CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Apology Gift
I was out of breath when I got to my room. It was a tiring day. Simula ng makita ko ang lalaking iyon ay parang napagod na ako buong araw. My mission wasn't easy, but with that man around, I know I'll have a hard time.
I blow out a breath as I lowered myself to the bath tub. I wanted to relax a bit. Kahit na gustohin kong magpahinga ay hindi pwede dahil kailangan kong pag-aralan ang mga hakbang kong gagawin.
Remembering that man's dangerous stare made me bit my lip. I can still feel his eyes crawling in my skin.
Leviticus Hunstanton Markovich wasn't only Gregour's son, but he was also the head of the guy's security, his driver and basically his personal assistant. Bukod sa labing-dalawang security ng matanda saan man magpunta ay kabilang rin siya roon at walang nakakalapit rito ng basta-basta dahil sa kanya. He was more strict and very protective of the man.
Sa mga lalaking anak ni Gregour ay ito lang ang nanatili sa tabi ng ama. I swiped left on my phone to read his file again. Even though I've already read it hundred of times, I felt like there's a lot more to know. Kahit na sauluhin ko ay nakukulangan ako.
There's something in him that made me so curious. Alam kong kulang na kulang ang lahat ng mga impormasyong hawak ng VAO tungkol sa pamilya. They're are more secrets that needed to be discovered.
Inangat ko ang aking flask at inubos ang natitirang lamang alak na mula pa sa La Spieza. It was only my first day yet I was so stressed. Tingin ko ngayon pa lang ay hindi ako sa trabaho mapapagod kundi sa paghihigpit ng lalaking iyon.
Sir Jose gave me the house rules. There were hundreds of laws listed on it. Kahit na si Mauimi lang naman ang pagsisilbihan ko ay kailangan ko pa ring sundin ang lahat ng utos kung ayaw kong mapalayas ng wala sa oras.
I am Mauimi's personal maid. Marami rin siyang bilin kanina sa opisina ng kanyang ama pero pinagpahinga na ako dahil maaga kaming magsisimula bukas. She has an early meeting and I need to tend to all her needs and make sure she'll be satisfied with my service.
Marami pa akong kailangang pag-aralan tungkol sa mag-anak pero pagkatapos kong maligo ay nagpahinga na rin ako.
Maaga akong nagising kinabukasan.
Mauimi was awake when I got to her room. I helped her get dress and be ready. Habang nag-aayos siya ay bumaba na ako para sabihin sa mga nagsisilbing maghanda na ng pagkain nito pero maayos na ang lahat nang magawi ako sa dining room.
Everything was set up nicely. There were lots of foods on the table and some of it was my favorite so I had to leave before I fucking salivate.
Sa muli naming pagbaba ay halos magtago ako sa likod ni Mauimi nang makitang nasa hapag na ang kanyang ama at kapatid. May mga naghihintay na bantay sa magkabilang gilid ng lamesa. Asikasong-asikaso ang dalawa.
Inalalayan kong maupo si Mauimi gaya ng nabasa kong dapat gawin sa aking rule book. Aalis na sana ako pagkatapos para hayaan silang kumain, pero natigil ako sa kanyang pagtawag.
"Join us, Dunmore." she cheerfully said.
Halos mapanganga ako lalo pa't ang mata kaagad ni Leviticus ang nakita kong lumipad sa akin.
He was so surprised to hear that to her sister. Too bad, hindi niya gaya ang kapatid niyang makatao pa rin kaysa sa kanyang wala na yatang pakiramdam. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"H-Hindi na po. Sa kitchen na lang po ako kakain kasama sila Sir Jose-"
"No, Dunmore! You're not just my maid and I think that's weird for you to mingle with the guys so please, join us."
Para akong naubusan ng laway sa lalamunan nang ang kay Gregour namang mga mata ang sunod na nasalubong ko. Tahimik na bumalik sa pagkain si Leviticus na nasa kanan nito, tila walang pakialam sa usapan.
"My daughter is right, Dunmore. Saluhan mo na kami sa pagkain."
"We also need to hurry so just join us."
Wala na akong nagawa, pero kahit na gusto ko na silang saluhan ay ayaw namang gumalaw ng mga paa ko.
My eyes immediately shifted again at the man sitting across Mauimi. Dahil doon ay napatingin rin ang dalawa sa lalaki. Nahinto siya sa pagnguya, nagsalubong ang makakapal na kilay at umiling lang bago walang pakialam na bumalik sa pagkain.
Hinila na ni Mauimi ang upuan sa kanyang tabi kaya wala na akong nagawa. Ayaw ko naman talagang kabahan dahil wala namang nakakakaba sa sitwasyon, but being in the same room with Leviticus suffocates me. Like his stare was enough to stop myself from breathing.
Tahimik akong kumain at nakiramdam lang. Mabuti at bumalik ang usapan ng dalawang lalaki kaya nawala na sa akin ang atensiyon.
"What's your agenda today, Yumi?" si Senyor Gregour.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi sumulyap sa kanila.
"I have two meetings with different agency today, Dad. I already saw some portfolio's of their models and some shows potential. I wanted to meet them personally today. Let's see how this goes."
"Do you need security?" Leviticus trailed off, pinigilan kong mag-angat ng tingin.
Mauimi chuckled at his brother's question.
"Don't be silly, Levi. I can manage myself and besides, I am not popular in this place. I don't need security."
"How about a driver? Levi, what don't you drive your sister to her appointments today? Kaya naman na ni Sokrito ang pagmamaneho sa akin at sandali lang naman ako sa network."
"Daddy, I'm okay. Sokrito will be fine for me. Isa pa, baka ma-stress lang ako kay Levi sa kaaalala niyan sa 'yo kapag wala sa tabi mo. I'm okay, really."
"You heard her." Levi said.
Sa huli ay walang nagawa ang matanda sa desisyon nito. I just listened to their random conversations the whole breakfast. I've learned that Leviticus was a Daddy's boy. Habang patungo sa unang meeting ni Mauimi ay iyon rin ang topic namin.
The girl was really nice. Magaan ang loob ko sa kanya. Siguro ay dahil nami-miss ko si Shawy at ang mga kaibigan ko kaya gano'n na lang ang pakiramdam, pero totoong mabait ito sa akin.
"Are you intimidated of my brother?"
Agad akong umiling nang mapunta ang topic namin sa lalaki. Naungkat kasi noong yayain niya ako sa pagkain ay napatitig ako roon at napansin niya. Maybe she witnessed how intimidated I was of his brother so she was concerned.
"Hindi naman po."
"Nah, you can tell me the truth Dunmore and please drop the formalities. You're older than me, right?"
That's right. Mas bata sa akin ng limang taon si Mauimi. She's only twenty years old yet she's already successful like his father. Likas na matalino rin ito at masipag mag-aral kaya mabilis natapos ang kolehiyo at agad pinasok at sinunod ang pangarap sa fashion industry.
Her father supported her every step of the way. Siya ang nag-iisang babae kaya suportado ang lahat ng luho maging ng kanyang mga kapatid. Iyon naman ang isa kaagad sa napansin ko kay Gregour. He was very kind to his children. Kung ano ang karerang gusto ng mga itong tahakin ay walang pag-aalinlangan niya iyong sinusuportahan.
"Sorry. Totoo, okay lang. Hindi rin kasi ako sanay na nakikisalamuha sa mga lalaking gaya ng kapatid mo. Sa mga huling trabaho ko ay halos babae lang ang lahat ng mga pinagsilbihan ko kaya naninibago ako."
"Really? Don't worry, I'll help you adjust. Isa pa, Levi is not that evil. Mabait naman iyon, I promise you. He's just naturally strict but he wasn't that bad. Kailangan mo na ring masanay dahil habang nasa trabaho ka at nakatira sa bahay ay asahan mo nang magiging mahigpit rin iyon sa 'yo gaya ng paghihigpit niya sa akin."
I felt my throat run dry. Nahirapan akong lumunok.
"P-Pati sa akin?"
"Yup! Nature na niya ang maging overprotective hindi lang kay Daddy. Ikaw na lang ang magpasensiya and please, don't leave me because of him! Marami na akong nakuhang personal maid and assistant noon na lumayas dahil sa takot sa kapatid ko kaya please tatagan mo ang loob mo. I kinda like you and I'm willing to double your salary, just promise me you'd stay. Wala na rin akong panahon pang maghanap ng iba."
Natawa ako ng bahagya at umiling.
"Hindi ako aalis kahit na hindi mo taasan ang sahod ko. Ito ang unang beses kong magtrabaho sa ganito kalaki at kilalang pamilya. Mabait ka rin kaya wala na akong hahanapin pa. I'm okay. Sabi mo nga mabait naman ang kapatid mo at kaya ko naman siguro siyang pakibagayan."
Lumawak ang kanyang ngiti dahil doon kahit na parang gusto kong bawiin kaagad ang mga sinabi ko.
"Sinabi mo 'yan, ah?"
I nodded twice at that. Ngumiti rin ako ng malawak upang itago ang pagkailang sa pinag-uusapan.
Mauimi wasn't just nice, she's generous too! Iba ang mukha nito kaysa kay Leviticus. Siguro ay nagmana ito sa kanyang ina na pangalawang asawa ni Gregour. Her eyes were a bit chinky and her skin was as white as pearl. Matangkad, balingkinitan ang katawan na kapag titignan mo ay aakalain mong rumarampa rin sa mga prestihiyosong entablado.
Pagkatapos ng mga meetings at trabaho ay ipinag-shopping niya ako kaagad ng mga gamit. Siya mismo ang namili at lahat ng mga ibinigay niya ay mamahalin at hindi lang basta-basta.
"I'm not sucking up, ha? Don't think that I'm only doing this because I don't want you to leave me. I wanted to give these as an apology gift in behalf of my brother. I know what happened the day you fetched me at the airport. Mainit ang ulo niya at napagbalingan ka kaya ako na ang nagpapaumanhin." aniyang tuluyan nang nagpatikom sa aking bibig at wala nang nagawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat ng mga regalong binili niya.
~~~~~~~~~~~~
This story is already posted and completed on Patreon. Click the link on my bio to subscribe or message Ceng Crdva FB page for direct pledge via facebook VIP group.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro