Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Chapter Twelve

Markovich's Mansion


"Daddy!" masayang bati ni Mauimi sa kanyang ama na narinig ko habang hila-hila ang ilan sa kanyang mga maleta.

Marami siyang dala pero dahil hindi kasya sa sasakyan ni Leviticus ay iniwan iyon at ipinasundo sa mga tauhan.

Ang lalaki naman ay hindi ako tinulungang dalhin iyon sa loob ng kanilang mansion. I know it's my job, but damn, he doesn't have any sympathy in him. Hirap kong hinila ng mag-isa ang lahat.

Pagpasok ko sa loob ay naglalakad na ang mag-aama papunta sa kung saan. Agad akong sinalubong ng tatlong lalaking mga prenteng nakauniporme ng kulay ginto.

They're the Markovich's servants. Sila ang tumulong sa akin kaya nagpasalamat ako. Doon ko rin naalala na bukod kay Mauimi ay ako lang ang babae sa lugar na ito.

The head of the family has a reputation of being a womanizer. Katunayan nga ay dalawang beses na itong ikinasal. Marami pa ring mga babae na involved sa buhay niya ngayon pero simula ng mamatay ang huling asawa, ang ina ni Mauimi ay hindi na ito nagpakasal sa iba.

"Ito ang magiging kwarto mo, Dunmore." Si Jose, ang head ng mga nagsisilbi sa mansion.

Akala ko kanina ay maliit na kwarto ang magiging tuluyan ko pero nasa second floor iyon at malapit sa masters bedroom. I was stunned and happy about that.

"Katabi nito ang kwarto ni Madam Mauimi at dito ka para ano mang oras niya kailanganin ang serbisyo mo ay madali ka niyang mahahanap." nakangiti nitong pagpapatuloy.

Nginitian ko siya pabalik. Inilapag naman ni Jorge ang aking mga gamit sa gilid. Kumpara kay Jose na tantiya ko ay mas matanda pa kay Gregour, ang mga kasama naman nito ay halos kaedaran ko lang siguro o mas matanda lang ng ilang taon gaya na lang nitong si Jorge at Juan.

Sandali nila akong hinayaang sipatin ang silid. It was as nice as our room in La Spieza, but a little bit smaller. Kompleto naman sa kagamitan kaya hindi ako mahihirapang mag-adjust sa nakasanayan ko sa aking pinanggalingan.

Nang matapos ay inutusan ni Jose si Jorge na ilibot ako sa kabuuan ng mansion kahit parang ito ang pinakanahihiya dahil sa presensiya ko.

Sa paglilibot nga namin ay napansin kong ilang beses siyang natulala sa akin. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong maganda o dahil ngayon lang ulit sila nakakita ng babae at makakasama pa nila ng matagal sa lugar na ito.

"Ilang taon ka nang magsimula rito?" usisa ko habang nasa hardin kami.

Naroon ang limang hardinero na sa lawak ay mukhang buong araw na mag-aayos. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Twenty four ako ng magsimula sa trabaho rito. Ako ang pinakabata sa lahat hanggang ngayon at tatlong taon na akong nagsisilbi sa pamilya ni Senyor Gregour." nakangiti niyang sagot.

Nag-iwas ako ng tingin. Kahit na medyo matagal na rin siya ay alam kong kulang pa ang mga kaalaman niya sa pamilya at mukhang wala akong mapapala sa kanya.

"Talaga? Eh si Sir Jose? Alam mo ba kung gaano na siya katagal rito?"

"Dito na tumanda 'yon at alam kong oa pero sa pagsisilbi na rin 'yan dito mamamatay. Halos kapatid na rin ang turingan nila ni Sir Gregour at malaki ang tiwala sa kanya kaya siya ang namamahala rito. Mabait 'yon. Kung may kailangan ka ay huwag kang mag-atubiling magsabi."

"Salamat. Mukhang okay na okay kayo rito. Hindi ba weird na puro kayo lalaki?"

"Sa una oo dahil normal iyong mga babaeng kasambahay pero sa tagal ay nasanay na rin. Malaki rin ang sahod at alaga kaming lahat ni Sir Gregour lalo na sa mga benepisyo kaya baka dito na rin ako tumanda. Isang malaking pribilehiyo ang pagsisilbi sa pamilyang ito."

I almost rolled my eyes at that.

Pumasok kami sa kabilang entrance ng bahay. Namangha kaagad ako dahil ang kabilang dakong ito ay iba ang porma kaysa sa unang parte ng mansion na pinasukan namin.

"Dito naglalagi ang mga lalaking anak ni Senyor. Sa ngayon ay si Sir Levi lang naman ang narito dahil ang dalawa ay nasa ibang bansa pero kapag umuuwi ay dito sila at napupunta lang sa kabila kapag oras ng pagkain kasama ang kanilang ama."

It was better than the other side of the mansion. It has a bachelor's pad vibe. Kompleto sa gamit ang living room. May malaking fire place, naglalakihang couch and everything else screamed the Markovich's regality.

I shifted my sight at the pool table. Ang sabi ni Jorge ay mahilig si Marco at Damian, ang panganay at pangalawa ni Gregour na mag pool samantalang si Leviticus naman ay piano ang hilig kaya mayroong grand piano malapit sa pangalawang grand staircase na nakita ko.

Pinigilan kong mapairap ulit ng maalala na naman ang walang modong lalaki.

"Kumusta naman ang pakikitungo nila sa inyo? Hindi ba sila masasama? Hindi ba sila mahigpit, gano'n?"

"Mababait ang magkakapatid na iyon. Wala akong masabing masama. Palibhasa ay nagmana kay Senyor Gregour kaya wala kang dapat na intindihin."

Ipinilig ko kaagad ang ulo sa kanyang paningin at hinayaan na ang sariling umirap ng matindi.

Lumabas kami sa pangalawang pool sa bahay. Mas malaki pa ito sa main pool ng mansion. Iginala ako ni Jorge hanggang sa makaikot na kami pabalik.

Marami pa siyang sinabi tungkol sa kung gaano kaayos ang trabaho niya at kung paano sila ituring na hindi iba ng pamilya. Ayaw mang tanggapin ng kalooban ko pero totoong nakikita kong masaya ang mga ito sa pagsisilbi sa mga Markovich.

Ipinakilala ako ni Jorge sa mga nadatnan namin sa main kitchen. Labing-dalawa ang mga lalaking nagsisilbi rito. Dalawang personal at utusan ni Gregour, dalawang taga-luto at ang lahat ay all around na.

Sandali akong nakipagkilala at kwentuhan sa kanila. They offered me food at sakto naman na nagugutom na ako kaya hindi ko tinanggihan.

They're all nice and fun to be with. Ang ilan nga ay kinwento pa kung paano napunta rito.

Some of them were immigrants from Mexico, where the Markovich's originally came from. Anila ay isinalba sila ni Gregour sa hirap at isinama pa rito upang magkaroon ng mas maayos na buhay.

Malaki talaga ang ibinabayad nito sa mga lalaki lalo na iyong mga galing sa ibang bansa kaya naman sapat na ang buhay nila sa pagsisilbi sa pamilya dahil nabubuhay nila ang kani-kanilang mga pamilya sa bansang iniwan.

Sa sandaling nakasama ko sila ay nakita ko ang sarili kong nakikipagtawanan sa mga ito. It has been a while since I laughed like that. Maloko ang mga lalaki at nakagigiliw ang mga kwento kaya hindi naging mahirap na pasiyahin ako.

Mikael, one of the chef offered me a cake, too. Sinadya niya raw gawin iyon dahil alam nilang ngayon rin ang dating ko.

"Thank you. Baka tumaba ako rito, ah!" pagbibiro ko.

"Naku, maigi kung gano'n Dunmore!" si Jovan na kinuhaan pa ako ng maiinom. They watched me critique the food.

"Sobrang sarap! Thank you sa inyo."

Tila nabunutan si Mikael ng tinik sa dibdib. Muling umingay ang tawanan namin at palitan ng usapan pero agad iyong nahinto sa pagdating ng isang bulto kung nasaan kami.

Agad silang natahimik at parang gusto na lang magpalamon sa lupa dahil sa kung sinong nasa aking likuran kaya naman umalis ako sa highchair para lingunin kung sino iyon.

Leviticus...

Wala sa sariling napalunok na rin ako't parang gusto na lang rin maglaho kahit na wala naman kaming ginagawang masama dahil sa matalim niyang titig sa aming lahat. Sa paglipat no'n sa akin at paghinto ay agad akong napasinghap.

His thick brows furrowed while staring intently at me. Kahit na wala pa akong ginagawa ay nakatangis ang panga niyang tila may nalabag na akong batas sa mansion!

"S-Sir-"

"You are not allowed to have some chitchat with the servants. You are not here to do that," malamig niyang sabing nagpayuko sa akin. "Do you want me to remind you your job description?"

"N-No sir."

"Then get the fuck out of here!" halos lahat ay napapitlag sa kanyang pagsigaw!

Nanghihina ang mga mata kong pilit na bumalik sa kanya pero nanatili ang tigas nang sa huli. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya kaagad.

Mabuti na lang at dumating si Sir Jose kaya ito ang kumuha sa akin sa lalaki.

"Pagpasensiyahan mo na ang batang iyon. Hindi naman talaga gano'n si Leviticus pero maraming inaasikaso ngayon kaya palaging mainit ang ulo." paalala niya habang papunta kami sa opisina kung saan naroon si Gregour at Mauimi.

Hindi na lang ako sumagot. I don't think that's enough reason to be rude. Kung galit ka sa mundo ay dapat sarilinin mo na lang at huwag ka nang mandamay ng iba pang tao. That's not fair.

Napalunok ako sa naisip. Parang gusto ko tuloy kabahan.

Paano kung gano'n ang lahat ng anak ni Gregour? Tatagal ba ako ng isang taon rito na hindi ako nakapapatay? For damn's sake I already felt like slitting that man's throat! Ang sarap lang gilitan bigla dahil sa sama ng ugali!

Tinapik ni Sir Jose ang aking balikat, napansin ang pananahimik ko. Nginitian niya ako.

"Pagpasensiyahan mo na," pag-uulit niyang tinanguan ko na lang bago kami tuluyang makalapit sa opisina.

Hinanda ko ang aking sarili sa pagpasok doon. Ito ang unang beses kong makakaharap si Gregour at hindi ko alam ang dapat kong maramdaman lalo na't masyado akong maraming alam sa kanya.

I loathed him for his crimes. Masyadong matindi ang poot ko sa mga taong gaya niya. Gayunpaman, nakapasok ako sa loob ng silid na iyon dala ang masayang ngiti para rito.

Parehas silang natigil sa pag-uusap ng makita ako. Gregour's eyes immediately examined me.

His gaze made me swallowed the lump on my throat, but it didn't go away. Mayroon sa mga mata niyang biglang gusto kong kabahan. It felt like he was delighted to see me... Na parang mas sa akin pa siya natuwa kaysa sa anak na nasa harapan.

Ipinilig ko ang aking ulo. He's indeed dangerous and womanizer. Oo nga't tiyak na marami itong kinakalantari kahit may edad na at hindi imposibleng magustuhan rin ako nito, pero parang marami pa akong dapat ikatakot kaysa doon.

There's something in his eyes that made me want to run away... gusto ko na lang matakot para sa sarili ko kahit pa sinanay akong huwag maramdaman iyon.

"Welcome to the Markovich's mansion, hija." maluwag niyang sabi sabay ngiti habang naglalakad ako palapit sa kanila.

Tumayo ito kasabay ni Mauimi at ayaw ko man, pinilit ko pa rin ang sariling abutin ang kanyang nakalahad na kamay.

"Dunmore Santillan po. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Senyor Gregour." malawak ang ngiti kong bati rito habang humihigpit ang kanyang kapit sa kamay ko.

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)

~~

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro