Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

스물아홉

"Baekhyun" tawag sa kanya ng kuya niya sa loob ng sarili niyang cubicle.

Lumingon si Baekhyun sa kanan niya at nakita niya ang kuya niya na may kasamang isang matangkad at medyo petite na lalaki.

Agad ngumiti si Baekhyun bilang paggalang, "Yes kuya?" Sabi niya sabay tayo.

Nginitian rin niya yung kasama ng kuya niya at ngumiti rin ito pabalik sa kanya.

"This is Daehyun," sabi ng kuya niya at tinuro si Daehyun, ngumiti naman si Baekhyun sa kanya at ngumiti rin si Daehyun, "and Daehyun, this is my brother, Baekhyun"

Sabi nito kaya di na naalis sa mukha ni Baekhyun ang ngiti dahil kinailangan niyang ngitian ng bongga tong kasama ng kuya niya.

Hindi naman maialis ni Daehyun yung mata niya kay Baekhyun dahil namumukhaan niya ito.

Sino ba to? Oo nga, si Daehyun, pero bat siya pinakikilala ni kuya sakin?

"So the reason why I introduce you to each other is because I want you, both of you, to make a survey, research and finalize everything about our first advertisement" sabi ng kuya niya habang nakacross arms at nakalean sa cubicle ni Baekhyun.

"Lahat yun?" Sabi ni Baekhyun habang nanlalaki yung mga mata.

"Yes," sabi ng kuya niya habang tumatango tango, "So Baekhyun, lahat ng gawain mo ibigay mo na lahat kay Taehyung and kay Heechul. Ako na bahala maghati nun sa kanila at ieexplain ko na rin later," paalis na sana yung kuya niya ng biglang may naalala, "and oh, Daehyun, magseshare kayo ni Baekhyun sa cubicle niya, for now. Actually, may pinaparenovate na kong room for the both of you" sabi pa nito sabay talikod at nagwave sa kanila.

Napabagsak agad si Baekhyun sa upuan niya at dun niya lang nakita yung mga gamit ni Daehyun sa lapag na kakabuhat lang ni Daehyun para ipatong sa free space sa gilid ng table pero di niya pa nilalapag.

"I-Is it okay if we----" medyo kinakabahan naman si Daehyun na makipag usap kay Baekhyun since first time nilang mag usap. Pero hindi ito yung first time nilang magkita.

For Daehyun.

"A-Ah oo! Sure sure" agad na sabi ni Baekhyun kahit hindi pa natatapos ni Daehyun yung itatanong niya.

Inurong ni Baekhyun yung laptop niya pati ibang papers at nilagay sa drawer na nasa ilalim ng table niya.

"Wow! Ang organize ng table mo" compliment ni Daehyun after niyang ilapag yung gamit niya.

Nahiya naman siyang makishare kasi nakaayos na lahat ng gamit ni Baekhyun. From lampshade to wallstamps. From table edge hanggang baba. May garbage can din sa ilalim nito at may drawer pa.

"Yes, I need to. And we need to share, so please, wag kang manggugulo okay?" Sabi ni Baekhyun habang binubuksan yung mini drawer na nasa table niya na parang may hinahanap.

Pinanonood lang siya ni Daehyun ng mapansin niyang busy si Baekhyun sa kakabukas-sara mg mga mini drawers niya. "A-Ah, may hinahanap ka ba?" Nilingon naman ni Baekhyun si Daehyun at nakanguso habang tumango.

"Yes, the stapler. I need to compile this para di na mahirapan yung dalawang mokong" pagkasabi nun ni Baekhyun ay agad yumuko si Daehyun para hanapin yung stapler niya.

Binuksan naman ni Baekhyun yung isa pang drawer para tignan kung andun yung stapler na eksaktong nasa ilalim lang ng table na kapag tinaas agad ni Daehyun yung ulo niya ay masasapok siya ng wooden table nila.

Nung nakita na niya ay agad niyang tinaas yung ulo niya, hindi pa naisasara ni Baekhyun yung drawer kaya nauntog si Daehyun.

"Ah! Fuck!" Sigaw ni Daehyun kaya agad na isinara ni Baekhyun yung drawer habang natataranta.

"H-Hala, sorry. E-Eh kasi naman ano bang g-ginagawa mo dyan?" Sabi ni Baekhyun at yumuko.

Tinaas naman ni Daehyun yung stapler sabay patong sa table, habang yung isang kamay niya ay nasa ulo niya at minamasahe yung parte ng ulo niyang natsambahan nung table.

Medyo naguilty naman si Baekhyun ng makita yung stapler na nakataas kaya agad niyang kinuha at pinatong sa lamesa. Tinulungan niya naman si Daehyun n maitaas yung ulo niya.

"Masakit ba?" Tanong ni Baekhyun. Narinig niya naman yung "heol" ni Daehyun kaya nasapok niya yung noo niya.

"Oo na, alam kong masakit. Eh kasi naman, ano bang trip mo? Di mo naman sinabi sakin na yuyuko ka pala" sabi ni Baekhyun habang nakatingin kay Daehyun na nakapikit at hinihimas himas yung ulo niya.

"Di mo rin naman ako sinabihan na bubuksan mo pala yung drawer mo" sagot ni Daehyun sa kanya.

"Eh bat ko naman sasabihin sayo na bubuksan ko? Eh hindi ko nga alam na yuyuko ka pala" sabi ni Baekhyun at nagdekwatro.

"Ay nako. Kinuha ko lang naman yung stapler ko para ipahiram sayo" sabi ni Daehyun at hinihimas pa rin yung ulo niya.

Naawa naman si Baekhyun kaya tumayo siya at kinuha yung phone niya.

"Oy dito ka lang, okay? Kukuha lang akong ice pack para di magbukol yan kung saka-sakali" sabi ni Baekhyun sabay takbo.

Napakamot naman si Daehyun sa ulo niya. Nacurious naman si Daehyun sa mga gamit ni Baekhyun kaya inusisa niya ang mga ito.

"Taray naman neto," sabi niya ng makita niya yung mga natapos ng iencode ni Baekhyun, "mukhang nakatagpo na ko ng maayos na partner" bulong pa niya.

Tumango tango si Daehyun sa ibang gamit ni Baekhyun dahil amaze na amaze siya na napakaorganize ni Baekhyun sa table niya.

"Kahit sino naman ata di makakapagtrabaho ng maayos kung magulo yung paligid eh" bulong niya.

Napatigil siya ng makita yung corkboard ni Baekhyun na puno ng mga gawain. Pero sa ilalim nun ay may isang larawan na nakaagaw ng pansin niya.

Namumukhaan niya yung mga to.

"Teka, si Chanyeol ba to?" Sabi niya nilapit pa ang mukha sa larawan, "Oo nga si yeol" dagdag pa niya.

"Tama nga ako," sabi niya at tumango tango, "si Baekhyun nga yung boyfriend ni Chanyeol na naging crush ko noon"

Pagkatapos nun ay may isa pa siyang nakitang larawan, si Baekhyun at isang batang hindi niya kilala. Kukunin niya sana kaso biglang dumating si Baekhyun.

Umupo agad si Daehyun at ngumiti sa hinihingal na Baekhyun.

"H-Hay! O-Oh eto, h-halika" tawag ni Baekhyun sa kanya pagkaupo nito, nilapit naman agad ni Daehyun yung ulo niya habang si Baekhyun ay dahan dahang pinepress yunh ice pack sa ulo ni Daehyun.

Habang nakayuko si Daehyun ay nagsalita siya, "Alam mo kanina, nung unang beses kitang makita, hindi ko maialis yung mata ko sayo" nakapikit niyang sabi. Medyo masakit kasi yung pagkakapress ni Baekhyun kahit pa dahan dahanin niya.

Napakunot naman yung noo ni Baekhyun, "Bakit naman?" Curious niyang sabi.

Nagshrug lang si Daehyun, "Si Chanyeol"

Napatigil si Baekhyun sa pagpress ng ice pack at natahimik.

"Kaklase ko si Chanyeol nung college. Di kami close pero halos pareho kami ng perspective when it comes to Science" sabi ni Daehyun.

Naisip ni Baekhyun na kung pareho si Chanyeol at Daehyun ng perspective sa Science, ibig sabihin kung magkataon man na malaman ni Daehyun yung past ni Baekhyun ay baka di rin siya maniwala.

"But todays Science is different. Yung quantumscience," sabi ni Daehyun at itinaas yung ulo, "sa quantumscience, lahat posible. Complicated pero masaya" dagdag pa nito at nginitian si Baekhyun.

Ngumiti rin si Baekhyun at binitawan yung ice pack sabay lahad ng kamay niya sa harap ni Daehyun. Nagtaka naman si Daehyun kung bakit nilahad ni Baekhyun yung kamay niya.

"Again, Im Baekhyun" sabi ni Baekhyun at ngumiti ng malapad.

The same Baekhyun, stop doing this. Or I might steal you from Chanyeol.

Hinawakan naman ni Daehyun yung kamay ni Baekhyun at shinake iyon, "Im Daehyun, nice to meet you" at ngumiti rin ito.

Tumawa ng maliit si Baekhyun kaya napatingin si Daehyun sa kanya, "Bakit?" Kunot noong tanong nito.

"Wala, natawa lang ako sayo kanina" sabi ni Baekhyun ng di lumilingon, nagtatype na kasi ulit siya. Tatapusin niya lang yung last page bago ipasa sa kuya niya tapos ibibigay niya na rin yung mga ginagawa niya kayla Taehyung at Heechul.

"Saan? Yung nauntog ako?" Sabi ni Daehyun, maski siya ay natatawa. Hindi niya akalain na ganito pala kasarap sa feeling kasama si Baekhyun.

Yung para bang ang relax ng paligid, ang kalma ng hangin, tapos kapag lilingon si Baekhyun sa kanya ay para bang may nga bituin sa labi nito.

"Oo ayun nga" sabi nito at tumawa pa.

Pagkatapos nun ay puro tunog nalang ng mga daliri nila ang maririnig.

Nagsimula ng gumawa si Daehyun ng outline kung paano nila masisimulan ang advertisement nila. Naghanap na rin siya ng mga lugar kung saan madalas maraming tao para doon ipost or magpost ng mga flyers and such.

"May swimming pool dito diba?" Tumingin si Daehyun kay Baekhyun, tumango lang si Baekhyun sa tanong niya.

"What about gym?" Dagdag pa niya at ganun ulit, tumango lang si Baekhyun sa kanya.

"What about playground?" Lumingon si Baekhyun at ngumuso.

"Yes, under renovation siya since yesterday dahil may 20 years old na lalaki ang nagtatatalon sa swing kaya nasira!" Malakas na sabi ni Baekhyun kaya napakunot yung noo ni Daehyun, pero nakangiti siya, gusto niya lang naman kasing marinig yung boses ni Baekhyun.

"Nakikipaglaro lang naman ako" biglang sagot ni Taehyung na nasa gilid ni Baekhyun, pero may dalawang pagitan na cubicle.

"Guilty ka ata" sarcastic na sabi ni Baekhyun.

"Wag mo kong inaano baka sipain kita dyan" sagot ni Taehyung, palipat lipat naman yung tingin ni Daehyun kasi nasa gitna siya ng dalawang maingay na to.

"Humanda ka mamaya, pagsisisihan mo to, Taehyung!" Sigaw ni Baekhyun ng bigla siyang hampasin ni Taehyung ng tsinelas at tumakbo palayo.

Natawa naman si Daehyun sa kanilang dalawa, "Ganito ba kayo dito lagi?"

"Ha? Oo," tumawa rin si Baekhyun at inayos yung buhok niya, "pero dont worry. Mabait yun, mukha lang abnormal"

Natawa silang pareho sa sinabi ni Baekhyun.

--
9pm, off-duty na si Baekhyun kaya inayos na niya yung iba niyang gamit.

Nagsabay na rin silang maglunch dahil busy yung magkapatid at yung dalawang abnormal. Pinatawag kasi sila Jessica at Krystal ng head ng finance ng hotel, may mali at may kulang daw sa financial report nila.

Kaya kay Daehyun na siya sumabay maglunch at hindi niya itatangging sa maikling oras nilang magkasama ni Daehyun ay kumportable na siya rito. Ganun rin si Daehyun kay Baekhyun, bukod sa masayang kasama ay napakacarefree no Baekhyun, hindi niya naman naramdaman na mas mataas ang posisyon ni Baekhyun kaysa sa kanya.

Habang nagliligpit siya ay napatingin siya kay Daehyun na busy sa pagtatype, "Ikaw di ka pa uuwi?"

Lumingon si Daehyun at shinake yung ulo habang nakanguso, "Kailangan ko pa tong tapusin, para bukas ipapasa ko nalang. Patapos na rin naman ako" sabi niya kasabay ng isang maliit na ngiti.

Tumango naman si Baekhyun at umupo ulit, "Intayin na kita" sabi niya, napatitig si Daehyun sa kanya, ngumiti si Baekhyun.

Heart, stop!

Napalunok si Daehyun at ngumiti nalang.

Bumalik siya ulit sa pagtatype at hindi pinansin ang magandang existence ni Baekhyun sa likod niya na naglalaro ng 2fuse, medyo annoying yung sounds pero dahil si Baekhyun yun, hindi na annoying.

Nang matapos si Daehyun ay pinatay na niya yung laptop niya at inikot yung swivel chair para sana gulatin si Baekhyun kaso siya pa yung nagulat.

Nakatulog si Baekhyun habang nakabukas yung phone niya, nagbiblink pa yung game over sa screen.

Pinindot niya yung home at nakita niya yung wallpaper nung phone ni Baekhyun, naningkit yung mga mata niya at binalik yung tingin sa lamesa nila ni Baekhyun at kinuha yung isang picture frame na nasa tabi ng mini drawer niya.

Pinagdikit niya yung phone at yung frame, "Sino to?" Mahinang sabi niya.

Nang wala siyang makuhang sagot ay huminga nalang siya ng malalim at binalik yung frame sa pinaglalagyan nun.

Too much for today, Daehyun. One step at a time remember? Atsaka may Chanyeol siya. So stop.

Pagkabalik niya nung frame ay kinalabit na niya si Baekhyun. Medyo nagulat pa nga si Daehyun dahil ang bilis magising ni Baekhyun. Unang kalabit niya palang ay nagising na si Baekhyun.

Nag unat si Baekhyun habang nakapikit, "Kanina ka pa tapos?" Tapos ay kinusot pa ni Baekhyun yung dalawang mata niya gamit ang isang kamay niya.

Iniwas ni Daehyun yung tingin niya dahil its too cute to handle.

"U-Uhh, d-di naman. N-Ngayon ngayon lang.... Ano, tara na?" Aya niya. Nauna na siyang tumayo at ipinasok yung swivel chair sa ilalim ng table, ganun din ginawa niya sa inupuan ni Baekhyun pagkatayo nito.

Pinauna niyang lumabas ng cubicle si Baekhyun at saka niya lang pinatay yung ilaw sa cubicle nila. May iba pang mga trabahador na nandoon at busy sa pagpipirma, pagiistapler, pagchecheck at pagtatype.

Nakita pa ni Daehyun yung kasigawan ni Baekhyun kanina.

"Oy! Heechul, Taehyung, Jeasica, Krystal! Babye! Una na ko, okay?" Sigaw ni Baekhyun, nagtaas naman ng kamay yung apat at nagwave ng kamay, naamaze naman si Daehyun dahil dun.

"And kayo rin guys, ingat sa pag uwi. Babye!" Dagdag pa ni Baekhyun.

May mga sumagt ng 'babye sir' at 'ingat' kaya umalis na sila.

"Ang friendly mo pala" sabi ni Daehyun habang naglalakad sila papuntang elevator.

Napangiti naman si Baekhyun, "Nature, atsaka kailangan yun sa trabaho natin" sabi niya.

Tumango nalang si Daehyun at inantay na makarating sila sa ground floor.

Pagkarating nila ng ground floor ay nagsalita ulit si Daehyun.

"Kamusta na kayo ni Chanyeol?"

Napalingon si Baekhyun sa kanya, walang emosyon, walang kahit anong makikita o mababasa sa mukha niya, pati pagtibok ng puso ni Baekhyun ay tumigil dahil sa tanong ni Daehyun sa kanya.

Bumukas yung elevator at naunang lumabas si Baekhyun, sumunod naman si Daehyun na nag aantay pa rin ng sagot sa tanong niya.

Nang magkapantay na sila ng lakad ni Baekhyun ay saka lang siya nagsalita, "5 years na kaming hiwalay" diretsong sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa langit.

Napalingon si Daehyun, nagulat siya dahil sa pagkakaalam niya noong college sila ay masyado nilang mahal ang isat isa.

"B-Bakit? A-Anong nangyari?" Tanong ni Daehyun, at dahil dun, lumingon si Baekhyun at napangiti.

Nang makarating si Baekhyun sa tapat ng sasakyan niya ay humarap siya kay Daehyun. "Bakit curious ka? Tsaka, close ba tayo?" Tapos ay binuksan niya yung pinto.

Natulala naman si Daehyun pero natauhan rin naman siya agad, "Grabe to, magiging kaclose mo rin ako, oy!"

Sumilip naman si Baekhyun sa bintana ng sasakyan niya, "Oh edi pag naging close na tayo" sabay bukas niya ng makina.

"Oo na, oo na. Sige, mag iingat ka" sabi ni Daehyun, sighing in defeat.

Malalaman ko rin yung dahilan kung bakit.

"Sure, you too! Bye!" Sabi ni Baekhyun at pinaandar na yung sasakyan.

Habang si Daehyun ay pinanood kung paano mawala sa mga mata niya si Baekhyun.

Napangiti siya sa hindi niya malamang dahilan. Nakangiti siya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan niya, nakangiti siya habang nagdadrive at nakangiti siyang umuwi sa bahay nila.

Nang makauwi si Baekhyun ay agad siyang sinalubong ng yakap ni Chanhyun.

"Papa!"

Kinarga niya naman si Chanhyun at niyakap rin ito.

"I missed you! Kamusta?" Sabi ni Baekhyun at hinalik halikan si Chanhyun sa mukha.

Tawa naman ng tawa si Chanhyun dahil nakikiliti siya sa ginagawa ng papa siya.

"Papa, enough. Chanhyun is ticklish" sabi ni Chanhyun at ngumuso.

Napangiti si Baekhyun, "Arte naman. Namiss ka lang ni Papa eh" sabi niya at napangiti.

Mas lalo siyang ngumiti ng halikan siya ni Chanhyun sa pisngi.

"I missed you too, Papa!" Sigaw ni Chanhyun at pumatong pa sa sala nila at nagtatatalon.

Saka lang napansin ni Baekhyun si Taeyeon na nakangiti sa isang sulok.

"Hoy, bat nakangiti ka dyan?" Saway ni Baekhyun kay Taeyeon.

"Masama na pala ngumuti ngayon" sabi ni Taeyeon at inakbayan si Baekhyun.

"Eh bat ba kasi ang lapad ng ngiti mo? May manliligaw ka na ba?" Curious na tanong ni Baekhyun.

Feeling ni Taeyeon ay umakyat lahat ng dugo sa mukha niya dahil kinilig siya sa tono ng pananalita ni Baekhyun, "W-Wala ah. K-Kasi ang saya niyo panoorin kanina eh" sabi niya at umiwas ng tingin.

"Sus! Ano nga?" Pangungulit ni Baekhyun, kasi feeling niya may napupusuan na ang bestfriend niya hindi man lang siyang sinasabihan.

"Yun nga!" Sigaw ni Taeyeon at tinignan si Chanhyun na nakangiti sa kanila. "Your papa is so annoying, right?"

Tumango naman si Chanhyun kaya sinipa ni Baekhyun yung pwet ni Taeyeon.

"Ikaw ha! Kung ano ano tinuturo mo sa anak ko!" Sabi ni Baekhyun kay Taeyeon. Umiwas naman agad si Taeyeon kay Baekhyun dahil alam.niyang hahampasin na naman siya nito.

Tinawanan nalang sila ni Chanhyun.

Pagkatapos rin nilang magharutan ay nakatulog na si Chanhyun.

Kinarga ni Baekhyun si Chanhyun papunta sa higaan nito. Habang si Taeyeon ay nakasunod sa kanya dala dala yung paboritong blanket ni Chanhyun.

Nang maiayos na nila si Chanhyun ay bumalik sila sa sala para manood ng TV.

"Baek, ang saya saya niyo kanina ni Chanhyun. For sure mas masaya kung kasama---"

Di na naituloy ni Taeyeom yung sasabihin niya dahil nagsalita na agad si Baekhyun. Alam na agad ni Baekhyun kung anong tinutukoy at gustong sabihin ni Taeyeon sa kanya.

"Taeyeon, kung ano man yang sasabihin mo itigil mo na. Masakit na, please" napapikit si Baekhyun at napaform ng fist yung kamay niya.

Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan, baek?

"Pero mas magiging masaya---"

Gustong ipilit ni Taeyeon yung totoo, dahil totoo naman na mas masaya kung buo ang pamilya diba? Kaya niyang itaya yung kasiyahan niya para kay Baekhyun.

"Hindi masaya yun" walang emosyong sagot ni Baekhyun.

Pero alam kong dun ka magiging masaya.

"Taeyeon, wag mo ng ipilit. Kasi di na mababalik yung kami ni Chanyeol. Wala na" sabi ni Baekhyun, nakatingin lang siya sa TV, na wala naman siyang maintindihan sa kung anong pinanonood niya.

"Meron pa, Baek. Wag mong itago"

Sabi ni Taeyeon habang nakatingin kay Baekhyun.

Kitang kita ko pa sa mga mata mo na siya pa rin, siya't siya pa rin yung laman niyan.

"Tama na, Taeyeon. Ayokong makasakit ng inosenteng tao"

Napapikit si Baekhyun dahil naluluha na naman siya, gusto niyang maging mahina kahit ngayon lang, pero hindi pwede.

Inosente kami ni Dara, pero ako, handa akong masaktan maging masaya ka lang. You deserve happiness, all the happiness.

"Ayokong paasahin sa wala si Chanhyun, hanggat maaari, wala kaming karapatang bumuo ni Chanyeol ng pamilya," sabi ni Baekhyun at hinawakan yung kamay ni Taeyeon, "kaya ikaw, piliin mong mabuti yung lalaking mamahalin mo" ngumiti siya kay Taeyeon at sabay pitik sa noo.

Napahawak naman agad si Taeyeon sa noo niya at hinampas si Baekhyun sa braso, "Ang sakit nun ah!"

"Ang seryoso kasi ng mukha mo!" Tumayo si Taeyeon kaya tumayo rin si Baekhyun at naghabulan sila.

Hindi nila alam na mula sa malayo ay may dalawang taong kadarating lang na pinanonood sila.

"Luhan, bat nasasaktan ako?"

Napatingin si Luhan kay Chanyeol na nakatingin sa bintana nila Baekhyun, kung saan kitang kita ang masasayang ngiti ni Baekhyun habang hinahabol ni Taeyeon.

"Bat mo kasi siya iniwan?" Tanong ni Luhan, wala siyang sinabi na kahit ano kay Chanyeol. Yung tungkol sa pagbubuntis at panganganak ni Baekhyun, at kahit pa si Chanhyun ay hindi niya sinabi.

"Nabaliw siya nun" napapikit si Chanyeol habang inaalala lahat.

Lahat ng pagsisisi niya ay bumabalik, na dapat siya yung kasama ni Baekhyun sa loob, na dapat siya yung katawanan ni Baekhyun sa loob, pero asan siya?

Nasa labas, dahil siya yung nang iwan. Iniwan niya si Baekhyun sa loob at ng may bumisita ay agad pinapasok ni Baekhyun.

"Mahal niya pa ko, Luhan?"

Napatingin si Luhan sa kanya, hindi sumagot si Luhan kahit alam niya yung sagot ay hindi niya sinabi.

At dun, dun niya nalang ulit nakita ang pagtulo ng luha sa mga mata ng isang Park Chanyeol.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro