Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

스물여닯

Kitang kita ni Chanyeol kung pano nawala yung sasakyan ni Baekhyun sa harap niya. Hindi rin niya masyadong naaninag yung plate number.

Nagpunta siyang playground dahil gusto niyang makakita ng bata at nagbabakasakaling isa sa mga batang nasa playground ay ung batang gusto na niyang makita.

Mahigit dalawang linggo na rin ang lumipas simula ng huli niyang makita yung bata. Sa totoo lang ay hindi niya pa rin alam yung pangalan nito dahil nakakalimutan niyang itanong kay Luhan.

Hindi rin niya alam kung bakit ganoon na lamang yung atraksyon na naramdaman niya sa bata. Na para bang ayaw niyang bitawan, ayaw niyang malayo sa kanya at para bang nakaramdam siya ng lukso ng dugo.

Dumiretso muna siya sa convenient store para bumili ng mga jelly ace at chocolate para sa mga batang nandoon.

Lubos na kasiyahan yung naramdaman ni Chanyeol ng makarating siya sa playground, napanood niya yung takbuhan ng mga bata, kung paano sila makipag usap sa kapwa nila bata at kung papaano sila tumawa ay naging daan kung bakit gusto na niya talagang makita yung bata.

"Hello po" bati sa kanya ng isang batang babae na may kasama pang isang babae ngunit mas maliit sa kanya.

Napangiti si Chanyeol at hinawakan ang ulo ng dalawang bata, "Ang cute niyo naman," sabi niya at tumingin sa gilid niya para kumuha ng dalawang jelly ace at chocolate, "Oh ayan, dahil cute kayo. Tig isa kayo ha?" dagdag pa niya at inabutan sila ng tig isa. Napangiti si Chanyeol ng ngitian siya ng mga ito.

"Thankyou po, kuya!" Masayang sabi ng dalawang bata at tumakbo na palayo kay Chanyeol.

Pagkatapos nun ay maraming bata na ang lumapit sa kanya. Bawat batang lalapit sa kanya ay pinakikiramdaman niya. Tinitignan niya isa isa kung yun ba yung batang iyon at kung ganoon rin ba yung mararamdaman niya.

Pero kahit isa sa mga batang yun, walang nagpatibok ng puso niya ng ganun kabilis.

Pagkatapos niyang panoorin yung mga bata ay napagdesisyunan niyang dumiretso kayla Luhan para makibalita sa bata.

"Oh? Anong masamang hangin at napadpad ka sa condo ko?" Sabi ni Luhan pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto kay Chanyeol.

"Si Sehun ang binisita ko, hindi ikaw" sabi ni Chanyeol at dirediretsong pumasok sa loob ng unit ni Luhan.

Nilibot ni Chanyeol yung paningin niya at wala siyang nakitang Sehun sa paligid.

"Asan si Sehun?" Tanong ni Chanyeol sabay upo sa sofa.

"Nasa kwarto yata. Kakatapos niya lang magreview para sa presentation niya bukas" sigaw ni Luhan mula sa kusina.

Nang matapos si Luhan sa pagluluto ay nilabas na niya yung meryendang hinanda niya.

Hinila niya yung ilang hibla ng buhok ni Chanyeol, "Aray!" Sabi ni Chanyeol.

"Yung totoo, bat ka nagpunta rito?" Tanong ni Luhan habang nakacross arms. Sa pagkakaalam niya kasi ayaw na ayaw ni Chanyeol na bumibisita sa ibat-ibang bahay.

"Binibisita nga si Sehun" sabi niya at umupo ng maayos.

Sinilip ni Luhan si Chanyeol mula sa likod, ngumiti siya ng maliit dahil mukhang alam na niya kung bakit andito si Chanyeol, "Hindi ako naniniwala. Yung totoo kasi Chanyeol!"

Napahinga ng malalim si Chanyeol, "Luhan, kelan ko ba kasi ulit makikita yung bata?" Tanong ni Chanyeol habang nakacross arms at nakapikit.

Inaalala niya yung huling beaes na nakita niya yung bata. Hindi siya nagmamadali, pero gustong gusto niya na talagang makita yung bata.

Pati sa pagtulog niya ay nakikita niya ito. Parang may sinasabi yung bata sa kanya na hindi niya malaman kung ano.

May isa pang tao sa panaginip niya, yung lalaking kasama nung bata. Blurred yung mukha pero familiar yung posture na yun para sa kanya.

"Pwede ba? Mag antay ka muna. Hindi pa pwedeng ilabas ulit ni Taeyeon yung bata" kunwaring iritang sabi ni Luhan habang inihahanda yung meryenda nila ni Sehun sa lamesa.

Sabi ko na nga ba.

Hindi na makumbinsi ni Luhan si Taeyeon na ilabas ulit si Chanhyun dahil natatakot na si Taeyeon na baka bigla nalang niyang malaman na si Baekhyun yung tatay ni Chanhyun at, BOOM! Malalaman na ni Chanyeol lahat.

"Nga pala Luhan, di ko pa alam yung pangalan nung bata. Ano name niya?" Sabi ni Chanyeol at napatingin kay Luhan na nasa likod niya.

Tumingin naman si Luhan kay Chanyeol at ngumiti ng maliit, finally, feel something about this yeol, "Chanhyun" maikling sabi ni Luhan.

Hindi niya inexpect yung naging reaksyon ni Chanyeol. Napataas ng isang kilay si Luhan dahil don.

Tumango lang si Chanyeol habang kagat kagat yung ibabang parte ng labi niya, "Nice name" sabi niya na patuloy pa rin sa pagtango.

Bwiset naman tong lalaking to. Di niya ba nagets yun?

*
Pagkadating ni Taeyeon sa apartment ni Baekhyun ay agad siyang kinompronta nito.

"Tell me, pano nangyaring nakita ni Chanyeol ang anak ko?"

"Correction, Anak niyo" pagod na sagot ni Taeyeon. Imagine, kakauwi niya palang galing work tas ganto agad yung bungad ni Baekhyun sa kanya. Minsan lang siya dito matulog kila Baekhyun, may sarili rin siyang space kapag andito siya.

Inirapan niya si Taeyeon, "Tsk. I dont care! So ano? Pano?!" napataas yung boses ni Baekhyun ng hindi inaasahan.

Huminga ng malalim si Taeyeon, "Nagkita sila nung naggrocery kami," pumikit siya na para bang inaalala yung buong pangyayari, "pero believe me, Baekhyun, di ko rin alam na pupunta sila," pagtatanggol ni Taeyeon sa sarili niya na para bang kasalanan niya kung bakit nagkita yung mag-ama, "actually nagulat rin kami ni Luhan" pagsisinungaling niya. She knows that Luhan is happy when they saw each other that day.

Napahawak si Baekhyun sa bridge ng ilong niya, "Then how come pinayagan mong makilala ni Chanhyun yung hayop na yun?"

Hindi na alam ni Taeyeon kung ano pang idadahilan niya kay Baekhyun kaya wala siyang choice kundi magwhite lie, "D-Di ko mapigilan si Chanhyun"

Napatayo si Baekhyun sa pagkakaupo at sinagot si Taeyeon, "Kahit na ba, Taeyeon! Sana man lang gumawa ng paraan para maiiwas mo si Chanhyun kay Chanyeol!" Galit na sabi ni Baekhyun. Dahil ayaw niya talagang magkita si Chanyeol at Chanhyun. Hindi pa rin siya handa.

Tumingin si Taeyeon kay Baekhyun sa mga mata, "Baekhyun ginawa ko lahat," mahinang sabi niya, "maniwala ka man o hindi," huminga siya ng malalim, "sinubukan ko, ginawa ko pero wala" dagdag pa niya, sa totoo lang ay nakukumbinsi na siya ni Luhan sa planong gusto nito.

Si Luhan talaga may kasalanan nito eh!

Sino ba namang hindi makukumbinsi kung ganito yung mga sinasabi ni Luhan?

"Karapatan ng mag ama na makilala yung isa't isa"

"Oh tignan mo to, Taeyeon, dali!" Sabi ni Luhan sabay pakita ng book of rights kay Taeyeon, "Sabi dito karapatan ng bata na makita at makilala ang kanyang mga magulang. Mga magulang, which means his father and mother. But in Chanhyun's case, kailangan niyang makilala ang isa pa niyang tatay"

"Gusto mo bang lumaki si Chanhyun ng walang tatay?" Tumingin siya kay Taeyeon gamit ang malulungkot na mata.

"Malulungkot yun kapag narealize niyang yung mga kaibigan niya'y dalawa ang magulang tapos siya isa lang" ginamit ni Luhan yung pinakamalungkot niyang boses para makumbinsi si Taeyeon.

"Taeyeon, maawa ka naman kay Chanhyun" sabi ni Luhan dahil sa totoo lang naaawa rin siya kay Chanhyun, para kasing pinagkakait sa kanya na makita o makilala yung isa pa niyang tatay.

"Si Chanyeol, hindi niya alam yung totoo. Di ko naman hahayaan na lumaki si Chanhyun ng hindi nakikilala si Chanyeol at ayoko namang itago kay Chanyeol yung totoo" gusto niyanh tulungan si Chanyeol, bilang kaibigan, bilang isang kapatid.

"Kung totoong kaibigan kita, tsaka kaibigan ni Baekhyun, papayag kang mabuo ulit sila" nawalan ng choice si Luhan kaya ganito yung sinabi niya. Para naman kgit papaano'y mapag isipan ni Taeyeon ng mabuti.

"Please, Taeyeon. Pagkatapos nito hahanapan kita ng boys, promise!" Sabi ni Luhan, kasi diba si Taeyeon inlove kay Baekhyun which is gay kaya hahanapan niya si Taeyeon ng real guys.

"Sana man lang tinawagan mo ko nung araw na yun" biglang sabi ni Baekhyun habang nakaupo sa tabi ng nakahigang Chanhyun sa sofa.

Huminga ng malalim si Taeyeon at idinantay ang kamay sa backrest ng sofa, "Nagpanic ako nung time na yun. Muntik na kong maiyak nung biglang niyakap ni Chanhyun si Chanyeol" napapikit si Baekhyun ng marinig yun. At pilit niyang iniimagine kung anong itsura ng mag-ama niya habang magkayakap.

Napangiti siya ng maliit pero agad niya rin binawi ang ngiti na yun nang biglang magsalita si Taeyeon, "Bat ba kasi ayaw mo pa? Baekhyun dumating na yung araw na magkikita at malalaman nila yung totoo"

Baekhyun shook his head and answered, "Di pa ngayon yung araw na yun, Taeyeon. May chance pa kong magback out. May chance pa kong tumakas"

"You dont need to escape! Luhan and I are here to help you. Kung magkaproblema man kayo andito lang kami" pagkukumbinsi ni Taeyeon kay Baekhyun. Hinawakan pa niya ang balikat nito at marahang pinisil.

Huminga pa si Baekhyun ng malalim, "Alam ko naman eh. Natatakot lang ako, Taeyeon," yumuko si Baekhyun, "ayoko ng masaktan ulit, natatakot na ko, na baka sa susunod na mawala si Chanyeol sakin baka kasama na niya si Chanhyun. Ayoko, Taeyeon. Si Chanhyun nalang ang meron ako" naiiyak na sagot ni Baekhyun.

Kinakain na naman si Baekhyun ng takot niya. Sa tuwing napag uusapan nila 'to parang gusto niyang magtago, gusto niyang umalis sa lugar na to at pumunta sa malayong lugar para maitago si Chanhyun.

"Baekhyun," umupo si Taeyeon sa tabi ni Baekhyun at kinuha ang isa sa mga kamay nito, "I know youre scared of what will happen next, but believe me Baekhyun," she squeezed Baelhyun's hand lightly and tapped it with her other hand, "when he hurt you again, I swear, I'll be there to help you pack your things" Then Taeyeon smiled lightly.

"N-Natatakot nga ako," humigpit yung kapit ni Baekhyun sa kamay ni Taeyeon, "w-what if kunin niya si C-Chanhyun sakin? What if itakas niya? Taeyeon hindi ko kaya" sabi niya sabay tulo ng luha niya.

Bumitaw si Taeyeon sa pagkakahawak ni Baekhyun at pinunasan ang luha nito, "Hindi yun mangyayari, I wont let that thing happen" sabi nito kaya niyakap siya ni Baekhyun pabalik.

"Di k-ko pa alam,Taeyeon," sabi niya sabay punas sa sarili niyang luha habang nakayakap kay Taeyeon, "h-hindi ko alam kung b-bakit ang dami kong k-kinatatakutan. A-Alam ko naman na m-mangyayari to p-pero di ko alam na ganito pala k-kahirap" sabi pa nito.

Alam ni Baekhyun na araw araw, simula nang pinanganak niya si Chanhyun ay inihahanda niya yung sarili niya sa pangyayaring to. Pero hindi niya inexpect na ganito nalang yung bigat ng pakiramdam niya. Para bang mawawala si Chanhyun sa kanya.

"Sige na, Baekhyun. May kakausapin lang ako saglit" sabi ni Taeyeon at bumitaw sa yakap ni Baekhyun.

Tumayo siya habang hawak hawak yung phone niya, huminga siya ng malalim habang tumatango.

Tama to, Taeyeon. Masakit man pero gawin mo.

Tumingin ulit siya sa likod at napapikit siya ng marinig yung mga sinabi ni Baekhyun.

"Anak, w-wag na wag ming iiwan si papa ha? Love na l-love ka ni papa, okay?"

Dahil dun ay bigla nalang siyang nagdalawang isip kung dapat niya na ba tong gawin.

Sabi nga ni Socrates, gawin mo yung alam mong tama.

Tumango ulit si Taeyeon at lumabas.

Hinalikan naman ni Baekhyun yung noo ni Chanhyun habang natutulog, hindi niya napansin na nagigising na si Chanhyun sa paghikbi niya.

"P-Papa..." napaupo si Chanhyun ng makita niyang umiiyak na naman yung papa niya.

"You're always crying, what's wrong, Papa?" Tanong ni Chanhyun sa kanya habang nagkukusot ng mata.

Ngumiti si Baekhyum at pinunasan ng mabilis yung luha niya, "Anak, love na love ka ni Papa, okay?"

Tumango naman si Chanhyun kay Baekhyun at ngumiti, "And I love you, too" sabi nito at niyakap niya ang papa niya.

"Please stop crying..." sabi ni Chanhyun pagkahiwalay sa yakap kay Baekhyun.

Tumango naman si Baekhyun at hinalikan ulit sa noo si Chanhyun.

Pagkalabas ni Taeyeon ay lumingon lingon pa siya sa paligid para tignan kung may tao ba o may nakikinig sa kanya.

Nang marealize niyang wala ay napahinga siya ng malalim at inopen yung phone niya.

Hinanap niya yung number ng tatawagan niya. Nang makita niya ito ay agad niyang pinindot yung call button.

Unang ring palang ay sinagot na agad ni Luhan yung tawag niya.

"Bilis ah!" Pagcocompliment ni Taeyeon sa kanya.

[Atleast improving] sagot ni Luhan sa kabilang linya.

Ang totoo niyan ay hawak talaga ni Luhan yung phone niya dahil tatawagan niya sana si Taeyeon. Naunahan lang siya ni Taeyeon sa pagpindot ng call button.

"M-May gusto lang sana akong sabihin sayo..." Bulong ni Taeyeon.

Hindi naman masyadong naintindihan ni Luhan dahil mahina yung pagkakasabi ni Taeyeon at eksaktong may dumaan sa motor sa tapat ng apartment ni Baekhyun.

[Hala, di ko narinig. Ano yun?] Sabi ni Luhan at dinikit sa tenga niya yung phone ng mas madiin.

"May sasabihin ako" sabi ni Taeyeon ng mas malakas kumpara sa pagkakasabi niya kanina.

[Oh ano yun?] Bored na sagot ni Luhan sa kabilang linya. Nagsimula na siyang mag open ng laptop niya at magsesearch sana ng pwedeng lugar pagswimmingan. Yung private place.

Pumikit si Taeyeon at napatingin sa kawalan, "Tungkol to sa plano mo" diretsong sabi niya.

Napatigil naman sa pagtatype si Luhan at napatingin sa phone niya.

[Anong sabi mo?] Gulat na tanong ni Luhan.

Kinakabahan siya dahil baka hibdi pumayag si Taeyeon, pero okay lang. Kaya niyang gawan ng paraan yun, basta kasama niya si Sehun sa paggawa sa plano niya.

"T-Tungkol sa plano mo..." Sabi ulit ni Taeyeon, "N-Nakapagdesisyon na ko"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro