Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6



She couldn't breathe for a minute. She was trying her best to stay calm as much as possible. Pero kung unti-unti siyang hinahatak pababa na akala mo ay na-stuck siya sa isang kumunoy, how was she going to breathe? Nang tuluyan na siyang naubusan ng hangin ay pumasok na rin sa ilong at bibig niya ang itim na likido. Unti-unti nitong tinakpan ang daanan ng hangin sa kanyang katawan. She was shaking so bad, reaching for anything makawala lamang siya sa tubig na 'to, ngunit wala siyang nahawakan. There was no escape and she was alone and drowning.

When she thought she was going to die from drowning, she fell down on a hard surface. Tumama ang katawan niya sa matigas at mabatong lapag. Umubo siya ng umubo hanggang sa mailabas niya ang tubig na pumasok sa kanyang baga. She was gasping for air, and yes finally she was out of the water. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang mga patusok na bato sa kanyang itaas. She stayed there for a while until her breathing was normal again.

Gamit ang natitira niyang lakas ay umupo siya at tumigin sa kanyang paligid. She was surrounded with rocks. She was in some kind of a tunnel. Hinawakan niya ang kanyang ulo na nauntog kanina sa lapag. She flinched nang maramdam ang sakit nito. It was not only her head but also her whole body. It was all aching.

She was confused. She was in the basement earlier, then she was drowning in black water, and now she was in a tunnel. How was that even possible?

Then she remembered what Illya did, right, it was magic.

Tumayo siya at tumingin sa kanyang kanan at kaliwa. Saan ang daan palabas sa napakahabang tunnel na 'to?

She chose left and decided to walk. Her goal was to find the way out. She needed to know kung nasaang lupalok s'ya ng planetang Earth o baka naman ay wala na siya sa mundo ng mga tao? Napalunok siya nang maisip 'yon. If she wasn't in Earth, then where the hell was she?

Naglakad siya ng naglakad hanggang sa hindi niya alam kung magpapatuloy pa ba s'ya o hindi. This tunnel seemed endless. She was walking for an hour yet she couldn't still see the way out. She was supposed to reach it if she had already walked for an hour, yet she was lost. Umiling siya at huminga ng malalim. She would still walk. There was a way out, she knew it. This was not the time to give up. She would definitely reach it.

So she walked again, walked for another hour. Umupo siya sa lapag at sumandal sa mabatong pader. She was so tired from walking. She was thirsty. Naramdaman niya rin ang pagkulo ng kanyang sikmura. She was hungry too. Kahit anong gawin niyang lakad ay hindi niya mahanap ang daan palabas sa tunnel na 'to. If this wasn't an ordinary tunnel, then what the hell was wrong with it?

Ngayon at nakapagpahinga siya ay naalala niya ulit ang mga nangyari sa kanya. She felt her tears on her cheek when she remembered her parents. She had no idea, for thirteen years, that they were not ordinary human beings. They cared for her because it was an order by someone. Akala niya ay kahit papaano ay mayroon ding naramdamang pagmamahal ang magulang niya sa kanya. Nakasama siya nito ng labing tatlong taon pero kahit sa huling pagkakataon ay hindi niya naramdaman ay totoong pagmamahal nito. When she saw her mother turned into a monster, she was begging for her to come with them and not to trust the man.

She even called her an ungrateful child dahil mas pinili niyang pagkatiwalaan ang lalaki sa kanyang panaginip. How was she supposed to trust them when they killed Lenny? At kung nakita niyang mayroon na naman silang biktima? She saw and heard their conversations.

But why? She was wondering why they were taking care of her all this time? For what exact reason? Why keep her? She couldn't understand. Para saan ang pagpapakita nila ng kabaitan sa kanya? Para saan ang pagpapanggap nila bilang isang mapagmahal na magulang? Why would they waste thirteen years just for her?

"Why they would lie for thirteen years and how they even endured it?"

She believed everything happens for a reason. Then whoever their master was, there was a reason why they had kept her for thirteen years. Walang ginawa ang magulang niya sa kanya. They kept her safe and sound. Isa pang nakapagtataka.

"Illya..." she whispered. Isa pang taong nagsinungaling sa kanya. For three years, she had been friends with her. She was bubbly and a good friend for Chanel. Kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang makita si Illya sa basement. Kaya ganoon na lamang ang pagiging in denial niya sa isip at puso na si Illya ang leader ng kultong kumidnap sa kanya dahil ito ang naging kaibigan niya sa loob ng tatlong taon.

She trusted her, yet she lied and betrayed her.

Chanel knew why it was so painful. Bakit unti-unting pinipiga hanggang ngayon ang puso niya.

Because the ones she had trusted the most were her loved ones.

And yet she couldn't believe that they were also the ones who would break her heart.

If a stranger betrayed you, it was already painful. What more if it was the people you trusted and loved the most? Then the pain, how would she even describe it? It was not tolerable. It was lethal. That anytime she could break herself into pieces and would not be whole again.

It was something she couldn't fight. Her heart was bleeding and aching. She couldn't do anything about or even to mend it.

So she let herself weep until she was tired.



***



She cried every now and then. She'd stand up and walk from time to time. Pero hindi pa rin niya makita ang daan palabas. Hindi na rin niya bilang kung ilang oras o araw na siyang nagtagal sa tunnel na 'to. Nakaupo siya habang nakatitig sa kisame na punong-puno ng matutulis na bato. She could no longer walk. She had no energy left. She was very thirsty and hungry. Ilang oras o araw na siyang hindi nakakakain. How could she even stand?

Hindi na rin niya kayang umiyak. She was dehydrated. May mailalabas pa ba siyang iyak sa mga mata niya? Tuyot na tuyot na ang kanyang lalamunan at labi. Somehow Chanel felt that this was some kind of punishment. Maybe she was destined to experience every near to death situations. She was almost killed by aswangs, she was kidnapped by an occult, she almost drowned, and now she was dying from hunger.

When it would stop? She asked.

Then she heard footsteps. It was a faint sound. It was a tiny footstep. Kumunot-noo s'ya at tumingin kung saan nanggaling ang tunog na iyon. It was coming from her left. Sa daan kung saan siya patuloy na naglalakad. Then she heard a tiny voice and he was complaining.

"Bakit ba kasi ako pa ang kailangang pumunta doon, e, puwede namang siya? Magbibigay pa ng palusot 'yong gagong 'yon. 'Di na lang niya sabihin na tinatamad siya."

Agad na nanlaki ang mata ni Chanel nang makita kung ano ang nilalang na nagsalita. He had a dry and tanned skin. He was small. He had big eyes and long sharp ears. Surprisingly, it had also a normal nose and a mouth. He was covered with dirt from head to toe. He was only wearing a thin cloth, enough to cover his tiny body.

Huminto rin sa paglalakad ang maliit na nilalang na 'yon nang makita si Chanel. Nanlaki rin ang mata nito at napanganga sa nakita.

It was so late to realize that they were both seeing a not-so-normal creature, but they both shouted.

"Ahhhhhhh!!!"

"Tao!" sigaw ng maliit na nilalang sa boses nitong pagkaliit-liit.

"Halimaw!" sigaw ni Chanel sa maliit na nilalang.

"Hindi ako halimaw!" depensa naman nito.

"Pero ikaw, tao!" sigaw pa nito.

"Ahhhhhhh!!!" Muli silang sumigaw sa isa't isa. Tumakbo ang maliit na nilalang palayo habang sinubukan naman ni Chanel na tumayo ngunit hindi na kaya pa ng kanyang katawan.

Napamura ng mahina si Chanel. Kapag hindi siya nakatakbo ay maari siyang maging pagkain ng halimaw na nakita niya. At kahit na mas maliit ito sa kanya, hindi niiya alam kung anong kayang gawin sa kanya nito.

"Anong ginagawa mo dito?!" Agad na lumingon si Chanel sa maliit na nilalang na bumalik habang may dala-dala itong sibat.

"Paano ka napunta rito?! Bawal ang tao rito!" sigaw pa nito sa kanya.

Lumunok si Chanel at dahan-dahan na umatras habang papalapit naman ng papalapit sa kanya ang maliit na nilalang.

"Please... 'wag mo akong patayin," bulong ni Chanel. Tinutok ng maliit na nilalang ang kanyang sibat sa mukha ni Chanel. Muling lumunok si Chanel nang makita sa pagitan ng kanyang mata ang tulis ng sibat na hawak-hawak nito.

"Paano ka napunta rito?!" sigaw nito.

"M-may mga taong n-naglagay sa akin rito. N-nahulog ako sa lugar na 'to. Ilang araw na akong naglalakad pero 'di ko makita 'yong daan palabas. P-please huwag mo akong patayin. Wala akong ginawang kasalanan. Wala akong ginalaw. Wala akong ginawa. Please. Please."

Kumunot-noo sa kanya ang maliit na nilalang.

Chanel couldn't fight. She was so tired and she had no energy left.

"Kaluluwa ka ba?" Nagtataka nitong tanong sa kanya. Gamit ang dulo ng sibat na kanyang hawak-hawak ay tinusok niya ang braso ng dalaga. Inamoy niya ito at muling tumingin sa kanya ng nagtataka.

"Hindi ka kaluluwa. Buhay ka," wika pa nito.

Tumango si Chanel.

"Pero hindi ka dapat buhay," dugtong pa nito kaya naman si Chanel na ang nagtaka.

"Ang mga buhay na tao ay hindi kayang makapasok sa mundong 'to. Paano ka nakapasok?" tanong pa nito sa kanya.

"M-may mga taong-taong m-may k-kapangyarihan. Ginamit nila 'yon sa 'kin tapos nahulog ako rito sa lugar na 'to. Sinabi mong mundo-anong mundo 'tong tinutukoy mo at bakit bawal ang buhay na tao rito?"

Naguguluhan si Chanel sa sinasabi ng maliit na nilalang. Kailangan niya ng kasagutan at kailangan niyang maliwanagan.

Ibinaba ng maliit na nilalang ang kanyang sibat at muli siyang inamoy nito.

"Walang duda. Buhay na buhay ka. At nangangamoy na rin," sagot nito sa kanya.

"isang ka bang handa? Sakripisyo sa prinsipe? Dahil kung 'yon ang sitwasyon mo, dapat ay mayroong mga sundalo nang kumuha sa 'yo. Pero ilang araw ka na ritong pagala-gala, hindi ba?" tanong sa kanya ng maliit na nilalang. Agad na tumango si Chanel.

Saglit siyang tinitigan ng maliit na nilalang. Nagulat si Chanel nang lumayo ito sa kanya.

"Ah, naamoy ko sa 'yo na isang kang masamang balita. Kalimutan na lamang natin kung ano man ang nasaksihan natin dito. Wala kang nakitang mindemon at wala rin akong nakitang tao. Nagkakaintindihan ba tayo?" wika nito saka ito tumalikod sa kanya at naglakad papalayo.

Wala nang maisip na ibang paraan si Chanel upang makaalis sa lugar na 'to. At ang tanging ito lamang ang makakatulong sa kanya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Ngunit kung mayroong ganitong klaseng nilalang sa mundong 'to, at ito na rin ang nagsabi na iba ang mundong 'to, ngayon ay nakatitiyak na siyang nasa iba siyang mundo. Pero saan?

"S-saglit!" sigaw ni Chanel. Huminto sa paglalakad ang maliit na nilalang at lumingon sa kanya.

"K-kailangan ko ng tulong mo," wika niya rito.

Lumunok si Chanel. "H-hindi ko alam kung nasaan ako. At hindi ko rin alam kung bakit nandito ako. Please. Ikaw lang... ikaw lang ang makakatulong sa 'kin. Tulungan mo ako. Please."

Nakita niya ang pagbuntong-hininga nito. Muli itong lumapit sa kanya.

"Alam mo ba kung anong klaseng problema 'tong gusto mong pasukin ko? Tumutulong ako ng isang tao. Mahigpit na ipinagbabawal 'yon dito. At kapag nahuli ka nila, tayo, buhay natin ang kapalit. Hindi ko handang iskaripisyo ang buhay ko para sa 'yo. Hindi naman kita kilala. Kung tutulungan kita, anong magandang maidudulot nito sa 'kin?"

Napakagatlabi si Chanel. Agad siyang nag-isip ng paraan upang mapapapayag niya ang maliit na nilalang.

"Ano?" tanong pa nito sa kanya.

Wala siyang maibibigay sa nilalang. Handa ba siyang magsinungaling para sa kaligtasan niya?

"M-mayroon akong kailangang hanapin. Kapag nahanap ko 'yong taong 'yon, tutulungan kita sa kahit anong paraan. M-mayaman 'yong taong 'yon kaya kapag tinulungan mo akong mahanap s'ya, lahat ng makukuha kong pera galing sa kanya ay ibibigay ko sa 'yo."

Nakita niya ang pagtulis ng tingin nito sa kanya. "Niloloko mo ba ako, tao? Ikaw na ang nagsabi na wala kang ideya kung nasaan ka. Pero mayroon kang kakilala rito? Nagsasayang lang ako ng oras sa 'yo."

"N-nagsasabi ako ng totoo!" sigaw ni Chanel. Desperado na siya. Sobrang desperado na siya.

"Siya 'yong tumulong sa akin para makawala ako sa mga aswang. Pero na kidnap ako ng isang kulto at itinapon sa lugar na 'to. Sinabi niya sa akin na kailangan ko siyang hanapin. Na mahahanap ko siya. Siya lang 'yong makakatulong sa akin dito. At kapag hindi mo ako tinulungan, mamamatay ako ng tuluyan. Ayaw mo namang may taong mamatay dahil hindi mo tinulungan 'di ba? Konsensya mo na rin 'yon. Sige ka."

Hindi na alam ni Chanel ang mga pinagsasabi niya. She was rambling when she was lying. And yes, she lied. It was true, though, about the man who helped her. Pero hindi naman ine-specify kung dito ba o sa mundo ng mga tao niya makikita ang lalaking 'yon.

Nakita niya ang pagda-dalawang isip ng maliit na nilalang. Masyadong madaling basahin ang ekspresyon nito.

"May trabaho pa ako at kapag iniwan ko 'yon para tulungan ka ay paparusahan nila ako. Kapag nangyari 'yon at kapag wala akong napala rito, ikaw ang ibebenta ko upang magkapera ako. Deal?"

Napangiti agad si Chanel sa sinabi ng maliit na nilalang. "Deal!"

"Ang pangalan ko ay Chersh. At ikaw?" tanong niya sa dalaga.

"Chanel," pagpapakilala naman ni Chanel.

Nakita niya ang pagsimangot ng maliit na nilalang. "Maling-mali talaga 'tong ginagawa ko, pero bakit ginagawa ko pa rin?"

"Anong mali kung tutulungan mo ako?" Hindi maintindihan ni Chanel. Nasaan ba siya at bakit ipinagbabawal dito ang buhay na tao?

"Isa kang dalaga na buhay na buhay. Ang mundong 'to ay para sa mga halimaw at patay. Sa tingin mo, dapat bang nandito ka?"

"Mundo para sa mga halimaw at patay?"

Tumango si Chersh at sumagot, "Mundo ng mga patay, ano ang sa tingin mo?"

Nabato si Chanel sa kanyang kinauupuan at gulat na gulat sa nalaman.

"Don't tell me-that I'm here literally in hell?"

Tinaasan siya ng kilay ni Chersh. "Natutuwa akong malaman na hindi ka tanga. Pasado ka na! Kaya't tara! Kailangan nating gawan ng paraan 'yang pangangamoy mo at..." Tiningnan siya nito. "Gutom ka na rin, hindi ba?"

Madaling tumango-tango si Chanel. Muling bumuntong-hininga si Chersh. "Kailangan din nating gawan ng paraan 'yang amoy mo. Hindi ka dapat maamoy ng ibang mga halimaw. Hindi nila dapat na malaman na buhay ka."

"B-bakit?"

Ngumiti sa kanya si Chersh. "Nasa mundo ka ng mga halimaw, Chanel. Hindi sila nakakaakyat sa mundo ng mga tao. At kapag mayroon kang tinapon na isang sariwang karne sa gitna ng mga gutom na gutom na halimaw na isang libong taon nang hindi nakakakain ng karne, ano sa tingin mo ang mangyayari sa 'yo?"

Natahimik si Chanel doon.

"Talaga bang nasa impyerno ako?" tanong ni Chanel.

Tumayo sa harap niya si Chersh at tiningnan siya diretso sa mga mata.

"Nakakakita ka ng demonyo sa harap mo. Bakit nagda-dalawang isip ka pa?" sagot nito.

"Tara bago pa may makakita sa 'yo rito," dugtong nito.

Gamit ang natitirang lakas ni Chanel ay tumayo siya at sumunod kay Chersh. She realized na kahit anong pagod ang maramdaman mo, kung buhay mo ang nakataya rito, tatayo ka at tatayo. At ganoon si Chanel. Dahil ayaw pa niyang sumuko.

Habang nakasunod kay Chersh ay mayroong napagtanto si Chanel. Kung demonyo si Chersh, sa pangalawang pagkakataon ay ipinagkatiwala na naman niya ang kanyang sarili sa demonyo. Napangisi siya. At kung tama nga ang hula niya base sa pag-uusap nila ng lalaki sa kanyang panaginip, kung ganoon ay nasa tamang mundo siya.

"Where the hell are you?"

"The answer is in your question."

"What are you?"

"You already know the answer."

Then she was still on the right path. If this was hell, the underworld, then she would find him. She would seek answers to her questions, and would seek the truth about herself, her identity. She might able to find the meaning of her life and why she was still alive.

She just had to find all of it.

She would.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro