CHAPTER 10
Chapter Ten
Criminal
What if the only way to stop evil is to be one?
Napatitig ako sa malaking screen na nasa aking harapan. Being in La Spieza was a whole new world for me. Kahit na sinubok na ako ng buhay bago pumasok rito ay hindi pa rin naging madali sa akin ang tatlong taong pagsasanay sa the mansion.
Sa mga taong lumipas, naging baon ko ang hirap na aking pinagdaanan. I used my experience and hardship to get through the obstacles that laid in front of me. And though there were times that all I wanted was to give up, I still chose to fight.
Nakatulong rin sa akin ang pagkakaroon ng totoong mga kaibigan sa bago kong mundo. Milev told me not to trust anyone except for myself, but my friends and I were all the same. Pare-parehas kaming sinubok ng buhay. We were all hated by life and given another chance to turn it around. Sa paglipas ng panahon ay natagpuan ko rin sa mga kaibigan ko ang tunay na kahulugan ng pamilya. That even after everything that happened, even after all the hatred, it was still possible for me... for all of us.
Anastasia was the oldest and she was our source of strength. Sa aming apat ay siya ang nagpapakita ng katatagan sa amin. She was the leader of the pack.
Elorae was fun to be with. Siya naman ang nagpapagaan ng mga pinagdaraanan naming hirap sa mga trainings. Her humor was natural and it entertained us all.
Zoara, the youngest of us was a natural beauty. Dahil sa kanya ay naging madali ang unang anim na buwan namin bilang mga Purva. She already has proper etiquette and she was the one wo taught us to perfect ours. She also has a good memory. Dahil doon ay palaging kaming apat ang mataas sa mga examinations lalo na sa foreign languages. She loves to study and it influence us. Everyone contributed to the group. Kahit na ganito lang ako, marami rin akong naitulong sa kanila lalo na sa survival. I was trained hard by Milev when it comes to it and it came in handy during our second year.
"Faire attention." pay attention. Untag sa akin ni Zoara sabay ngusong muli sa harapan.
Being a Chetvurta, iba na ngayon ang mga pinag-aaralan namin sa apat na taon naming pagsasanay sa La Spieza. We were now analyzing some notorious profiles that we are going to give verdict.
Napatuwid ako ng upo matapos bumalik ang paningin sa harapan. Maestre Rave Valentino was showing us different kinds of profiles. Simula iyon sa mga magagaan ang kaso hanggang sa may mga markang Dablova cerná o black mark na ang ibig sabihin ay kill. Ang mga taong mayroong gano'ng marka ay hindi na iniimbestigahan pa ng VAO. Some people who have black marks are usually hiding because they are wanted in every eyes of Zavūrshil. Kung hindi man, they were heavily guarded and untouchable.
Milev once told me that our first mission wouldn't include people who have black marks. She said our mission will going to make or break us and it includes heavy decision making and concrete strategies. It will determine our future and possible freedom. Aniya ay dapat ko iyong mapagtagumpayan sa abot ng aking makakaya.
Ipinilig ko ang ulo at ibinigay kay Maestre Rave ang buong atensiyon. Anastasia was writing on her notes. Si Elorae naman ay nakikinig lang sa harapan. Zoara was chewing her bubble gum wala masyadong amor sa topic. Gano'n rin naman ako pero hindi ko maiwasang makuryoso sa pagpapatuloy ni Maestre Rave sa gitna.
"The next slide are the list of people who could possibly be in your first mission so pay close attention."
I did what he said. Ilang mga mabibigat na profile ang ipinakita at ang mga kasong iyon ay hindi pa rin nareresolba.
"Pensez-vous que nous réussirons notre première mission?" do you think we'll be successful on our first mission? Zoara asked in French language.
Napabaling ako sa kanya pagkatapos ang nagkibit ng balikat.
"Ich hoffe doch." I hope so. I answered in German, making her chuckle.
Natawa na lang rin ako. Napailing naman si Elorae sa aming gilid. Sanay na sa amin ni Zoara na nag-uusap gamit ang mga lenggwaheng pinag-aaralan namin.
"Anata wa gai no sekai wo kowagatsu te i mase ne ka?" Aren't you scared of the outside world?
"nǐ wéi yī yīng gāi hài pà de shì nà ge néng zài dì yù lǐ cuī huǐ líng hún hé shēn tǐ de rén." The only one you should fear is the one who can destroy the soul and the body in hell. I answered in Chinese.
Zoara lifted her hands and said, "Damn, I fucking hate that language."
Doon na natawa si Elorae at nakisali sa aming usapan. Anastasia joined us after a minute of faking her attention in front.
Mahina ang mga bulungan namin. Kahit naman nag-uusap ay nakikinig pa rin kami sa mga sinasabi at ipinapaliwanag ni Maestre. I'm actually getting bored because at this point, I still don't know if I am able to kill someone. I know I should have the gut for it but I'm doubting myself. Gayunpaman, kapag dumating ang panahong kailangan na ay alam kong magagawa ko rin iyon. I had to. Sa ngayon ay hindi na lang ang sarili ko ang ipinaglalaban ko kung hindi ang mga taong naiipit sa kaguluhan ng mga sakim na tao sa mundo.
I wasn't really into listening to Maestre Rave, but my attention was caught when he turn to other slide. Revealing an interesting profile that made me look still.
Sa kung anong dahilan ay napalunok ako nang makita ang nakangising mugshot ng isang lalaki. Agad akong napatutok sa mga mata nitong kulay abo na tila humihila ng kaluluwa. His dark hair was a bit long. Nakaayos iyon at mayroong isang section na nakalaylay patungo sa kanyang mukha hanggang sa gitna ng kanyang ilong. His jaw was chiseled. He has a thin mustache and beard. Matangos ang kanyang ilong at ang mga labing may hiwa sa gilid ay namumula at may nakakalokong nakangisi, tila hinahamon ng matindi ang camera.
Marami namang may mga hitsurang ipinakita kanina at sa mga nagdaang araw pero ang isang ito ang tila gumising sa aking buong kuryosidad. Mababaliwan na sana ako sa sarili ko pero alam kong natural lang ang aking reaksiyon dahil bukod sa mga kaibigan ko ay lahat na ng nasa loob ng silid ay nakatutok na rin sa nakabalandrang profile sa projector.
Fuck... why does criminals have to be this hot? It's fucking illegal. My mind cursed.
"Baudwin Xzavier Van Den Berg, charged with illegal possession of firearms and attempted murder..." Rave started explaining the man's profile but my head was elsewhere.
Ang mga mata ko ay nanatiling nakatutok lang sa mata ng lalaking tinawag niyang Baudwin. Walang ka-effort effort man ito at ang suot ay sira-sira pa dahil iyon siguro ang araw ng kanyang pagkahuli at ang ginamit na camera ay hindi masyadong maganda ang quality ay hindi iyon nakabawas sa kanyang angas at angking kakisigan. He was gorgeous and could pass as a GQ model. He was ripped. Balikat pa lang ay alam ko na iyon dahil gaya ng maestre sa harapan at ng lahat ng mga lalaki sa La Spieza na bato-bato ang mga katawan, his shoulders was broad and his muscles were hard, too. Baudwin looks hella fit.
Lumihis ang mga mata ko pabalik sa mga nakasulat sa kanyang portfolio. He was six foot five, tanned skin, has tattoo's, in his early thirties and a was complete rebel. Maraming beses na siyang nakulong pero ang huli ang pinakamatagal.
"Is he still in prison?"
"Iyon lang ba ang kaso niya? How long is he serving, maestre?"
"Is he still alive?"
Sunod-sunod na tanong ng mga babaeng nasa harapan. Bumalik ang mga mata ng lahat kay Maestre Rave. Hindi na niya nagawang ilipat pa ang slide dahil talagang ang lahat ay biglang nabuhayan ng dugo dahil sa lalaki.
"It wasn't just one firearm and yes he may have not been tagged as a killer since the victim survived, but Van Den Berg crimes was beyond that. He served five years in prison and currently on the lose."
"If he's already released from prison, why is he still on VAO's list?"
Magsasalita pa sana si Maestre Rave pero sumakto na ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase namin sa kanya ngayong araw. The girls in front gasped when Maestre turned off the projector. Nasa mukha nila ang matinding panghihinayang. Zoara was shaking her head. Nababaliwan sa reaksiyon ng mga babae habang palabas kami ng silid.
"Sabik na sabik ba talaga ang mga 'yon sa lalaki at kung umasta ay akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo?"
I remained silent. Natawa lang si Elorae at Anastasia.
"Yes he was hot, pero marami ring magagandang lalaki rito lalo na sa headquarters! Hindi pa ba sila nagsawa do'n?"
"Kung sabagay. Ikaw nga patay na patay kay Mr. Facou eh!" si Elorae dahilan para manlaki ang mga mata niya.
"Elorae! What the hell are you talking about! I am not!"
Napatakbo si Elorae sa ambang pagsapak sa kanya ni Zoara kaya sila ang nauna sa aming silid. Napailing lang si Anastasia matapos tumabi sa akin.
"Tahimik ka yata?"
"H-huh? Am I?"
She chuckled. "Pero he's handsome nga naman, 'no?"
"Who?"
Natatawa niya akong siniko. "I saw you, Dom. Don't lie to me."
"Saw me what?" nagmamaang-maangan ko pa ring tanong.
"Baudwin."
I scoffed at that. "His profile is just interesting."
"How interesting? Hindi ka nagwapuhan?"
Muntik na akong mapahalakhak dahil doon.
"Why are we talking about this, Ana? He's an enemy. Talagang interesting lang sa akin ang profile niya. Maestre Rave said his crimes were beyond what he was charge of. I'm just curious. Isa pa, ilang beses na siyang nakulong. I went to prison once and it was the worst place I've ever been. Kung worst iyon, bakit ilang beses pa siyang bumalik at hindi natuto?"
"Hmm..." she murmured, not convince of my litany.
"I swear that's it, Anastasia. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan 'yon." Giit ko.
"Mama I'm in love with a criminal..." she trailed off singing Britney Spear's song.
I rolled my eyes at her. "Baliw ka na."
Napahalakhak siya ng tuluyan pagkatapos ay inakbayan ako. She was a bit taller than me kaya nagawa niya.
"Have you ever been in love?"
"No." matigas kong agarang sagot.
Hindi nakaiwas sa mga mata ko ang biglaang paglungkot ng kanyang ekspresyon. Hindi lingid sa kaalaman kong sa aming lahat ay siya ay totoong may iniwang pamilya sa labas ng La Spieza. I know she was more experienced than us when it comes to having a normal relationship.
Pagpasok namin sa kwarto ay nagkukulitan pa rin si Elorae at Zoara. Dumiretso kami ni Anastasia sa balcony. Sa kanyang paghilig doon ay natamaan ng sinag ng araw ang gumalaw at suot niyang kwintas. It was the only thing she kept from the real world.
"Siguro importante sa 'yo ang nagbigay niyan?" usisa ko.
Wala sa sariling nahawakan niya ang pendant ng kwintas. Simula ng magtagpo ang mga landas namin ay hindi ko nakitang wala iyon sa kanya ni minsan. Noong nasa Odborne naman kami ay naririnig ko pa minsan na binubulungan niya iyon ng mga panalangin pero kahit kailan ay hindi niya naikwento sa amin ang tungkol doon.
"My boyfriend gave it to me," she trailed off. Bago pa ako makapagtanong ay nauna na siya. "He died because of me. Ang pagkamatay niya ang naglagay sa akin sa posisyong ito."
"Ana..."
She smiled. "It's okay, Dom. It was a long time ago. Naniniwala akong isang araw ay siya rin ang mag-aalis sa akin dito. He was my guardian angel, my hope, and my lucky charm."
Hindi ko naiwasang lapitan siya't yakapin. I have never been in love, but I know losing someone you love because of death was inexplicable. Marami pa kaming napag-usapan ni Anastasia at lahat ng mga sinabi niya ay tumatak sa akin lalo na ang kanyang huling litanya.
"Masarap makatagpo ng taong iintindi sa 'yo at mamahalin ka sa kung sino at ano ka. It was one of the things that I still pray for myself. Iba man ang mundong ginagalawan natin at hindi na magiging normal ang ating buhay pagkatapos ng lahat ng ito pero naniniwala akong deserved pa rin natin ang makatagpo ng taong iintindi sa atin at makakasama natin habang buhay. Love is complicated, but finding the right one is euphoric. I want that for you, too, Dominika. Whatever happens and wherever our journey may lead us, try to still find love and comfort. Kahit na matatag na tayo ay kailangan pa rin natin ng taong aagapay sa atin kapag dumating ang oras na mawalan tayo ng lakas. We need someone apart from ourselves, Dom. I'm lucky to have all of you, but we all know that this will soon be over. Kapag nagkahiwa-hiwalay na tayo, hiling ko na sana ay matagpuan n'yo ang mga taong aalalay sa inyo sa paglabas natin sa mundong ito. Survive, be safe, and happy, will you?"
Marahan akong tumango, naging emosyonal sa kanyang mga sinabi.
"You too, Anastasia. You too..."
~~~~~~~~~~~~
This story is already completed. You can now read the full version on VIP group and Patreon as this story will no longer be updated here to avoid wattpad deleting it. Just message our FB page CengCrdva with 132k followers to read the full story via VIP/Patreon.
Thank you!🍀
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro