Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7



Denial. Chanel was at this stage until now. She still couldn't believe that her parents who cared for her for thirteen years were monsters and her best friend whom she acknowledged as a true friend was a leader of a cult. She trusted them but they lied. She loved them but they betrayed her. She was living in a fantasy and wherever she was right now, this was her reality.

And it was true. Reality was hard compare to her previous life.

She once trusted a demon and right now, she was with this little demon and she was about to trust another again.

Dinala siya ni Chersh palabas ng napakahabang tunnel na iyon. She was curious why she couldn't find the way out, so she asked the little demon.

"Bakit parang walang katapusan 'tong tunnel na 'to?"

Chersh didn't stop walking. He answered Chanel's question while he was busy finding some marks on the walls.

"Ang lugar na 'to ay para sa mga halimaw at kaluluwa na pinaparusahan. Isa ang tunnel na 'to sa mga maze na ginawa ng prinsipe na namumuno rito sa Mine of Death."

Hindi maintidihan ni Chanel ang sinabi ni Chersh ngunit interesado siya rito. Kaya't nagtanong pa siya ng nagtanong upang malaman ang tungkol sa lugar na 'to. If she would stay here for a long time, since she knew she wouldn't be able to go back to the human world easily, it might be better to do some research. This was for her survival. She was in an unfamiliar place where a human like her didn't belong.

"Mine of Death... Ito ang impyerno?" tanong ni Chanel kay Chersh.

"Sa kabuuan? Hindi. Isa lamang ito sa parte ng tinatawag mong impyerno," sagot naman ng maliit na demonyo. Huminto ito nang mahanap niya ang isang markang iniwan ng mga mindemon upang sikreto silang makalabas at makapasok sa Mine of Death at makapunta sa City of Death na malapit lamang dito sa tunnel na ito.

"Ang tunnel na 'to ay tinatawag na Silver Labyrinth. Ang pinakamadaling maze na ginawa ng prinsipe. Wala kang ibang gagawin dito kung hindi papatayin ka sa kakahanap ng daan palabas o kaya naman ay papatayin ka sa pagod, uhaw, at pagkagutom. Napakadali, 'di ba?"

Kumunot-noo si Chanel sa sinabi ni Chersh. Walang madali sa mga sinabi niya. Halos mamatay na siya sa pagod at gutom sa kakahanap ng daan palabas sa tunnel na 'to. At kung hindi niya nakita si Chersh ay baka dito na rin siya inabutan ng kanyang kamatayan.

"Paano mo nasabing madali? Kung hindi kita nakita, patay na siguro ako."

"Siguro nga ay hindi rin madali, ngunit kung ikukumpara mo ito sa ibang maze na mayroon sa lugar na 'to, magpapasalamat ka na dito ka nilagay bilang kaparusahan."

"Anong pagkakaiba ng ibang maze sa tunnel na 'to?"

"Halos wala naman. Bukod sa mga halimaw na kumakain ng kapwa nila halimaw at mga kaluluwa na hahabulin, hahanapin, at hindi ka titigilan. Iyon ang meron sa ibang maze."

Nagulat si Chanel sa sinabi ni Chersh. Kung ganoon, laking pasasalamat niya at dito siya bumagsak at hindi sa ibang maze.

"Bukod sa Mine of Death, may iba pa bang lugar dito?"

Tumango si Chersh habang inaasikaso nito ang spell upang mabuksan nila ang daan palabas sa tunnel na ito.

"Marami pang iba. At ang pupuntahan natin ngayon ay ang City of Death. Mas ligtas ka roon kumpara rito, sa tingin ko."

Sa tingin ko, pag-uulit ni Chanel sa kanyang isip. Bakit parang hindi pa sigurado si Chersh sa kanyang sinabi? Doon niya napagtanto na dahil isa siyang buhay na nilalang, walang ligtas na lugar para sa kanya sa mundong 'to. Ano ba itong napasok niya? At bakit nga ba siya itinapon dito ni Illya at ng kultong pinamumunuan nito? Bakit sa lahat ng lugar na mapupuntahan niya ay sa impyerno pa talaga?

"Ano naman ang pagkakaiba ng City of Death sa lugar na 'to?"

Nang maayos na ni Chersh ang spell ay tumingin siya kay Chanel. "City at Mine. Iyon ang pagkakaiba."

Bumalik ang atensyon niya sa spell at madali iyong ginamit. Namangha si Chanel nang makita ang markang nakalagay sa mabatong pader ay unti-unting lumaki. Naglabas ito ng kakaibang enerhiya at unti-unting naging itim ang kabuuan nito.

"Tara na upang magawan natin ng paraan 'yang problema mo," wika ni Chersh saka ito tumapak papasok sa loob ng bilog na itim. Nagulat si Chanel sa nakita. Hindi siya sigurado kung papasok rin ba siya sa loob nito. Baka kung saang lupalok na naman siya mapunta. Hindi rin maganda ang naging karasanasan niya nang huli siyang lamunin ng isang bilog.

Nagulat siya nang makita ang paglabas ng kamay ni Chersh at hinatak siya papasok nito. She closed her eyes and felt the energy around her body. It was pulling her and then it suddenly stop. Unti-unting nagiging klaro ang pandinig niya sa kanyang paligid. There was a buzz of noises, like bees swarming up on its hive. When she opened her eyes, she was in the middle of a city. She was not in the tunnel anymore. Here she saw buildings, people, monsters, markets, women, men, and children. There was a city here in the underworld and she couldn't believe it.

She was in awe with everything she saw. They were in harmony, as if this was all normal for them. And Chanel couldn't hide her astonishment. Her eyes grew big and her mouth gaped. This was all amazing.

"Wow..." she whispered.

Habang busy si Chanel sa pagkamangha ay nakatingin lamang sa kanya si Chersh at pinapanood ang eskpresyon niya sa mukha.

"Anong masasabi mo?" tanong niya rito.

"I can't believe what I'm seeing. Lahat ng nandito, nagco-contradict sa paniniwala ng mga tao. They believed that hell or the underworld is a scary place."

Tumingin siya kay Chersh nang hindi ito magsalita.

"Huwag ka magpalinlang. Maganda man ang nakikita mo, marami pa ring problema at gulo rito sa Hellas. Tiyak kung ano man ang paniniwala ng mga tao sa mundo niyo, may rason kung bakit ganoon ang paniniwala nila."

Natahimik si Chanel sa sinabi ni Chersh. Totoo ang sinabi nito. Namamangha man siya sa nakikita ngayon, alam niya kung gaano ka-delikado pa rin ang lugar na ito. Lalong-lalo na sa kanya. Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na mamangha sa nakikita. Sinong mag-aakala na mayroong ganitong siyudad sa impyerno? Ang mga halimaw at ang mga nilalang na may katawang tao katulad niya ay sama-sama at namumuhay sa lugar na 'to ng payapa. Walang gulo at away. Ngitian at batian pa ang kanyang nakikita. Baliktad na paniniwala na mayroon ang mga tao sa kanyang mundo. Ang mga tao at ang mga halimaw ay kailanman ay hindi magsasama at magkakaroon ng payapa na pamumuhay.

Chanel couldn't give any discernment for that for she had not even experienced what it felt to live with a monster.

No. She had lived with them, but it was all lies. But this, here in this city, these were true, it was real and it was happening.

"Hellas?" tanong ni Chanel nang mapansin niya ang pagbanggit ni Chersh ng salitang iyon.

"Hellas ang tawag namin sa mundong 'to. Impyerno naman ang tawag niyong mga tao."

"Hellas..." bulong ni Chanel sa kanyang sarili.

"Nandito tayo sa kapitolyo ng City of Death. Ito ang Paradise City, mas kilala sa pangalan na Para. Pinamumunuan din ito ng isa pang prinsipe, katulad ng namumuno sa Mine of Death," paliwanag ni Chersh.

"Para..." bulong muli ni Chanel.

Kumunot-noo siya at tumingin kay Chersh. "Prinsipe?"

Hindi pinansin ni Chersh ang katanungan niya at madaling iniba ang usapan.

"Sumunod ka sa 'kin. May alam akong puwede mong pagliguan. Hahanapan din muna kita ng masusuot. Iba ang kasuotan mo kaysa sa iba. Pinatitinginan ka na ng iba."

Tumingin si Chanel sa kanyang paligid at doon napansing napapatingin na nga sa kaya ang ibang mga tao dahil sa kanyang kakaibang pananamit. Kumpara sa makamoderno niyang mga damit, ang kasuotan ng mga nilalang rito ay tila nasa lumang panahon katulad noon sa mundo ng mga tao.

Sumunod siya kay Chersh at nakipagbakbakan sa dami ng mga taong nasa paligid. Lumiko sila sa isang eskinita at pumasok sa isang bahay. Nang tingnan ni Chanel ang paligid ay nagtaka siya nang makitang walang kagamit-gamit sa loob.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ni Chanel kay Chersh.

"Isa siguro sa mga taong nakatira noon dito."

"Tao?"

Tumango si Chersh. "Tao ngunit patay. Hindi katulad mo."

"Mga kaluluwa?" tanong muli ni Chanel at tumango muli ang maliit na demonyo.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Dalawa lamang ang sagot d'yan sa katanungan mo. Maaring s'ya ay naparusahan dahil hindi siya sumunod sa ipinag-uutos ng namamahala rito o pumasa siya sa Henka."

"Henka?"

"Pangalawang pagkakataon at pagbabago. Ang bawat kaluluwa rito ay nakalagay sa mga listahan ng Henka. Mayroon kang isang pang pagkakataon na magbago. Kapag natapos ang termino ng pagiging Henka mo, puwede kang ilagay muli sa judgement field. Kapag pumasa ka, maari ka nang magtungo sa itaas. At kung hindi, maari kang malagay sa ibang lugar at doon maparusahan."

"Parusa saan?"

"Pagkakasala mo noong ika'y nabubuhay at habang nandito ka sa Hellas," sagot ni Chersh.

Naiintidihan na ni Chanel ang tinutukoy ni Chersh at kung bakit may mga lugar katulad ng Mine of Death. Ganito ang proseso pagkatapos mamatay ng isang tao. Kung mapupunta ka rito ay bibigyan ka muli ng isa pang pagkakataon. Kapag pumasa ka ay maari ka nang magtungo sa itaas, sa langit, at kung hindi naman ay mananatili ka rito sa impyerno at paparusahan habangbuhay.

"At kung gaano katindi ang parusa mo, pababa rin ng pababa ang mapupuntahan mo," dugtong ni Chersh.

"Sabi mo napupunta ang mga kaluluwa na nakapasa ng Henka sa itaas. Ang ibig mo bang sabihin ay itaas sa langit? Merong langit?" tanong ni Chanel.

Natahimik si Chersh. Napatingin ito saglit sa kawalan saka ito sumagot sa kanya, "Langit. Ang sabi nila ito raw ang kasulungat ng Hellas. Kung dito ay puro kapangitan, sa itaas ay puro kagandahan. Kung dito ay mayroong demonyo katulad ko, sa itaas ay mayroong mga anghel."

Chersh looked at her, "Hindi ko alam kung totoong may langit. Pero kung mayroong Hellas at mayroong mga demonyo, baka nga ay mayroong mga diyos at mga anghel. Naniniwala ka ba roon, Chanel?"

Hindi agad nakasagot si Chanel sa katanungan ni Chersh. Naniniwala nga ba siya? Kung mayroong impyerno, mayroon rin nga bang langit? Kung may mga demonyo, mayroon nga rin bang mga anghel?

"Hindi ko rin alam, Chersh."

Hindi sigurado si Chanel sa kanyang kasagutan. Maniniwala nga ba siya? Kung totoo nga ang mga ito, nasaan sila nang maranasan ni Chanel ang lahat ng sakit at paghihirap niya sa mundo ng mga tao at pati na rin ngayon dito sa impyerno? Tuluyan na ba s'yang iniwan ng itaas?

Inabot ni Chersh ang damit na nahalungkat nito sa isang box. "Ito mga damit. Mukhang kasiya naman sa 'yo. Tiyak gumagana pa ang tubig d'yan at mayroon pang naiwan na ibang panglinis. Maligo ka na."

Ngumiti si Chanel kay Chersh at nagpasalamat. Pumasok ito sa banyo at doon naligo. Naiwan naman si Chersh sa labas habang nakatitig lamang ito sa pinto ng banyo.

"Ano naman kayang gagawin ko sa babaeng 'to?" bulong niya sa kanyang sarili.

Naghintay si Chersh sa sala habang nakaupo ito malapit sa bintana at nakatingin lamang sa labas. Nang matapos si Chanel ay agad rin siyang lumabas. Nakakamangha dahil gumagana pa rin ang tubig kahit wala na ang taong nakatira rito noon. At ang kanyang damit, saktong-sakto lamang ang dress na nakuha ni Chersh sa bahay na ito sa kanya. Nakakatuwa ring isipin na mayroong undergarments ang Hellas.

"Tapos na ako, Chersh."

Tumingin sa kanya ang maliit na demonyo saka ito tumayo. "Tara, kakain tayo sa labas."

Muling napangiti si Chanel sa narinig at madaling sumunod kay Chersh. Muli ay naglakad sila sa mataong daan rito sa Para. Nagtungo sila sa isang kainan. Umorder nang makakain si Chersh at habang nag-aantay ay muling nagtanong si Chanel.

"Ano ba 'yong mga bagay na dapat kong tandaan? Mga bagay na dapat kong iwasan?"

"Makipag-usap sa iba. Malalaman nila agad na buhay ka. Malakas ang pang-amoy ng ibang halimaw dito. Lalo na 'yong mga halimaw na sabik sa lamang loob ng mga tao. Kaya mag-iingat ka palagi."

Kinilabutan si Chanel sa sinabi ni Chersh. Halimaw na kumakain ng tao... Mayroon pa ring mga nilalang na ganoon at naninirahan sila sa mundog 'to. Paano siya magsu-survive kung hindi niya rin kayang ipaglaban ang kanyang sarili?

"At ang Black Army," wika muli ni Chersh.

"Sila ang mga sundalo sa ilalim ng pamumuno ng prinsipe rito sa Para. Tiyak kapag nakita ka nila ay agad ka nilang dudukutin. Ang mga kulay ng buhok at mata mo ay hindi normal para sa isang ordinaryong tao." Binigyan ng diin ni Chersh ang huling salita na kanyang binanggit kay Chanel. At natandaan ito ng mabuti ng dalaga. Ano ang ibig sabihin ni Chersh dito?

Nahinto ang pag-uusap ng dalawa nang dumating na ang mga pagkain na inorder ni Chersh para sa kanilang dalawa. Namangha si Chanel sa mga pagkain na nakahain sa kanyang harapan. Para rin itong pagkain ng tao katulad sa kanyang mundo, pero may mga pagkain ring out of this world at mukhang para talaga ito sa mga katulad ni Chersh.

"Bakit ganito 'to?" tanong ni Chanel sa isang kulay violet na soup na mayroong mga bilog-bilog na karne na lumulutang.

"Don't judge a book by its cover. Kayong tao mga nagsabi n'yan," sagot naman ni Chersh.

"Puwede kong tikman kung ganoon?"

Itinulak ni Chersh ang mangkok kay Chanel. Tiningnan mabuti ni Chanel ang soup at pinag-isipan mabuti kung titikim nga ba siya o hindi. Pero mukhang hindi naman ata ito nakamamatay?

Kinuha ni Chanel ang kutsara at tinikman ang violet na soup. Totoo nga ang sinabi ni Chersh. Don't judge a book by its cover. Mukha mang alien ang pagkain ni Chersh ay sobrang sarap naman nito. Medyo maanghang ito na mayroong tamis. Two different tastes but it complements each other and that made the soup tastier compare to her meal. Masarap din ang karne na palutang-lutang sa soup. Ang bland man ng itsura nito, wagi naman sa lasa ito.

"Nagustuhan mo ba? Sa 'yo na lang kung nasarapan ka." Nangningning ang mga mata ni Chanel sa sinabi ni Chersh.

"Sigurado ka? Swap tayo gusto mo?"

Tumango si Chersh at kinuha ang pagkain ni Chanel. Tahimik ang dalawa habang kumakain nang magulat ang lahat ng tao sa biglaang malakas na pagbukas ng pinto ng kainan. Lahat ay napatingin sa malalaking tao na nakasuot na itim na damit at baluti. Nanlaki ang mata ni Chersh sa gulat at agad na sinabihan si Chanel na yumuko. Madali naman itong ginawa ng dalawa at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. Ngunit kinakabahan pa rin sila sapagkat nandito ang Black Army.

"Anong ginagawa nila rito?" pabulong na tanong ni Chanel kay Chersh.

Umiling si Chersh at sumagot, "Hindi ko alam. Yumuko ka lang."

Kinakabahan si Chanel. Anong pakay ng mga sundalong ito sa isang maliit na kainan? At kung kakain lamang ang mga ito, bakit balot na balot ito ng mga panangga at dala-dala pa ang mga armas nito?

"May nakita ba kayong babae na nakasuot ng kakaibang damit?" tanong ng isang sundalo.

Napatigil ang dalawa sa pagkain at nagkatitigan.

"W-wala po," sagot ng may-ari ng kainan.

Tumingin ang sundalo sa mga nilalang na kumakain sa loob at nag-anunsyo, "Isang tao ang nakapasok sa Para. Kung kayo ay nakakita ng kahina-hinala na babae ay ipag-alam niyo agad sa palasyo. Ang kung sino mang makapagtuturo sa babaeng iyon ay mayroong makukuhang pabuya mula sa prinsipe."

Ang bilis ng tibok ng puso ni Chanel. Ipinagdadasal niyang sana umalis na ang mga ito. Magkatinginan lamang sila ni Chersh. Nakikiramdam sa susunod na mangyayari.

"Babae?"

Sabay na tumingin si Chersh at Chanel sa isang lalaking nagsalita. Nakaupo ito sa dulo. Nakasuot ito ng simpleng kulay itim na polo at itim na pantalon. May kakaiba sa itsura ng lalaki lalong-lalo na sa kulay ng mga mata nito. Sa loob ng kainan, silang dalawa lamang ni Chanel ang masasabi mong hindi isang ordinaryong mamamayan sa Para.

He had a terrifying beauty and a powerful and intimidating aura. Or was it just Chanel who felt that way?

"Puwede bang malaman ang eksaktong deskripisyon ng babaeng sinasabi niyo?" tanong pa nito.

"Ang huling balita sa babae ay nakasuot ito ng damit mula sa mundo ng mga tao at huling namataan sa Redereco."

"Ano raw ang itsura ng babae?" tanong pa ng lalaki. Napakagat labi na si Chanel at tumingin kay Chersh.

"Umalis na tayo rito," bulong niya kay Chersh.

"Kulay pula ang buhok ng babae at matangkad."

"Kulay pula..." Rinig na rinig ni Chanel ang boses ng lalaki. Muli siyang yumuko habang palihim na nakatingin sa lalaking kanina pa nakikipag-usap sa mga sundalo. Laking gulat niya nang magkrus ang kanilang mga mata at ngumiti pa ito sa kanya.

His eyes... It felt like she had seen it before. But she couldn't remember when or if she really had seen those. It was... the most memorable part of his face. The way he looked at her and how he pierced her through those killer eyes. She couldn't escape and she wondered why. Why did she feel strange? And why he seemed familiar?

And those mars-colored eyes, damn those eyes... It was haunting her.

"Siya ba ang tinutukoy niyo?" tanong ng lalaki saka siya nito itinuro.

At doon... doon napagtanto ni Chanel na katapusan na ng kanyang buhay. Maraming salamat sa lalaking pakialamero na nagsumbong sa kanya sa mga sundalo. Agad na tumingin ang mga tao sa kanya.

"Dakpin ang babaeng 'yan!" sigaw at utos ng pinaka leader ng mga sundalo.

Agad na tumayo sina Chanel at Chersh.

"Humawak ka sa 'kin, Chanel!" sigaw ni Chersh na madaling sinunod ni Chanel. Bago tuluyang gumamit ng mahika si Chersh ay muling tumingin si Chanel sa lalaki. Hindi na ito ngumingiti at nakatingin lamang ito sa kanya. Pinapanood at pinagmamasdan siya mula sa malayo. Pagkurap ng mata ni Chanel ay nasa labas na sila ng kainan. Nakita sila ng ibang sundalo at agad na tumakbo patungo sa kanila.

"Takbo!" sigaw ni Chersh na nakapagpagising sa kanya sa katotohanan.

Katotohanan na kapag siya'y nahuli ng mga sundalo ay tiyak tapos na ang maliligaya niyang araw dito sa Para. Sinunod ni Chanel ang utos ni Chersh. Siya'y tumakbo kasama ang maliit na demonyo sa kanyang tabi para sa kanyang buhay.

She ran for her and the little demon's life. She was only starting. She even hadn't found her purpose yet she was already running away from death. No, she won't give up. She would run even if it took her a day.

Nanahimik sila ni Chersh sa kainan. Ni hindi pa nga niya natatapos ang pagkain niya sa soup na iyon.

Screw it. Screw everything.

Her parents, Illya, and even that bastard who sold her out to the soldiers.

Screw them all. She would definitely survive.

And if she did, she would come back and they would pay for everything they'd done.

Especially that guy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro