Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

여섯

Vacant time, napagdesisyunan nilang sa garden kumain since crowded na sa Canteen ng ganitong oras which is 12nn.

Kasama nila ang iba pa nilang kaibigan sa ibang courses. They're all guys, maybe.

"Hoy, akin yan!" Agad na kinuha ni Jongin kay Chen ang manok na binigay sa kanya ni Kyungsoo.

Tumayo naman si Chen at akmang kakainin na yun ng titigan siya ni Kyungsoo. Chen heaved a sigh at bumalik sa kanyang pwesto tsaka ibinalik kay Jongin yung manok.

Nginusuan niya naman si Kyungsoo, "Madaya ka, si Jongin lang may chicken. Eh kaibigan mo rin naman kami ah!" Sabi nito na naging dahilan pagkakataranta ni Kyungsoo, mentally.

Siniko naman niya si Baekhyun, eh yung siniko niya'y busy sa kanyang lovelife kaya di niya alam kung anong nangyayari.

"Di ka matutulungan niyan ni Baek, busy sila ni Chanyeol. Hayaan mo sila" sabi ni Lay at kinindatan si Kyungsoo.

"B-Bakit? Masama bang s-siya lang bigyan ko ng manok? I-Ikaw nga si M-Minseok hyung lang hinahatid mo eh. Nagrereklamo ba ko?" Sagot naman ni Kyungsoo.

Medyo nataranta naman si Chen dahil sa sinabi ni Kyungsoo, "Bakit? Sino ka para ihatid ko?" Sagot nito.

Finally, napansin na rin ng dalawa ang nangyayari sa kanilang paligid. Napansin nilang nagkakainitan na yung dalawa kaya tumigil sila sa paglalambingan.

"So, sino ka rin para bigyan ko ng manok?" Mataray na sagot ni Kyungsoo habang nakacross arms.

Tumingin naman si Chen kay Minseok na parang may gustong ipaalam. Tumango naman si Minseok at ngumiti.

"Hoy hoy! Ano yang ngiti ngiti na yan?" Sabat ng pandak pero bawing bawi sa laman ng wallet na si Suho.

"Atleast ako may dahilan kung bakit ko siya hinahatid. At yun ay dahil sa nililigawan ko siya. Eh ikaw? Bat mo siya binibigyan?" Sabi ni Chen na ngiting ngiti.

Nagsilakihan naman ang mga mata nila dahil sa hindi inaasahang balita.

"Bat ngayon lang namin nalaman tong kalandian niyo?" Tanong ni Sehun habang pinagigitnaan si Minseok at Chen, at inakbayan ang dalawa.

"Oo nga! Madaya kayo ah!" Sabat naman ni Luhan habang nakatingin kay Minseok, which is his bestfriend.

"Sorry na, Lu. Gusto ko naman talagang sabihin kaso, natatakot ako sayo." Sagot ni Minseok at napayuko.

"Bat ka naman matatakot sakin? Nangangain ba ko ng tao?" Nakangusong tanong ni Luhan.

"Eh kasi, kapag kinikilig ka ang sakit mong manghampas eh. Natatakot lang ako na baka ganun kasakit yung hampas mo sakin katulad ng pagkinukwento mo sakin si Sehun----- ay joke." Sagot ni Minseok na naging dahilan ng paglipat ng tingin nila kay Luhan.

"Dahil sa nag uumapaw na ang kalandian nila Baekhyun at Chanyeol, ayan sige. Saluhin niyo mga letse kayo." Sabi ni Kris at kumagat ng Sandwich.

"Kawawa naman si ano kung ganun" sagot ni Baekhyun habang pinaglalaruan yung malalaking kamay ni Chanyeol.

"Sino?" Gulat na tanong ni Kris.

"Wala!!! Hoy, Luhan! Ano?" Sagot ni Baekhyun at muling tinukso si Luhan.

Si Kyungsoo naman ay nagsasaya na dahil hindi na siya ang nasa hot seat.

"Madaya kayo, di na kayo nagkukwento." Sabat ni Kyungsoo. Tinignan niya naman si Jongin na taimtim siyang tinititigan.

Tinaasan niya ito ng kilay pero imbis na umiwas ng tingin si Jongin ay mas lalo niyang tinitigan si Kyungsoo.

"Ano bang meron?" Halos mapatalon sa gulat si Kyungsoo ng bulungan siya ni Baekhyun.

"Hoy Soo! Isa ka pa, eh! Madaya ka rin. Di ka na rin nagkukwento." Sabi ni Tao at ngumuso.

"Kelan ba ko nagkwento?" Mataray na sagot ni Kyungsoo, tinaasan naman siya ng kilay ni Tao, that's why Kyungsoo let his tongue out.

"Paki-explain naman kung anong nangyayari sa mundo niyo, labyu!" Sabi ni Chanyeol habang umuurong pa lalo kay Baekhyun.

"Nasalo lang naman nila yung kalandian niyo. Nag uumapaw eh." Sabi ni Luhan.

"Anong 'nila' ka dyan? Kasama ka rin do'n, bugok!" Sabat ni Lay habang inaakbayan si Suho.

Napansin naman agad ni Jongin yung inakto ni Lay, it's payback time, sabi niya sa kanyang sarili.

"Katulad niyan?" Sabi nito at tinusok tusok yung braso ni Lay sa balikat ni Suho.

"Oo-- Hindi! I-Iba yung tinutukoy ko." Angal naman nito.

"Bakit, hindi ba yan isa sa kalandian?" Sabat ni Luhan habang nakangiti na parang nauulol na aso.

Gamit ang kamay sa balikat ni Suho, kinamot niya ang kanyang batok at sinabing, "Ba't ako lang tinitira niyo? Di ko naman kayo inasar ng sobra ah!"

Tumawa naman yung iba nilang kasama dahil sa itsura ni Lay. Halatang naiinis na siya dahil sa pamumula ng kanyang tenga.

"Tama na nga 'yan. Magsikain na muna tayo. Malapit na kayong bumalik sa klase." Sabat ni Minseok habang nakatingin kay Chen, Kris, Luhan at Lay.

"Buti nalang mahaba haba vacant ko ngayon." Sabi ni Baekhyun habang ngumunguya.

"Kami, badtrip," ngumuso naman agad si Kyungsoo, hindi niya alam na patuloy pa rin siyang pinagmamasdan ni Jongin at sa ngayon, nagtatalo na ang kanyang mga cells kung cute ba talaga si Kyungsoo o sadyang squishy lang talaga siya, "di ba sabi satin nung Prof natin sa Logic, di siya aattend for a week? Urat, wala pang 4 days andyan na agad siya."

"May ganyan din kaming prof. Pero last last year pa ata yun." Sabi ni Chen habang nagsasalin softdrink sa baso ni Minseok.

"Urat naman. Ang dami ng magsyota sa mundo. Ang tagal naman mag23." Sabi ni Luhan na nanlalaki yung butas ng ilong.

"Bakit? Next week na yung 23" Sagot ni Tao habang nakatingin sa phone niya, "may special event ba nun? Akala ko natype ko na lahat dito" dagdag pa nito.

"Hindi, wala kasing forever. Magbebreak din kayo sa 23." Sabi nito at tinignan si Baekhyu at Chanyeol pati si Chen at Minseok.

"Di pa nga kami, eh. Tsaka di yun mangyayari." Sabi ni Chen habang ginugulo yung buhok niya.

"Hayaan mo," napatingin naman silang lahat kay Sehun, "babaguhin ko yung tingin mo sa 23. Walang magbebreak sa 23, dahil magiging tayo sa 23." Sabay kindat kay Luhan.

"Ay, Chanyeol! Naiinggit ako!!! Mas sweet na sila satin!" Sabi ni Baekhyun, niyakap naman siya ni Chanyeol sa bewang ng mahigpit.

"Ay kadiri"

"Dun kayo magganyanan sa bahay niyo!"

Sabi ni Minseok habang nakatakip ang dalawang mata.

"Nasusuka ako, Tao" sabi ni Kris at umarte na parang nasusuka.

"Mukha ba kong lababo?" Sabay irap kay Kris.

"Oo, eto yung faucet, eto yung drainage, oh diba. Perfect!" Sabi ni Kris habang tinuturo turo yung mga parte sa mukha ni Tao.

Binato naman siya ni Tao ng mga tissue, nung marami ng nabato si Tao, dahil pati mga kalat and plastic cups eh binabato na rin, hinawakan ni Kris ang kamay nito.

"Ay may kinikilig ata oh"

Sabi ni Kyungsoo habang sinisilip si Tao na kasalukuyang nakayuko ngayon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin inaalis ni Jongin ang tingin niya kay Kyungsoo.

Napansin naman iyon ni Chanyeol, ngunit hinayaan niya nalang. Kaya na ni Jongin yan, sambit niya sa kanyang sarili.

Patayo na sana sila para lumipat ng pwesto ng hawakan ni Jongin ang braso ni Kyungsoo.

"Usap tayo"

Panimula ni Jongin. Tinitigan lang siya ni Kyungsoo.

"Magkausap na tayo, diba?"

Sagot naman Ni Kyungsoo habang nakakunot ang noo.

"No, what I mean is, private"

Sabi ni Jongin habang tinignan ang mga kaibigan.

"Ah! Okay, private daw! Tara na mauna na tayo. Sa lobby lang kami ah?"

Sabi ni Chanyeol at inakbayan si Baekhyun palabas. Sumunod naman ang magkakaibigan at pinanood sa malayo ang dalawa.

"Tingin ko," sabi ni Sehun, "may narealize yan si Jongin" sabay nilang sabi ni Lay.

"Kanina pa siya nakatitig kay Kyungsoo" dagdag ni Chanyeol, napatingin naman ang iba sa kanya at sumang ayon.

"Akala ko ako lang nakapansin" sabi ni Chen.

"Bat di ko yan napansin?" Sabi ni Baekhyun.

"Busy ka sa bebe mo" sabi ni Tao at inakbayan si Chanyeol.

Pinalo naman siya ni Baekhyun sa pwet.

"Akin 'to, bitaw"

Napabitaw naman agad si Tao kay Chanyeol, habang si Baekhyun hinahatak palayo si Chanyeol.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro