Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🏹GODDESS IV: First kiss🏹

Napaatras ako ng bumukas na lang biglaan ang malaking pintuan ng guild matapos kong banggitin ang pangalan nito.

Halos mapapikit ako ng bumungad sa amin ni Aziere ang sobrang maliwanag ang sumalubong sa amin sa pagbukas ng pintuan ng guild.

Samot saring ingay ang narinig namin ngunit ilang segundo pa rin akong walang makita dahil sa liwanag. At nang mawala ang liwanag ay katahimikan ang bumungad sa amin.

Ang lahat ng taong nasa loob ng guild ay napatingin sa amin. Ang iba'y Napatigil sa ginagawa at nang mapagtanto kung sino qng dumating muli silang umingay.

"Yow, Aziere!"

"Nakabalik ka na pala!"

"Eh? Sino ka?" Lumapit sa akin ang isang lalaking may hawak na sigarilyo kaya agad akong napatakip ng ilong.

"Lendon, 'yang sigarilyo mo." Malamig na paalala ng katabi ko.
Napatingin ako sa kanya at masasabi kong nawala ang emosyon sa mukha niya. Kumpara kanina na nagagawa pang ngumiti at tumawa nagyon ay blanko at malamig na pagtrato ag iginagawad niya sa lahat.

Hindi ko namalayan napakapit na ako sa suot suot na cloak ni Aziere at kusang galaw ang katawan kong magtago sa likuran niya ng may iba pang mga lalaki ang lumapit sa akin.

"Itigil niyo na 'yan!" Napatigil ang mga lalaking lumapit sa akin sa pagsasalita ng may isang matandang lalaki ang sumigaw mula sa taas. Pati ako ay napatingin sa kanya nang tumingala ang lahat sa kinaroroonan niya.

Mahaba at puti ang buhok nito. Masasabi kong matanda na siya dahil pati ang bigote niya ay puti na. Nakasuot ito ng mahabang kasuotan pamilyar ang disenyo parang iyong mga kasuotan ng mga shinigami sa palabas na anime noon na bleach.

Natatandaan ko iyon dahil isa iyon sa mga paborito ko noong nabubuhay pa ako sa totoo kong katawan.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang siyang lumitaw sa harapan ko kaya muli akong napatago sa likod ni Aziere at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa suot niya.

Wala akong pakealam kung naiirita na siya sa ginagawa ko. Kasalanan niya iyon dahil dinala niya ako rito.

"Themiste Adrena, tama ba, iha?" Tanong ng matanda nang umatras siya at dumistansya mula sa amin.

Nakangiti ito pero wala pa rin akong tiwala. Ganyan na ganyan yung mga teacher ko noong ni-rerecute nila akong mag-aral sa eskuwelahan nila. Tapos pag dumating kana mismo sa skuelahan ni halos mapaginitan ka na nila.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kalmadong tanong ko at nag-iwas ng tingin. Nakakatakot siya. Kahit nakangiti ay para siyang nangangain ng tao.

"Silly, lady. Hindi ako nangangain ng tao."
Nagulat ako at nanlaki ang mga mata at nagtago muli sa likuran ni Aziere ng sabihin iyon ng matanda. Teka, nababasa niya ang iniisip ko?

"Ah, pasensya na, hindi ko sinasadyang basahin ang iniisip mo. Atsaka hindi matanda ang pangalan ko, Arkan. Iyan ang pangalan ko, Themiste. At ako ang guild master."

Parang batang hinila hila ko ang suot ng cloak ni Aziere kaya napatingin siya sa akin. Kinunutan niya ako ng noo pero sinenyasan ko siyang I ang ulo niya dahil mas matangkad siya kumpara sa akin. Hanggang balikat niya lang ako.

Inabot ko ang tenga niya at marahang bumulong sa kanya.

"Iuwi mo na ako sa amin, ang weird ng mga tao rito." Bulong ko na ikinatawa niya ng mahina.

Mukhang nagulat din ang iba dahil halos mapanganga sila. Marahang tumikhim si Aziere at umayos ng tayo.

Napabuntong hininga ako ng wala akong marinig na sagot kay Aziere. Patago kong pinaikot ang mga mata ko at muli siyang hinila sa suot niya bago tuluyang bitawan ito.

"Fine, just tell me how can I summon my retriever. " utos ko sa kanya. Napasinghap ang mga tao sa guild dahil sa sinabi ko.

What? Wala naman akong sinabing masama.

Did she just say retriever?

Cool, meron na siya.

She should definitely join our guild!

"The rumours might be really true, she's the descendant of goddess Artemis."

Nagpantig ang mga tainga ko sa huli kong naring. Ano ba 'yan ba't ba ang kulit ng mga taon 'to. Sinabi na ngang hindi ako ang hinahanap nila. I sigh heavily bago mag salita at lumabas mula sa likod ni Aziere.

"Excuse me," pagtatawag ko sa attention ng mga kababaihan sa may dulo. Nakuha ko naman ang atensyon nila at nagtataka nila akong tiningnan. "I'm not the descendant. At saka hinahanap ko rin siya. Saka nakikita niyo ba 'to?" Itinuro ko ang mga mata ko.

Sa pagkakatanda ko sa libro ni percy Jackson ang mga mata ni Artemis ay Silver gray ang kulay ng mga mata niya. Kaya posibleng may ganoon na kulay rin ang descendant niya o dikaya malapit sa kulay na kulay. Hindi naman abo ang mga mata ko. Kulay dagat nga! Ang kulit ng mga tao.

"My eyes are ocean blue and if I'm not mistaken the goddess has a pair of amber one." Pagkasabi ko non ay iritadong nilingon ko si Aziere na blanko ang tingin.

Alam niya kung ano ang kailangan ko kaya napabuntong hininga siya.

"Show yourself, then add the name of your retriever. "

Halos magliwanag ang buong mukha ko nang sabihin niya ang magic word para matawag ko si Raiko ang retriever ko.

Agad kong bingagit ang sinabi niya.

"Show yourself, Raiko!" Pagtatawag ko. And a light blinded as for a few second. And a three tailed fox looking retriever shown his self. Marahan pa niyang winagwag ang sarili.

Lahat sila ay namangha sa paglitaw Ni Raiko.

My retriever is huge but not that tall.

Napangisi ako at kinuha ang tyansa na iyon para makaalis sa lugar.

Mukhang nabasa iyon ng guild master kaya agad niyang tinawag si Aziere pero naunahan ko na siya.

"Raiko, Tara na!" Sigaw ko at agad sumampa sa kanya.

Hindi ko alam kung ganon talaga pag connected kami sa isa't isa agad niyang nakukuha ang lahat ng gusto kong mangyari.

"Aziere, aalis siya!" Pagkasabi non ng guild master ay hindi na ako nahawakan ni Aziere. Medyo mataas na ang kinaroroonan ko sa himpapawid pero halos manlaki na ang mga mata ko ng bumungad sa harapan ko si Aziere na nakangisi.

Paanong?

"You're really stubborn, milady." Pagkasabi niya non ay walang kahiraphirap na umapak siya sa malambot na balahibo ni Raiko.

"Paanong? How come that you fly-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ang isang phoenix sa likuran niya. Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa nakita. Is that a real phoenix?!

Ngunit agad nawala ang pagkamangha ko nang unti unting maging abo ito.

"What the?"

"Chill, that's only made of fire. Hindi ko pwedeng palabasin ang retriever ko lala na at nakalabas ang retriever mo. Baka mag-away sila." Ani niya bago linagpasan ako at umupo malapit sa may leeg ni Raiko.

Naiinis ko naman siyang tiningnan. "Anong ginagawa mo rito?" I asked as I rolled my eyes on him.

"Ofcourse, I told you my mission is to bring you here with me."

"Oh, nandito na nga ako, tapos na ang mission mo. Pero uuwi na ako." Pagkasabi ko ng mga katagang iyon para akong biglaang nagising.

Uuwi? Saan ako uuwi?

"Bakit tumahimik ka?" Napatingin ako sa kanya at nakita ang pilyong ngiti niya. Agad ko siyang tinalikuran.

"Alis! Hihiga ako!" Pagpapalayas ko sa kanya. Pero imbis na umalis ay hinila niya ang balikat ko at pwersahang pinahiga sa mga hita niya.

"What the f*ck!"

"Foul mouth again, milady."

Sinamaan ko siya ng tingin at tumahimik na lang. Ano bang meron sa lalaking 'to? He was just a emotionless bustard awhile ago. Pero parang ibang tao na naman ang kaharap ko.

"I wonder kung uuwi pa ako?" Hindi ko maiwasang tanong sa kawalan.

Teka saan ba ako uuwi? The only reason I wanted to return to my previous life is because of my fictional hubbies. Yung anime ko, k-drama. Yung mga manhwa hobbies ko- Pero Teka.

Naoatingin ako kay Aziere na nagtatakang nakatingin sa akin.

His red eyes are like magnetic parang hinihila akong tumingin ng mas matagal.

Pero, he's really familiar.

Muling sumagi sa isip ko ang libro na huling binasa ko bago mahulog sa ship.

Agad akong napaupo at mutikan na magtama ang mga ulo namin ni aziere mabuti na lang at naiwasan niya.

The main Character of that book is a man. A man with red hair and red eyes. Has this cold and dark presence.

Lumingon ako kay Aziere nang mapagtanto ang isang bagay. Siya pa lang ang nakikita kong may pulang buhok at mata. And the description perfectly suit him.

Agad ko siyang kinorner sa magkabilang gilid niya kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat at sa kamalas malasan ay biglang naglanding si Raiko kaya parehas kaming napahiga. I was on his top. Pero hindi na iyon ang iniisip ko.

"Tell me? Are you a fire mage?"

Pagkasabi ko non ay nginisian niya ako.

Wala pang isang segundo ay naramdaman ko na ang paglapat ng mga labi niya sa akin.

What the!

Hindi ko maiwasang magpakawala ng malaswang tunong ng bigla na lang niyang kinagat ang pangibabang labi ko at marahan niyang ipinasok ang dila niya.

Panandalian lang iyong at agad siyang humiwalay sa mga labi ko.

"That's for being stubborn, milady..."

Pagkasabi niya non ay agad niya akong nilisan. He jump from the air.

Agad akong napahawak sa mga labi ko nang mapagtanto ang nangyari...

"Ang first kiss ko!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro