Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

스물하나

"Nanganak na si Baekhyun!"

Masayang sambit ni Taeyeon.

"A-Ano?"

Sabay-sabay silang napalingon sa may ari ng malaking at malalim na boses.

"S-Si Baekhyun? Y-Yung k-kapatid ko?" Sabi ng lalaki habang hawak-hawak ang kamay ng isang middle age na babae.

"Kayo," sabi ni Luhan habang naglalakad papalapit sa tatlong bagong dating sa hospital, isang babae at dalawang lalaki, "kayo po ba yung kamag anak ni Baekhyun?"

"Oo, ako ang papa niya. A-Anong nangyari sa Baekhyun namin?" Sabi ng papa ni Baekhyun habang naka-akbay sa mama ni Baekhyun.

"N-Nanganak po si Baekhyun..." kinakabahang sabi ni Taeyeon. Dahil baka may kung anong mangyari sa parents ni Baekhyun na hindi maganda.

"S-Sinasabi ko na nga ba papa eh, sinabi na s-satin dati ng doctor 'to eh" sabi naman ng mama ni Baekhyun kaya nagkatinginan si Luhan at Taeyeon.

"Ano po yun?" Tanong ni Luhan habang inaalalayan silang umupo.

Nakaupo si Taeyeon sa tabi ni Luhan habang yung pamilya ni Baekhyun ay nasa gilid ni Taeyeon.

"Ano po yung," panimula ni Taeyeon, "s-sinabi sa inyo ng doctor, noon?"

Huminga ng malalim yung mama ni Baekhyun habang bumulong naman ang kuya ni Baekhyun sa kanilang papa, "Pa, ano yung sinasabi ni Mama?"

"Makinig ka nalang sa kanila" bulong rin nito habang umuupo ng maayos at nakikinig rin.

Iniwan muna ng kuya ni Baekhyun ang asawa nito sa hospital dahil natakot sila ng tumawag si Luhan na nasa hospital daw si Baekhyun.

"Sinabi sa amin noon ng doctor na may problema daw si Baekhyun," sabi ng mama nito, "nang umabot si Baekhyun sa limang taon ay normal naman siya kaya ibinalik namin siya sa doctor," dagdag pa nito, "sinabi niya noon na kung hindi sa pag uutak ay maaaring sa kalusugan niya kaya ipinacheck up na rin namin siya," hinagod naman ng papa ni Baekhyun ang likod ng mama niya dahil nagiging emosyonal na ito, "pero sinabi ng doctor na malusog si Baekhyun ko," huminto ito ng matagal saka napangiti, "kaya sinabi ng d-doctor na a-asahan namin ang g-ganitong pangyayari..."

Nagulat naman si Taeyeon dahil finally, finally may mga tao ng naniniwala kay Baekhyun. May mga tao ng handang tumulong at sumuporta sa kanila ng anak niya.

"H-Hindi na po kayo nagulat nung sinabi kanina ni Taeyeon na buntis si Baekhyun?" Tanong ni Luhan.

Ngumiti naman ang mama ni Baekhyun sabay tango, "Sino ba ang tatay ng bata? Si Chanyeol ba?" Nakangiting saad nito sa kanila.

Nagkatinginan na naman si Luhan at si Taeyeon dahil sa tanong ng mama ni Baekhyun. Siniko ni Luhan si Taeyeon para sabihin na siya na yung magsabi sa mama ni Baekhyun.

"Uhh, Tita, Tito, Kuya, ganto po kasi yan," kabadong panimula ni Taeyeon, kinakabahan siya kasi malaking tao rin yung kuya ni Baekhyun, baka huntingin si Chanyeol at bugbugin, hindi no no no, "y-yung tatay po kasi ng bata... h-hindi po n-naniwala si Chanyeol kay B-Baekhyun... ka-kaya po naghiwalay sila"

Tumayo yung kuya ni Baekhyun, "Asan siya ng mga oras na to?!"

Napatayo naman agad si Luhan dahil kahit babae ang puso niya, lalaki pa rin siya na naiintindihan ang nararamdaman ng mga lalaki lali na kung galit, "Kuya, sa t-totoo lang po, g-gustong-gusto na naming patayin si Chanyeol, saktan a-at kung anu-ano pa, p-pero ayaw po ni Baekhyun, dahil s-sobrang mahal niya daw po si C-Chanyeol..."

"Kahit na! Hindi sapat na dahilan ang pagmamahal para hindi saktan ang isang tao!" Galit na sabi nito.

Dahil siya, hindi niya sinasadyang mabuntis yung asawa niya dahil hindi pa siya handa, dahil marami pa siyang inaasikaso sa pagpapagawa ng hotel nila.

"Pero yun po yung ginawa ni Chanyeol kay Baekhyun," matapang na sagot ni Luhan, "mahal niya si Baekhyun pero dahil sa sinabi ni Baekhyun sa kanya na buntis siya ay sinabihan siya ni Chanyeol ng baliw. Alam ko pong masakit para sa isang kuya na ganituhin ang kanilang nakababatang kapatid, ganun rin po yung naramdaman ko nung mga panahon na iyon," huminga siya ng malalim, "kaya po naisipan namin nila Taeyeon," sabay tingin kay Taeyeon at ngumiti, "naisip po namin na wag ipakilala kay Chanyeol ang bata"

Napakuyom nalang ng kamao yung kuya ni Baekhyun saka ulit umupo.

"Pero masakit sa isang ama na hindi siya kilalaning tatay ng bata" sabi ng papa ni Baekhyun.

Natigilan sila ng magsalita bigla ang papa ni Baekhyun.

"Tito, hindi po naniniwala si Chanyeol na buntis si Baekhyun.." sabi ni Taeyeon.

Narinig nila ang paghikbi ng mama ni Baekhyun kaya nilingon nila ito.

"Akala ko'y magiging masaya ang buhay pag-ibig ng aking anak, dahil napakasaya ng pagmamahalan nila ni Chanyeol... gustong gusto ko si Chanyeol para sa anak ko"

Napayuko si Taeyeon, dahil nasasaktan siya, totoo naman na masaya si Baekhyun at Chanyeol, na para lang silang magbestfriend, at magkapatid ang turingan sa loob ng kanilang bahay.

Habang hinahagod ni Taeyeon ang likod ng mama ni Baekhyun ay hinahagod naman ni Luhan ang likod ni Taeyeon. Nang nilingunin siya ni Taeyeon, he mouthed, si chanyeol bet nila, sabay dila kaya kinurot ni Taeyeon ang hita niya.

Pagkatapos nun ay tahimik na silang nag aantay sa waiting area, ang parents ni Taeyeon ay kumukuha ng mga damit ni Baekhyun pati ng bata.

"Relatives of Mr. Byun?" Sabi ng Doctor kaya't sabay sabay silang lumapit dito.

"Kamusta ang anak ko, doc?" Sabi ng mama ni Baekhyun, nakakapit ito kay Taeyeon.

"Gusto ko lang po sanang sabihin na nanganak na ang inyong anak, misis. Healthy baby boy, ngunit kulang nga lang po sa araw ang bata. Wala pa po si due date ang anak ninyo ng manganak siya. Sa kanyang tahi naman sa tiyan ay pakialagaan na lamang rin, linisin at makalipas ang mahigit isang buwan ay kusa ng matatangal ang tahi pero kailangan pa rin itong linisin"

Tumango naman sila sa sinabi ng doctor, "Asan po siya?"

"Sa ngayon ay under-observation pa siya. Dahil simula ng manganak siya ay hindi na siya nagpakita pa ng vital signs" dahil sa sinabi ng doctor ay napaiyak na ng tuluyan ang mama ni Baekhyun.

"G-Gawin niyo lahat, doc, nagmamakaawa po kami sa inyo" sabi ng kuya ni Baekhyun.

Tumango ang doctor, "Gagawin po namin ang lahat para buhayin siya. Mauna na po ako"

Pagkatapos nun ay hindi nila alam kung anong mararamdaman nila. Kung magiging masaya ba dahil nanganak si Baekhyun ng malusog na baby o matatakot dahil anytime, pwedeng mawala si Baekhyun sa kanila.

"Sa chapel po tayo, gusto niyo?" Nakangiting tanong ni Luhan sa kanila. Tumango naman sila Taeyeon at nagsimula nang maglakad papunta sa chapel.

Nang nakarating sila ay sa unahan umupo ang pamilya ni Baekhyun habang si Luhan at Taeyeon ay umupo sa likod nila.

Ipinagdasal nila na sana, sana mabuhay pang muli si Baekhyun. Sana magresponse na yung katawan nito. Sana makasama pa niya yung anak niya, at sana maging okay na ang lahat.

Takot ang mga magulang ni Baekhyun na baka kung anong mangyari sa bunso nila. Natatakot silang maiwan, natatakot silang baka hindi na gumising si Baekhyun, natatakot sila para sa bata na baka wala itong kilalaning magulang.

Isang mabuti at masayahing bata si Baekhyun, na kahit sino kagigiliwan siya, na kahit sino kaya niyang mapalapit sa kanya. Tuwang tuwa sila kay Baekhyun dahil ang active nito sa eskwelahan, magaganda ang sinasabi sa kanya ng mga tao sa paligid, at matulungin lalo na sa lugar nila.

Hindi mahilig humingi o magpabili si Baekhyun, depende nalang kung kailangang-kailangan na niya. Katulad ng libro, uniform, mga gamit sa school. Pero pagdating sa mga damit niya, hindi siya humingi o nagpabili. Kusa siyang binibilhan ng mga magulang niya ng mga bagay na hindi niya hiniling. Kaya nung sinabi ni Baekhyun na sila na ni Chanyeol ay hindi na sila umapela. Dahil gusto ito ng anak nila at wala silang karapatan para pigilan ang dalawa lalo na kung totoong nagmamahalan talaga sila. Kaya pumayag sila, tumulong sila sa dalawa tuwing nagkakaroon ito ng problema, ayun lang naman ang dapat nilang gawin, ang tumulong at suportahan ang dalawa sa pagmamahalan nila.

Inasahan ng mga magulang ni Baekhyun na ganito ang mangyayari. Pero hindi nila inasahang titiisin ni Baekhyun yung ganito. Yung iiwan siya ng mahal niya, dahil buong akala nila masayang mamumuhay sila Chanyeol at Baekhyun. Ngunit totoo nga ang kasabihan, expect the unexpected.

Nang matapos silang magdasal ay bumalik na sila sa waiting area para antayin ang doctor na lumabas muli. Buti nalang at eksakto silang nakarating doon dahil hinahanap na sila ng doctor.

"Doc, kamusta po si Baekhyun?" Tanong ni Luhan pagkadating na pagkadating nila.

Nagring naman yung phone ni Luhan pero agad niyang pinatay yung phone niya kahit di niya pa nakikita kung sino yung caller.

"He's responsing to our treatment. Nagbibeat na ulit yung pulse niya..." yun palang ang sinasabi ng doctor ay nagtatatalon na si Taeyeon at Luhan sa tuwa. Habang napangiti naman ang mga magulang at kapatid ni Baekhyun sa ibinalita ng doctor.

"Baka po matagalan siya dito sa hospital, dahil maguundergo pa po silang mag-ama sa isang observation dahil baka mamaya o bukas, o bukas makalawa ay mawalan na naman ng vital signs ang isa sa kanila," tumigil ang doctor at chineck ang patients information file na hawak niya, "di ko po kayo tinatakot, sinasabi ko na po sa inyo yung maaaring mangyari sa dalawa" sabi nito kaya nawala ang ngiti sa kanilang mga labi at nadagdagan ang tinik sa kanilang dibdib, "Yung bata po, in a few hours ay ilalagay na po siya sa nursery. Yung anak niyo naman po ay ililipat na sa kwartong inassign sa kanya kapag tapos na po lahat ng treatment sa kanya. Yun lang po, salamat" dagdag pa ng doctor saka nagbow sa kanila.

Nakahinga ng maluwag ang mama ni Baekhyun ng maakalis na ang doctor. Pero hindi niya maramdaman ang luwag sa kanyang dibdib.

"A-Anong mangyayari sa anak n-natin?" Sabi nito habang nakatingin sa papa ni Baekhyun. Umupo naman ang papa ni Baekhyun sa tabi ng kanyang asawa at inakbayan ito.

"Malalagpasan nilang dalawa ito. Malakas si Baekhyun natin, alam mo yan. At ang anak ni Baekhyun, panigurado akong mamamana rin nito ang pagiging malakas ni Baekhyun," hinagod niya ang likod nito, "kaya maniwala tayo kay Baekhyun" dinagdagan niya pa ng maliit na ngiti.

Lumapit naman yung kuya ni Baekhyun kila Taeyeon at Luhan sa kabilang side, katapat nila yung mama't papa ni Baekhyun.

"Asan si Chanyeol?" Sabi nito pagkaupong pagkaupo sa tabi ni Luhan.

Napatingin si Taeyeon kay Luhan dahil for sure, alam ni Luhan kung asan si Chanyeol ngayon.

"B-Baka po kasama yung mga magulang niya" sagot ni Luhan.

"Kamusta po yung asawa niyo?" Tanong naman ni Taeyeon dahil ayaw niyang mapag usapan si Chanyeol. Ni marinig ang pangalan nito ay ayaw niya.

Napangiti naman ang kuya ni Baekhyun, "Okay naman sila. Buti nga't parehong lalaki ang anak namin ni Baekhyun eh" tumawa ito ng mahina, "pero ang ironic lang dahil si lalaki si Baekhyun pero nanganak siya. But that's okay, experience rin yun" dagdag pa nito.

"Good to hear that. Sana po sila Baekhyun din maging okay na" sabi pa ni Taeyeon.

Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita, wala na silang ingay na ginawa.

*ringggg~ ringggg~*

Napatingin naman silang lahat kay Luhan dahil napakalakas ng tunog ng phone niya.

Ngumiti naman siya, maliit lang pero halata mo sa ngiti niya na hiyang hiya siya habang hawak yung phone niya.

"Teka lang po ah?" Sabi niya.

Nung tumango sila ay agad siyang tumakbo palabas dahil nakakahiya, ang tahi-tahimik pa naman kanina sa loob tapos biglang tumunog ng malakas yung phone niya.

Sinagot na niya yung tawag kahit di niya pa nakikita kung sino yung caller.

"Hello!?"

[L-Luhan...]

Natahimik bigla si Luhan ng marinig niya yung boses nung caller. Inalis niya sa tenga niya yung phone at tinignan kung siya nga ba talaga.

Pero number ni Sehun tong gamit niya. Magkasama sila?

"C-Chanyeol..? Bakit?"

Kinakabahan siya dahil baka bigla niyang masabi yung mga hindi niya dapat sabihin.

[G-Gusto ko lang sanang malaman... k-kamusta na si Baekhyun?]

Maingay yung paligid. Hindi kaya nasa bar sila?

"Nasa bar ba kayo?"

[Oo]

"Si Baekhyun... hanggang ngayon... di pa n-nagpapakita ng vital signs..."

Napasapo si Luhan sa noo niya dahil bakit iyon yung nasabi niya.

Pero hayaan mo na, Luhan. Nang mamatay siya sa pag-aalala.

[Gusto ko siya makita, Luhan]

Nataranta naman agad si Luhan sa sinabi ni Chanyeol.

"Hindi pwede, Chanyeol, please"

[H-Hindi ko siya guguluhin. Gusto k-ko lang siyang makita]

Gustong gusto na ni Luhan papuntahin si Chanyeol para malaman niya yung totoo. Pero wala siyang magawa dahil makakasama lang ito kay Baekhyun.

"Hindi nga pwede, Chanyeol. Malala na si Baekhyun."

Matagal bago nagaalitang muli si Chanyeol.

[Luhan, nagmamakaawa ako, please. Mahal na mahal ko si Baekhyun, gusto ko na siya makita.]

Alam ni Luhan na totoo yung sinasabi ni Chanyeol, talagang wala lang choice si Chanyeol kay Dara.

"Kung mahal mo siya bat mo siya iniwan, yeol?"

[....]

Hindi na sumagot si Chanyeol. Maingay na paligid at malalim na paghinga lang ang naririnig niya.
"K-Kung wala---"

[Pupunta ako]

Nataranta at nagulat na naman si Luhan sa sinabi ni Chanyeol, halos mapatalin siya sa kinatatayuan niya ng marinig na nagpapaalam si Chanyeol kay Kyungsoo.

"Chanyeol--- hindi!"

[Please naman oh. Gusto ko na siyang makita.]

"Chanyeol, andito yung parents ni Baekhyun. At alam na nila na iniwan mo siya. Hindi makakabuti kung pumunta ka dito"

Wala siyang choice kundi sabihin to kung Chanyeol. Kung isipin man ni Chanyeol na isa itong threat, edi isipin niya. Dahil sa ngayon, kailangan niyang protektahan yung lihim na to nila Baekhyun. Sa susunod na niya pag iisipan kung pano sasabihin kay Chanyeol ang totoo.

[....]

"Sige na, Chanyeol. Magpakasaya kayo dyan. Mamaya susunod ako."

Sabi niya habang hinihilot yung sentido niya dahil nakakahilo yung mga nangyayari sa kanila.

[....]

"Text mo sakin yung lugar, okay?"

[....]

Ibababa na sana ni Luhan yung tawag dahil hindi na nagsasalita si Chanyeol, puro malalakas na tunog nalang ata yung kausap niya sa kabilang linya.

[Luhan? Paki---- pakibantayan siya para sakin. P-Pakisabi rin sa parents ni Baekhyun, sorry. Pasensya na sa istorbo, ha? Balitaan mo ko, Luhan, ha? Salamat]

Di na nakapagreply pa si Luhan dahil ibinaba na ni Chanyeol yung tawag.

"Bastos na bata" bulong ni Luhan habang nakatingin sa phone niya.

Nagsimula na siyang maglakad pabalik at nagulat siya ng makitang umiiyak si Taeyeon pati ang mama ni Baekhyun.

Tumakbo siya papalapit kay Taeyeon, pagkahawak niya sa braso ni Taeyeon ay agad siyang niyakap nito.

Pader ba talaga to? Mas may laman pa ata pwet ko rito eh.

Hinagog hagod niya lang yung likod ni Taeyeon.

Nilingon siya ng papa ni Baekhyun na yakap yakap ang mama ni Baekhyun habang ang kuya ni Baekhyun ay naka-akbay sa mga magulang niya.

Ang hot talaga ng kuya ni Baekhyun. Ahi!

Pero kinalimutan niya agad yun, dahil umiiyak sila Taeyeon at ayaw niya ng drama sa buhay.

Hinila niya yung nakataling buhok ni Taeyeon sa gitna.

"Aray naman!" Daing ni Taeyeon habang nakasubsob yung mukha sa dibdib ni Luhan.

Oy wala akong gatas dyan!

Sabi ni Luhan sa sarili niya ng marealize niya na yung bibig ni Taeyeon ay nakapwesto malapit sa kanyang 'flower bud'.

"Ano bang nangyari? Bat umeemote kayo?" Bulong niya kay Taeyeon. Nilingon naman siya ni Taeyeon at umiyak ulit.

Pinunasan naman ni Luhan yung luha sa mga mata ni Taeyeon gamit ang pagngungodngod ng panyo sa mukha nito.

"Huy! Ano nga nangyari?" Pag uulit niya dahil hindi siya sinagot ni Taeyeon kanina.

Napaluha naman si Luhan ng marinig kung bakit sila umiiyak. Na pati siya ay nanghina, nanlambot yung tuhod niya kaya napaupo siya sahig habang nakanganga at nagluluha ang magagandang mata.

"H-Hindi na daw siya humihinga"

S-Si Baekhyun? O s-si Baby?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro