열여섯
"Ano?!"
Nagulat naman sila ni Kyungsoo ng malaman na hiwalay na si Baekhyun at Chanyeol.
"Kelan pa?" Tanong ni Suho kay Chanyeol habang nasa Canteen sila.
Sinulyapan naman ni Chanyeol yung likod ni Baekhyun habang kumakain kasama sila Taeyeon, ganun pa rin, pinagbubulungan pa rin siya ng mga kaschoolmate nila.
"Nung nakaraan lang" pabulong na sagot ni Chanyeol.
Kahit papaano'y nakaramdam si Luhan ng awa kay Baekhyun. Kaibigan nila si Baekhyun tapos nagawa nila itong pag usapan ng ganun, sabihan ng masasakit na salita kapag wala siya.
"I pity him, hah!" Pinitik naman ni Kris yung tenga ni Tao dahil sa sinabi nito, "Aray naman!"
Inirapan lang siya nito.
"Hi!" Masiglang bati ni Dara habang may dala dalang tray, napapikit naman si Chanyeol at huminga ng malalim bago umusod para magkaroon ng space na uupuan si Dara.
"What is she doing here?" Bulong ni Lay kay Chen. Chen shrugges because even him, didnt know why.
Napalingon naman si Taeyeon ng marinig niya yung bulung bulungan tungkol kila Chanyeol.
"Bat nakaupo si Dara sa grupo nila Chanyeol?"
"Break na ba sila ni Baekhyun? Buti naman dahil baliw na yun"
"Bagay pala sila no?"
"Mas bagay pa pala si Dara tsaka Chanyeol kesa dun kay Baekhyun"
Napapikit naman si Baekhyun dahil sa mga naririnig niya, naramdaman niyang hinawakan ni Taeyeon yung kamay niya sa ibabaw ng lamesa at pinisil iyon ng marahan.
"Stop," sabi ni Taeyeon habang nakatingin sa mga mata ni Baekhyun, "he's not worth it" dagdag pa nito saka ngumiti ng maliit.
"Baekhyun, smile ka na ulit" sabi ni Tiffany, fan na fan kasi siya ng eyesmile ni Baekhyun kasi hindi niya nakikita yung kanya kaya tuwang tuwa siya sa eyesmile ni Baekhyun.
*
"Taeyeon gusto ko siyang kausapin"
"Taeyeon pls pumayag ka na"
"Magmamakaawa ako sa kanya"
"Taeyeon tulungan mo ko"
"Mahal na mahal ko talaga siya eh" dahil sa sinabing yon ni Baekhyun ay napatingin si Taeyeon sa kanya habang naluluha yung mga mata.
"Osige," sabi nito, "puntahan mo siya. Pero wag kang babalik dito ng umiiyak" sabi ni Taeyeon at iniwas ang tingin.
"T-Taeyeon..."
"Baekhyun tama na. May gf na si Chanyeol oh! Ano pang gusto mong pruweba?" Sabi ni Taeyeon, naiinis na kasi siya, paulit ulit na si Baekhyun pati siya paulit ulit na rin yung sinasabi.
"M-Mahal ni----"
"Oh come on, kung mahal ka niya asan siya? Kung mahal ka niya bakit di siya naniwala sayo? Kung mahal ka niya bakit ka niya iniwan? At kung mahal ka niya bakit nakita ko silang may ginagawa ni Dara?" Sabi ni Taeyeon na nagpalaki ng mata ni Baekhyun. Maski si Taeyeon ay nagulat sa mga nasabi niya.
"B-Baek..."
Nanlumo naman yung nga mata ni Baekhyun lalo, "H-Hindi, h-hindi totoo yan! Mahal ako ni Chanyeol!"
"Hindi kita mahal"
Napalingon si Baekhyun sa nagsalita. Nakita niya si Chanyeol at si Dara na magkasama.
"H-Hindi, mahal mo ko diba?" Sabi ni Baekhyun habang lumalapit kay Chanyeol.
Naiinis naman si Taeyeon kasi nasasaktan siya.
"Di mo ba ko narinig? Hindi. Kita. Mahal!" Sabi nito at nagsimula ng maglakad palayo.
"Chanyeol!!" Sigaw ni Baekhyun. Pero hindi siya sinulyapan ni Chanyeol.
"Oh? Ano pang gusto mo?" Sabi ni Taeyeon.
Niyakap bigla ni Baekhyun si Taeyeon habang umiiyak. "Taeyeon... hindi ko na kaya"
"Bitaw na Baekhyun. Ikaw nalang yung nakakapit" naiyak lalo si Baekhyun sa sinabi ni Taeyeon kaya tumango siya.
"Chanyeol!!"
Hanggang ngayon ay naririnig pa rin ni Chanyeol yung boses ni Baekhyun.
"Hindi kita mahal"
Umiling iling siya kasi ang tanga tanga niya. Ang tanga tanga niya para sabihin yun dahil kabaligtaran naman nun yung gusto niyang sabihin.
Nagulat si Jongin ng may tumulong luha sa libro ni Chanyeol. Nasa field sila kasama yung grupo nila, except kay Baekhyun.
Naawa naman si Jongin kaya inakbayan niya si Chanyeol at hinagod yung likod.
"Okay lang, bro. Andito kami" sabi nito kaya napatingin yung iba sa kanila. Luhan felt guilty, di niya alam kung bakit pero gusto niyang puntahan si Baekhyun at kausapin. Gusto niyang malaman kung anong nangyari, kung bakit bigla nalang naging ganto.
"Ang hirap pala ng ganito k-kami," sabi ni Chanyeol habang nakikinig naman sila sa kanya, "g-gusto kong magkaayos k-kami pero pinapalala k-ko... gusto kong sabihin na mahal k-ko siya pero iba yung n-nasabi ko" sabi nito at umiyak pa lalo.
Xiumin watched Chanyeol crying hanggang sa nahagip ng mata niya si Baekhyun na naglalakad mag isa sa field habang may hawak na libro.
"Wait" sabi niya at tumayo. Sinundan naman siya ng tingin ni Luhan, at nang makita ni Luhan na papunta si Xiumin kay Baekhyun ay sumunod ito.
Akala ni Luhan ay kakausapin ni Xiumin si Baekhyun tungkol sa kanila ni Chanyeol, pero hindi.
"Layuan mo na si Chanyeol, wala kaming baliw na kaibigan!" Sabi nito kaya napatingin si Baekhyun sa kanilang dalawa.
"Umin" banggit ni Luhan ng pangalan nito bago tumakbo si Xiumin pabalik.
Tinignan naman ni Luhan si Baekhyun at nakita yung sakit sa mga mata ni Baekhyun. "S-Sige na, Luhan. O-Okay lang"
Agad namang hinawakan ni Luhan yung kamay ni Baekhyun, "Baek, mag usap tayo. Makikinig ako sayo, promise"
Ngumiti si Baekhyun ng malungkot at nagbow.
"Mauna na ko" nagulat si Luhan sa inasal ni Baekhyun, never pa siyang pinagbow-an ni Baekhyun dahil magkaibigan sila. Pero hindi niya naman to masisisi dahil simula kanina pang umaga, walang ni-isa sa kanila ang pumansin kay Baekhyun.
Malungkot na bumalik si Luhan sa pwesto nila at tinignan ng masama si Xiumin.
"Bat mo sinabi kay Baekhyun yun?"
"Bakit? Nasasaktan na si Chanyeol, kailangan na niyang magmove on kaya dapat lang yun"
"So sa tingin mo di nasasaktan si Baekhyun?" Nakataas yung isang kilay ni Luhan habang tinatanong yun kay Xiumin, "di lang naman si Chanyeol yung nasasaktan dito. Si Baekhyun rin, ako nasasaktan rin ako sa nangyayari sa kanila dahil kaibigan nila ako, tapos gaganunin mo si Baekhyun? How dare you?" Sunod sunod na sabi ni Luhan habang naluluha.
"T-Teka... anong sinabi niyo kay Baekhyun?" Tanong ni Chanyeol habang nakatingin kay Xiumin at Luhan.
"Pinalalayo niya si Baekhyun sayo" sabi ni Luhan habang may kinukuha sa bag.
Napahinga ng malalim si Chanyeol para pigilan yung pag iyak niya.
Tumahimik sila for a couple of minutes at sabay sabay napatingin kay Chanyeol ng magsalita ito.
"D-Dapat lang siguro yun. Space muna t-tsaka sana magpagaling siya" sabi ni Chanyeol bago ngumiti ng mapait.
*
Nagulat si Baekhyun ng makita si Luhan sa gilid ng room niya. Tapos na lahat ng klase ni Luhan kanina pa, habang si Baekhyun ay kakatapos lang.
"Gusto kong malaman, Baekhyun" sabi ni Luhan habang hinahawakan yung kamay ni Baekhyun. Ngumiti si Baekhyun at nagsimula ng maglakad.
Sumunod si Luhan sa kanya sa paglalakad, tahimik lang sila, tanging pagkaluskos ng sapatos nila sa lupa ang naririnig, ang malalakas na busina, ang malakas na ihip ng hangin ang tanging ingay nila sa buong lakaran.
Nang makarating sila sa tapat ng apartment ni Baekhyun at Chanyeol ay nag aalangan pa si Baekhyun kung dito ba siya uuwi o hindi.
Pinihit niya yung doorknob at binuksan yung ilaw.
"Tara, Luhan" sabi ni Baekhyun gamit ang malungkot na boses.
Halos maawa naman si Luhan kay Baekhyun ng makita niya yung kapaligiran. Pagbungad mo puro larawan nilang dalawa ang nandoon.
"Baekhyun," tawag niya, napalingon naman si Baekhyun sa kanya, "okay ka lang ba?" Tanong niya na siyang tinanguan lang ni Baekhyun na may kasamang maliit na ngiti.
Isa isang tinignan ni Luhan lahat habang si Baekhyun ay nagtitimpla ng gatas nila ni Luhan. Sinermonan kasi siya ni Taeyeon na gatas daw inumin niya dahil kailangan ng bata ng Calcium galing sa nanay-- tatay.
Puro masasayang alaala na unti-unting nagiging bangungot
Nakita ni Luhan na inilapag ni Baekhyun yung mga baso sa coffee table at may kinuhang box.
"L-Luhan, pwede mo ba kong tulungan?" Tanong ni Baekhyun habang papalapit kay Luhan.
Ngumiti naman si Luhan at tumango, "Sige, ano ba yun?"
Nakangiti lang sa kanya si Baekhyun hanggang sa napapansin na niya ang pagiging shiny ng mga mata nito.
"T-Tanggalin tong mga to" sabi niya sabay turo sa mga larawan. Ayaw man ni Baekhyun ay kailangan niyang gawin. May iba na si Chanyeol, and take note, wala pang one week silang nagbreak.
"Bat mo tatanggalin?"
Yumuko si Baekhyun, "M-May iba na siya Luhan eh. Ayoko naman na maging malungkot lagi. Gusto ko rin sumaya" nilapitan siya ni Luhan at niyakap.
"Baek, andito lang ako ha?" Tumango si Baekhyun at kinuha yung isang frame, "Eto yung first time k-kong makilala yung mama't papa niya"
Sumulyap naman si Luhan sa picture, naaawa siya kay Baekhyun, kasi kay Baekhyun naiwan lahat ng masasayang alaala nila ni Chanyeol na unti unting papatay sa kanya.
Napangiti si Baekhyun ng makita yung ibang larawan na nakasabit pa rin.
"Ayoko siyang m-mawala, Luhan" biglang sambit ni Baekhyun at umiyak.
Hindi na napigilan ni Luhan yung luha niya dahil ngayon lang niya makikita si Baekhyun na ganito. Hindi siya sanay.
"W-Wag kang bibitaw, Baekhyun. Wag na wag" sabi ni Luhan at pinat ang balikat ni Baekhyun.
"Ako nalang yung n-nakakapit, Luhan, b-binitawan na niya ko" gusto man sabihin ni Luhan yung mga sinabi ni Chanyeol ay hindi niya magawa. Wala siyang karapatan para sabihin yun.
"Hindi k-ko kaya ng wala siya..." sabi pa ni Baekhyun at kinuha yung isang frame sa loob ng box.
Tinitigan niya ito at tumango, "Sabi niya, h-hindi niya na daw ako m-mahal, s-sabi ni Taeyeon nakita niya si D-Dara saka si Chanyeol n-na may ginagawa, Luhan, ang s-sakit eh," umiling naman si Baekhyun at humawak sa kamay ni Luhan, dalawang kamay naman ni Luhan ang inihawak niya sa kamay ni Baekhyun, "n-nangako siya, umasa ako, t-tapos eto makukuha ko?" Dagdag pa niya at umiyak.
Maya maya'y bumukas ang pinto at pumasok si Taeyeon. Nang makita niyang umiiyak na naman si Baekhyun ay umiling siya. Nilingon niya si Luhan na ngumiti sa kanya kaya nginitian niya na rin ito.
"I told you, stop crying, he's not worth it" sabi ni Taeyeon at tinanggal na lahat ng natitira sa pader.
Lumunok naman si Luhan bago nagsalita, "Maybe, Taeyeon is right. Start again, Baekhyun, andito lang ako sa likod mo"
Ngumiti naman si Luhan, gusto niyang malaman yung dahilan kung bakit nasabi ni Chanyeol sa kanila na baliw si Baekhyun, dahil ang tanging naging basehan lang nila noon ay tungkol sa pagsuntok niya sa isang freshmen student dahil kay Strawberry Shortcake, yun lang. Kaya gusto niyang malaman kung ano pang naging dahilan ni Chanyeol.
Nang kumalma na si Baekhyun ay nagpaalam na si Luhan sa kanya, "Baek, uuwi na ko ha? Magpahinga ka sana" sabi nito at hinawakan ang kamay ni Baekhyun, "ang ganda ganda pa naman ng kamay mo" napangiti naman si Baekhyun at niyakap si Luhan.
"Salamat, Lu!"
"Mag-iingat ka ha? Babye!"
Hinatid na ni Taeyeon si Luhan sa labas dahil madilim na rin, di na pwedeng lumabas si Baekhyun dahil baka mahamugan siya.
"He's not crazy" biglang sabi ni Taeyeon kaya napalingon si Luhan.
Ngumiti naman si Luhan habang tumatango, "That's why I felt guilty. He's fine, at all" tinignan naman ni Luhan si Taeyeon ng diretso kaya ganun din ang ginawa ni Taeyeon, "Taeyeon, gusto ko sanang malaman mo na sobra akong thankful kasi hindi mo iniwan si Baekhyun"
"Hindi ko siya iiwan kasi mahal ko siya"
Napataas naman yung dalawang kilay ni Luhan at napangiti, "Now I know why" huminga siya ng malalim at pinat ang ulo ni Taeyeon, "I want to know you more. Pakibantayan nalang siya, ha?" Napatawa naman si Taeyeon sa sinabi ni Luhan.
Nagsimula ng maglakad si Luhan ng may napag isip isip si Taeyeon.
"Luhan, wait!" Tapos tumakbo siya, "kunin ko sana number mo" sabi nito at tinignan naman siya ni Luhan ng nakakaloko.
"Di tayo talo, gull"
"Alam ko!" Sabi ni Taeyeon sabay abot ng phone kay Luhan, "Gusto ko lang iinform ka about kay Baekhyun when that time comes. I want you to be there, para ipaalam sa kanya na totoo yung sinabi mo"
Naguluhan naman si Luhan sa when that time comes pero hinayaan niya nalang at ngumiti.
"Pero sana sayo lang muna lahat yun. Keep it as a secret. Hayaan natin na si Baekhyun yung magsabi" sabi ni Taeyeon na lalong nagpagulo kay Luhan.
"T-Teka di na kita magets eh" sabi niya at tumawa.
"Dont worry, di ko na rin magets yung sarili ko" at sabay silang tumawa.
Nagpaalam na si Luhan at umalis na ng tuluyan. Bumalik naman si Taeyeon sa loob at nakita niyang nanonood si Baekhyun ng cartoons habang may laptop sa harap niya.
"Oh, may assignment ka agad?" Sabi ni Taeyeon at dumiretso sa bag niya dahil may mga binili siyang CD.
"Im searching about Male pregnancy" sabi ni Baekhyun, "Wow!" Sambit niya ng makita niya yung mga nilabas ni Taeyeon na Strawberry Shortcake na CD's.
"Thankyouuuuu!" Sabi niya habang masayang tinitignan yung mga CD's.
Please be happy, Byun Baekhyun, because I can't afford to see my happiness suffering in pain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro