Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

열아홉

Inaamin ni Baekhyun na kahit ilang buwan na ang nakakalipas simula ng iwan siya ni Chanyeol ay di niya pa rin makalimutan lahat ng sakit, lahat ng hirap na dinanas niya at syempre, lahat ng nararamdaman niya para kay Chanyeol ay andun pa rin.

Mahal niya pa rin si Chanyeol, mahal na mahal.

"Ayan ka na naman," hampas ni Taeyeon ng hangin sa harap ni Baekhyun, "nakikinig ka ba?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Taeyeon.

"I-Im sorry..." sabi ni Baekhyun at yumuko.

"So I was saying na kapag nanganak ka na, Im going to stay here hangga't di ka pa nakakarecover, nga pala, pano ka manganganak?" Tanong ni Taeyeon sa kanya.

Baekhyun shrugs because he didnt know how. "Di ko rin alam, nakalimutan ko rin itanong sa Dra ko eh" sabi niya habang umuupo ng maayos.

"Nga pala, Baek. Once na makita mo sila, except for Luhan of course, iwasan mo muna sila, dahil for sure sinabi na ni Chanyeol sa kanila na baliw ka" sabi ni Taeyeon.

Sinundan naman ni Baekhyun ng tingin si Taeyeon ng tumayo ito at pumunta sa fridge, "anong gusto mo? May kimchi pa dito" sabi ni Taeyeon at nilingon si Baekhyun.

"Kahit ano nalang" sabi ni Baekhyun at sinandal yung ulo niya sa upuan.

Naalala niya na naman yung masasayang araw nila ni Chanyeol. Lahat ng mga salitang binitawan ni Chanyeol sa kanya, naalala niya.

"Pwede ba kitang maging boyfriend, Byun Baekhyun?"

"I want you to be mine, forever, baek"

"I'll take care of you"

"Mahal na mahal kita"

"Hindi kita iiwan, pangako"

"The best ka talaga, Baekhyun!"

Hanggang sa pati mga masasakit na salitang binitawan nito sa kanya, na hanggang ngayon ay dumudurog pa rin sa puso niya.

"Baliw ka na"

"Hindi kita mahal"

"Lumabas ka na"

"Masaya na kami ni Dara"

Di niya napansin na umiiyak na siya, nagulat siya ng may maramdamang kamay sa dalawang pisngi niya, pinupunasan yung mga luhang tumutulo sa mga mata niya.

"When will you stop crying because of him?" Sabi ni Taeyeon at binawi na ang mga kamay niya sa pisngi ni Baekhyun.

Huminga ng malalim si Baekhyun, "Hindi ko a-alam, Taeyeon," sabi niya at yumuko, "dahil hanggang ngayon, hanggang ngayon, Taeyeon, siya lang yung gusto kong makasama. S-Siya lang, walang iba"

Kahit masakit, kahit unti unting dinudurog ni Baekhyun yung puso ni Taeyeon ay okay lang. Tumango siya sa sinabi ni Baekhyun.

"B-Baek--- ba-babalik ako ah? W-Wait lang" sabi ni Taeyeon at tumayo.

Bago siya tuluyang lumabas ay nginitian niya muna si Baekhyun na nakatingin sa kanya.

"San kaya pupunta yun?" Tanong ni Baekhyun sa sarili niya at sinilip sa bintana kung saan pupunta si Taeyeon.

"Mahal ko si Baekhyun, Luhan. Alam mo yan, pero tangina, putangin----"

Di na natapos ni Taeyeon yung sasabihin niya ng sinubuan siya ni Luhan ng burger sa bibig ni Taeyeon.

"Yang bibig mo, nako!" Sabi ni Luhan dahil mura na ng mura si Taeyeon, "ano bang pinuputak putak mo dyan? Oh eh ano kung mahal mo si Baekhyun?"

Tinarayan niya naman si Luhan, "Edi syempre masakit! Masakit kasi di niya ko kayang mahalin!"

"Sinabi ko na yan sayo nung nakaraan diba?" Sabi ni Luhan at sumipsip sa drinks niya, "Wala na tayong magagawa tungkol dyan" dagdag pa nito.

"Ang sakit kasi, na halos ipamukha niya sakin na si Chanyeol lang gusto niyang makasama habang buhay," sabi pa ni Taeyeon.

"Si Chanyeol lang naman talaga gusto niya, ayaw niya ng bundok, mas prefer niya ang poste, I hope you noticed" nabatukan naman siya ni Taeyeon dahil dun.

"Letse, Luhan! Di ka nakakatulong eh!" Sabi ni Taeyeon at umirap.

"Oy atleast andito ako para makinig sa boring mong problema" sabi nito at flinip yung buhok niya.

Tahimik na silang kumain ulit nang may tumawag kay Luhan sa cellphone.

"Oh, Kyungsoo, bakit?"

Sabi ni Luhan, napatingin naman siya kay Taeyeon ng may sinabi ni Kyungsoo sa kabilang linya.

[Kamusta si Baekhyun?]

Kumunot naman yung noo ni Taeyeon kaya ngumuso siya and she mouthed, Iloudspeaker mo.

Ginawa naman ni Luhan yung sinabi ni Taeyeon.

"Ano?"

[Kamusta si... Baekhyun?]

Tumaas naman yung kilay ni Taeyeon at sumubo.

"Okay naman siya, bakit?"

[W-Wala lang, sige]

Di na nakapag paalam si Luhan sa tawag ni Kyungsoo dahil binaba na agad ni Kyungsoo yung tawag.

"May sinasabi ba si Chanyeol tungkol kay Baekhyun?" Out of curiousity ay tinanong na ni Taeyeon kay Luhan dahil gusto niya talagang malaman.

"Kay Baekhyun? Wala naman. A-Actually," lumunok muna si Luhan ng isang beses at yumuko, "k-kami pa nga dati yung nagsasabi kay C-Chanyeol na baliw na si Baekhyun"

Taeyeon furrows her eyebrows habang tinitignan si Luhan, "Oh, tapos?"

Tinignan naman siya ni Luhan, "Di ka galit?"

"Hindi, bakit naman ako magagalit?" Sabi ni Taeyeon at inikot yung spaghetti sa tinidor niya, "di naman ako si Baekhyun para magalit eh" dagdag pa nito at sinubo na yung spaghetti.

"Alam mo, Taeyeon," panimula ni Luhan, "nagsisi talaga ako kung bakit nasabi ko yung mga ganun kay Baekhyun. Pero tanong ko lang," huminto siya kaya tumingin si Taeyeon sa kanya, "bat biglang lumobo yung tiyan ni Baekhyun?"

Hindi sumagot si Taeyeon at kumain nalang. "Huy! Bakit nga?"

"Marami kasi akomg pinapakain sa kanya kaya ganun!" Sabi ni Taeyeon na halatang naiinis.

"Tss! Ang takaw talaga nun" sabi ni Luhan at hindi na nagsalita si Taeyeon pagkatapos nun.

Pagkauwi ni Taeyeon ay agad siyang sinalubong ni Baekhyun.

"San ka galing?" Sabi ni Baekhyun ng nakangiti. Actually masaya si Baekhyun ngayon dahil lumabas na yung bagong episode ng Strawberry Shortcake sa youtube. Kulang kulang kasi yung episode sa biniling cd ni Taeyeon.

"May tinignan lang," sabi niya at sumalampak sa sofa, "kumain ka na?" Ngumuso naman si Baekhyun habang umiiling.

Kaya tumayo si Taeyeon pero nagulat siya ng may humawak sa kamay niya at hinila siya para sa isang yakap.

"Thankyou, Taeyeon" bulong ni Baekhyun sa kanya.

Ipinatong niya yung dalawang kamay niya sa likod ni Baekhyun at sinandal ang ulo sa balikat nito.

Naramdaman naman ni Baekhyun ang paghikbi ni Taeyeon kaya hinagod niya yung likod nito.

"Di kita papabayaan, B-Baek," sabi ni Taeyeon habang humihikbi, "d-di kita iiwan gaya ng g-ginawa nila sayo" napangiti naman si Baekhyun sa sinabi ni Taeyeon.

Alam ni Baekhyun na totoo si Taeyeon sa mga sinasabi niya, alam niyang totoong hindi siya iiwan ni Taeyeon. Kaya masaya siya, dahil kahit papaano, andyan pa rin si Taeyeon.

"Taeyeon, ang swerte swerte ng lalaking mamahalin mo" bulong pa ni Baekhyun.

Tangina, kaya nga ang swerte swerte mo Baekhyun.

Sabi ni Taeyeon sa sarili niya habang humihikbi pa rin.

"Kaya sana, sana kung magka boyfriend ka, ipakilala mo ko ha? Gusto ko siyang makilala, gusto rin kitang protektahan bilang bestfriend mo" sabi ni Baekhyun habang nakangiti at sinusuklay yung buhok ni Taeyeon sa mga kamay niya.

"B-Baek---"

"Alam kong pagod ka na sa pag aalaga sakin, Taeyeon," sabi ni Baekhyun habang humihiwalay sa yakap niya kay Taeyeon, "kaya thankyou ng marami, kasi di ka nagsasawang tulungan ako" dagdag pa niya at ngumiti.

Naisip ni Taeyeon na maganda tong chance na to para magconfess, dahil ngayon, seryoso yung pag uusap nila ni Baekhyun, seryoso yung atmosphere at seryoso rin silang dalawa.

"B-Baekhyun, mahal k-kita kaya ko to ginagawa" nakapikit na sabi ni Taeyeon.

"Syempre, magbestfriend tayo" sabi ni Baekhyun at niyakap pa si Taeyeon.

Gustong maiyak ni Taeyeon ng mas malakas dahil namisinterpret ni Baekhyun yung sinasabi niya, yung pagcoconfess niya.

Humiwalay siya sa yakap, "Mahal rin kita, Taeyeon. Kaya kung may problema ka," hinawakan niya yung dalawang pisngi ni Taeyeon at tinignan ito ng diretso sa mga mata, "wag kang mahihiyang magsabi sakin, okay?" Tumango naman si Taeyeon dahil wala na siyang choice kundi tumango.

Hindi na siya ulit magcoconfess, naisip ni Taeyeon na wala rin namang sense kung aamin pa siya eh. Irerespeto lang ni Baekhyun yung nararamdaman niya, yun lang. Dahil may tendency na baka layuan siya ni Baekhyun at ayaw niyang mangyari iyon. Kaya gagawin niya lahat para maiparamdam kay Baekhyun yung pagmamahal niya. Kahit sa pagtulong lang, sana maramdaman ni Baekhyun lahat.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Baekhyun habang may dala dalang mabibigat na libro, hiniram niya ito sa library dahil may surprise exam sila sa Philosophy at hindi niya hilig ito. Halos wala siyang maintindihan kapag nagtuturo yung professor nila, nagpatulong siya kay Taeyeon pero parehas lang pala sila, walang magets sa subject na iyon.

Alam ni Baekhyun na makakapasa siya sa exam ngayon dahil nag aral siya, halos hindi siya makakain ng maayos kagabi dahil inaral niya talaga ng mabuti lahat.

"Hoy, Byun Baekhyun daw!" Sigaw ni Hyoyeon sa kanya.

Napatingin naman si Baekhyun kay Hyoyeon, tapos sa professor nila na halatang inis na inis na.

Nag aalangan naman si Baekhyun na nagtaas ng kamay at sinabing, "Present!"

Pagkatapos nilang mag attendance ay nagsimula ng magtest.

"Letse dapat tinext niyo sakin yung sagot eh!" Sabi ni Sooyoung habang tinutusok yung manok ng tinidor niya, "kaya nga ako pumwesto sa likod eh! Kainis naman kayo oh!" Dagdag pa niya bago sinubo yung pira-piraso ng manok na natanggal niya sa kakatusok.

"By the way, congratulations, Baekhyun!" Masayang sabi ni Yuri habang pumapalakpak.

"Nagpuyat pa yan kagabi para lang masagutan yung exam no" dagdag pa ni Taeyeo sa sinabi ni Yuri.

Naperfect kasi ni Baekhyun ang 1-60 nilang exam. It supposed to be quiz pero idadagdag daw kasi ng prof nila ito sa final exam nila.

Napalingon naman si Luhan dahil nagtatawanan sila Taeyeon sa kanilang table. Napanguso naman siya dahil simula ng di na umupo si Baekhyun sa kanila ay naging malungkot na table nila.

Hindi na rin sila masyadong nakakapag usap, kung mag uusap man sila ay laging tungkol sa mga exam. Hindi na nila sinubukan pang pag usapan si Baekhyun dahil lagi silang binabasag ni Luhan, lagi silang kinukonsensya ni Luhan.

Nagulat sila ng tumayo si Luhan, dala-dala ang mga pagkain niya at umupo kila Taeyeon.

"May problema ba kayo, Sehun?" Tanong ni Suho habang ngumunguya.

"Gross," sabi ni Sehun dahil may tumatalsik pa na laway si Suho, "wala naman. Sa pagkakaalam ko tinutulungan nila ni Taeyeon-noona si Baekhyun na makamove on," sinilip naman ni Sehun si Chanyeol na kumakain ng tahimik, "narinig ko pa nga rin na hinahanapan nila ng kadate si Baekhyun" this time lumingon na si Chanyeol kay Sehun tapos kay Baekhyun na nakangiti.

No, baekhyun...

"He needs to move on, Chanyeol does so kailangan na ni Baekhyun. I'll help them" sabi ni Kris pagkatapos niyang lagukin yung juice niya.

Agad namang tumayo si Chanyeol at padabog na umalis ng Canteen.

"Teka, ccr lang ako ah?"

Sabi ni Baekhyun at tumayo na. Habang naglalakad siya ay di niya maiwasang hindi maalala na tuwing ganito, tuwing ccr siya ay sinasamahan pa siya ni Chanyeol dahil baka may kung ano raw mangyari kay Baekhyun habang wala siya.

Pagpasok niyang Cr ay agad siyang naghanap ng available na cubicle at umihi na.

Napahinga siya ng maluwag at hinimas himas yung tiyan niyang nakaexposed. Napangiti siya ng marealize niya na malapit na niyang iluwal yung bata. Malapit na itong maglimang buwan, at nararamdaman niyang palaki na ng palaki yung bata sa tiyan niya.

Pagkatapos niyang umihi ay lumabas na siya ng cubicle at nagulat siya sa makita niya.

"Chanyeol..."

"Baekhyun..."

Sabay nilang bulong habang nakatingin sila sa mata ng isa't isa sa salamin.

Lumapit si Baekhyun kay Chanyeol, "K-Kamusta?" Mahinang tanong ni Baekhyun at yumuko. Naghuhugas siyang kamay kaya di niya nakita yung pangungulila sa mga mata ni Chanyeol.

"Okay naman. Masaya naman kami ni Dara," napatigil si Baekhyun sa paghuhugas ng kamay kaya umiwas ng tingin si Chanyeol, "i-ikaw, kamusta?"

Lumingon si Baekhyun at ngumiti ng pilit kay Chanyeol, "O-Okay naman ako"

Chanyeol wants to throw himself and hug Baekhyun, kiss him because he missed him so much, but he can't do it. Natatakot siya. Natatakot siya dahil baka kung anong gawin ni Baekhyun sa kanya.

He's crazy after all. Bulong niya sa sarili niya.

"Chanyeol," tawag ni Baekhyun ng nilagpasan siya ni Chanyeol, "please listen to me" pagmamakaawa niya.

"I love you, I love you so much," diretsong sabi ni Baekhyun, hindi na siya iiyak, hinding hindi na, "please maniwala ka," huminga siya ng malalim at hinimas yung tiyan niya, "b-buntis----"

Di niya natapos yung sasabihin niya ng biglang sinuntok ni Chanyeol yung pinto sa cubicle, "Putangina ano ba? Di ka pa rin titigil!?" Sigaw niya kay Baekhyun, napapikit naman si Baekhyun dahil natatakot siya sa sigaw ni Chanyeol.

"Pwede ba baekhyun!? Tantanan mo na yang kabaliwan mo!" Sigaw niya habang hinaharap si Baekhyun sa kanya.

"N-Nagsasabi akong totoo..."

"Anong totoo? Na buntis ka? Putangina!" Nasapo ni Chanyeol yung noo niya dahil sa inis.

Hanggang kailan ba magiging ganito si Baekhyun? Nasasaktan siya sa tuwing pinipilit siya ni Baekhyun na maniwala sa kanya. Nahihirapan siya ng walang Baekhyun sa tabi niya. Nasasaktan siya sa katotohanang gusto na siyang kalimutan ni Baekhyun dahil siya, kahit anong gawin niya'y di niya makalimutan si Baekhyun.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Baekhyun, "Magpagaling ka nalang pwede ba?" Sabi niya at binitawan na si Baekhyun.

Pagkatalikod niya ay tinawag siya ulit ni Baekhyun.

"C-Chanyeol...."

"Please lang Baekhyun, sana, i-ito na yung h-huli nating p-pagkikita" sabi ni Chanyeol at dire-diretso ng lumabas.

Halos matumba si Chanyeol ng marealize niya kung ano yung sinabi niya. Tinignan niya ulit yung Cr.

Baekhyun, I love you, Im sorry. Sabi niya sa sarili at bumalik na sa Canteen.

Tinignan ni Baekhyun yung reflection niya sa salamin at ngumiti.

"Ganyan nga, Baekhyun," sabi niya at ngumiti pa ng mas malaki, "ngiti lang Baekhyun" dagdag pa niya.

"Wala kang narinig, okay?" Sabi niya at lumabas na.

Kahit gusto niyang umiyak, hindi na niya magawa. Siguro dahil pagod na talaga siya, sobrang pagod na siya.

Sa sobrang pagod at stress niya ay nanghihina na siya, nahihilo na rin siya dahil sa sobrang init.

Huminto siya sa paglalakad sa gitna ng field dahil nahihilo na siya. Umiikot na rin yung paningin niya.

Parang... parang....

Kusang pumikit yung mga mata niya, gusto kong matulog, pero biglang bumagsak yung katawan niya sa damuhan.

"O-Oy!"

Naramdaman niya yung mga pag uga sa katawan niya pero hindi niya magawang sumagot sahil sobrang pagod niya.

"Gising, oy!"

Baby, sorry.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro