Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

스물일곱

Nagmamadali naman umuwi sila Taeyeon pagkatapos nun. Ni hindi na sila naggrocery dahil baka maabutan pa sila nila Luhan.

"Tita, my snacks" sabi ni Chanhyun habang umiiyak.

"Baby, sa ibang mall nalang tayo ha?" Sabi niya at inalog si Chanhyun ng marahan.

Pagkalabas nila ay agad niyang binuksan yung passenger seat at inupo si Chanhyun sa upuan niya.

"Tita, where's papa?" Mahinahong tanong ni Chanhyun habang nagdadrive si Taeyeon.

Hindi narinig ni Taeyeon yung tanong ni Chanhyun dahil focus na focus siya sa pagdadrive, hindi niya pwedeng bilisan yung pagdadrive o bigla bigla nalang iiistop or ililiko dahil baka mauntog si Chanhyun at kung ano pa ang mangyari.

"Tita," pag uulit ni Chanhyun nang makarating sila sa mall, "where's papa?"

Bumaba si Taeyeon ng sasakyan para alisin yung seatbelt ni Chanhyun at para makaalis na rin sila agad.

"Nasa work pa si papa, baby. You want to visit him?" Tanong ni Taeyeon at sinilip saglit si Chanhyun na nagiiskipping habang naglalakad sila papasok sa mall.

Nakangiting tumingin si Chanhyun sa kanya at tumango. Kaya napangiti na rin si Taeyeon dahil sa kacutean ni Chanhyun.

Habang namimili sila ng snacks and yogurts ni Chanhyun ay may tinanong siya kay Taeyeon na ikinagulat nito.

"K-Kailan... k-ko ulit ma-ma-makikita si Tito Chanyeol?"

Alangan namang lumingon si Taeyeon kay Chanhyun.

"Why?" Sabi ni Taeyeon at tinignan saglit yung bata at balik ng tingin sa mga ingredients na nasa phone niya.

"I want to see him again. He's nice" tapos tumawa ng maliit si Chanhyun, "Is he one of papa's friends?"

Napatigil si Taeyeon sa pagbabasa ng ingredients sa tanong ni Chanhyun. Tinignan niya ito na nakaupo sa Cart at napahinga ng malalim.

She clutched the bar and kissed Chanhyun's forehead, "You'll know soon" sabi niya at tumango kay Chanhyun.

Nginitian rin siya ni Chanhyun. Pagkatapos nun marami pang tanong si Chanhyun tungkol sa mga lalaking nakasalubong nila kanina sa kabilang mall, pati mga taong nakakasalubong nila sa mall na ito.

Nang matapos sila sa pamimili ay binayaran na ni Taeyeon yung pinamili nila. Si Chanhyun may hawak ng mga snacks niya which is very light and the other bags ay na kay Taeyeon.

Nilagay ni Taeyeon yung mga pinamili nila sa likod ng sasakyan niya habang yung hawak hawak ni Chanhyun na plastic bags ay nasa kanya pa rin.
Magsisimula na sanang magdrive si Taeyeon ng biglang nagring yung phone niya.

"Luhan?" Bulong niya at tinignan si Chanhyun na kumukuha ng isang chocolate bar.

Tinulungan niya muna si Chanhyun sa pagkuha ng chocolate bar at binuksan niya na ito.

"Thanks Tita!" Sabi ni Chanhyun at ginantihan niya lang ito ng ngiti at mahinang tap sa ibabaw ng ulo nito.

"I'll answer this call, okay?" Sabi ni Taeyeon. Habang ngumunguya ay nakangiting tumango si Chanhyun sa kanya.

Lumabas ng sasakyan si Taeyeon at sinagot yung tawag ni Luhan.

[Tae---]

Di pa natatapos ni Luhan yung greetings niya ay pinutol na agad ni Taeyeon iyon.

"Gago ka alam mo yun?"

Biglang sabi ni Taeyeon, nagulat naman si Luhan sa kabilang linya sa biglang pagmura sa kanya.

[Wala pa kong ginagawa, oy!]

Pagdedepensa ni Luhan. Dahil alam niyang wala pa talaga siyang ginagawa. Ni hindi pa nga siya nagsisimula sa plano niya eh.

"Ano yung kanina? Di mo ba yun sinasadya? Ha?!"

Galit na sabi ni Taeyeon, medyo pinagtitinginan na rin siya sa parking lot dahil napalakas yung boses niya. Kaya ngumiti nalang siya at nagbow.

[Look, alam ko bang pupunta kayong supermarket? Hindi naman diba? This is just a pure accident. Wala akong kinalaman dito]

Narealize ni Taeyeon na di pa.pala nila alam.na napromote na siya kaya di nila alam.na may maliit na handaan mamayang gabi. Napatango naman siya sa sinabi ni Luhan.

Huminga ng malalim si Taeyeon bago sumagot, "Pero sana di na to maulit"

Napatigil si Luhan saglit sa sinabi ni Taeyeon. Pero agad jiya rin nacompose yung sarili niya,
[That's why I called you]

Di naman agad nagets ni Taeyeon kunga bakit tumawag si Luhan kaya napataas yung isa niyang kilay, "Ha?"

Pumikit si Luhan sa kabilang linya at nag'tsk', kunwari'y naiinis siya o di kaya nama'y naiirita, [Gusto ulit makita ni Chanyeol yung bata]

Nanlaki naman yung singkit na mata ni Taeyeon at napasigaw ng, "No freakin way, Luhan!"

Napangiti si Luhan sa kabilang linya, everything is going in plan, at nagsimula na naman siyang ngumiti ng nakakaloko, [I know! Pero destiny na yung gumagaw ng paraan para magkita silang mag ama] gusto ni Luhan paniwalain si Taeyeon na maski siya nagpapadala nalang sa agos ng buhay pero kailangan niyang paghandaan itong mga pangyayaring ito.

Nakakunot na yung noo ni Taeyeon at nakapikit ng mariin yung mga mata niya habang yung isang kamay niya ay nasa bridge ng matangos niyang ilong, "Luhan, there's no such thing as destiny or fate or whatsoever you wanted to relate them. So cut this thing off and tell him, N-O! No!"

Sasabat pa sana si Luhan, dahil gusto niya ngang ipaintindi lay Taeyeon na dapat niyang hayaan si Chanhyun at Chanyeol na magkitang muli, [Pero Taeyeon---]

"I dont want to lose him," biglang sabi ni Taeyeon pero pabulong lang, "not now, Luhan" pumikit siya at napayuko. Nararamdaman na niya yung pagluluha niya.

Natauhan naman bigla si Luhan ng maalala niyang si Taeyeon yung kausap niya, [Hindi naman siya mawawala sayo, Taeyeon eh]

"Hindi? Bibitawan ko siya para sa taong iniwanan siya, Luhan. Natatakot na ko" naiinis na sabi ni Taeyeon.

Mahabang katahimikan ang nangyari puro paghinga ni Luhan ang naririnig niya at ibang ingay sa kabilang linya. Habang si Taeyeon ay nililingon lingon si Chanhyun sa loob ng sasakyan.

Ibubuka palang sana ni Taeyeon yung bibig niya ng biglang magsalita si Luhan.

[I just wanted to ask you this. You know Baekhyun is gay, pero bakit hinayaan mong ganito yung maramdaman mo sa kanya?] Napatigil saglit si Taeyeon dahil maski siya naguguluhan sa sarili niya. Na oo nga, alam niyang bakla si Baekhyun at wala siyang pag asa dito pero bakit tinuloy niya pa rin?

"Because I dont have a choice," sabi niya, naluluha na agad si Taeyeon dahil naaalala niya lahat simula pagkabata nila, "Baekhyun is my childhood bestfriend. Hindi ko rin naman inexpect na ganito yung mangyayari sa kanya but this is love. Walang differences. Lahat ng tao pareho when it comes to love" galing sa pusong sabi niya.

Tumango naman sa kabilang linya si Luhan. Tama naman kasi si Taeyeon.

[Alam ko naman. Pero sa pananaw ko, ikaw lang yung kawawa, Taeyeon,] sabi ni Luhan, nakikinig lang si Taeyeon sa sinasabi ni Luhan, nang marinig niya yung kawawa ay alam na niya yung ibig sabihin ni Luhan, [lagi mong tatandaan na si Baekhyun ay kay Chanyeol--]

"Pero si Chanyeol may Dara at walang kasiguraduhan na si Baekhyun yung pipiliin ni Chanyeol" sarkastikong sabi ni Taeyeon.

[No---] handa ng sabihin ni Luhan yung mga sinasabi ni Chanyeol sa kanila pero pinigilan siya ni Taeyeon.

"Yun yun Luhan. Si Baekhyun kay Chanyeol, habang si Chanyeol hindi pwedeng angkinin ni Baekhyun, diba? Kasi nga may Dara siya" mabilis na sagot ni Taeyeon.

Napaisip naman si Luhan, [Mark Baekhyun as your own, then] napangiti siya ng maliit at halatang halata na iniintay niya yung isasagot ni Taeyeon.

"Y-You know I can't do that..." Mahinang sagot ni Taeyeom bago sumilip kay Chanhyun.

[Tell him--] hindi na naman pinatapos ni Taeyeon si Luhan sa pagsasalita.

"Ayoko. Sapat na sakin yung ganito kami," napahinga siya ng malalim, "tinanggap ko kung ano siya. Tinago ko yung sakit nung naging sila, tinago ko yung lungkot nang kinuha niya sakin si Baekhyun, tinago ko yung pagmamahal ko para sa kanya," tumulo yung luha ni Taeyeon na ahad niya rin pinunasan, "hanggang dito lang ako, Luhan," napangiti siya ng mapait, "h-hanggang bestfriend lang talaga ako"

[Taeyeon....] Naispeechless si Luhan dahil hindi niya inexpect na magiging ganto si Taeyeon.

"Gusto ko lang naman malaman niya na kahit anong mangyari andito lang ako para sa kanya," dahil umpisa palang tinanggao na siya na hanggang supporta lang siya may Baekhyun, "paniniwalaan ko siya, tutulungan ko siya dahil mahal ko siya. Hindi ako magsasawang tulungan siya dahil mahal ko siya. At ibibigay ko lahat, Luhan. M-Maski kasiyahan ko, maging masaya lang siya" pinunasan ni Taeyeon yung mga luhang tumulo sa pisngi niya at yumuko.

[So can I ask you a favor?] Luhan thought he chose the right time to ask Taeyeon about his plan.

"T-Tungkol saan ba?" Sabi ni Taeyeon habang patuloy na nakayuko at sinisipa yung mga maliliit na bato sa parking lot.

Napangiti si Luhan habanv iniisip yung tamang title ng plano niya, at nang makaisip siya ay mas lalong lumapad yung ngiti niya, [Oplan: Buuin ang pamilya Park]

Napatigil naman bigla si Taeyeon, "P-Pag iisipan ko..."

Sabat ni Luhan dahil kailangan na niyang mag umpisa sa plano niya, [Theres no time to think!]

"Luhan kailangan kong pagisipan to! Masakit para sakin to! Ayoko ng bumitaw eh, ayoko na" naluluha na namang sabi ni Taeyeon. Dahil ayaw niya na talagang bitawan si Baekhyun pero lagi na lang siyang pinabibitaw.

[But you need to...] Sabi ni Luhan ng pabulong habang pati siya ay nag aalinlangan kung kailangan niya nga ba talaga si Taeyeon sa plano niyang ito. Dahil sapat na si Sehun na andyan para tulungan siya.

Napapikit si Taeyeon sa sinabi ni Luhan at napatango, "A-Alam ko, k-kaya nga dapat kong pagisipan ng mabuti eh"

[S-Sana... di ka masaktan sa desisyon mo] sincere na sabi ni Luhan, naging magkaibigan na rin naman sila ni Taeyeon kaya ayaw niyang masaktan ito.

Nakangiti si Taeyeon pero mababakas sa ngiting yun yung sakit na nararamdaman niya, "Masakit man para sakin yung maging desisyon ko, kaya kong itago. Kasi mahal ko siya"

Naisip ni Luhan na ang swerte swerte ng lalaking mamahalin ni Taeyeon, [Baekhyun is so lucky to have you...]

Sabi ni Taeyeon at kinawayan si Chanhyun na nakatngin sa kanya sa loob ng sasakyan, "Mas maswerte ako kasi k-kahit papaano... a-alam kong nagka-Baekhyun ako..."

[Pauwi na ba kayo?] Biglang tanong ni Luhan dahil ayaw na niyang paiyakin si Taeyeon.

"Oo sana. K-Kaso tumawag ka tas pinaiyak mo pa ko" natatawang sabi ni Taeyeon habang pinupunasan yung mata noliya kung may bakas pa ba ng luha.

Natawa naman si Luhan sa kabilang linya, [Kasalanan ko bang iyakin ka?]

Natawa rin naman si Taeyeon at tumango tango, "Oo na sige na. Uuwi na kami"

[Take care, okay?] Masayang sabi ni Luhan sa kabilang linya.

"Yes! Babush Lupoop!" Sabi ni Taeyeon habang naglalakad na papunta sa driver seat.

[Dont cry, okay? Babye, Taeyeon... poop!] Sabi ni Luhan at nauna na si Taeyeon na ibaba yung tawag bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagkapasok niya ay nakita niyang hindi madungis si Chanhyun ngayon kahit kumain siya ng chocolate bar. Icocongratulate niya sana nakita niya yung leather seats ng sasakyan niya puro chocolate.

"Sorry tita, I cant find my handkerchief" sabi ni Chanhyun at nagcross arms habang nakanguso.

Napangiti si Taeyeon at inabot yung buhok ni Chanhyun sabay ruffle dito ng marahan.

"It's okay" nakangiting sabi niya.

Inistart na niya yung sasakyan at katamtamang bilis lang sa pagdadrive.

Gabi pa naman uwi ni Baekhyun eh, sabi ni Taeyeon sa sarili niya.

Bigla namang pumasok sa isip niya yung sinabi ni Luhan.

I know, hindi mawawala si Baekhyun sakin dahil hindi naman siya akin. At alam kong kailangan rin makilala ni Chanhyun si Chanyeol bilang tatay. Pero... wag ngayon.

**


Sabado ngayon at walang pasok si Baekhyun kaya naisipan niyang ipasyal si Chanhyun sa playground.

Napangiti si Baekhyun ng makita niyang sobrang tuwa ni Chanhyun dahil sa pagpunta nila sa playground.

Masayang naglalaro si Chanhyun habang si Baekhyun ay masayang pinanonood si Chanhyun sa paglalaro. Naalala niya tuloy yung mga panahon noong bata pa siya, na si Taeyeon lang sapat na para sa kanya.

Hanggang sa biglang pumasok sa isip niya yung pagiging highschool student niya at naalala niya na naman lahat, kasama si Chanyeol, lahat ng nangyari.

Napailing naman siya dahil ayaw niyang umiyak dito at ayaw niyang umiyak sa harap ni Chanhyun. Kaya naisipan niyang ayusin nalang yung mga gamit nila at ipaghanda si Chanhyun ng makakain at maiinom.

"Papa," tawag sa kanya ni Chanhyun habang tatakbo papalapit sa kanya, napatigil naman si Baekhyun sa paggawa ng sandwich at nilingon si Chanhyun ng nakangiti, "d-do you know... T-Tito Chanyeol?"

Halos mabitawan naman ni Baekhyun yung hawak niyang sandwich ng marinig niya yun sa anak niya. Hindi siya nakapagsalita, p-pano niya nakilala si Chanyeol?

Hinawakan niya si Chanhyun at inupo sa hita niya, "A-Anak, p-pano mo siya nakilala?" Tanong niya.

Ngumiti naman si Chanhyun at hinawakan yung kamay ni Baekhyun na nasa likod ng bewang niya, "We saw him with other boys... with Tito Luhan and Tito Sehun. T-Tapos di ko s-sila k-kilala, papa"

Hindi nagsalita si Baekhyun dahil napapatingin pa si Chanhyun sa taas, it means may iniisip pa siya na gusto niyang sabihin. Kaya hindi muna siya nagsalita't inantay si Chanhyun na magsalita ulit.

Bumitaw si Chanhyun sa kamay ng papa niya at pinagpatuloy yung sasabihin niya, "We shook our hands and papa, I want to see him again, I want to see Tito Chanyeol again," tinuro niya yung ngipin niya at ngumiti ng malaki, "He looks so nice and his teeth.... its--- its---- Papa help..."

Napangiti naman si Baekhyun sa pagdidescribe ni Chanhyun kay Chanyeol, naalala niyang gustong gusto niya yung ngiti ni Chanyeol dahil malaki at carefree, parang walang pakialam sa mundo kung ngumiti si Chanyeol.

"Its clean?" Tanong ni Baekhyun kay Chanhyun na gustong magpatulong sa pagdidescribe kay Chanyeol.

Agad namang tumalon si Chanhyun pababa sa hita ni Baekhyun at pumalakpak, "Yes, papa! And he's, he's, he's," ginamit ni Chanhyun yung dalawa niyang kamay at tinaas yung isa habang yung isa ay pababa, "he's so tall, papa!" Pagpapatuloy ni Chanhyun.

Ngumiti nalang si Baekhyun kahit sa loob loob niya ay kinakabahan na siya.

Hindi, hindi niya pa pwedeng makita si Chanhyun.

Sa paglalaro ni chanhyun sa park ay nakatingin lang si Baekhyun sa kanya, pinanonood siyang maglaro sa isang bench, sa tabi ng malaking puno.

Napapangiti siya sa tuwing lilingunin siya ni Chanhyun at kakawayan pa siya nito.

Iniisip niya kung ano ang magiging buhay nila ni Chanhyun kung naniwala si Chanyeol sa kanya.

Masaya kaya?

Hindi kaya siya mahihirapan?

Magiging masaya kaya silang buong pamilya?

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapatawad si Chanyeol sa ginawa't sinabi nito sa kanya. Masakit para sa isang tao na hindi ka paniwalaan ng taong ineexpect mong paniniwalaan ka hanggang dulo.

Siguro nga, mas naniwala lang si Chanyeol sa SCIENCE FACT, sa Biology kung saan sinabi dito na hindi sila pwedeng mabuntis. Pero isa iyong kasinungalingan dahil kung totoo yun, bakit siya nabuntis? Ano siya babaeng tinubuan ng poste sa babang part?

Imposible nga naman na mabuntis siya. Pero sana naman kahit papano'y pinakinggan siya ni Chanyeol, dahil hindi naman siya magsasayang ng panahon kung isang kalokohan lang lahat ng iyon diba.

"Chanyeol buntis ako"

Napapikit siya ng nagecho ulit sa utak niya yung boses niya 5years ago. Nung sinabi niya kay Chanyeol yung totoo. Pero hindi siya pinaniwalaan.

What about now, Chanyeol? Maniniwala ka na ba kapag sinabi kong buntis ako nung pinagtabuyan mo ko? Bakit ganun? Bakit kailangan ko pang masaktan at maghirap para maniwala ka? Bakit di ka nga ba naniwala sakin?

Nagulat nalang siya ng punasan ni Chanhyun yung pisngi niya gamit yung damit nito.

"Papa, why?" Tanong ni Chanhyun at niyakap si Baekhyun sa leeg.

"Nothing, I just missed someone..." Sabi ni Baekhyun kaya sinilip siya ni Chanhyun.

"I missed someone too, Papa!" Masayang sabi ni Chanhyun.

"Who?" Nakangiting sabi ni Baekhyun at siningkitan ng mata si Chanhyun.

"Tito Sehun!! I missed him!" Nagcrossed arms naman si Chanhyun at ngumuso.

Dahil matagal na panahon na rin simula nung huli niyang makita si Sehun, nung nasa supermarket pa sila, yung time na nakita niya si Chanyeol, si Luhan ay tumatawag naman sa kanila pero si Sehun ay hindi.

Kaya hindi nakakalimutan ni Chanhyun si Chanyeol ay dahil kay Luhan, laging binabanggit ni Luhan si Chanyeol sa kanya kaya lagi niyang naaalala, kinukwentuhan rin siya ni Luhan tungkol kay Chanyeol na hindi niya naman maintindihan.

"Then do you want to visit Tito Sehun?" Sabi ni Baekhyun habang kinakapa yung phone niya sa loob ng backpack na dala niya.

Nag isip pa si Chanhyun habang kagat kagat yung ibabang parte ng labi niya kaya nakikita yung maliit niyang dimples na namana niya kay Chanyeol, "Maybe next time papa. Im tired, I want to sleep, too" sabay hikab ni Chanhyun.

Tumango naman si Baekhyun at inaya ng umuwi si Chanhyun, kinarga na niya si Chanhyun papunta sa sasakyan niya at inupo sa passenger seat.

Umikot naman si Baekhyun papuntang driver seat, hindi niya napansin na may nakatingin sa kanya. Pero hindi niya nakita si Chanhyun, si Baekhyun lang.

Hindi rin siya nakakuha ng chance na masundan si Baekhyun dahil nasa kabilang side yung sasakyan niya at malayo sa side na to.

I saw you, again, Byun Baekhyun. The world seems small for the both of us.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro