Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3



Nakaupo si Chanel sa kanyang kama habang hawak-hawak ang dalawang itim na bagwis sa kanyang kamay. Kanina pa niya ito tinitingnan at kanina pa siya nag-iisip tungkol dito. Hindi niya mawari kung ano ba ang gustong sabihin sa kanya ng aninong iyon. Hindi niya rin maintindihan kung sino ang lalaki sa kanyang panaginip at kung anong gustong makuha nito mula sa kanya. Hindi ito mawala-wala sa utak ni Chanel. Hindi ito tumigil, hindi ito nawala, at hindi niya ito matanggal sa kanyang isip.

If Illya was right, that this black feather was a sign of protection from her angel, then why she'd been suffering all this time? Nasaan sila nang bumukas ang third eye niya? Nasaan sila nang ginulo siya ng mga ligaw na kaluluwa? Nasaan sila nang mga panahong muntikan na siyang malagay sa peligro? Bakit nangyayari ito ngayon? Bakit ngayon lang ito nagparamdam at dumating? Bakit ngayon?

"Chanel..."

Tumaas ang tingin ni Chanel sa babaeng nagsalita. Nakita niya si Lenny na nakatayo sa kanyang harapan.

"Lenny... H-hindi ba tumalab 'yong pagpunta ko sa lamay mo? Hindi ba 'yon 'yong sagot?" Naguguluhan na si Chanel. Alam niyang hindi pa rin ito ang susi sa katahimikan ni Lenny, pero siya'y nagbabakasakali na kahit papaano ay tumalab ito. Ngunit kung ngayon ay nakikita niya ang dalaga, ano bang dapat niyang gawin para tuluyan nang makawala si Lenny sa bangungot na 'to?

Umiling sa kanya ang dalaga. "Ang tanging makakapagpatahimik sa akin, Chanel, ay kapag--kapag masiguro kong malayo ka na sa panganib."

Kumunot-noo siya. Bakit siya ang iniisip ng dalaga? At hindi ang sarili niya?

"Bakit ako? Sarili mo muna ang isipin mo, Lenny. Ilang araw ka nang namamalagi ditto. Hindi ba't masama 'yon para sa inyo?"

"You still have a time, Chanel. And I don't. Hindi na mahalaga kung ano ang mangyayari sa 'kin. Ang importante ay 'yong mga taong maliligtas pa natin. Sa loob ng isang buwan naghanap ako ng kasagutan, kung kasangkot ka ba, o katulad ka rin ba nila."

"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, Lenny. Sinong sila?"

Nakita niyang nahihirapan ang dalaga, pero ngayon ay makakaiba kay Lenny. Determinado ito.

"Kapag sinabi ko sa 'yo ang lahat, Chanel. Masisira itong buhay na kinalakihan mo. Ayokong mangyari 'yon, dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nang hindi mo na makakasama pa ang mga mahal mo sa buhay. Pero-"

Lumapit si Lenny sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Hindi mo kailangan na magpatuloy sa ganitong huwad na pamumuhay. You deserve the truth, even if your smile shall be the sacrifice."

"What do you mean, Lenny?"

"Remember this, Chanel. Ano man ang mangyari, I will always be thankful that I've met you at my worst situation. You are an angel for me. You will always be."

"Lenny--" Akmang hahawakan ni Chanel ang kamay ng dalaga nang makitang unti-unti itong nawawala. Naging itim na usok ito katulad ng pagkawala ni Joshua.

IIsa lang ang pumasok sa utak ni Chanel. Mawawala na rin ng tuluyan si Lenny katulad ng pagkawala ng ibang kaluluwang hindi niya natulungan.

"No-- No--M-may oras pa ako, Lenny. I could find the culprit! Makikita ko-- Maliligtas pa ki--"

"You've done enough, Chanel. Naibigay mo na ang huli kong hiling sa Mama ko. Maraming salamat."

"Lenny--"

"Thank you, Chanel. Thank you."

Lenny's body slowly turned into a smoke until nothing was left. She saw her genuine smile for one last time. Gulat na gulat si Chanel sa nasaksihan. Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata habang nakatitig pa rin kung saan nakatayo si Lenny kanina. She knew it. She knew that there was a time limit for lost souls, yet she did nothing. She could've helped Lenny from the start, find whoever killed the poor girl, and let her soul rest in peace. She knew it was the last thing that Lenny wanted-- to find the suspect.

She wanted her to know who they are. She knew, yet again she did nothing.

It was black smoke instead of rays of light. It was either she turned into an evil spirit or would suffer in Hell.

"I--I'm sorry..." Chanel whispered.

She was sorry for everything. She was afraid. She was weak. Kaya naman ganoon na lamang niya kung takbuhan ang mga pangyayaring ito para sa kanya. Kaya naman ganoon na lamang siya umiwas sa mga ligaw na kaluluwa. She wanted to help but she had no strength and confidence in herself. It wasn't easy, it was hard. It was so hard that sometimes Chanel just really want to give up. But they wouldn't leave her alone. She was bound to do this for the rest of her life. She knew but she keeps on running away.

Would she still go to continue this path? Or this time would she stand strong and face all the sinister?

She didn't know what to do.

Like a lost soul with no path.

She was lost too.



***



"Weak," he said.

It was the first thing she heard when she opened her eyes. Bumalik na naman siya sa lugar sa una niyang panaginip. Nakatayo muli siya sa gitna ng kadiliman. There was only light on where she stood. She couldn't see anything again. She could hear clearly, like what happened before. At narinig na naman niya ang boses ng lalaking naka-usap niya sa kanyang panaginip.

If she was here again, then she was in her dream and she was sleeping soundly and peacefully in her room.

"You couldn't help the poor girl. You're weak," wika muli nito sa kanya.

Yumuko lamang si Chanel at tumitig sa sahig. "I know," bulong niya.

"What's stopping you, Chanel?" tanong nito. It was also the first time he called her name.

Ano nga bang pumipigil sa kanya na gawin ang mga bagay na ito? It was scary. She was scared, afraid, and weak. She couldn't do this. She just wanted an ordinary life, but why she couldn't? Sa dinadami-dami ng mga taong nabubuhay sa mundong 'to, bakit isa siya sa may kakayahan na ganito?

"I'm afraid..." bulong muli niya habang nakatitig pa rin sa sahig.

"Of what, angel?"

"What I might see or witness along the way..." sagot ni Chanel. Tumaas ang kanyang tingin at tumingin sa kadiliman.

"This is a long dark path that I need to endure for the rest of my life and I don't think I can sacrifice my life just for this," dugtong niya.

"Even if it means helping those poor souls?" tanong sa kanya ng lalaki.

She nodded.

"Selfish, you are. You're scared to ruin this fantasy life of yours, angel."

Lumunok siya at tumingin sa itaas. Naluluha siya sa pinag-uusapan nila. She could see her life with her parents and her friends. She could go to school na walang pangamba na mayroong nakasunod sa kanyang ligaw na kaluluwa. She could go anywhere. She could find her partner whom she'd spent her life with. A happy family, she'd have. She could picture herself with a big smile on her face. No signs of fear, only happiness.

She smiled bitterly. That was the life that she would never have, but she keeps holding on to it, hoping and praying that it could happen to her too.

"You're drowning in this foolishness, maybe it's time for you to wake up."

Mabilis siyang kumunot-noo.

"Wake up from what?"

She could almost see the man smiled again. She had a bad feeling about this. Whatever this man was up to, or whatever would happen next, it was not good.

Before she could ask again, she heard him whispered behind her ear.

"Wake up, angel. Wake up."



***



Napahawak nang mahigpit si Chanel sa kanyang kumot at agad na umupo. She was gasping for breath. She was sweating. Pumikit siya at kinalma ang kanyang sarili. Whenever she'd wake up from that dream, it was always hard for her to breathe. Lumunok siya. Hinawakan niya ang kanyang leeg at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Nauuhaw siya. How long she'd been asleep?

Tumayo siya at binuksan ang ilaw. Tiningnan niya agad ang oras at nakitang alas kuwatro na ng madaling araw. She was asleep for eight hours.

Huminga siya muli ng malalim. Dumiretso siya sa cabinet at nagpalit ng damit dahil basang-basa ng pawis ang kanyang t-shirt. Nagtali siya ng buhok at tumigin sa salamin.

Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay si Lenny at ang lalaki sa kanyang panaginip. They were all talking in riddle. Hindi niya maintindihan ang mga ito.

Napa-iling na lamang siya at lumabas sa kanyang kuwarto. Dumiretso muna s'ya sa kuwarto ng kanyang magulang upang tingnan kung naka-uwi na ba ang mga ito. Isang madilim na kuwarto ang bumungad sa kanya. Wala pa ang mga ito. Sumunod siyang tumungo sa ibaba. Naglakad siya sa patungo sa kusina dahil siya'y uhaw-uhaw na.

Nang maka-inom ng malamig na tubig ay doon na-preskuhan si Chanel. Pagkatapos niyang hugasan ang baso ay napansin niyang nawawala ang isang kutsilyo sa lalagyanan nito. Tiningnan niya ang ibang drawer at iba pang cabinet ngunit hindi niya ito makita. Sigurado siyang nakita pa niya ito kanina. Bakit nawawala na ito ngayon?

O baka nagkamali lamang siya?

Hindi niya iyon pinansin at naglakad patungo sa sala. Umupo siya sa sofa at binuksan ang TV. Laking gulat niya nang bigla itong namatay. Muli niyang sinubukan na buksan ang TV ngunit ayaw nitong bumukas. Tumayo siya at lumapit doon upang i-check kung nakasaksak ba ito ng maayos at nakitang okay naman ito. Ano namang problema ng TV nila ngayon?

Pinagpasiyahan na lamang niya na umakyat na lamang ulit nang may mapansin siya sa shoe rack nilang nakalagay sa gilid ng hagdan.

Kanino itong isang pares ng rubber shoes na kulay itim? Alam niya ang mga sapatos ng kanyang magulang. Bilang niya rin kung ilan ang sapatos sa shoe rack nila. Tiningnan niya ito nang mabuti. Hindi niya size. Hindi rin size ng mama niya. Lalong-lalo na hindi ito sa kanyang ama dahil pambabae ito.

Parang nakita na niya ito. Pero hindi niya matandaan kung saan at kung kanino. Kay Illya ba ito? O baka may naka-iwan na bisita sa kanila?

Tinabi na lamang niya ito at umakyat sa itaas. Agad niyang chineck ang kanyang phone upang tingnan ang ni-lista niyang mga gamit na kailangang dalhin para sa pagkakabit ng design sa stage.

Kailangan niya ng glue gun at martilyo. Siya ang naatasan na magdala nito mamaya. Inalala niyang mabuti kung saan nakalagay ang glue gun at martilyo ng kanyang ama.

"Nasa basement ba 'yon?" tanong niya sa kanyang sarili. Dinala niya ang kanyang phone at muling bumaba. Chineck n'ya muli ang mga cabinet sa kusina kung nandoon ba ang martilyo ngunit hindi niya ito makita. Binuksan niya ang flash light sa kanyang phone at binuksan ang pinto patungo sa basement ng kanilang bahay. Dahan-dahan siyang bumaba hanggang siya mismo ang tumigil.

She saw a pile of clothes. Lumapit siya roon at tiningnan ito nang mabuti. Naka-ilang kurap siya nang mayroon siyang mapagtanto.

It was a red polo shirt ng isang university at isang maong na pants.

She heard a heavy whimper. There was someone down here and he was crying.

Tila tumalon ang puso ni Chanel sa gulat nang marinig ang malakas pagsigaw nito. It wasn't that loud dahil tila mayroong nakatakip sa bibig ng taong iyon.

Nanginginig na tumayo si Chanel at naglakad patungo sa isang maliit na kuwarto sa kanilang basement. Nakita niyang nakabukas ang ilaw. Nakita niyang mayroong dalawang anino. May dalawang tao sa loob. Naririnig pa rin niya ang pag-iyak ng lalaki.

At...

Tawanan?

Naglakad pa si Chanel papalapit doon at nagtago sa pader bago makaliko sa loob ng kuwarto. Dahan-dahan siyang sumilip at tiningnan kung ano ba ang nangyayari sa loob at kung sino ba ang mga taong ito.

Nanlaki ang mata ni Chanel nang makitang mayroong lalaking nakahiga sa isang lamesa. Nakatali ang kamay at paa nito. Nakatakip din ang bibig nito upang hindi ito makagawa ng malakas na ingay. Mas lalong natakot si Chanel nang magkrus ang tingin niya at ng lalaki. Narinig niya lalo ang malakas na pagsigaw nito at ang malakas na pagpupumiglas nito.

Agad na nagtago muli si Chanel sa pader bago pa man makalingon ang mga taong nasa loob. Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Kaba at takot ang kumain sa buo niyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tatakbo? Tutulong? Tatawag ng pulis?

Then it was that moment Chanel prayed to the Gods that this was just all a dream, that this was not real, and she wasn't hearing her parent's voice inside the room.

"Gutom na ako," wika ng kanyang ina.

"Anong uunahin natin?" tanong ng kanyang ama.

"Puso. Ang pinaka masarap sa lahat," sagot naman ng kanyang ina.

Her world stopped. She could only hear her heart beating so fast. Natulala siya sa kawalan. It was all falling apart. Her life was left in ruins the moment she heard their voice.

Oh god...

Nakarinig siya nang pagkaskas ng dalawang matatalim na metal. They were going to kill the boy. And if she wouldn't do anything, she'd let the boy die.

Please... Please... Please... I can't do this.

Before she could utter another cry, and before her parents could even her pleas, someone covered her mouth before they could hear another sob.

"Shhh..." he whispered behind her ear.

Dahan-dahan s'yang inikot nito patungo sa pinto. Tinulak siya nito patungo doon. Tumigil sila sa harap. Agad siyang pumikit upang hindi niya makita ang kanyang magulang na ginagawa ang karumaldumal na krimen sa loob ng kuwarto ngunit muling bumulong sa kanya ang lalaki sa kanyang panaginip.

"Open your eyes, angel."

She slowly opened her eyes. She was still afraid yet she opened her eyes. Walang hinto ang pagtulo ng luha ni Chanel nang makita ang kaniyang magulang na halos hindi na niya makilala dahil sa mga itsura nito. They have long sharp nails, razor teeth, and black eyes. At sa lamesa, hindi na ang lalaki ang nakikita niya. She could see Lenny lying on the table. Nakatali ang mga paa at kamay. She could see her parents slowly cut her body and ate its parts.

Oh God... Lenny... Lenny...

Kaya pala hindi makaalis-alis si Lenny sa tabi niya. Kaya pala nawawala ang kutsilyo sa kusina. Nakita n'yang hawak-hawak ito ng kanyang ina. Kaya pala mayroong sapatos sa shoe rack nila. At kaya pala nandito sa basement nila ang mga damit ni Lenny.

Her parents were the ones who abducted the poor girl, and they were the ones who killed her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro