Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Chapter Five

Dead

Milev Quebec, iyan ang pangalan ng taong kumupkop sa akin at nagligtas sa kamatayan. Kahit na gusto ko na siyang pagkatiwalaan ay ilang beses ko pa ring sinubukang tumakas sa lugar na pinagdalhan niya sa akin pero masyado iyong imposible. Bukod sa nasa gubat ang bahay, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta.

Isang beses noong iniwan niya ako ay napagtagumpayan ko muling umalis dahil wala naman akong bantay at hindi naman ako nakakulong pero naligaw lang ako sa gubat. Dalawang araw akong nagpaikot-ikot at walang direksiyon. Bukod sa mga matataas na puno at masukal na daan ay wala na akong iba pang nakita. Ang bahay na iyon ay nasa mata ng masukal na gubat at tila piling tao lamang ang nakakaalam.

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa aking pisngi. Alam kong manhid at pagod na ako sa lahat ng sakit at walang-wala iyon sa mga napagdaanan ko na pero nasaktan ako lalo na't kitang-kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.

"I saved you from death and I promised that I will give you everything but you still betrayed me!" nagulantang ako nang masaksihan ang nag-uumapaw niyang galit sa akin.

Simula ng makilala ko siya ay wala itong ipinakitang karahasan sa akin pero ngayon ay mukhang napuno na at naubos na ang pasensiya. Nag-unahang tumulo ang aking mga luha nang hawakan niya ng mahigpit ang aking panga.

"You are already dead, Dominika! Kahit saan ka pumunta ay patay ka na sa mata ng mga tao at kahit kailan ay wala nang tatanggap sa 'yo! I'm here to help you but I don't know what else to do to make you believe that!"

She slapped me again! Nagpintig ang aking tainga sa lakas no'n! Muli akong nalaglag sa putikan!

"Ito ba ang gusto mo?!" malakas niyang sigaw bago ako sipain ng malakas sa tiyan! "Sabihin mo kung kamatayan ang gusto mo dahil hindi ako mag-aalinlangan na patayin ka ngayon din!"

Napayakap ako sa aking katawan sa pag-alingawngaw ng boses niya sa tahimik na kagubatan. Wala akong ginawa kung hindi ang magmakaawa at umiyak habang nakahandusay sa putik. Ilang beses ko siyang narinig na nagmura.

Ilang minuto pa ay inihagis na niya sa akin ang kanyang relo. "Sundan mo ang ituturong daan niyan pabalik sa bahay kung gusto mo pang mabuhay."

Pinanuod ko siyang umalis at iwan ako. Nilamon ng dilim ang kapaligiran bago ako nagkalakas na tumayo at wala sa sariling sinundan ang daan pabalik sa bahay gamit ang kanyang ibinigay.

Tahimik ang lugar sa aking pagdating. Sa pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Milev sa harapan ng fireplace habang iniinom ang hawak na alak sa kamay.

"Gusto mo pa rin pa lang mabuhay?"

Napayuko ako't nayakap ang sarili sa bungad niyang tanong. Mas lalo akong naestatwa sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang kanyang pagtayo at pagharap sa akin. Saka ko lang siya natitigan nang iabot niya sa akin ang isang tuwalya.

"Clean yourself Dominika and please... please stop playing games with me." aniya sa malumanay nang boses dahilan para muli akong maging emosyonal.

"Naiintindihan kong gusto mong umalis sa lugar na ito at alam kong kahit na paulit-ulit kong sabihin sa 'yo na tutulungan kita at hindi mo ako kaaway ay mahihirapan kang paniwalaan ako dahil sa mga napagdaanan mo pero iyon ang totoo Dominika," aniya matapos kong mag-ayos.

"Hindi ako kagaya ng mga taong nakilala mo at mas lalong hindi ko intensiyong saktan ka. Gusto kong malaman mo na ginawa ko lang iyong kanina para maipaintindi ko sa 'yo na kapag hindi ka nagtiwala sa akin ngayon ay hindi imposibleng masaktan ka pa rin ng mga taong alam ang kahinaan mo. I'm here to help you protect yourself from those people. To guide you and to turn your life around. Pagkatiwalaan mo lang ako ay tutulungan kitang baguhin ang buhay mo." pagpapatuloy niya habang ginagamot ang aking mga sugat.

Ilang linggo pa ang lumipas na wala akong ginawa kung hindi ang paniwalaan ang mga sinasabi ni Milev. Sa bahay na iyon ay mayroong tatlong kwarto. May lugar kung saan maraming libro, may maaliwalas na salas at maayos na kusina at hapag kainan. Malaki rin iyon para sa akin dahil ako lang naman ang naroon dahil sa mga sumunod na linggo ay napadalas ang pag-alis ni Milev. Gayunpaman, ang mga pagkain ko ay nakahanda na at hindi niya ako kailanman ginutom. Sa unang pagkakataon ay naramdaman kong tao ako sa pamamagitan ni Milev dahilan para kahit paano ay magtiwala ako sa kanya.

"Your nose got ruined the last time those kids hurt you," aniya habang sinusuklayan ang buhok ko.

Wala akong masyadong naintindihan sa gusto niyang iparating pero nanatili ang pag-intindi niya sa akin.

"Kailangan nating ayusin ang ilong mo, Dominika. You also need to undergo more procedure to get rid of all your scars," napapikit ako nang maramdaman ang paghaplos niya sa aking maliliit na pilat sa mukha. "Ibabalik natin ang lahat sa 'yo. Lahat-lahat..."

Iyon ang mga salitang sa unang pagkakataon pagkatapos mamatay ni Nanay Dolores ay pinaniwalaan ko ng buon-buo. Kahit na hindi ko kilala si Milev ay alam kong alam niya ang lahat sa akin kaya lahat ng pangangailangan ko ay hindi ko na kailangang sabihin dahil kusa na niya iyong ibinibigay.

Sa pangatlong linggo ng aking pagpapagaling ay nagsimula na akong matuto sa pag-aaral. Mayroon siyang kinuhang magtuturo sa akin sa lahat ng mga dapat matutunan ng gaya ko.

"Kung gusto mong mabago ang buhay mo ay tulungan mo ang sarili mo Dominika at sisimulan natin 'yan sa pag-aaral mo."

Mahirap man ang naging pagsisimula ko ulit ay naging pursigido akong matuto. Pinanghawakan ko ang lahat ng mga sinabi ni Milev sa akin. Naniwala ako sa kanya at gabi-gabi kong hiniling na sana ay tama ako at sana ay siya na nga ang sagot sa lahat ng hirap na pinagdaraanan ko.

Sa pangalawang buwan ay pinaayos na niya ang aking mukha. Kahit na matangos na ang ilong kong nasira noon ay mas lalong bumagay sa akin ang bagong gawang ilong. Doon pa lang ay nag-iba na ang hitsura ko. Nagmukha akong matured lalo na ngayong sagana na rin ako sa ligo, pagkain, at tulog. Parang hindi ko na makilala ang sarili ko.

Nagpatuloy ako sa pag-aaral. Lahat ng dapat matutunan ng gaya ko ay pinagsumikapan kong habulin. Naging matiyaga sa akin si Milev at ang aking gurong si Martisha. Bukod sa pag-aaral ay natuto rin ako kung paano gawin ng maayos ang mga gawaing bahay. Kalaunan ay ako na ang naghahanda ng sarili kong mga pagkain. Natuto akong mamuhay ng mag-isa sa tulong at alalay ni Milev.

Minsan ay nag-uusap rin kami pero hindi nalayo ang topic tungkol sa mga natutunan ko sa aking guro. Minsan naman ay siya mismo ang gumagawa ng mga pagsusulit ko para makita kung mayroon nga akong natutunan at sa lahat ng iyon ay pasado naman ako.

"Bakit mo ako tinulungan?" tanong ko sa kanya isang gabi nang mapag-isa kami.

Bumagal ang kanyang galaw para sulyapan ako habang patuloy na hinihiwa ang steak sa plato.

"Dapat ba hindi?"

"Hindi mo ako kilala. Ni minsan ay hindi rin kita nakita sa center o kahit sa kulungan kaya wala akong nakikitang dahilan para isalba mo ako at tulungan ngayon."

"I don't belong in those places, Dominika," mabagal niyang sagot. "But people like me have eyes everywhere and I know all about you."

Napalunok ako sa pagiging mariin ng kanyang tono lalo na sa mga huling salita.

"Kilala mo ang mga magulang ko?"

Marahan siyang tumango. "Everything about you, Dominika."

"Kung gano'n, bakit mo pa rin ako tinutulungan kung alam mong mamamatay tao ako sa edad kong 'to?"

Doon na siya nahinto sa paghiwa sa kanyang pagkain. Kinuha niya ang kanyang basong may lamang wine at mabagal iyong nilagok.

"Not because you killed someone means that you are evil. For some eyes, what you did was a sign of braveness and justice. It was not ideal and people who have weak heart will never understand what you did, but you are what my world needs."

"Ano pong ibig n'yong sabihin?"

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi at saka binalikan ang pagkain. "Malalaman mo sa tamang panahon."

Mahabang katahimikan ng namagitan sa amin. Hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kanya pero ngayong gabi ay hindi ko mapigilan dahil sa pagbaha ng mga katanungan sa aking utak.

"Buhay pa ba ang ina ko?" walang pag-aalinlangan kong tanong.

"Do you really want to know the answer to that?"

"Sabi mo may mga mata ka kahit saan at alam mo ang lahat kaya kung totoo man, buhay pa ba siya? Nasaan siya ngayon?"

"She's still alive and living the best time of her life whoring and robbing men who paid her for a good fuck. Kahit saang panig ng mundo mapunta ang nanay mo ay pokpok pa rin ito at mas mabuti pang ibaon mo na rin siya sa limot."

Napalunok ako sa marahas niyang mga salita.

"You are dead, Dominika," pag-uulit niya. "Iyan ang gusto kong tumatak sa 'yo. Ang batang nilaslas noon at pinagkaisahan sa center ay patay na at kahit kailan ay hindi na babalik pa. You are not that poor girl anymore, do you understand me?"

Nanubig ang mga mata ko nang maalala iyon. Humigpit ang kapit ko sa aking mga hawak na kubyertos. Ang galit ay unti-unting umusbong sa aking puso.

"Kung gusto mong ipagpatuloy ang nasimulan natin, mas mabuti pang kalimutan mo na ang lahat sa nakaraan mo at baunin mo ang galit, sakit, at lahat ng hirap na napagdaanan mo bilang panangga sa buhay na kahaharapin mo dahil ngayon pa lang ay gusto kong malaman mong hindi magiging madali ang lahat."

Napalunok ako sa bigat ng kanyang mga salita. Muli niyang inangat ang kanyang baso at inubos na ang laman bago ako muling titigan ng mataman.

"This is not even the beginning of your journey, Dominika. Marami ka pang pagdaraanan kaya ngayon pa lang ay maghanda ka na." mabagal niyang sambit na nagpakalampag sa aking puso.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro