Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter Eight

Offer

"Saan niyo ako dadalhin! Pakawalan niyo ako!" Ilang beses kong isinigaw ang mga salitang iyon pero nanatiling bingi ang kung sinong nagsakay sa akin sa itim na SUV habang nag-aabang ng jeep pauwi!

Dama ko ang panginginig ng buo kong pagkatao. Natatakot ako. Pakiramdam ko ay isang minuto pang hindi nila ako sagutin ay mahihimatay na ako sa takot!

Ang naaalala ko lang ay dalawang malalaking lalaki ang pilit na nagsakay sa akin sa sasakyan at kahit na mayroong mga nakakita ay walang ni isang tumulong. Nakapiring ang mga mata ko ngayon.

"Anong kailangan niyo? Wala akong pera! Wala kayong mapapala sa akin kaya pakawalan niyo na ako!"

Wala akong narinig na sagot. Kumawala na ang  mga luha ko. Isa lang ang tanging naiisip ko ngayon, katapusan ko na.

Oo nga't wala naman akong pinagkakautangan o atraso sa ibang tao maliban na lang sa mga customer na ninakawan ko pero ang ganitong kapalit ay parang hindi naman yata tama!

Nagpatuloy ang aking mga pakiusap pero talagang walang mga naririnig ang kung sino mang dumukot sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan. Inilabas ako ng mga ito at kahit na hirap dahil sa pagpupumiglas ko ay hindi ko sila nagawang pigilan dahil sa lakas nila.

Naramdaman kong sumakay kami sa elevator. Ang mga hikbi ko ang naging musika ng lahat hanggang sa tumunog ito at huminto.

Dahil ibinuhos ko na ang buo kong lakas sa pagpiglas ay binuhat na ako ng isa sa kanila.

Sa paglapag nito sa akin ay kasabay ng pagtanggal ng piring sa aking mga mata. Inaasahan kong nasa isang abandonadong warehouse ako o 'di kaya naman ay rooftop gaya ng mga napapanuod ko sa pelikula pero nasa isang opisina kami. Magagarang gamit ang bumungad sa akin. Maayos ang lahat ng naroon at tahimik.

Naputol ang pagsipat ko sa silid ng marinig ang pagsasalita ng isang lalaking nasa swivel chair na nakatalikod sa amin.

"Huwag kang maingay kung ayaw mong mamatay ng wala sa oras." Bulong ng lalaking humigpit ang kapit sa braso ko kaya mas lalo akong naluha.

Hindi ako nag-ingay. Putang ina, ayaw ko pang mamatay! Hindi ako pwedeng mamatay lalo na ngayon!

Napatuwid ako ng tayo kahit na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pagpihit ng lalaking nakaupo sa swivel chair at pagharap sa amin.

Hindi ko siya kilala kaya alam kong wala akong atraso sa kanya!

"Sino ka?! Bakit mo ako ipinakuha sa mga 'to?! Papatayin mo ba ako?!"

Nangunot ang kanyang noo pagkatapos ay pinagmasdan ang aking kabuuan. Sa pagkumpas ng kamay niya sa ere ay agad akong binitiwan ng mga lalaki. Nahaplos ko ang binitiwang braso ng isa pagkatapos ay muling pinalis ang mga luha sa mata.

Hindi nagsalita ang lalaki. Nanatili lang ang titig niya sa akin. Tingin ko ay nasa edad kwarenta na ito. May hitsura, mukhang prominente at hindi mamamatay tao kaya hindi ko maintindihan.

"Sino ka sabi!" sigaw ko dahilan ng pag ngisi niya't pag-iling.

"Hindi mo ako kilala?" sarkastikong tanong niya, hindi makapaniwala.

"Anong kailangan mo sa akin, huh?! Pakawalan mo na ako dahil wala ka naman mapapala sa akin!"

"I know that," aniya sa malamig na tono. Muling pinasadahan ang aking kabuuan.

Napaatras ako sa kanyang pagtayo. Matangkad siya at malaki ang katawan. Kahit nasa malayo rin ay amoy ko ang bango ng kanyang katawan. Parang pabango ang ipinapaligo araw-araw.

"It's funny how you can't remember me when I was your favorite target in that club."

Nagpapasalamat akong marunong akong umintindi ng English kahit paano pero mas lalo yata akong dapat matakot sa napagtanto.

Natawa siya ng hindi ako kaagad makasagot.

"Dalawang rolex ko na ang ninakaw mo at ang wallet na naglalaman ng mga credit cards ko. Hindi mo pa rin maalala?"

Marahas akong napalunok kahit na natuyuan na yata ng laway ang aking lalamunan. Alam kong namumutla na naman ako sa takot. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Shit!

"B-Babayaran ko lahat pakawalan mo lang ako!"

Napahalakhak na siya. Umatras akong muli ng umibis siya patungo sa harapan ng kanyang lamesa.

"Wala kang pera hindi ba? Paano mo ako babayaran kung mas mahal pa ang lahat ng ninakaw mo sa buhay mo?"

Wala akong naisagot. Pinanuod ko siyang dumampot ng isang figurine at paglaruan iyon.

"Ano? Wala kang maisagot?" aniyang nauubusan nang pasensiya.

Wala na talaga akong kawala. Hindi pa nga humuhupa ang mga problema ko sa buhay, mayroon na namang mas malala ngayon! Hindi ko na alam kung paano ko ito lalabasan. Parang dito na talaga ako mamamatay!

"S-Sorry–"

"That's not what I want, Elorae Dunmore Duscha."

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa katawan ng marinig kong sambitin niya ang aking buong pangalan! Kilala niya ako?! Pero paano?!

"P-Paano? B-Bakit mo alam ang pangalan ko?"

"Aren't you too young to work in that club? You're not even eighteen, am I right?"

"S-Sino ka? Bakit mo ako kilala?"

"That's not important."

Pumasok sa utak ko ang lahat ng ibinigay kong impormasyon sa bidding na sinalihan ko. Doon siguro niya nalaman ang lahat ng tungkol sa akin.

Oo nga't hindi pa rin ako handa sa isang iyon pero anong gagawin ko? Kung iyon ang gusto niya ngayon kapalit sa buhay ko ay wala na akong magagawa. Basta hindi ako pwedeng mamatay ngayon!

"Kukunin mo ang virginity ko? Iyon ba ang gusto mong kapalit kaya mo ako kinidnap?"

Naningkit ang kanyang mga mata. Binitiwan niya ang pigurin at naghalukipkip.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang mas tumindi ang intensidad ng paraan ng pagtitig niya sa aking mga mata.

"It's good to know personally that you're still pure, but that's not the reason why you're here."

"Ano? A-Anong ibig mong sabihin?"

Umalis siya sa pagkakaupo at bumalik sa likod ng kanyang lamesa. Sinulyapan niya ang upuang nasa harapan ko.

"Sit."

Sabay kaming naupo.

"I'm offering you a job."

"May trabaho na ako."

Kinuha niya ang ilang papel sa kanyang harapan. Nagulantang ako ng makita roon ang lahat ng detalye tungkol sa akin maging sa bidding ng virginity ko. Alam niya ang lahat. Naroon rin ang ilang detalye tungkol sa pamilya ko!

Nababaliwan kong ibinalik sa kanya ang aking mga mata.

"I know you're doing everything you can for your family and your friend, but what if I tell you that you can have a better life just by accepting my offer? Paano kung hindi mo na kailangan pang magtrabaho, magnakaw at ibigay ang virginity mo para lang buhayin at suportahan ang pamilya mo? Paano kung kaya kitang tulungang magkaroon ng bago at mas maayos na buhay kapalit lang ng paglimot mo sa kung sino ka ngayon?"

Mabagal ang naging pag-proseso ng utak ko sa haba at laman ng mga sinabi niya.

Kinakabahan pa rin ako pero ngayon ay medyo kalmado na dahil mukha naman talaga siyang hindi mamamatay tao... Iyon lang ang tingin ko.

"Look, I'm not here to harm you. I know it's a lot to take in, but I'm actually here to help you."

"H-Hindi mo ako sisingilin?"

Marahan siyang umiling.

"No, but I want you to think about my offer because this is only a one time opportunity," kinuha niya ang isang maliit at itim na papel pagkatapos ibinigay sa akin.

Doon na tuluyang napawi ang kaba at takot sa puso ko.

"Consider yourself lucky for being chosen. I apologize if my men scared you. Let them make up to you by sending you home safely."

Lutang na rin akong tumayo sa kanyang pagtayo. Nang ilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan ay inabot ko iyon kaagad.

Wala pa mang maraming detalye sa lahat ng offer niya pero doon pa lang sa hindi ko na kailangang ibigay ang virginity ko sa kung sino ay parang gusto ko nang pumayag kaagad at kalimutan na lang talaga ang lahat dahil iyon lang rin naman talaga ang pangarap ko.

Ang magsimula ng panibagong buhay, pero nang sumagi naman sa utak ko si Shawy at Glenda ay ayaw nang lumabas ng mga salita sa aking bibig.

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Maging sa trabaho at pakikipag-usap kay Nixon tungkol sa bidding ay lutang ako. Hindi mawala-wala sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi kaya naapektuhan ang pagnanakaw ko.

Nag-over time pa ako para makakuha kahit kakarampot pero hindi ko pa rin iyon nagawa lalo pa ng makita ulit ang lalaking nagpadukot sa akin.

Kasama niya ang mga kaibigan at mukha talagang regular siya sa club na ito. Sa natitirang durasyon ko sa pagtatrabaho ay wala akong ginawa kundi ang iwasan siya, pero may mga pagkakataon pa ring nagkakatitigan kami.

"May ilang araw pa ako!"

Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa paglalakad ng marinig ang pagpalahaw ni Tatay Tino.

Malayo pa ako pero kitang-kita ko simula sa aking kinatatayuan kung paano siya bugbugin ng mga parehong lalaking pumunta sa bahay noong nakaraan para singilin siya.

Natutop ko ang aking bibig nang malaglag ito sa lupa habang patuloy na pinagsisisipa.

Akmang tatakbo na ako para awatin sila pero nagtama ang mga mata namin ni Tatay Tino. Takot na takot siyang umiling, pinipigilan ako sa gagawin at sa unang pagkakataon ay nagawa ko siyang sundin.

Nakatakip ang bibig akong umatras, pinipigilan ang pagkawala ng mga hagulgol dahil sa awa sa matanda.

"Sinabi nang hindi na pera ang gusto namin! Ang anak mong si Elorae ang gusto naming kabayaran Santino! Nasaan ang anak mo!"

Doon na ako napatago sa mga malalaking drum malapit sa igiban ng tubig! Nanghihina akong napaupo dahil sa gulat sa mga narinig sa kanila. Sa lakas ng sigaw nito at kahit malayo ako ay naging malinaw sa pandinig ko ang lahat.

"Sabihin mo kung nasaan ang dalaga mo para maabsuwelto ka na sa amin! Putang ina hindi na ako makapaghintay na babuyin 'yang puta mong dalaga kapalit ng panggagago mo sa grupo!" malakas nitong sigaw kasabay ulit ng iyak ng pobre kong ama.

Kahit na nanghihina ay nagawa kong umalis bago pa nila ako makita.

~~~~~~~~~~~~

Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)

~~~~~~~~~~~~

This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro