Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Chapter Five

Living The Life

Naging maayos ang buhay namin sa mga sumunod na buwan. Wala kaming naging utang sa hospital. Tumaba si Shawy pagkatapos n'yang makalabas dahil sagana sa pagkain at sa bahay lang palagi. Nabilhan ko rin siya ng mas maayos na higaan para maging komportable siya at hindi lang sa sahig natutulog.

Ang tanging gusto ko lang talaga ay maging maayos ang buhay ng kapatid ko. Kahit na pagod at inuusig ako ng konsensiya gabi-gabi ay mabilis namang napapawi 'yon sa tuwing nakikita at nakakasama ko na siya.

"Babayaran ko Esme! Huwag kang mag-alala!"

"Putang ina mo, Tino! Kailan mo pa ginagawa 'yan?! Sinabi ko na sa walang laman mong utak na kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang papasok sa droga! Tang ina hindi ka nag-iisip!"

"Tumahimik ka na! Babayaran ko sinabi!"

Napangiwi ako at naiiritang tinakpan ng unan ang tenga. Late na akong natulog kagabi at halos hindi pa ako nakakatulog ngayon pero walang konsiderasyon ang mga ito sa pambubulabog!

Inayos ko ang kumot ni Shawy at tinakpan na rin ang tenga niya para hindi siya magising pero kulang pa rin iyon dahil sa pagpapatuloy ng sagutan nila.

Oo nga't hindi naman na bago ang palagi nilang pag-aaway lalo na kapag mga walang pera pero ngayon ay parang ito na ang pinaka-mabigat nilang pag-aaway. Kahit na ayaw kong makinig ay sumasakit lalo ang ulo ko dahil hindi ko maiwasang marinig ang lahat.

Dahil sa pagiging sugarol at maraming bisyo ni Tatay Tino ay nagawa na nitong maging pusher ng drugs para lang masustentuhan ang bisyo. Hindi na ako nabigla. Simula nang makilala niya ang mga kaibigan sa kabilang Barangay ay mas lalo na itong nalihis ng landas.

Nang hindi na ako makatiis ay tumayo na ako. Hinawi ko ang kurtinang tanging naghihiwalay sa kwarto namin ni Shawy at kusina kung saan naroon sila.

"Ano ba?! Nagpapahinga 'yong mga anak ninyo, hindi kayo titigil?!" Inis kong sinulyapan si tatay Tino. "'Yung anak mong naaksidente at naputulan ng paa, naalala mo?!" singhal kong nagpahinto sa kanila.

Malaki talaga ang pasasalamat kong may trabaho na ako. Simula kasi nang akuin ko na ang lahat ng gastusin sa bahay ay nagkaroon na ako ng boses. Nirerespeto na nila ako bilang isa sa pundasyon ng tahanan namin.

"Kung gusto n'yong magpatayan sa labas n'yo gawin! Parang awa n'yo na magpatulog naman ho kayo."

"Anak, pasensiya ka na," si Nanay na agad naglakad palayo sa asawa't palapit sa akin pero bago lagpasan ito ay binatukan niya muna. "Sige na, matulog ka na ulit. Ipagluluto ko kayo ni Shawy bago ako umalis."

Imbes na mag-aksaya pa ng panahon ay bumalik na lang ako sa pagtulog.

"Nababaliw na 'yang tatay mo. Mabuti na lang talaga at may trabaho ka na ngayon dahil kung hindi ay baka sa kangkungan na talaga kayo pupulutin ni Shawy." si Glenda nang magkita kami.

"Baka nawala na si Shawy kung wala akong trabaho, Glenda."

Napabuntong hinga siya ng maalala ang aksidente. Tumayo ito at inayos ang sarili sa harapan ng kanyang tokador. Naghahanda kami para sa unang araw namin sa mas malaking club na mayroong mas mayayamang mga customer.

Wala naman talaga kaming balak umalis kay Chekwa dahil maayos naman ang kita namin sa club niya, pero tama rin si Glenda na mas malaki pa ang kikitain namin sa panibago dahil mga elitista at milyonaryo ang talagang gumagawi doon.

Hindi kami nahirapang makapasok dahil kilala ni Glenda ang may ari. Simula nga ng nagpadagdag siya ng dibdib ay mas naging in demand siya sa mga lalaki. Dumami ang kanyang mga koneksiyon at mas tumaas ang rate niya sa ginagawang trabaho.

"Malaki ang utang na loob ko sa 'yo kaya salamat talaga."

"Naku, huwag mo nang isipin 'yon!" inayos niya ang wig na suot. "Kung wala ka rin naman ay hindi ko makukuha lahat ng ito ng mas mabilis. Tignan mo, sino bang hindi makaka-hindi sa susong 'to?! Isang pop twenty thousand na ako ngayon."

"Pop?" nalukot ang mukha ko at pagkatapos ay tumabi sa kanya.

Humalakhak siya at tinapos ang lipstick bago ako tulungang mag-ayos.

"Isang putok ng tamod."

Napailing ako. Sanay na ako sa mga gano'ng salita lalo na sa lugar namin, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako komportable kapag naririnig lalo na sa kanya.

"May nakilala ako, alam mo bang sa isang gabi ay isang daang libong piso ang kinikita niya dalawang putok lang?"

Wala sa sariling napalunok ako sa narinig. Parang isang taon ko nang sahod 'yon sa club ni Chekwa! Hindi ko akalaing may gano'n pala.

"Talaga?"

"Marami ka pang hindi alam at dapat malaman, Ray. Iba-iba ang rate ng mga babae at pera ang magiging batayan mo kung gusto mong pumili ng customer. Minsan ay sila na mismo ang ko-kontak sa 'yo kapag nagustuhan ka. May alam nga akong club na ibini-bid pa ang virginity eh. At minsan ay umaabot iyon ng ilang milyon!"

"Milyon?!" nalaglag ang panga ko sa narinig. Muli na naman siyang natawa.

"Oo! Ngayong upgraded na tayo, mataas na rin ang rate ko pero hindi pa gaya nang iba doon. Marami pa akong kailangang matutunan sa kalakaran pero sa kama alam ko nang lahat 'yan."

Napangiti ako. Kahit na sabihin ng ibang tao na masamang impluwensiya sa akin si Glenda ay kahit kailan hindi ko siya iiwan. Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko bukod kay Shawy at isa rin siyang napakalaking biyaya sa buhay ko. Marami na kaming napagdaanan at lahat ng iyon ay kaming dalawa lang ang magka-sangga.

"Gusto mo ba talaga ang ginagawa mo? Ikaw na ang nagsabi na delikado pa rin 'yan kahit na mas mayayaman na ang magiging kliyente mo."

"Walang kasiguruhan sa buhay, Ray. Pwedeng maswerte ka ngayon at bukas hindi kaya habang kasama mo ang swerte ay sulitin mo. Habang buhay ka, gawin mo lahat ng alam mong makabubuti sa 'yo. At the end of the day, only God can judge us."

Doon ako mas lalong namangha. Natawa siya sa hitsura ko.

"Gago nabasa ko lang 'yan huwag kang masyadong bilib dahil bilang lang ang alam kong ingles na salita."

Napapailing akong natawa. Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa mapunta kami sa club.

Totoo ngang upgraded na ang lahat ngayon dahil ang lugar ay talaga namang sampung beses na mas magarbo sa club na pinanggalingan namin.

Nasa loob iyon ng isa sa pinaka-malaking casino sa bansa at talagang dinarayo ng mga nakakaangat at wala nang magawa sa buhay kundi ang magwaldas ng pera.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaba habang sinisipat ang katawan ko sa harapan ng salamin.

Nakasuot ako ng ng itim na bodysuit na humuhulma sa aking katawan. Kita ang aking cleavage sa hiwa nito at labas rin ang magkabilang pisngi ng pwet ko. Tanging ang itim na fishnet stocking ang nakasuot sa aking legs at mataas rin ang takong ng suot kong boots na hanggang tuhod. Lahat ng mga waitress ay gano'n ang suot. Kahit na ito ang unang beses kong halos luwa na ang kaluluwa ay hindi naman ako nahirapang mag-adjust. Ang tanging inisip ko na lang ay ang perang kikitain ko kaya nagawa kong magpatuloy.

Sa unang linggo ay parehas lang ang naging kita namin ni Glenda dahil mas marami ang security sa lugar at marami ring CCTV pero nang makuha na namin ang technique ay mas malaki nga ang kinita namin.

Sa isang araw at sa dalawang mamahaling relo lang ay halos trenta mil na ang pinaghatian namin. Naging abala kami pareho ni Glenda dahil totoong mas matataba nga ang isda sa lugar na iyon.

Sa tuwing napapasahan niya ako ng gamit o kahit ano ay agad ko iyong itinatago sa loob ng bowl ng banyo matapos isilid sa plastic at kukunin niya naman kapag pauwi na. Hindi naman kasi ako pwedeng kumuha no'n dahil sa security ng lugar samantalang sila Glenda ay parang normal na bisita lang sa club na malayang nakakalabas-masok rito.

"Ilong kaya? Tapos na ang pwet ko at okay na ako rito, ano sa tingin mo?" natatawa niyang tanong habang sinisipat ang sarili sa harapan ng malaking salamin.

Anim na buwan ang lumipas ay nakalipat na siya sa isang condo na ibinigay sa kanya ng isa niyang sugar daddy.

Disi-otso siya nang mamatay ang kanyang mga magulang sa buy bust operation noon sa aming lugar dahil mga tulak ito ng droga kaya hindi naging mahirap sa kanyang iwan ang Sitio Maalinsangan.

Masaya ako para sa kanya. Sa katunayan nga ay may kaunti na rin akong ipon para maka-renta rin ng mas maayos na lugar pero hindi ko magawa dahil sa mga magulang na kinalakihan ko. Wala akong tiwala sa mga ito at mas lalo na kay tatay Tino na hindi na nagtino kaya imbes na gumastos pa ay magtitiis na lang muna ako sa amin.

Mabilis akong na-regular sa trabaho lalo na't trip ako ng manager doon pero ni minsan naman ay hindi ko siya binigyan ng pagkakataong mauto ako.

Ewan ko ba. Wala lang talaga akong amor sa mga lalaki. Siguro ay dahil naka-focus ako sa trabaho at sa kapatid ko kaya bukod doon ay wala nang halaga sa akin ang lahat.

"Maganda na ang mukha mo, hindi na kailangan Glenda. Sabi mo nga fully-booked ka na ngayong linggo, ibig sabihin ay marami nang nagkakagusto sa 'yo kaya hindi mo na kailangang magpabago pa nang kung ano."

Natawa siya at bumalik sa tabi ko sa kama.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil natural kang maganda at perpekto. Alam mo, kung hindi lang kita kilala ay iisipin kong hindi ka galing sa hirap. Siguradong may lahi ang totoong mga magulang mo dahil ibang-iba ka sa mga normal na purong Pilipino rito."

Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. Ang totoo ay naisip ko na rin iyon pero kahit na maging tama siya ay wala naman na akong magagawa. Ito na ang buhay ko at malabong isang araw ay makita ko pa ang totoo kong pamilya. Masyado nang matagal ang panahong lumipas. Baka nakuntento na ang mga ito na wala ako. Baka nga tuwing araw ng mga patay ay ipinagsisindi pa nila ako ng kandila.

Hindi ko na sinegundahan ang usapan. Nanuod na lang kami ng maraming movie nang araw na iyon.

Mas lumaki ang gabi-gabing kita namin ni Glenda dahil sa sunod-sunod na Christmas party sa lugar nang mga mayayaman kaya halos napuno namin ang kada cubicle ng mga nakaw na wallet at mga gamit. Nakailang balik si Glenda para limasin iyon at naging maulan ang swerte sa aming dalawa.

Halos araw-araw kaming nasa mall para mag-shopping. Alaga na rin kaming pareho ng spa at mayroon nang paboritong restaurant na kinakainan.

Dahil gusto ko talagang mag-aral ay bumili ako ng laptop at nagsumikap matuto gamit ang internet. Kahit na walang amor si Glenda roon ay nakumbinsi ko rin siyang kahit paano. Sabay kaming nag-aral ng Ingles at ilan pang mga maiikling kurso at nakatulong iyon lalo na sa pakikipag-salamuha namin lalo sa mga foreigner sa club.

Wala kaming naging problema. Sa loob ng isang taon ay naging hawak namin ang mundo at nagpatuloy ang pagbibigay nang sapat sa sarili, pero ang lahat ng sayang iyon ay nagkaroon rin ng kapalit.

Nagising na lang ako isang araw na nadudurog na naman dahil sa masalimuot na nangyari kay Glenda.

~~~~~~~~~~~~

Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)

~~

~~~~~~~~~~~~

This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro