Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

열둘

Kinabukasan, hindi nga talaga pumasok si Baekhyun. Pinilit siya ni Chanyeol pumasok pero parang walang naririnig si Baekhyun kaya nagbabye na si Chanyeol sa kanya.

"Sige na nga. Sasadyain ko nalang si Taeyeon mamaya para ikopya ka ng notes. Sige na, bye bye. Love you!" Sabi ni Chanyeol sabay halik sa labi ni Baekhyun.

"Bye bye, love you too!" Sigaw naman pabalik ni Baekhyun. Napailing nalang si Chanyeol at nagsimula ng maglakad.

Ilang kanto nalang school na nila nang biglang sumulpot si Dara sa gilid niya.

"Hey!" Bati nito sa kanya.

Ngumiti lang si Chanyeol bilang sagot. Nilingon lingon naman ni Dara yung paligid.

Yes, no Baekhyun around!

Napangiti si Dara at yumuko. Isinukbit niya pa yung konting hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya. Kunwari daw siya si yaya dub.

Dahan dahan niya namang sinukbit yung braso niya sa braso ni Chanyeol. Nagulat si Chanyeol kaya napatigil siya.

"What do you think you're doing?" Walang emosyong tanong ni Chanyeol sa kanya.

"H-Ha? K-Kasi malelate na tayo... Oo, yun nga kaya dalian mo na" sabi ni Dara sabay takbo, hila hila niya pa rin yung braso ni Chanyeol.

Napatigil lang sila ng sumigaw si Tao ng 'higad' at tinuro si Dara.

"Excuse me?--"

"Oh daan na. Shupi shupi" mataray na sagot ni Tao habang nagbibigay ng space sa gilid niya na dadaanan daw ni Dara.

Tinignan naman ni Dara si Chanyeol ng nakanguso.

Putangina chanyeol, looks can be deceiving tandaan mo yan!

Sabi ni Tao sa utak niya habang tinitignan yung reaction ni Chanyeol habanh naniningkit yung mga mata niya.

"Tao---"

"Oh putangina sabi na nga ba ipagtatanggol mo 'yan. Baek oh!" Sabi ni Tao kaya agad namang naitulak ni Chanyeol si Dara ng malakas at nalaglag ito sa lapag.

Nanlaki naman yung mata ni Tao habang nagpipigil ng tawa. "Di ako yan ah!" Sabi niya pa habang nakataas ang dalawang kamay.

"A-Aray" mahinang sabi ni Dara.

Tutulungan naman sana ni Chanyeol si Dara tumayo ng hilahin siya bigla ni Taeyeon sa braso.

"Sinasabi ko na nga dapat di ko hinayaan si Baekhyun na sagutin ka" sabi nito habang tuloy pa rin sa paghila kay Chanyeol.

Nang makarating sila sa tapat ng building ay binitawan na ni Taeyeon ang braso ni Chanyeol. Nakacross arms na siya nang humarap siya kay Chanyeol at nakataas ang dalawang kilay.

"Nagtext si Baekhyun sakin," paninimula ni Taeyeon, nakatitig pa rin siya kay Chanyeol at sa totoo lang natatakot na si Chanyeol sa kanya, "sabi niya bantayan kita, sabihin ko sa kanya yung mga ginagawa mo at picturan ko nalang daw yung notes ko, so dont bother"

Nilabas naman ni Taeyeon yung cellphone niya, hawak naman ni Chanyeol yung dalawang kamay niya.

"Sasabihin ko ba kay Baekhyun to? For sure, hihiwalayan ka nun" sabi ni Taeyeon ng may malapad na ngiti.

"T-Teka-- may g-gusto ka ba kay Baek?" Tanong ni Chanyeol, dahil sa tono at sa mga salitang ginamit ni Taeyeon ay nagsusumigaw na may gusto siya kay Baekhyun.

Nanlaki naman yung mata ni Taeyeon, pero dahil sa maliit mata niya, hindi halata. "A-Ano? Excuse me, d-di ko type mga ganun" tinago naman na ni Taeyeon yung phone niya at tumalikod na, pero humarap rin agad.

"Don't you fucking dare to stand or get near her. I swear, Chanyeol. I'll cut you into tiny bits" sabi ni Taeyeon sabay tango sa likod ni Chanyeol.

Lumingon naman si Chanyeol at nakita niya yung mga Soshisquad ni Taeyeon.

Nang mapadaan sila kay Chanyeol bubulong sana si Hyoyeon, pero narealize niyang mukha siyang tanga kakatiptoe eh wala pa rin naman nangyari kay hinila niya tenga ni Chanyeol, "Marami kang bantay ngayon, bata" sabay tapik sa likod nito at tinuro sila Kyungsoo na papalapit na sa kanila.

"Kaya ikaw, wag mong lolokohin si Baekhyun" sabi ni Jessica, isa sa mga ka Soshisquad, sabay lakad papasok ng building. Sumunod na rin naman yung iba.

Nang maramdaman niyang may tumapik sa likod niya nakahinga siya ng maluwag.

"Ano, lalapitan mo pa yun?" Tanong ni Kris at inakbayan si Tao, halata namang kinilig ito dahil napangiti siya at kinagat ang ibabang parte ng labi niya para itago ang mga ngiting iyon.

*

*whaaaaack*

This is the third time na tumakbo si Baekhyun sa CR dahil nasusuka siya. Pero wala naman siyang nasusuka.

After several tries, he gave up at umupo sa lapag. He use the back of his hands to wipe his mouth. Tapos ay tumayo siya at bumalik sa panonood ng Oggy and the cockroaches.

Actually he like the chubby one, he looks really cute. Tapos yung pusa naman, inis na inis siya kasi ang clingy nun sa color dirty green na pusa. Biglang pumasok sa isip niya, What if Dara clings to Chanyeol because he's not around?

Pero naalala niyang tinext niya si Taeyeon, and she said yes, so wala siyang dapat ikabahala diba?

Natapos yung palabas at napanguso na naman si Baekhyun, inantay niya kung Strawberry Shortcake na ba yung susunod na cartoons, pero ng makita niyang Teenage Mutant Ninja Turtle ay agad niyang nilipat sa kabilang channel----

*whaaaack*

*whaaaack*

Dumura si Baekhyun after that.

"Bat ba di ako masuka?!" Sabi niya at hinampas hampas yung dibdib niya, napapagod na kasi siya kakatakbo tas wala naman pala siyang isusuka.

Ayaw niya yung ganitong feeling, yung kahit anong gawin niya di niya mapagaan yung pakiramdam niya. Di niya napansin na umiiyak na siya.

"C-Chanyeol..." sabi niya sabay tayo sa pagkakaupo sa lapag at bumalik sa sofa.

Naupuan niya yung remote at nalipat sa isang channel. Ililipat niya na sana ng may nakapukaw ng atensyon niya.

Lalaki, may malaking tiyan, nakangiti siya habang hinahaplos niya yung tiyan niya.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ni Baekhyun, hindi niya napansin na pati siya napahawak sa tiyan niyang malaki.

"Sir, is it true that you're pregnant?"

"What the fuck is this?" Baekhyun murmured.

Nakakunot ang mga noo niya habang inaantay yung sagot ng lalaki.

Pinatay niya yung TV after niyang marinig yung sagot nung lalaki sa tanong ng reporter.

"Yes"

Napahinga siya ng malalim.

Is it really possible na mabuntis ang isang lalaki? Pero pano? San lalaki yung bata? San pupwesto yung bata? Atsaka wala silang matres, tapos imposibleng meron silang reproductive organ----

*whaaaaack*

Pinilit ulit ni Baekhyun pero wala. Kaya padabog niyang sinira yung pinto ng CR at bumalik sa sofa. Dahan dahan niya namang inabot yung remote at binuksan yung TV.

"I think being pregnant is oe of the most wonderful thing happened to my life"

"Well, for me who's a woman, Im very happy for you. And I've heard that bearing a child is dangerous? I mean, for men"

"Oh... I guess yes. But yeah, ypu need to take care of yourself"

"Of course, every parent should do that----"

Pinatay na ni Baekhyun yung TV. He felt envy. Naiinggit siya kasi gusto niya rin ng anak. Pero no way, hindi niya ipapasok si junior sa tinapay. No, no, no.

*

"Minsan nga naiisip ko na baka baliw na si Baekhyun eh" sabi ni Luhan habang kumakain, tinignan naman siya ni Chanyeol habang sumusubo ng isang kutsarang kanin.

"Imagine hindi naman siya ganun dati. Yung simpleng halaman lang, bigla siyang tatalon-talon kasi may tubig daw. Nakakaloka, tas eto pa, may nakita siyang pusa na marumi tapos walang isang mata, sabi niya ang ganda ganda tas hinalikan niya pa yung ulo," umubo naman si Luhan after niyang sabihin yun, "sorry pero nabatukan ko siya nun, tas natuwa pa siya. Sabi niya, isa pa nga. Nakakagago na yun" dagdag pa niya habang umiiling at kagat ulit sa footlong na binili nila sa labas ng University ni Minseok.

"Lately nga napapansin kong nagbabago siya. Di naman siya dati nanonood ng Cartoons like he searched the entire channels and waited for Strawberry Shortcake, tapos one time nagising ako kasi naglalaro siya sa cellphone niya ng mga pusa yung parang nililinisan, pet shop," inaakto niya bawat salita dahil gusto niyang magets nila ng sobra, "tapos he loves strawberry tsaka chocolates this days. Isang beses nga ginising niya ko para magpabili ng chocolates eh"

"He's weird" sabi ni Kyungsoo.

"No, he's crazy" sagot naman ni Tao.

"Maybe he is, pero its all of sudden naman. Wala man lang cause kung bakit?" Sabi ni Kris habang nakatingin sa salamin.

"Love" sabay na sagot ni Kyungsoo at Jongin. Nagkatinginan naman silang dalawa, nang marealize nilang matagal na silang nagtitigan at umiwas na sila ng tingin.

"Sus, umarte pa" sabi ni Tao at umirap, "teka, bat naman Love? Anong kinalaman ng kabaliwan niya sa kalandian nila ni Chanyeol?"

"This past few days diba todo yung selos ni Baekhyun kay Dara. Naalala niyo ba nung monday, yung mukhang paranoid si Baekhyun. Tingin siya ng tingin sa paligid niya habang nakakapit kay Chanyeol" sabi ni Jongdae.

Tumango naman yung iba habang nakanguso.

"We can still prevent it, right?" Mahinang tanong ni Chanyeol.

"Ano ba?! Di pa nga tayo sure kung totoo ba eh" sabi ni Kyungsoo at napatayo.

"Soo..." tinignan niya naman ng masama si Chanyeol, "iobserve muna natin siya, Chanyeol. Maybe there's a reason kung bakit bigla nalang siyang naging ganun. Kilala natin si Baekhyun, mas kilala niyo siya kesa sa pagkakakilala ko sa kanya, kaya please. We dont need to hurry things out" sabi ni Kyungsoo ng kalmado at napaupo.

Nagulat naman sila ng biglang may umupo sa tabi ni Lay.

"Kanina ko pa naririnig usapan niyo" sabi ni Taeyeon at kinamot yung kilay niya habang nakanguso, "can I help you? Nabobother na rin kasi ako sa sudden changes ng childhood bestfriend ko. The fact that he's generous now is shocking pero I still need to observe him. So what's your plan?" Sabi ni Taeyeon at nginitian sila.

"Ikaw what do you think?" Sabi ni Suho at tinuro si Taeyeon.

Nag isip naman si Taeyeon. Inaral nila to. Hindi niya pwedeng makalimutan to.

"First, we need to set the problem. Which is he's sudden changes, am I right?" Tumango naman sila, "then, we need to observe him and syempre we need to formulate our hyphothesis, then observe ulit tas conclusion" sabi ni Taeyeon, "like Science problem"

Tumango naman sila. Nagtaas ng kamay si Lay, akala ni Taeyeon ay may isasuggest siya pero napafacepalmed si Taeyeon sa tinanong niya.

"May price to?"

Maski yung iba ay napafacepalm. Tumango naman si Taeyeon at doon niya narealize na etong mga kaibigan ni Baekhyun ang dahilan kung bakit nababaliw na si Baekhyun.

"So, that's it. If may nagbago ulit sa kanya, let me know it" sabi ni Taeyeon sabay tayo, sukbit ng bag at labas ng canteen.

"Ang cool niya, no?" Sabi ni Jongdae pagkaalis ni Taeyeon. Agad naman siyang napalo ni Minseok sa hita.

"We don't need to hurry, Chanyeol. Si Baekhyun tong pinag uusapan natin. Alam natin na hyper yun at isip bata, normal nga lang siguro sa kanya yun eh" sabi ni Suho at inaya na silang bumalik sa kanya-kanyang classroom.

*

Nang makauwi na si Chanyeol ay agad siyang sinalubong ni Baekhyun ng yakap at halik sa labi.

"Namiss kita" bulong ni Baekhyun sa tenga ni Chanyeol. Hinawakan naman ni Chanyeol ng marahan yung beywang ni Baekhyun para yakapin.

"Namiss rin kita, sobra" sabi niya at pinagkiskis ang kanilang mga ilong.

Hahalikan na sana ni Chanyeol si Baekhyun ng bigla itong tumakbo sa CR.

*whaaaaack*

"A-Anong nangyayari sayo?"

Nagpapanic naman si Chanyeol, mentally. Nanginginig yung mga kamay niya, natatakot siyang hawakan si Baekhyun.

*whaaaaaack*

Sinuntok ni Baekhyun yung tiyan niya para mailabas na niya kung ano man yung dapat niyang isuka. Pero wala talaga kaya umupo na siya sa lapag at pinunasan yung bibig niya.

Naiyak na naman si Baekhyun kasi ang sakit sakit na ng lalamunan niya kakasuka, pati yung tiyan niya dahil ilang beses na niyang sinuntok para mailabas iyon.

"B-Baek--- anong problema?" Sabi ni Chanyeol habang hinahawakan yung kamay ni Baekhyun.

Umiling si Baekhyun habang nakayuko.

"H-Hindi ko alam, yeol. N-Natatakot ako" sabi ni Baekhyun at niyakap si Chanyeol.

Umiiyak si Baekhyun habang nakayakap siya kay Chanyeol, hinahagod naman ni Chanyeol yung likod ni Baekhyun para tumigil na ito sa kakaiyak.

"C-Chanyeol..." tawag ni Baekhyun sa kanya.

"Hmm?"

Huminga ng malalim si Baekhyun. He gathered all the strength and courage he has to ask Chanyeol some questions.

"Nagiging weird ba ko lately?" Tanong ni Baekhyun.

Dahan dahan namang tumango si Chanyeol habang nakakagat labi.

"May certain food ba kong hinahanap hanap?" Tanong pa ni Baekhyun.

Kumunot naman yung noo ni Chanyeol habang iniisip kung ano yun. Inayos naman ni Baekhyun yung wrinkled spots sa noo ni Chanyeol after nun.

"Meron, Chocolates saka Strawberry" sabi ni Chanyeol habang hinihigpitan yung yakap kay Baekhyun.

Hindi pa siya nakakapagpalit ng uniform niya.

"Ang weird ko ba talaga?" Sabi ni Baekhyun habang nakanguso.

Napangiti si Chanyeol hindi dahil sa tanong, kundi dahil sa ang cute cute ng boyfriend niya.

"Last na, may isang tao ba kong kinagigiliwan?" Tanong ni Baekhyun, tumango naman agad si Chanyeol at tinuro yung picture frame sa gilid ni Baekhyun.

"But she's so cute!" Pagdedefense ni Baekhyun.

"Yes, she is. Pero Baekhyun, si Strawberry Shortcake yan. Tignan mo ang bata bata pa may pimples na" sabi ni Chanyeol at tinuro turo yung nasa pisngi ni Strawberry Shortcake.

"Excuse me, di yan pimples, freckles yan Mr. Park" sabi ni Baekhyun at inayos yung frame ni Strawberry Shortcake.

"Okay, Mr. Park" sagot naman ni Chanyeol at hinalikan si Baekhyun sa labi.

No matter how many times you changed, my love for you will always be the same.

"I love you so much"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro