Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1


It was already two o'clock in the morning. Chanel was looking at Lenny. Mayroong staring contest sa pagitan ni Chanel at ng dalaga. Kahit mangled ang itsura nito at kahit naligo ang buong katawan nito sa dugo ay hindi siya nagpatinag. Lumunok siya. For years ay nakakakita na siya ng mga kaluluwa. Minsan pa nga ay mas malala ang itsura ng iba kaysa sa dalagang nasa harapan niya. Kailan nga ba siya masasanay sa mga itsura nila? Dadating kaya ang panahon na magiging normal na lang ang ganitong sitwasyon para sa kanya?

She crossed her arms. Tiningnan niya ito mula paa paakyat sa mukha nito. Souls do not change based on her observations. Lenny was still the same. Her body had several wounds. Mula sa mukha nito hanggang sa paa ay tadtad ito ng hiwa.

Lost souls o mga ligaw na kaluluwa, iyan ang tawag sa mga kaluluwang hindi matahimik o may mga bagay na hindi pa kayang iwan sa mundong 'to. Madalas sa kanila ay ang mga taong namatay sa hindi magandang paraan o biglaang pagkamatay kung saan ito'y hindi nila matanggap.

And this girl in front of her was the same, a lost soul too.

The lost soul was not moving. She was just staring back at her. Ilang araw na siyang kinukulit ni Lenny. Hindi rin ito matahimik katulad ng ibang kaluluwang kanyang nakausap o natulungan. But she was still lucky dahil hindi revengeful spirit ang babae. Hindi ito nananakit katulad ng iba.

"What exactly do you want, Lenny?"

Days? Or it had been a month? Yes, a month. Buwan na siyang hindi tinatantanan ng dalaga. Nakabuntot lamang ito sa kanya kahit saan siya magpunta. Minsan ay nagsasalita ito. Minsan naman ay tahimik lamang ito. For months, Chanel wondered kung ano ba talaga ang kailangan sa kanya ni Lenny. If it was something within her reach, she could help her. She just had to say it.

"H-hindi ko magawang sabihin sa 'yo," sagot nito.

Nagsalubong ang kilay ni Chanel. "Ang alin?"

Umiling ang dalaga na tila ba takot itong magbanggit ng salita sa loob ng pamamahay na ito.

"Hindi dito," bulong nito.

"Tell me. What should I do?" tanong ni Chanel sa dalaga.

"Puwede ka bang pumunta sa lamay ko?"

Mas lalong nagtaka si Chanel. Lamay? Bakit ngayon lamang ang lamay ng dalaga? Nasa tabi niya si Lenny ng isang buwan. What exactly happened to her? Ngayon lamang din niya napansin na hindi pa pala niya natatanong si Lenny tungkol sa pagkamatay nito. She was just eager to know what the soul wants and not their past. Maybe she forgot or perhaps she had no interest at all. But this time, would she really want to know everything about the girl?

"Nakita na nila ang katawan ko," sabi pa nito saka ito ngumiti.

"At mayroon akong sasabihin sa 'yo, na dapat matagal ko nang nasabi," dugtong ng dalaga.

Tahimik na lumapit si Chanel sa kanyang cabinet at kumuha ng jacket. Sinuot niya ito at kinuha ang kanyang cellphone at wallet. Mabilis siyang kausap. Kapag alam niyang kaya niyang gawin ang isang bagay, she would help. Kung ang pagpunta niya sa lamay ng dalaga ang makakatulong kay Lenny upang matahimik ito ay pupunta siya.

Tumingin siya muli kay Lenny. The girl was just looking at her. Hindi ito muling nagsalita.

"Lead the way. Susundan kita."

Bago sila umalis ay chineck muna niya ang gate kung naka-lock ba ito. They went out when she made sure it was locked. Her parents were still on their work. Siya lamang ang tao palagi sa kanilang bahay most of the time. She had to make sure na naka-lock ang gate at ang mga pinto. She didn't want an akyat-bahay to steal things on their house for sure.

No one was talking on their way to Lenny's burial. Maraming iniisip ang dalawang dalagang naglalakad sa daang madilim at walang katao-tao. She couldn't see any stars on the sky. It was only the moon who greeted her and smiled. When she looked at the streets again, there were small crystal-like orbs floating in the midnight air which she couldn't figure out; some eyes hiding behind the trees peered at them as they walked; and some souls who were lost and confused, looking with curious and keen eyes.

Chanel could see spirits, souls, creatures, and other entities that were not from this world. They said it was a gift. But for Chanel, it was a curse rather than a blessing. For thirteen years, since her third eye opened, lost souls always chased her. Mas madikit ang mga kaluluwa sa kanya. Parang mga linta ito kapag siya'y nakita. At wala siyang kawala sa mga ito. She had no choice but to help those poor souls or else she would bear consequences for not helping. Some, unfortunately, were aggressive.

Creatures, on the other hand, didn't know she was gifted unless she'd say it. They didn't want anything from her. It was a relief that those creatures didn't bother her. Besides, she only could see those creatures rarely. She still had a hard time determining who was human and who wasn't.

Thankfully, no one tried to come to her.

She'd been thinking about Lenny. What happened to her? Was she killed? Did she die from accident? Bakit bigla na lamang sumulpot ang dalaga sa kuwarto niya? And how did Lenny find her? She was waiting for answers, yet the girl was quiet for a month. Madalang lamang magsalita ito. At umiiwas ito sa usapang tungkol sa kanya at sa pagkamatay nito.

Ipinasok niya ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang jacket dahil sa biglaang pag-ihip ng malamig na hanging patungo sa kanila.

"Sila ba ang biological parents mo?" Biglaang tanong ni Lenny pagkatapos ng isang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Tumingin si Chanel sa dalaga, nagda-dalawang isip kung sasabihin ba niya kay Lenny ang totoo. Pero ano bang mawawala sa kanya? Kaluluwa naman na lamang ang dalagang nasa tabi niya. When was the last time she'd been so close with a soul? Lenny was the first one, she realized.

Umiling siya."No, they adopted me."

"Ahh..." Ngumiti muli sa kanya si Lenny. "No'ng mga nakaraang araw ay nag-iisip ako kung bakit hindi mo sila kamukha."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Bakit ngayon mo lang naitanong 'yan? Isang buwan ka nang nasa tabi ko."

Maybe if Lenny was not a lost soul, they could've been best friends. For the past weeks, Lenny wouldn't say a thing but if she saw she needed some help, Lenny was always there for her. She was guiding her; she was also protecting her from other souls. Kaya naging tahimik ang buhay niya sa loob ng isang buwan. All thanks to the girl beside her.

"Nagda-dalawang isip," sagot ni Lenny. "Kung magtatanong ba ako sa 'yo o hindi, pero ayokong-"

"Ayaw mong?"

Umiling lamang ang dalaga. "Malapit na tayo. Tara."

Muling kumunot-noo si Chanel habang nakatitig sa likod ng dalaga. Nauna itong naglakad na tila ba iniwasan nito ang susunod nilang mapag-uusapan. Ganito palagi ang dalaga. Magsisimula ng usapan, ngunit kapag dumating sa puntong may sasabihin pa ito, na alam ni Chanel na isang malaking sikreto ng dalaga, ay madali itong umiiwas. She couldn't push Lenny to reveal everything. It was hard to share and tell how she exactly died if she still remembered it. Some souls chose to forget and some chose to remember everything.

Chanel knew Lenny remembered every single thing about her death. That was why the girl wasn't talking.

Tahimik na lamang niyang sinundan ang dalaga. Nakarating siya sa isang bahay na dalawang kanto lamang ang layo mula sa tinitirhan niya. Nakita niya ang isang tarpaulin na nakasabit sa gate ng bahay. She saw Lenny's name, the date when she was born, and the date when she died.


Lenny Bartolome

June 16, 1989 - October 27, 2009


She was only twenty years old like her. And she died young.

"Tara, Chanel," aya sa kanya ni Lenny saka ito pumasok sa loob.

Sinundan niya si Lenny. Sa garahe pinuwesto ang lamay ng dalaga. Iba't ibang ilaw ang nakapuwesto sa mga sulok kaya't napakaliwanag sa buong paligid. Marami na ring tao sa loob. Ang iba ay nakikipagkuwetuhan, ang iba naman ay tahimik lamang, at ang iba ay nakatulala na tila ba gulat pa rin na wala na ang dalagang kilala at minahal nila.

Nagtaka siya nang makitang walang kabaong kaya't lumapit siya patungo sa isang urn na nakalagay sa gitna ng lamesa. Maraming bulaklak na nakapalibot sa paligid nito. Napansin niya rin ang picture ng dalaga sa tabi ng urn.

Nakasuot ng school uniform si Lenny. Payat na maputi ito. Hanggang balikat lamang ang itim nitong buhok. Mayroong bangs at dalawang dimples sa magkabilang pisngi. Maganda ang dalagang nakikita niya sa picture. Isang mukha na hindi niya makita kay Lenny ngayon dahil kung ano ang huling itsura nito nang ito'y namatay, ito ang nakikita niya sa dalaga o sa kahit sinong kaluluwa na lumalapit sa kanya.

Tumingin siya kay Lenny na nakatayo sa kanyang tabi. Nakatingin lamang din ito sa picture. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito at nakitang nakayukom ang mga ito na tila ba nagtitimpi, hindi makapaniwala sa nangyari, at naiinis na tila ba wala itong magawa. Chanel couldn't discern those actions if it was anger or something else.

Muli siyang tumingin sa urn. Muli siyang napa-isip. Nasaan ang bangkay ng dalaga? Kung tama ang hula niya, bakit abo na lamang ang nandito?

"I thought they've found your-" Huminto siya sa pagsasalita nang makita ang isang matandang babae sa tabi niya. Kamukhang-kamukha ito ni Lenny. Unang tingin pa lamang ay alam na niyang ito ang ina ng dalaga.

"Kaibigan ka ba ni Lenny?" tanong nito sa kanya.

Dahan-dahan na tumango si Chanel. Medyo hindi sigurado kung siya ay sasagot o hindi. Pero dahil ipit na siya sa rito, mabuting magpanggap na lang muna upang may malaman siya tungkol sa pagkamatay ng dalaga.

"S-sorry po ngayon lang po ako nakapunta. N-nabalitaan ko pong nahanap na 'yong katawan n'ya pero bakit-" Tumingin siya sa urn na nasa kanyang harapan. "-bakit po pinili niyong i-cremate si Lenny? Ano pong nangyari?"

Nakita niya ang pagbabago ng itsura ng ina ni Lenny. Nagdadalamhati pa rin ito. Nasasaktan sa nangyari. She could see her eyes burning with anger yet there was also pain, grief, and agony. Feelings you would feel when you lose someone you love. She'd seen those eyes countless times.

Kahit nagdadalamhati ang ina ni Lenny ay nagawa pa rin nitong magpaliwanag sa kanya.

"Isang buwan... Nawala si Lenny ng isang buwan. Isang normal na araw na dapat uuwi ang anak ko mula sa school. Naghintay kami pero hindi siya umuwi ng gabing 'yon. Ang sabi ng iba, nakita nila ang anak ko na naglalakad pauwi. Dito sa lugar na 'to... Dito mismo nawala ang anak ko. At sa loob ng isang buwan walang tigil ang paghahanap namin sa kanya. Pero ang umuwi-"

Hindi na narinig pa ni Chanel ang mga sinabi ng ina ni Lenny sapagkat ang dalaga na mismo ang nagsalita at nagkuwento kung anong nangyari.

"Nakita nila ang pira-pirasong katawan ko na nagkalat sa isang bakanteng lote, apat na kanto ang layo mula rito. Walang mailalagay sa kabaong, Chanel, dahil hindi buo ang katawan ko."

Tumaas ang balahibo ni Chanel sa bulong ni Lenny. Muli siyang tumingin sa matanda na ngayon ay patuloy na umiiyak habang kinukuwento kung anong nangyari sa kanyang anak.

"Wala ang lamang loob ni Lenny-" Huminga ito ng malalim at lumunok. Nahihirapan na ipagpatuloy ang pagku-kuwento habang patuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata nito.

"Ang tanging nakita namin sa bakanteng lote ay ang ulo, isang braso, at isang paa niya."

Lumunok si Chanel. Nararamdaman niya ang namumuong kirot sa kanyang lalamunan. Nag-iinit ang kanyang mata. Kapag ipinagpatuloy pa ng ina ni Lenny ang pagku-kuwento sa nangyari sa kanyang anak ay nasisiguro niyang hindi na niya mapipigilan pa ang kanyang luha. Tila binagsakan ng isang malaking tipak ng bato ang kanyang puso. Kung ano mang nangyari pa kay Lenny, kahindik-hindik ito at hindi na tao ang gumawa nito. Sinong mga walang puso ang kayang pumatay ng isang inosenteng dalaga? At ang paraan pa ng pagpatay dito...

"Pinutol ang iba't ibang parte ng katawan niya. Hinanap namin kung nasaan ang ibang parte ng katawan niya pero... pero wala na kaming nakita." Tumingin sa kanya ang matanda habang patuloy itong umiiyak.

"Napagpasiyahan namin na i-cremate si Lenny at magkaroon ng lamay upang kahit papaano ay matahimik ang kaluluwa ng anak ko," dugtong pa nito.

"N-" Chanel cleared her throat at huminga ng malalim. "Wala pa rin pong balita tungkol sa taong gumawa nito?"

Umiling ng umiling ang matandang babae. "Walang ebidensya. Walang mga nakakita kung saan dinala ang anak ko. Hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Kaya hanggang ngayon wala pa rin kaming ideya kung sino ang gumawa nito sa anak ko."

Chanel felt her tears on her cheek. She was crying. She was crying for Lenny.

"I'm sorry," she whispered for Lenny's mother, but also to the girl beside her.

"Puwede mo bang sabihin kay Mama na-na paki saboy 'yong abo ko sa probinsya namin. Doon sa dagat na lagi naming pinupuntahan tuwing nagbabakasyon kami roon."

Tumingin si Chanel kay Lenny. Saglit niyang tinitigan ang dalaga. Hindi niya ginagawa 'to para sa ibang kaluluwa dahil ang iba sa kanila ay napaka-demanding. Minsan na rin niyang ginawa ito kung saan sinabi niya ang mga hiling ng mga kaluluwa sa mga iniwan nitong mahal sa buhay, ngunit hindi naging maganda ito sa side ni Chanel sapagkat siya naman ang nasabihan na baliw at ang iba naman ay pilit na nagre-request na makausap ang namayapa nilang mahal sa buhay.

Lumingon si Chanel sa ina ng dalaga. Nagda-dalawang isip siya na sabihin iyon ngunit gusto niya ring kahit papaano ay matahimik si Lenny sa paraan na ito.

"Weird man pakinggan, Ma'am, ang sasabihin ko sa inyo pero-" Tumingin sa kanya ang matanda. "-Gusto po ni Lenny na isaboy ang abo niya sa dagat na lagi po ninyong pinupuntahan tuwing nagbabakasyon po kayo sa probinsya ninyo."

Gulat ang sumunod na naging reaksyon ng ina ni Lenny. Napalunok siya at kinabahan sa nakita. Bago pa man siya makapagpaliwanag kung bakit alam niya ang bagay na 'yon ay madali siyang kumaripas ng takbo paalis sa lamay ng dalaga. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa hindi na kaya pa ng kanyang mga paa na magpatuloy. Huminto siya at sumandal sa pader. Hinabol niya ang kanyang hininga at pinunasan ang pawis na namumuo sa kanyang noo.

Nang buksan niya ang kanyang mata ay laking gulat niya nang makita si Lenny sa kanyang harapan.

Mabilis siyang pumikit sa gulat. Kahit sanay na siyang makita ang dalaga dahil halos isang buwan rin niya itong nakasama ay hindi pa rin kayang tingnan ang mga mukha nito, lalo na nang malapitan.

"Lenny, tinakot mo ako!"

"Sorry, Chanel. Pero baka gusto mong umalis na sa lugar na 'to? Dito... dito kasi ako kinuha ng mga-"

Tumayo ang balahibo ni Chanel sa kanyang katawan. Nanlamig siya sa sinabi ni Lenny.

"Dito? Sa daang 'to?" tanong pa niya.

Tumango sa kanya ang kaluluwa. "Takbo, Chanel. Huwag kang lilingon. Dire-diretso lang ang takbo mo."

Kahit pagod at naghahabol pa siya ng hininga ay madaling tumakbo si Chanel. Katulad ng sinabi ng dalaga, diretso lamang ang kanyang tingin at hindi nagtangka pang lumingon. Dire-diretso siya sa kanyang pagtakbo hanggang sa makita na niya ang kanto ng daan sa kanilang bahay. Nang makaliko siya roon at naglakad pauwi ay muli siyang huminto.

There was a man standing outside her house. And she gods damned know who it was.

It was a man named Joshua; a revengeful and aggressive spirit who wanted her help. Pero ang pakikipag-usap nito sa kanya ay ginagamitan nito ng dahas. The last time she tried to talk to him, she ended up some bruises on her arms.

"Shit..." bulong niya at humakbang paatras. Muli siyang napahinto sa takot nang makitang dahan-dahan itong tumingin sa gawi niya. At nang makita siya nito ay nakita niyang lumawak ang ngiti nito.

He was about to come to her when she saw a shadow lurking at the man's back.

Ngayon ay hindi na niya alam kung saan siya matatakot. Kay Joshua o sa aninong hugis tao na nakatayo sa likod ng lalaki?

She couldn't move. She couldn't shout. She couldn't do anything as she watched the shadow slowly stalked Joshua.

Nakita niya ang hugis kamay na unti-unting umaakyat patungo sa leeg ng binata. She wanted to shout run, but why she couldn't?

She almost stopped breathing when she saw the shadow gripped the man's neck. Nagpupumiglas si Joshua sa pagkakahawak sa kanya ng anino ngunit wala siyang laban sa lakas nito. Joshua was shouting. He was acting as if he couldn't breathe.

She was so confused. Nakita niyang tila nahihirapang huminga si Joshua. But was it possible? He was a soul. He couldn't breathe. He couldn't be killed. He was dead already.

Then there was a sound of a snap. Something snapped.

Terror and fear crawled up to her bones. Then she saw it, how Joshua literally, as if most likely, stopped breathing. She saw how his body turned into a black smoke. Then he was gone.

Joshua's soul disappeared. He vanished. But the shadow was still there, staring at her, looking directly to her eyes, assessing her.

She was panicking. Naiisip na niya ang mga bagay na susunod na mangyayari. She was f-cking next. She'd be the next target. The shadow would kill her.

But no...

It didn't chase her. Hindi rin siya nito nilapitan.

Sa halip ay nawala ito katulad ng pagkawala ni Joshua. It turned into black smoke and vanished.

She immediately ran to their house as it was the safest place on earth, but she stopped in front of their gates where Joshua and the Shadow were standing earlier. A stupid and big mistake, she realized. But she was curious about a thing left on the walkway.

There, on the pavement, she saw one black feather.

One black feather...

Like it came from a crow's wings...

Huge raven wings...

But neither crows nor ravens were here. It was only the Shadow who was seen here, standing on the same spot where the black feather had silently lain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro