprised you made it in just three days. I was actually in doubt if you're going to make it alive because most people die in that forest, but you made me proud. You always prove yourself to me and I'm pleased."
Hindi nawala ang pagtatampo sa puso ko para sa kanya. Dahil na rin siguro sa hirap at gutom na napagdaanan ko sa lugar na 'yon kasabay pa ng trauma sa ginawa niyang pagsunog ng cabin.
Napalunok ako nang hawakan niya ang aking baba. She puffed her cigarette once more and blow its smoke towards my face. Napangiwi ako sa bahagyang pagdiin ng kapit niya sa aking panga.
"You're in La Spieza and the only answer I could give you now is that you're finally ready."
"W-what do you mean by that?"
"Everything you've been through was just the beginning, Dominika. Ilang ulit ko nang sinabi sa 'yo ang bagay na 'yon at ngayong narito ka na ay tanda iyan na handa ka na sa mas malaking hamong tuluyang babago sa buhay mo. Marami ka pang hirap na pagdaraanan, but I know you'll make me proud again," marahan niyang hinaplos ang aking mukha at sa unang pagkakataon ay nginitian ako ng matamis. "You can chill now. You're safe here and no one's going to hurt you. You're now part of us."
My heart thud at that but my mouth didn't want to say something anymore. Milev cupped my face after putting her ciggs on the ashtray. She wipe some dirt on my cheeks using her thumb and remained smiling at me.
"Welcome to our world, Dominika." she said and then taps my face twice before four women wearing 1900's maid's uniform went inside the room and take me away from Milev.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro