Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

Chapter Ten

La Spieza: Zavŭrshil


Isang maganda at mala-modelong babae ang sumundo sa akin sa mansion ni Sax at dinala ako sa lugar na kung tawagin ay La Spieza.

Lutang akong naging sunod-sunuran sa kanya at sa mga tauhan nitong umasikaso sa akin.

Oo nga't wala nang bawian at wala na rin naman akong balak na balikan ang lahat pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay lalo na sa kapatid kong si Shawarma.

Hindi natigil ang mga pasimpleng takas ng luha sa aking mga mata habang dinadala ako ng mga ito sa isang silid. Inasikaso ako ng mga ito simula sa pagligo hanggang sa pagbibihis at naiwan lang nang matapos sila.

Tulala ako sa kisame. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nasa gano'ng posisyon bago ako katukin ni Viera, ang head ng recruitment ng organisasyong ngayon ay kinabibilangan ko.

"Just checking in," aniya pagkatapos ay naupo sa aking tabi. Pinilit kong ngumiti.

Sa totoo lang, iba ang inaasahan ko at hindi ganito. Malayo sa hinagap ko ang kung anong mayroon ako ngayon dahil mukhang maayos naman talaga ang intensiyon ng mga tao rito sa akin.

Ang vibe rin ni Viera ay accommodating. Para bang kahit hindi ko sabihin ay alam na niya kung ano ang nararamdaman ko't mga pinagdaanan pa.

Napalunok ako ng ayusin niya ang aking buhok.

"Alam kong marami ka pang katanungan. Alam kong natatakot ka, pero wala kang dapat ipag-alala Elorae. Sa lugar na ito ay walang mananakit sa 'yo. Wala nang kailanman makakapanakit pa sa 'yo, ipinapangako ko."

"Hindi naman ako natatakot doon. Hindi ko lang maiwasang isipin ang mga naiwan ko. Ang kapatid ko. Nalulungkot ako."

Hinuli niya ang kamay ko at bahagyang pinisil.

"Marami kang mas kailangang pagtuonan ng pansin at simula ngayon ay kailangan mong isipin na lahat ng ginawa at gagawin mo ay para sa naiwan mong pamilya. Hindi bumabali sa pangako si Sax at sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay nila kaya hindi mo na sila dapat pang isipin. They will be under Sax's protection now so you don't have to worry."

Kahit na nalulungkot pa rin ay nagawa kong sundin ang lahat ng payo niya.

Tatlong araw lang akong nag-adjust sa tahimik na buhay bago iyon muling nagkakulay kahit paunti-unti.

Sinabi ni Viera na sa pamamalagi namin rito ay maraming mga bagay ang ituturo sa amin. Magkakaroon rin kami ng sapat na edukasyon kaya naman kahit paano ay sumibol ang pag-asa sa puso ko.

Noon pa man ay gusto ko na talagang mag-aral. Hindi lang para sa mga totoo kong magulang na ipinagkait sa akin kundi pati na rin para sa sarili ko unang-una. Sabi nga nila, edukasyon ang isa sa mga susi sa magandang bukas kaya gusto kong pag-igihan.

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko ay parang nakatuon ako ngayon sa aking sarili. Walang humpay ang malawak kong pag ngiti matapos makakilala ng mga bagong kaibigan.

Ni minsan naman kasi bukod kay Glenda ay wala akong itinuring talagang kaibigan. Hindi ko naranasan ang buhay ng isang simpleng normal na estudyanteng walang iniintindi kundi ang makapagtapos ng pag-aaral.

Kinalabit ko ang babaeng katabi ko sa kama. Mukhang hindi siya sanay na matulog mag-isa at alam kong siya ang pinakabagong dating ngayong araw kaya hindi na siya nakapag-reklamo nang tabihan ko. Gusto niya rin iyon, ramdam ko ang lungkot niya.

"Gising ka pa?" pabulong kong tanong habang nakaharap sa kanya.

Dumilat siya at pumihit naman paharap sa akin. Tumango siya.

"Malungkot ka, Anastasia?"

Muli siyang tumango. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Viera noong unang araw ko rito. Alam kong hindi no'n mapapawi ang kung anong lungkot niya pero baka makatulong kaya hindi na ako nag-atubiling sabihin.

"Mahirap talagang magsimula at ayaw ko namang manghimasok sa buhay mo pero alam kong mabigat rin ang mga napagdaanan mo. Alam ko ang nararamdaman mo pero gusto ko ring malaman mo na simula ngayon ay magbabago na ang buhay natin. Tutulungan tayo ng VAO na mas maging matatag sa hinaharap at magkaroon ng mas maayos na buhay kaya huwag ka nang malungkot. Magiging maayos rin ang lahat."

"Hindi ka ba nahihirapan, Elorae? Hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot rin, pero wala na akong babalikan at iyon ang mas nakakatakot."

"Pareho lang pala tayo."

Parehas kaming nangiti. Kahit paano ay gumaan ang sunod na mga pag-uusap namin hanggang sa dalawin na lang ito ng antok. Ako naman, kahit na gusto ko na ring magpahinga ay masyadong maraming pumapasok sa utak ko lalo na tungkol sa mga nangyari kanina sa welcome party.

Bukas ang totoong pagsisimula ng lahat. Gaya ng normal na kolehiyo, may apat na lebel ang aming pag-aaral sa loob ng mansion na ito.

Purva, Vtora, Treata and Chetvŭrta at ang goal naming lahat ay maging isang ganap na Zavŭrshil. Sila ang mga taong sasabak na sa totoong misyon sa labas ng La Spieza at kung papalarin, pwede na ring tuluyang piliin ang kalayaan palayo sa lugar na ito.

Doon ay nagkaroon ako ng pag-asa. Kahit na hindi ko na pwedeng muling makasama ang mga naiwan kong mahal sa buhay, kapag natapos ko ang misyon ko ay may pagkakataon naman akong makita sila kahit sa malayuan.

Hindi pa man sigurado kung makakaya ko ngang tapusin ang lahat ng pagsubok bilang bagong trainee ng organisasyon ay sigurado na akong pipiliin ko ang aking kalayaan kapag natapos ko na ang aking unang misyon. Sisiguraduhin kong matatapos ko iyon sa abot ng aking makakaya.

Sa unang araw pa lang ay pare-parehas na kaming napanghinaan ng loob. Unang araw pa lang ay sinubok na ang mga puso namin lalo na't kapag hindi namin naipasa ang physical test ay agad kaming ipatatapon sa Marcheti, ang lugar kung saan dinadala ang mga taong hindi nakakapasa sa mga hamon ng pagiging isang ganap na Zavŭrshil.

"Congratulations Purva's!"

"Thank you Mr. Facou!" sagot namin sa lalaki matapos malaman ang kapalaran namin sa pagsisimula ng lahat.

"I'll give you a minute to let that sink in first before we proceed to our last agenda."

Muling umingay ang silid. Sampung minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita.

"Valados Alcatraz Organization was established in 1973. Mr. VA himself was fifteen years old back then. It was his father and their family friends who funded the organization. Gaya nating lahat, napagdaanan rin mismo ni Mr. VA ang lahat ng training simula Purva hanggang Chetvurta. In fact, isa rin siya rin sa mga taong unang naging Zavŭrshil at gumawa misyon malayo sa lugar na ito. Turn your kinjia on the third page and read everything out loud."

"Kazniti i ubiti zlo prije nego što ono ubije nas." Malakas naming basa sa mga nakasulat doon kahit na nagkabuhol-buhol ang aming mga dila.

"To punish and kill the evil before it kills us," Translate ni Mr. Facou. "You will be tortured for four years straight before VAO will let you out of this walls. Sa apat na taon ay iisa lang ang patutunguhan ng inyong mga misyon. Ang parusahan ang mga taong kailangang parusahan o patayin ang mga ito bago pa kayo maunahan."

"You will be trained how to survive, but most importantly, how to defeat the enemies. How to kill them."

"P-papatay po kami?" Napapalunok kong tanong na agad tinanguan ni Mr. Facou.

"Sioux Georghiev, Maestre of Chetvurta is the one who will train you how to do that," pinindot niya ang remote at muling umilaw ang screen sa harapan.

Marami siyang ipinaliwanag tungkol sa mga kriminal na dahilan kung bakit nabuo ang aking organisasyon. Narito kami para parusahan sila. Kahit na hindi ko alam kung kaya ko nga bang pumatay ay naging determinado akong makinig lalo pa't ang lahat ng mga mukhang ipinakita niya ay ganid sa kapangyarihan at mga halang ang kaluluwa.

Sa unang anim na buwan ng aming pagiging Purva ay magaan lang ang naging pagsasanay namin. Tinuruan kami kung paano ang proper etiquettes. Tinuran rin kami kung paano dalhin, bihisan at ayusan ang sarili. Lahat ay nag-enjoy doon at talagang marami kaming natutunan.

Gabi-gabi pagkatapos ng klase ay wala kaming ginawa kung hindi ang ayusan ang isa't-isa. Iyon ang naging bonding namin nila Anastasia, Zoara at Dominika, pero mas sinubok kami sa huling anim na buwan hanggang sa pangalawang taon namin sa Valados Alcatraz bilang mga Vtora.

"Hindi ko na kaya..." si Dominika habang patuloy sa paghagulgol.

Hanggang ngayon ay namamaga pa rin ang mga mata niya matapos naming pumasok sa gas chamber. Iyon rin ang pinakaayaw ko sa lahat, pero dahil kailangan naming masanay ay pare-parehas naming tinitiis.

"Hindi ka pwedeng sumuko, Dom! Marami na tayong pinagdaanan at hindi ka na pwedeng panghinaan ng loob!" si Anastasia na siyang palaging nagpapalakas ng loob namin.

Sa totoo lang ay talagang dumarating kaming lahat sa puntong gusto na lang namin mamatay dahil sa hirap ng training pero masyado na kaming maraming napagdaan kaya hawak kamay kaming apat upang bigyan ng lakas ang isa't-isa.

Mabait ang bago kong pamilya at ngayo'y mga itinuturing na kapatid. Sila ang isa sa mga pinagkukunan ko ng inspirasyon upang magpatuloy. Kami ang naging hingahan ng isa't-isa sa simula ng aming mga paghihirap kaya naman ipinangako naming sabay-sabay naming tatapusin ang lahat.

Nilunod kami sa lahat ng pisikal na training sa buong taong iyon. Wala kaming ginawa kung hindi ang patuloy na lagpasan ang lahat ng hamon sa amin.

Ang pinaka-hindi ko makakalimutan sa aming training ay iyong pinilit kaming palanguyin sa mapanganib na dagat patungo sa islang magiging tahanan namin sa loob ng isang buwan. Doon kami isinugo ng mga maestre na walang kahit anong pagkain. Ang tanging dala lang namin ay ang tig-iisang gamit na pinili para sa aming task.

Si Anastasia ay pinili ang kanyang balaraw. Ako naman ay lighter. Si Dominika ay flashlight at si Zoara ay bug spray. Sa aming apat ay siya ang pinakakikay at conscious sa sarili pero naging malaking tulong rin iyon sa amin kahit paano.

Malaki ang isla at hindi lahat ay sabay-sabay nakarating kaya nahiwalay rin sa amin ang iba lahat. May isang nalunod sa training at hindi na namin nakasama. Maswerte kaming apat dahil nalampasan namin ang malalaking alon at nakatawid ng maayos patungo sa isla.

Ang unang isang linggo ang naging pinaka-mahirap sa lahat.

"Wow lechon!" Hiyaw ni Dom sa hawak ni Ana na isda na nahuli sa dagat!

Lumawak ang ngisi ko at ginanahang ayusin ang aming maliit na lutuang gawa sa mga kahoy para ihawin na ang nahuling isda.

Maya-maya ay dumating na rin si Dom at Zoara dala naman ang mga buko na galing sa paborito nilang puno ilang milya ang layo sa pwesto namin.

Sa loob ng isang buwan na iyon ay mas marami akong natutunan lalo na sa buhay. Doon ako sumuko at pilit na inangat ulit ang sarili upang tumayo at lumaban... Lumaban lang hanggang sa tuluyan nang dumating ang araw na pinakahihintay naming lahat.

"Elorae Dunmore VA Zavŭrshil... finally..." I smiled when I finally got my new birth certificate.

~~~~~~~~~~~~

This story is only completed on Patreon. Unlock and read the book  for only $3-$5! Link on my bio to subscribe or send me a message for direct pledge via facebook VIP group.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro