Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

스물셋

Pauwi na sana sila Luhan ng maalala nilang malapit na silang magbirthday pati mag-aaniversarry na silang magkakaibigan.

Nilabas ni Luhan yung phone niya at siniko si Sehun, "Nagtext sila sayo?" Sabi niya nang hindi lumilingon kay Sehun.

"Kanina pa. Sa bar daw. Malapit sa university" sabi ni Sehun at inakbayan si Luhan.

Sehun felt uneasy because they're going to celebrate their 3rd anniversarry without Baekhyun. Hindi siya sanay.

"Wala si Baekhyun..." sabi ni Sehun kaya nilingon siya ni Luhan.

Tumigil si Luhan sa paglalakad kaya tumigil rin si Sehun, "Tayo lang makakaalam nito, Se. Tayong apat lang nila Taeyeon," tumingin si Luhan ng diretso sa langit, "sa susunod ko na pag iisipan yung plano ko"

Tapos ay hinawakan niya yung kamay ni Sehun at inaya na ito sa paglalakad para makasunod na sila sa bar.

"Pero pano si Chanyeol?" Tanong ni Sehun habang nagsisimula na silang maglakad.

"Sehun," huminga ng malalim si Luhan at pumikit, "iniwan ni Chanyeol si Baekhyun nung unang beses nitong sinabi sa kanya na buntis siya at sinabihan siyang baliw," tumingin niya si Sehun, "nung sumunod na sinabi niya kay Chanyeol 'to, sinabihan siya ulit ni Chanyeol ng baliw at sinabihan pa siya na sana daw iyon na yung huli nilang pagkakakita," tapos ay iniwas niya ang tingin niya kay Sehun at naglakad na kaya sumunod na si Sehun sa kanya, "alam kong kahit ako, kahit ako na sabihan ni Baekhyun ng ganun ay iisipin kong baliw siya. Alam mo bang nalaman ko lang 'to nung graduation? Nung araw na nanganak siya," naninikip yung dibdib niya dahil ang daming alaala na pumapasok sa isip niya, "muntik nang mawala si Baekhyun nun, nung naging okay si Baekhyun yung baby naman. Binomba yung baby dahil hindi na siya humihinga," hinagod ni Sehun yung likod ni Luhan nang biglang nagcrack ang boses nito, "pero kinaya nila. Galit ako kay Chanyeol kasi hindi siya naniwala kay Baekhyun, ilang beses nilang pinakita satin kung gaano nila kamahal ang isa't isa at kung gaano nila kadeserve yung pagmamahal at pagsuporta ng kahit sinong nakapaligid sa kanila tapos ganito yung mangyayari? Sinasabi satin ni Chanyeol yung side niya, na mahal niya si Baekhyun, inaamin niya satin na mali yung nagawa niya, yung mga nasasabi niya, pero kapag kaharap na niya si Baekhyun nawawala yung puso niya, puro utak lang na nagtuturo sa kanyang palayuin at itaboy si Baekhyun kahit ayaw niya, kaya naniniwala ako na," huminga ng malalim si Luhan at ngumiti, "na may karapatan pa rin si Chanyeol na malaman yung totoo. Wag lang ngayon, we need time. Lots of time. Kailangan kong iprepare si Baekhyun, little by little. Pati kailangan kong maging close si Taeyeon lalo para matulungan niya ko sa mga plano ko," nakangiti si Luhan nang lumingon kay Sehun, "bubuuin ko yung pamilya nila. Kailangan kita, Sehun"

Napangiti si Sehun sa huling sinabi ni Luhan kaya hinila niya si Luhan at hinalikan sa noo, "Andito lang ako palagi sa likod mo. Lumingon ka lang, akong bahala sayo," tapos at kinup niya ang mukha nito at tinitigan mata sa mata, "and I need you more, my Luhan"

Ngumiti si Luhan at niyakap si Sehun.

"Alam mo bang nung nasa hospital kami, yakap yung kailangan ko. Dahil sobrang natakot ako nung sinabi ng doctor na baka daw sa mga susunod na araw, may mawala sa kanila. Hindi ko kinaya yun, Sehun. Pero dahil manly ako, pinigilan ko" sabi niya kaya natawa si Sehun at bumitaw sa yakap.

"Ikaw talaga" sabi ni Sehun at pinisil ang dalawang pisngi ni Luhan.

Di na nagreklamo si Luhan dahil hindi naman masakit yung pagkakapisil ni Sehun atsaka alam niyang cute siya pero mas lamang pa rin yung pagiging manly niya.

Pagkatapos nun ay masaya lang silang nagkukwentuhan ng biglang may naalala si Luhan itanong.

"Si Chanyeol at Dara? Seryoso ba sila?" Tinignan niya si Sehun, "I mean yung relationship nila, seryoso ba yun?"

Umiling si Sehun at ngumiti, "Kay Dara, seryoso. Kay Chanyeol," umiling siya habang winawagayway ang free hand niya, "its a no no. He loves Baekhyun alam mo yan. Siguro ginawa niya lang yun para, katulad nga ng sinabi mo, para itaboy si Baekhyun sa kanya" tumango naman si Luhan dahil nalaman niya na ngayon yung totoo.

"Pero grabe. Di ko naimagine na mangyayari 'to" sabi ni Luhan at umiling. Malapit na sila sa bar kaya bago sila dumire-diretso ay nagpagpag muna sila ng damit.

"Bat ba tayo nagpapagpag?" Sabi ni Sehun sa kanya habang tumatawa ng maliit.

"Ewan, nakasanayan na? Alam mo naman si Suho! Napakaarte nun eh" sabi ni Luhan.

Pagkatapos nilang magpagpag ay dumiretso na sila sa loob. Hindi na sila pinapansin ng guard doon dahil halos every friday night or weekends ay andun sila. Lalo na kapag holidays, of course.

Pagkapasok nila ay agad nilang hinanap yung mga kaibigan nila.

"I saw Chanyeol over there" sabi ni Sehun at hinila si Luhan papunta sa corner ng bar.

May mga nababangga sila but like others, they didnt mind. This is a bar, after all.

Nang makarating sila ay nakipag apir si Sehun kay Jongin at umupo naman si Luhan sa tabi ni Xiumin at binati sila Tao at Kyungsoo na nag uusap.

Pinansin rin ni Sehun si Chanyeol na nasa tabi lang ni Chen sa tabi ni Jongin pati si Kris na kararating lang galing sa Cr.

"Kulang tayo" sabi ni Chen habang binibilang sila.

Tumango naman si Kyungsoo, "Asan si Suho at Lay?" Tapos lumingon siya kay Luhan, "si Baekhyun asan?" Napatingin naman bigla si Luhan kay Kyungsoo at sinulyapan si Sehun, he did a little gesture on his hand kay Sehun na wag siyang sasagot.

"He's still not feeling well. 1 week siyang nasa hospital dahil under observation siya. But he's fine, just not feeling well" sabi niya at ngumiti.

"Can I visit him?" Napapikit si Luhan ng marahan nang magsalita si Chanyeol.

Nilingon siya si Chanyeol at ngumiti ng malungkot, "Please, Luhan. I want to see him. I badly want to see him, please"

Tinignan naman ni Sehun si Luhan, sending a message through his eyes, yes luhan, he wanted to say.

"Sorry, Chanyeol. Pero maski ako di pinapapasok sa kwarto niya. Ni hindi ko pa rin siya nakikita kaya, I assume na ayaw niya ng bisita," tapos ngumiti siya, "except kay Taeyeon. Maybe you can talk to her"

"I tried. Sabi niya di daw dapat ako mag alala kay Baekhyun dahil okay naman siya," yumuko si Chanyeol dahil nasasaktan siya, "dahil in the first place, ako yung tumalikod, ako yung nang iwan. Pero Luhan," inangat ulit ni Chanyeol yung ulo niya at nakita nila yung pagtulo ng luha ni Chanyeol, "hindi ko magets. Bat kailangan nilang ipagdamot si Baekhyun sakin? Atsaka di ko nagets yung sinabi niya, na hindi lang daw si Baekhyun yung tinalikuran," tapoa pinunasan niya yung luha niya at kinagat yung ibabang parte ng labi niya, "kung akala ninyo na si Baekhyun lang yung nasasaktan nagkakamali kayo. Dahil araw araw, araw araw pinagsisisihan kong iniwan ko siya. Pero wala na kong magawa, ayokong saktan si Dara"

"Kaya pinipili mong saktan si Baekhyun?" Sabi ni Tao.

"Pati ako" sabi ni Chanyeol at ngumiti, "dahil pati ako nasasaktan" tapos ay ininom niya yung beer na nasa harap niya.

Hinawakan ni Kyungsoo yung kamay ni Luhan, "Please, Luhan. Pagbigyan mo na si Chanyeol" Luhan wanted to melt, but he controlled himself.

This is for Baekhyun, white lie is okay. Hiding is okay. Only for Baekhyun, just for Baekhyun.

"Kyungsoo kahit gusto ko, wala rin akong choice kundi sundin si Baekhyun. Ayokong lumala yung kondisyon niya. Wag kayong mag-alala, iuupdate ko kayo lagi about kay Baekhyun"

Tumango naman sila at nagthankyou kay Luhan ng maliit.

Pagkatapos nun ay naging okay na, except from Chanyeol. Kaya wala rin choice ni Jongon at si Sehun kundi samahan siya dun habang yung mga kasama nila ay nasa dance floor kasama ang kadarating lang na si Lay at Suho.

"Tama na, yeol" pag aawat ni Jongin.

Binitawan rin naman agad ni Chanyeol yung baso at tinignan si Jongin.

"Tama bang iniwan ko siya?" Tanong niya rito.

Lumingon siya kay Sehun, "Tama bang hindi ako naniwala sa kanya?"

Hindi alam ni Jongin kung anong isasagot niya dahil wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Si Sehun naman ay nakatingin lang kay Chanyeol.

"Pakiramdam ko kasi mali eh. P-Parang tinalikuran ko yung m-mundo ko. A-Ang sakit sakit pala n-na walang B-Baekhyun sa tabi ko. W-Walang nagpapasaya sakin" tumulo na naman yung mga luha ni Chanyeol, "Gusto ko siyang bawiin. P-Pero huli na ko," umiling siya, "huling huli na ko" tapos ay tinakpan niya yung mukha niya gamit yung dalawang kamay niya.

Hindi namalayan nila Jongin at Sehun na pati sila ay napaluha na dahil sa mga sinabi ni Chanyeol.

"Mag intay ka lang, Chanyeol. Kung kayo, babalik siya. Kung hindi, wag kang maniwala sa tadhana o destiny na yan, gawan mo ng paraan" sabi ni Jongin sa kanya at pinat yung balikat niya.

Tumango lang si Sehun dahil hindi niya alam kung ano pang sasabihin niya. Ayaw niya na rin magsalita dahil baka masabi niya yung secret nila.

"Kung makita niyo man si B-Baekhyun... p-pakisabi na mahal na mahal ko siya kahit anong mangyari" sabi ni Chanyeol at uminom ulit ng beer.
Hindi na siya pinigilan ni Jongin tsaka ni Sehun, alam nilang ito lang yung way para kahit papaano, makalimutan niya 'to.

*

10 months ago...

Madaming buwan ang lumipas at isa isa silang nakatanggap ng kanya kanyang opportunities sa buhay na naging way para makalimutan nila yung mga nakaraan.

But Chanyeol is different. Dahil hanggang ngayon, parang kahapon lang nangyari lahat. Lahat lahat ng nangyari parang hinahunting siya.

Si Chanyeol ay nagtatrabaho sa isang architecture firm. Isa siya sa may pinakamataas na pwesto at pinakabatang nakapasok sa architecture firm.

Sila pa rin ni Dara hanggang ngayon, okay lang kay Chanyeol na andyan si Dara dahil kahit papaano'y natutulungan siya nito. Katulad nalang ng mga idea's ni Dara para sa dream house niya, sa gusto niyang style ng malls, ng restaurant na gusto niyang style at ambiance. Na naging dahilan kung bakit nakilala si Chanyeol dahil ginamit niya lahat ng iyon na pumasa sa mga board at luckily, blueprints niya ang pumasa dahil kakaiba ang taste at style na gusto ni Dara, may mga binago si Chanyeol pero di rin gaanong mapapansin.

Mag-iisang taon palang si Chanyeol at Dara ay tumira na sila sa iisang condominium. Hati sila sa expenses, sa rent and fee's ay parents na ni Dara ang bahala dahil sa kanilang condominium building ito.

Ngunit wala yung gusto ni Chanyeol, walang swimming pool at gym.

-

Si Baekhyun naman ay nagtatrabaho na rin. Sa hotel ng kuya niya bilang supervisor. 4mos palang ang nakakalipas nang matapos itong magawa.

Si Chanhyun ay nagsisimula nang matutong maglakad pati magsalita.

"Baby, say papa, PA-PA" turo ni Baekhyun.

"Baba" sabi ni Chanhyun kaya napangiti nalang si Baekhyun.

Thankful siya na andyan yung parents niya, si Taeyeon, Luhan at Sehun dahil minsan binabantayan nila si Chanhyun at minsan ay pinapasyal nila.

Walang balita si Baekhyun kay Chanyeol pati na rin sa iba nilang kaibigan. Ayaw niyang magtanong kay Luhan dahil nahihiya siya.

Gusto niya munang magtago sa mga ito. Gusto niyang pansamantala ay makalimutan nila si Baekhyun. Dahil babalik siya at ipakikilala niya ang Baekhyun na mas malakas, mas matatag at mas maganda.

Mag iisang taon na si Chanhyun at mag iisang taon na rin ng huli niyang makita si Chanyeol.

Masaya si Chanyeol nung huli niyang makita, nakangiti si Chanyeol. At gusto niya pagbalik niya, ganung Chanyeol pa rin yung makikita niya.

Yung Chanyeol na nagpatibok at patuloy na nagpapatibok ng puso niya.

I miss you so much, Chanyeol.

I miss you damn much, Baekhyun. But where are you?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro