Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Chapter Six

Snow Ball


Hindi ko mapigilang mamangha kay Milev nang isang galaw niya lang sa hawak na shot gun ay natumba na kaagad ang baboy ramong kanyang target. The smoke came out of the gun while the sound of it continued to echo through the trees of the forest.

Walang emosyon siyang tumayo na para bang natural na sa kanya ang mga ganitong pagkakataon.

Milev basically gave and taught me everything except this one. Sa mahabang panahong pagsasama namin simula ng kinupkop niya ako ay natutunan ko nang mamuhay ng mag-isa at magkaroon ng sariling laya. She taught me how to hunt but only using a bow and an arrow which I am still struggling by the way.

Marami na siyang itinuro sa akin pero tikom pa rin ang kanyang bibig pagdating sa kung ano talaga ang balak niya sa akin at kung sino talaga siya. Her life remains a mystery to me.

Inilibot ko ang mga mata sa tahimik na gubat. The sun was about to set. Ang mga huni ng ibon ay hindi nawala sa itaas ng mga matatayog na puno. Ilang kilometro ang nilakad namin simula sa cabin at kahit na wala siyang iniwang palatandaan sa daan ay aalm kong saulo ni Milev ang lugar.

I was used to this kind of scenery but even with being familiarized with the place, ni minsan ay hindi ko na tinangkang tumakas. Bukod sa wala akong mapupuntahan ay hindi ko na rin gusto pang mabuhay ng wala si Milev. I trust her with my life now. Kung wala siya ay talagang matagal na rin akong patay at kung mawawala siya ay hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin. She was my last hope.

"Lit a fire, we'll cook this one." aniya matapos naming lapitan ang wala ng malay na baboy ramo.

I did what she said. It was an easy task for me now. Talagang marami na akong natutunan sa pangangalaga niya.

"Pero sabi mo bawal akong uminom."

She smiled and still handed me her flask after an hour of doing my task.

"You'll need it."

May pag-aalinlangan kong kinuha iyon pagkatapos ay naupo sa kanyang harapan. Uminom ako ng kaunti pero dahil sa pait ay agad ko iyong naibalik sa kanya. She chuckled and just chug the whole thing.

Sinimulan kong iikot ang napatay niyang hayop sa nakatusok sa kawayan matapos ko iyong balatan at linisin. Ito ang unang beses na napalayo kami sa cabin. Aniya ay isang linggo siyang mananatili para magpahinga at pinili niyang samahan ako imbes na magkabasyon sa ibang lugar.

Habang nagluluto ay inayos niya ang tent na aming dala. Napatulala ako sa apoy, ang utak ko ay lumipad na sa kung saan.

Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap ni Milev ay alam kong mahalaga ako sa kanya. She wouldn't help me if I was nothing to her. Sa kanya, napatunayan kong totoo ang swerte at lahat ng mga sinasabi ni Nanay. Sa kabila ng mga hirap na napagdaanan ko, naniniwala akong mayroon pa ring nagbabantay sa akin.

Hindi man ako exposed sa mga tao gaya ng mga normal na kaedad ko, mas pipiliin ko pa rin ang ganitong klase ng buhay kahit na alam kong marami pa akong dapat paghandaan gaya ng palaging paalala sa akin ni Milev. I believe her when she said that this is only the beginning. Ang lahat ng mga natutunan ko nitong mga nagdaang taon ay panimula pa lamang at marami pa akong mas mabibigat na kahaharapin.

I helped her set up our tent. Gabi na ng maluto ang baboy ramo na kakainin namin. Tahimik ang paligid at tanging mga kuliglig at ibang mga hayop lamang ang naririnig na ingay sa gubat. Bukod sa apoy ay buwan ang nagbibigay liwanag sa amin.

We ate in silence. Natural na tahimik si Milev at sanay na ako lalo na sa mga hindi niya pagsagot ng mga tanong ko tungkol sa kanya pero hindi ko pinalagpas ang pagkakataon.

"Bakit mas pinili mong samahan ako kaysa sa magbakasyon sa ibang lugar?"

Bumagal ang kanyang pagnguya dahil doon. She was hesitant to answer me.

"Sawa ka na bang magbakasyon sa ibang lugar? Naikot mo na ba ang buong mundo?"

I wasn't expecting her to answer me, but she did. Mabagal siyang tumango. Namangha ako.

"It must be nice," may lungkot sa tinig kong sambit. "Magkwento ka naman. Anong lugar ang pinakagusto mong puntahan sa lahat?"

She closed her mouth at that. Napayuko ako.

"Bukod sa kulungan at center, wala na akong iba pang napuntahang lugar," mapait kong sabi. "Sa TV lang ako nakakakita ng mga magagandang tanawin. Ng snow, at imposible man, gusto ko ring makakita no'n bago ako mamatay ulit."

"You're not going to die again, Dominika." maagap na putol ni Milev sa akin.

Pinagdiin ko ang aking labi at malungkot na napatulala sa kanya.

"No one really know when we will die, right? Si Martisha ang nagturo sa akin niyan at naniniwala ako sa kanya."

"But you're not going to," giit niya. "Not in my watch, Dominika."

"Still, hindi mo sigurado ang bagay na 'yan. Ang punto ko lang, gusto ko bago mangyari iyon ay makapunta man lang ako sa lugar na may snow."

"Just continue obeying what I said and everything you want will happen."

Parang gusto kong maluha sa kanyang mga sinabi. Kung noon ay wala ng pag-asa pang natitira sa puso ko, ngayon ay ang lahat ng mga salita ni Milev ay nagpapalakas sa aking loob. My heart believes everything she said. Hindi na dahil wala akong choice kung hindi dahil ipinapakita niya sa aking totoo siya sa kanyang mga sinasabi at pangako.

"Besides, hindi ka rin magtatagal sa lugar na gano'n."

Napangiti ako. "Tingin mo talaga makakapunta ako?"

"Haven't I told you already?"

"Bakit palagi kang positibo para sa akin, Milev? Anong nagawa ko para pagkatiwalaan mo ako ng ganito?"

Bumaba ang mga mata niya sa iniihaw na laman ng baboy. Inikot-ikot niya ang hawak na stick sa ibabaw ng apoy.

"I see myself on you, Dominika."

"Anong ibig mong sabihin?"

Nag-igting ang kanyang panga sa aking tanong. Hindi na ako umasa na magpapatuloy siya sa pagsasalita pero napatuwid na lang ako ng upo nang kabaliktaran doon ang nangyari.

"I killed someone at very young age, too."

My jaw dropped at that. Nanatili ang mga mata niya sa ginagawa habang binabalikan ang lahat ng kanyang nakaraan.

"I was hated by everyone I knew including my parents. Lahat ng mga taong kakilala ko ay itinakwil ako at iyon ang dahilan kung bakit ako umalis. I lived in the streets for so long. I was alone, starving and didn't care about anything for years except survival until Mr. VA rescued me."

"Mr. VA?"

Tila nagising siya sa aking inulit na pangalan. Napainom siya ng alak dahil doon.

"Siya ang sumalba sa 'yo gaya ng pagsalba mo sa akin ngayon?"

She nodded. "He changed me for the better, Dominika. He gave me a purpose and I'm doing the same thing here."

"Buhay pa ba siya? Nasaan na siya ngayon?"

"You'll know him soon."

May kung anong bumundol sa aking dibdib dahil sa narinig. Sandali akong natahimik.

"I'm proud of you you know," she trailed off. "People like us are lucky to be saved when everyone we knew already gave up on us. I was never skeptical about you Dominika and you proved me right. Marami ka pang pagdaraanan pero ngayon pa lang ay alam ko nang kayang-kaya mong lagpasan iyon lahat. I know you'll survived. You'll always survive. You have to, promise me that."

"I will do everything to stay alive, I promise."

That put a smile on her face. Naging banayad ang una naming gabi sa gubat. We continued our journey for days until it was time for us to go back to the cabin. Hindi pa man umaalis si Milev ay na-mi-miss ko na kaagad siya. Tapos na kasi ang klase ko kay Miss Martisha at hindi na raw ito babalik kaya bukod kay Milev ay wala na akong makakasama.

"Bakit hindi mo na lang ako isama sa 'yo para naman may silbi ako't mapakinabangan mo?"

Natigil siya sa pagliligpit ng mga gamit sa kanyang maleta. She turned to me and shook her head.

"It wasn't time, Dominika. And you haven't even passed your tests yet."

"Pero ilang puntos na lang naman ang kailangan ko. Dalawang target board lang ang hindi ko natamaan kanina."

"Polish that so you can move on to the next one."

"M-may next pa?"

Marahan siyang tumango. "Trust me, you need it."

Kahit na mabigat sa loob ko ay wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang kanyang mga sinabi. I helped her pack her things. Halos maluha ako nang bago siya umalis ay may ibinigay siya sa aking regalo. It was a snow ball.

"That's our goal, Dominika. Your dream. Huwag nating madaliin ang lahat ng mga pagsasanay mo. You still have time to improve and perfect things. That will be your advantage. Kakailanganin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa 'yo para sa mas malaking hamong kahaharapin mo."

Napalunok ako ng marahan niyang haplusin ang aking mukha.

"You're going to live and continue your life wherever you want if you just obey me. And that's a promise. Just trust me, alright?"

Humigpit ang kapit ko sa snow ball na kanyang ibinigay. Nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin ay wala sa sariling napatitig ako sa hawak.

I shake the ball. Tumalon ang puso ko sa tuwa nang magtalunan ang mga snow sa loob. I heave a sigh and forced a smile. Napuno ng magagandang posibilidad ang puso ko.

All I need is to trust her. And I do. Wala akong choice kung hindi ang gawin iyon. I basically owe her my life and I will not disappoint Milev. Besides, I have nothing to lose. I am nothing and without Milev, I'm good as dead.

Kung ano man ang dapat kong harapin sa mga susunod na bukas ay maghahanda ako. Iyon lang ang dapat kong gawin at wala ng iba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro